Аль-МухтасарТа Ха · 20:1–89

Аль-Мухтасар · Тафсир · на тагальском

طه

Та Ха

Та Ха  · Мекканская · 135 аятов

20:1Страница 312

طه ١

Та. Ха.

Ṭā. Hā. Nauna na ang pagtatalakay sa ang mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.

20:2Страница 312

مَآ أَنزَلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ لِتَشۡقَىٰٓ ٢

Мы ниспослали тебе Коран не для того, чтобы ты стал несчастен,

Hindi Kami nagpababa sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān upang ito ay maging isang kadahilanan ng pagpapagal sa sarili mo sa panlulumo sa pag-ayaw ng mga kababayan mo sa pananampalataya sa iyo.

20:3Страница 312

إِلَّا تَذۡكِرَةٗ لِّمَن يَخۡشَىٰ ٣

а только в качестве назидания для тех, кто страшится.

Hindi Kami nagpababa nito maliban upang ito ay maging isang pagpapaalaala para sa sinumang itinuon ni Allāh sa pagkatakot sa Kanya.

20:4Страница 312

تَنزِيلٗا مِّمَّنۡ خَلَقَ ٱلۡأَرۡضَ وَٱلسَّمَٰوَٰتِ ٱلۡعُلَى ٤

Это - Ниспослание от Того, Кто сотворил землю и высокие небеса.

Nagbaba nito ni Allah na lumikha ng lupa, at lumikha ng langit na matataas; ito ay isang dakilang Qur'ān sapagkat ibinaba ito mula sa ganang [Diyos na] Dakila.

20:5Страница 312

ٱلرَّحۡمَٰنُ عَلَى ٱلۡعَرۡشِ ٱسۡتَوَىٰ ٥

Милостивый вознесся на Трон (или утвердился на Троне).

Ang Napakamaawain ay pumaitaas at umangat sa trono ayon sa kataasang naaangkop sa kapitaganan Niya – kaluwalhatian sa Kanya at Napakataas Siya.

20:6Страница 312

لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَمَا تَحۡتَ ٱلثَّرَىٰ ٦

Ему принадлежит то, что на небесах, и то, что на земле, и то, что между ними, и то, что под грунтом.

Sa Kanya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – ang anumang nasa mga langit, ang anumang nasa lupa, at ang anumang nasa ilalim ng alabok na mga nilikha, ayon sa paglikha, sa paghahari, at sa pangangasiwa.

20:7Страница 312

وَإِن تَجۡهَرۡ بِٱلۡقَوۡلِ فَإِنَّهُۥ يَعۡلَمُ ٱلسِّرَّ وَأَخۡفَى ٧

Если даже ты будешь говорить громко, Ему все равно известно тайное и сокрытое.

Kung maghahayag ka, O Sugo, ng sasabihin o magkukubli ka nito, tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nakaaalam niyon sa kabuuan niyon sapagkat Siya ay nakaaalam sa lihim at sa anumang higit na kubli kaysa sa lihim, tulad ng mga sumasagi sa kaluluwa. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.

20:8Страница 312

ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَۖ لَهُ ٱلۡأَسۡمَآءُ ٱلۡحُسۡنَىٰ ٨

Аллах - Тот, кроме Которого нет иного божества и у Которого самые прекрасные имена.

Si Allāh ay walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Ukol sa Kanya – tanging sa Kanya – ang mga pangalang masidhi sa kalubusan sa kagandahan.

20:9Страница 312

وَهَلۡ أَتَىٰكَ حَدِيثُ مُوسَىٰٓ ٩

Дошел ли до тебя рассказ о Мусе (Моисее)?

Talaga ngang nakarating sa iyo, O Sugo, ang ulat kay Moises na anak ni `Imran – sumakanya ang pangangalaga.

20:10Страница 312

إِذۡ رَءَا نَارٗا فَقَالَ لِأَهۡلِهِ ٱمۡكُثُوٓاْ إِنِّيٓ ءَانَسۡتُ نَارٗا لَّعَلِّيٓ ءَاتِيكُم مِّنۡهَا بِقَبَسٍ أَوۡ أَجِدُ عَلَى ٱلنَّارِ هُدٗى ١٠

Вот он увидел огонь и сказал своей семье: «Оставайтесь здесь! Я увидел огонь. Быть может, я принесу вам головню или же найду возле огня дорогу».

Nang may namataan siya sa paglalakbay niya na isang apoy ay nagsabi siya sa mag-anak niya: "Manatili kayo sa lugar ninyong ito; tunay na ako ay nakakita ng isang apoy. Harinawa ako ay magdadala sa inyo mula sa apoy na ito ng isang lagablab o makatagpo ako ng papatnubay sa akin tungo sa daan."

20:11Страница 312

فَلَمَّآ أَتَىٰهَا نُودِيَ يَٰمُوسَىٰٓ ١١

Когда он подошел к нему, раздался глас: «О Муса (Моисей)!

Kaya noong nakarating siya sa apoy ay nanawagan sa kanya si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa pagsabi Niya: "O Moises,

20:12Страница 312

إِنِّيٓ أَنَا۠ رَبُّكَ فَٱخۡلَعۡ نَعۡلَيۡكَ إِنَّكَ بِٱلۡوَادِ ٱلۡمُقَدَّسِ طُوٗى ١٢

Воистину, Я - твой Господь. Сними же свою обувь. Ты находишься в священной долине Тува (Това).

tunay na Ako ay ang Panginoon mo. Kaya mag-alis ka ng mga panyapak mo bilang paghahanda sa pakikipagniig sa akin. Tunay na ikaw ay nasa dinalisay na lambak ng Ṭuwā.

20:13Страница 313

وَأَنَا ٱخۡتَرۡتُكَ فَٱسۡتَمِعۡ لِمَا يُوحَىٰٓ ١٣

Я избрал тебя, и посему прислушайся к тому, что внушается тебе в откровении.

Ako ay humirang sa iyo, O Moises, para sa pagpapaabot sa pasugo Ko kaya makinig ka sa ikakasi Ko sa iyo:

20:14Страница 313

إِنَّنِيٓ أَنَا ٱللَّهُ لَآ إِلَٰهَ إِلَّآ أَنَا۠ فَٱعۡبُدۡنِي وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ لِذِكۡرِيٓ ١٤

Воистину, Я - Аллах! Нет божества, кроме Меня. Поклоняйся же Мне и совершай намаз, чтобы помнить обо Мне.

Tunay na Ako ay si Allāh; walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Akin, kaya sumamba ka sa Akin – tanging sa Akin – at magsagawa ka ng pagdarasal ayon sa pinakaganap na paraan para makaalaala ka sa Akin dito.

20:15Страница 313

إِنَّ ٱلسَّاعَةَ ءَاتِيَةٌ أَكَادُ أُخۡفِيهَا لِتُجۡزَىٰ كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا تَسۡعَىٰ ١٥

Я едва ли не скрываю Час от Самого Себя, но он непременно настанет, чтобы каждому человеку воздали тем, к чему он стремился.

Tunay na ang Huling Sandali ay darating nang walang pasubali at magaganap. Halos ako ay magkubli nito para hindi malaman ang oras nito ng isang nilikha, subalit makakikilala sila sa mga palatandaan nito sa pamamagitan ng pagpapabatid ng Propeta sa kanila, upang gantihan ang bawat kaluluwa sa anumang ginawa nito na kabutihan man o kasamaan.

20:16Страница 313

فَلَا يَصُدَّنَّكَ عَنۡهَا مَن لَّا يُؤۡمِنُ بِهَا وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ فَتَرۡدَىٰ ١٦

Пусть не отворачивает тебя от него тот, кто не верует в него и потакает своим желаниям, а не то ты погибнешь.

Kaya huwag ngang maglilihis sa iyo sa pagpapatotoo roon at paghahanda para roon sa pamamagitan ng gawang maayos ang sinumang hindi sumasampalataya roon kabilang sa mga tagatangging sumampalataya at sumunod sa pinipithaya ng sarili niya kabilang sa mga ipinagbabawal para [hindi] ka mapahamak dahilan doon.

20:17Страница 313

وَمَا تِلۡكَ بِيَمِينِكَ يَٰمُوسَىٰ ١٧

Что это у тебя в правой руке, о Муса (Моисей)?».

Ano yaong nasa kamay mong kanan, O Moises?"

20:18Страница 313

قَالَ هِيَ عَصَايَ أَتَوَكَّؤُاْ عَلَيۡهَا وَأَهُشُّ بِهَا عَلَىٰ غَنَمِي وَلِيَ فِيهَا مَـَٔارِبُ أُخۡرَىٰ ١٨

Муса (Моисей) сказал: «Это - мой посох. Я опираюсь на него и сбиваю им листья для моих овец (или отгоняю им моих овец). Я нахожу ему и другое применение».

Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga: "Ito ay tungkod ko; umaasa ako rito sa paglalakad at humahampas ako sa pamamagitan nito sa mga punong-kahoy upang bumagsak ang mga dahon ng mga iyon para sa mga tupa ko. Mayroon ako ritong mga pakinabang na iba pa sa nabanggit ko."

20:19Страница 313

قَالَ أَلۡقِهَا يَٰمُوسَىٰ ١٩

Аллах сказал: «О Муса (Моисей)! Брось его».

Nagsabi si Allāh: "Ihagis mo iyan, O Moises."

20:20Страница 313

فَأَلۡقَىٰهَا فَإِذَا هِيَ حَيَّةٞ تَسۡعَىٰ ٢٠

Он бросил посох, и тот превратился в змею, которая быстро двигалась.

Kaya inihagis iyon ni Moises saka biglang nag-anyo iyon na isang ahas na umuusad nang may bilis at gaan.

20:21Страница 313

قَالَ خُذۡهَا وَلَا تَخَفۡۖ سَنُعِيدُهَا سِيرَتَهَا ٱلۡأُولَىٰ ٢١

Аллах сказал: «Возьми ее и не бойся. Мы вернем ее в прежнее состояние.

Nagsabi si Allāh kay Moises – sumakanya ang pangangalaga: "Kunin mo ang tungkod at huwag kang mangamba sa pag-aanyong ahas niyan; magpapanumbalik Kami riyan kapag dinala mo iyan sa unang kalagayan niyan.

20:22Страница 313

وَٱضۡمُمۡ يَدَكَ إِلَىٰ جَنَاحِكَ تَخۡرُجۡ بَيۡضَآءَ مِنۡ غَيۡرِ سُوٓءٍ ءَايَةً أُخۡرَىٰ ٢٢

Прижми свою руку к боку, и она выйдет белой (цвета молока, светящейся), без следов болезни. Вот тебе еще одно знамение!

Idikit mo ang kamay mo sa gilid mo, lalabas itong maputi na walang ketong bilang ikalawang palatandaan para sa iyo.

20:23Страница 313

لِنُرِيَكَ مِنۡ ءَايَٰتِنَا ٱلۡكُبۡرَى ٢٣

Мы покажем тебе некоторые из Наших величайших знамений.

Nagpakita Kami sa iyo nitong dalawang palatandaan upang magpakita Kami sa iyo, O Moises, ng ilan sa mga tanda Naming pinakadakilang nagpapatunay sa kakayahan Namin at na ikaw ay isang sugo mula sa ganang Amin.

20:24Страница 313

ٱذۡهَبۡ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ ٢٤

Ступай к Фараону, ибо он преступил границы дозволенного».

Magtungo ka, O Moises, kay Paraon sapagkat tunay na siya ay lumampas sa hangganan sa kawalang-pananampalataya at paghihimagsik kay Allāh."

20:25Страница 313

قَالَ رَبِّ ٱشۡرَحۡ لِي صَدۡرِي ٢٥

Муса (Моисей) сказал: «Господи! Раскрой для меня мою грудь!

Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga: "Panginoon ko, magpaluwang Ka para sa akin ng dibdib ko upang mabata ko ang pananakit;

20:26Страница 313

وَيَسِّرۡ لِيٓ أَمۡرِي ٢٦

Облегчи мою миссию!

magpagaan Ka para sa akin ng nauukol sa akin;

20:27Страница 313

وَٱحۡلُلۡ عُقۡدَةٗ مِّن لِّسَانِي ٢٧

Развяжи узел на моем языке,

magpakaya Ka sa akin sa pagbigkas ng matatas na pananalita,

20:28Страница 313

يَفۡقَهُواْ قَوۡلِي ٢٨

чтобы они могли понять мою речь.

upang makaintindi sila sa pananalita ko kapag nagpaabot ako sa kanila ng pasugo Mo;

20:29Страница 313

وَٱجۡعَل لِّي وَزِيرٗا مِّنۡ أَهۡلِي ٢٩

Назначь мне помощника из моей семьи -

gumawa Ka para sa akin ng isang tagatulong mula sa mag-anak ko, na tutulong sa akin sa mga gawain ko,

20:30Страница 313

هَٰرُونَ أَخِي ٣٠

брата моего Харуна (Аарона).

si Aaron na anak `Imran, na kapatid ko;

20:31Страница 313

ٱشۡدُدۡ بِهِۦٓ أَزۡرِي ٣١

Умножь благодаря ему силу мою

magpalakas Ka sa pamamagitan niya ng likod ko;

20:32Страница 313

وَأَشۡرِكۡهُ فِيٓ أَمۡرِي ٣٢

и позволь ему разделить со мной мою миссию,

at gawin Mo siya bilang katambal para sa akin sa pasugo

20:33Страница 313

كَيۡ نُسَبِّحَكَ كَثِيرٗا ٣٣

чтобы мы славили Тебя многократно

upang magluwalhati kami sa Iyo nang pagluluwalhating madalas

20:34Страница 313

وَنَذۡكُرَكَ كَثِيرًا ٣٤

и поминали Тебя многократно.

at umalaala kami sa Iyo nang pag-aalaalang madalas.

20:35Страница 313

إِنَّكَ كُنتَ بِنَا بَصِيرٗا ٣٥

Воистину, Ты видишь нас».

Tunay na Ikaw, laging sa amin, ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Iyo na anuman mula sa nauukol sa amin."

20:36Страница 313

قَالَ قَدۡ أُوتِيتَ سُؤۡلَكَ يَٰمُوسَىٰ ٣٦

Аллах сказал: «О Муса (Моисей)! Ты уже получил то, что попросил.

Nagsabi si Allāh: "Nagbigay nga Kami sa iyo ng hiningi mo, O Moises.

20:37Страница 313

وَلَقَدۡ مَنَنَّا عَلَيۡكَ مَرَّةً أُخۡرَىٰٓ ٣٧

Мы и прежде оказывали тебе милость,

Talaga ngang nagbiyaya Kami sa iyo sa isa pang pagkakataon,

20:38Страница 314

إِذۡ أَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰٓ أُمِّكَ مَا يُوحَىٰٓ ٣٨

когда внушили твоей матери откровение:

noong nagsiwalat Kami sa ina mo ng isiniwalat kabilang sa ipinangalaga sa iyo ni Allāh laban sa pakana ni Paraon,

20:39Страница 314

أَنِ ٱقۡذِفِيهِ فِي ٱلتَّابُوتِ فَٱقۡذِفِيهِ فِي ٱلۡيَمِّ فَلۡيُلۡقِهِ ٱلۡيَمُّ بِٱلسَّاحِلِ يَأۡخُذۡهُ عَدُوّٞ لِّي وَعَدُوّٞ لَّهُۥۚ وَأَلۡقَيۡتُ عَلَيۡكَ مَحَبَّةٗ مِّنِّي وَلِتُصۡنَعَ عَلَىٰ عَيۡنِيٓ ٣٩

«Положи его в сундук и пусти его по реке, и река выбросит его на берег. Его подберет Мой враг и его враг». Я одарил тебя Своей любовью, и тебя взрастили у Меня на Глазах.

Nag-utos nga Kami nang nagsiwalat Kami sa ina niya na: 'Itapon mo siya, matapos ng kapanganakan niya, sa kahon, itapon mo ang kahon sa ilog saka ihahagis siya ng ilog sa dalampasigan ayon sa utos Namin, saka kukunin siya ng isang kaaway para sa Akin at para sa kanya, si Paraon. Naglagay Ako sa iyo ng isang pag-ibig mula sa Akin kaya iibigin ka ng mga tao, at upang maaruga ka sa ilalim ng mata Ko at sa pag-iingat Ko at pag-aalaga Ko."

20:40Страница 314

إِذۡ تَمۡشِيٓ أُخۡتُكَ فَتَقُولُ هَلۡ أَدُلُّكُمۡ عَلَىٰ مَن يَكۡفُلُهُۥۖ فَرَجَعۡنَٰكَ إِلَىٰٓ أُمِّكَ كَيۡ تَقَرَّ عَيۡنُهَا وَلَا تَحۡزَنَۚ وَقَتَلۡتَ نَفۡسٗا فَنَجَّيۡنَٰكَ مِنَ ٱلۡغَمِّ وَفَتَنَّٰكَ فُتُونٗاۚ فَلَبِثۡتَ سِنِينَ فِيٓ أَهۡلِ مَدۡيَنَ ثُمَّ جِئۡتَ عَلَىٰ قَدَرٖ يَٰمُوسَىٰ ٤٠

Твоя сестра пришла к семье Фараона и сказала: «Не указать ли вам на ту, которая будет заботиться о нем?». Мы вернули тебя к твоей матери, чтобы порадовался ее взор и чтобы она не горевала. Ты убил человека, и Мы спасли тебя от скорби и подвергли тебя тяжелому испытанию. О Муса (Моисей)! Ты пробыл многие годы среди жителей Мадьяна, а теперь вернулся в срок.

[Nagmagandang-loob sa iyo] noong lumabas ang babaing kapatid mo, na umuusad sa tuwing umuusad ang baul habang sumusunod doon. Saka nagsabi ito sa nakakuha sa kanya: "Gagabay po kaya ako sa inyo tungo sa mag-iingat sa kanya, magpapasuso sa kanya, at mag-aalaga sa kanya?" Kaya nagmagandang-loob Kami sa iyo sa pagpapabalik sa iyo sa ina mo upang sumaya siya sa pagbabalik mo sa kanya at hindi siya malungkot dahil sa iyo. Nakapatay ka ng koptiko na sinuntok mo ngunit nagmagandang-loob Kami sa iyo sa pagliligtas sa iyo mula sa kaparusahan. Nagligtas Kami sa iyo nang paulit-ulit sa bawat pagsubok na nakaharap mo. Nakalabas ka at namalagi ka ng mga taon sa mga mamayan ng Madyan. Pagkatapos pumunta ka [rito] sa oras na itinakda para sa iyo na pumunta ka rito para sa pakikipag-usap mo, O Moises.

20:41Страница 314

وَٱصۡطَنَعۡتُكَ لِنَفۡسِي ٤١

Я избрал тебя для Себя.

Pumili Ako sa iyo upang ikaw ay maging isang sugo para sa Akin, na magpapaabot ka sa mga tao ng ikinasi Ko sa iyo.

20:42Страница 314

ٱذۡهَبۡ أَنتَ وَأَخُوكَ بِـَٔايَٰتِي وَلَا تَنِيَا فِي ذِكۡرِي ٤٢

Ступайте же вместе с твоим братом с Моими знамениями и не уставайте поминать Меня.

Pumunta ka mismo, O Moises, at ang kapatid mong si Aaron kalakip ng mga tanda Kong nagpapatunay sa kakayahan Ko at kaisahan Ko. Huwag kayong dalawang manghina sa pag-aanyaya tungo sa Akin at sa pag-alaala sa Akin.

20:43Страница 314

ٱذۡهَبَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ إِنَّهُۥ طَغَىٰ ٤٣

Ступайте к Фараону вдвоем, ибо он преступил границы дозволенного.

Pumunta kayong dalawa kay Paraon sapagkat tunay na siya ay lumampas sa hangganan sa kawalang-pananampalataya at paghihimagsik kay Allāh.

20:44Страница 314

فَقُولَا لَهُۥ قَوۡلٗا لَّيِّنٗا لَّعَلَّهُۥ يَتَذَكَّرُ أَوۡ يَخۡشَىٰ ٤٤

Говорите с ним мягко, быть может, он прислушается к назиданию или устрашится».

Saka magsabi kayong dalawa sa kanya ng isang pagsasabing mabait na walang karahasan, sa pag-asang magsaalaala siya at mangamba siya kay Allāh para magbalik-loob siya.

20:45Страница 314

قَالَا رَبَّنَآ إِنَّنَا نَخَافُ أَن يَفۡرُطَ عَلَيۡنَآ أَوۡ أَن يَطۡغَىٰ ٤٥

Они сказали: «Господь наш! Мы боимся, что он поспешит наказать нас или преступит границы дозволенного».

Nagsabi sina Moises at Aaron – sumakanilang dalawa ang pangangalaga: "Tunay na kami ay nangangamba na magmadali siya sa kaparusahan bago ng pagkalubos ng paanyaya sa kanya o na lumampas siya sa hangganan sa paglabag sa amin sa katarungan sa pamamagitan ng pagpatay o iba pa."

20:46Страница 314

قَالَ لَا تَخَافَآۖ إِنَّنِي مَعَكُمَآ أَسۡمَعُ وَأَرَىٰ ٤٦

Аллах сказал: «Не бойтесь, ибо Я - с вами. Я слышу и вижу.

Nagsabi si Allāh sa kanilang dalawa: "Huwag kayong dalawang mangamba. Tunay na Ako ay kasama sa inyong dalawa sa pag-aadya at pag-alalay; nakaririnig Ako at nakakikita Ako sa nangyayari sa pagitan ninyong dalawa at niya.

20:47Страница 314

فَأۡتِيَاهُ فَقُولَآ إِنَّا رَسُولَا رَبِّكَ فَأَرۡسِلۡ مَعَنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَلَا تُعَذِّبۡهُمۡۖ قَدۡ جِئۡنَٰكَ بِـَٔايَةٖ مِّن رَّبِّكَۖ وَٱلسَّلَٰمُ عَلَىٰ مَنِ ٱتَّبَعَ ٱلۡهُدَىٰٓ ٤٧

Ступайте к нему вдвоем и скажите: «Мы - посланники твоего Господа. Отпусти с нами сынов Исраила (Израиля) и не причиняй им мучения. Мы явились к тебе со знамением от нашего Господа. Мир тому, кто последовал верному руководству!

Kaya pumunta kayong dalawa sa kanya saka magsabi kayong dalawa sa kanya: 'Tunay na kami ay dalawang sugo ng Panginoon mo, O Paraon, kaya ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel at huwag mo silang pagdusahin sa pamamagitan ng pagpatay sa mga anak nila at pagpapanatiling buhay sa mga kababaihan nila. Dumating nga kami sa iyo kalakip ng isang patotoo mula sa Panginoon mo sa katapatan namin. Ang katiwasayan mula sa parusa ni Allāh ay ukol sa sinumang sumampalataya at sumunod sa patnubay ni Allāh.

20:48Страница 314

إِنَّا قَدۡ أُوحِيَ إِلَيۡنَآ أَنَّ ٱلۡعَذَابَ عَلَىٰ مَن كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ ٤٨

Мы получили откровение о том, что мучениям подвергнется всякий, кто счел истину ложью и отвернулся».

Tunay na kami ay kinasihan nga ni Allāh na ang pagdurusa sa Mundo at Kabilang-buhay ay sa sinumang nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at umayaw sa inihatid ng mga sugo.

20:49Страница 314

قَالَ فَمَن رَّبُّكُمَا يَٰمُوسَىٰ ٤٩

Фараон сказал: «Кто же ваш Господь, о Муса (Моисей)?».

Nagsabi si Paraon habang nagmamasama sa inihatid nilang dalawa: "Kaya sino ang Panginoon ninyong dalawa na inaangkin ninyong dalawa na nagsugo sa inyong dalawa, O Moises?"

20:50Страница 314

قَالَ رَبُّنَا ٱلَّذِيٓ أَعۡطَىٰ كُلَّ شَيۡءٍ خَلۡقَهُۥ ثُمَّ هَدَىٰ ٥٠

Муса (Моисей) ответил: «Господь наш - Тот, Кто придал облик всякой вещи, а затем указал всему путь».

Nagsabi si Moises: "Ang Panginoon namin ay ang nagbigay sa bawat bagay ng imahen nito at hugis nitong naaangkop para rito, pagkatapos nagpatnubay sa mga nilikha para sa dahilan ng pagkalikha Niya sa mga ito."

20:51Страница 314

قَالَ فَمَا بَالُ ٱلۡقُرُونِ ٱلۡأُولَىٰ ٥١

Фараон сказал: «А что будет с первыми поколениями?».

Nagsabi si Paraon: "Kay paano naman ang pumapatungkol sa mga kalipunang nauna na noon ay nasa kawalang-pananampalataya?"

20:52Страница 315

قَالَ عِلۡمُهَا عِندَ رَبِّي فِي كِتَٰبٖۖ لَّا يَضِلُّ رَبِّي وَلَا يَنسَى ٥٢

Муса (Моисей) ответил: «Знание об этом - у моего Господа в Писании. Мой Господь не ошибается и не забывает».

Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga – kay Paraon: "Ang kaalaman sa lagay noon ng mga kalipunang iyon ay nasa ganang Panginoon ko, na napagtibay sa Tablerong Pinag-iingatan. Hindi nagkakamali ang Panginoon ko sa kaalaman doon at hindi Siya nakalilimot sa alam Niya mula roon.

20:53Страница 315

ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ مَهۡدٗا وَسَلَكَ لَكُمۡ فِيهَا سُبُلٗا وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجٗا مِّن نَّبَاتٖ شَتَّىٰ ٥٣

Он сделал землю для вас колыбелью, проложил для вас на ней дороги и низвел с неба воду. Благодаря ей Мы взрастили различные растения.

Sa ganang Panginoon ko na gumawa para sa inyo ng lupa bilang inilatag para sa pamumuhay sa ibabaw nito, naglagay para sa inyo rito ng mga daang naaangkop para sa paglalakbay rito, at nagpababa mula sa langit ng tubig ng ulan." Kaya nagpalabas Kami sa pamamagitan ng tubig na iyon ng mga uri ng mga halamang magkakaiba-iba.

20:54Страница 315

كُلُواْ وَٱرۡعَوۡاْ أَنۡعَٰمَكُمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّأُوْلِي ٱلنُّهَىٰ ٥٤

Вкушайте сами и пасите свой скот. Воистину, в этом - знамения для обладающих разумом.

Kumain kayo, O mga tao, mula sa pinalabas Namin para sa inyo na mga kaaya-ayang bagay at magpastol kayo ng mga hayupan ninyo. Tunay na sa nabanggit na iyon na mga biyaya ay talagang may mga patunay sa kakayahan ni Allāh at kaisahan Niya para sa mga may isip.

20:55Страница 315

۞ مِنۡهَا خَلَقۡنَٰكُمۡ وَفِيهَا نُعِيدُكُمۡ وَمِنۡهَا نُخۡرِجُكُمۡ تَارَةً أُخۡرَىٰ ٥٥

Мы сотворили вас из нее (земли), в нее Мы вас вернем и из нее выведем еще раз.

Mula sa alabok ng lupa lumikha Kami sa ama ninyong si Adan – sumakanya ang pangangalaga. Dito magpapabalik Kami sa inyo sa paglibing sa inyo kapag namatay kayo. Mula rito magpapalabas Kami sa inyo sa muli para sa pagbubuhay sa Araw ng Pagbangon.

20:56Страница 315

وَلَقَدۡ أَرَيۡنَٰهُ ءَايَٰتِنَا كُلَّهَا فَكَذَّبَ وَأَبَىٰ ٥٦

Мы явили ему (Фараону) всевозможные Наши знамения, но он счел их ложью и отказался.

Talaga ngang naglantad Kami para kay Paraon ng siyam na tanda Namin sa kabuuan ng mga ito at nakasaksi siya sa mga ito ngunit nagpasinungaling siya sa mga ito at tumanggi siya na tumugon sa pananampalataya kay Allāh.

20:57Страница 315

قَالَ أَجِئۡتَنَا لِتُخۡرِجَنَا مِنۡ أَرۡضِنَا بِسِحۡرِكَ يَٰمُوسَىٰ ٥٧

Он сказал: «О Муса (Моисей)! Неужели ты явился к нам, чтобы изгнать нас из нашей земли своим колдовством?

Nagsabi si Paraon: "Dumating ka ba sa amin upang magpalabas ka sa amin mula sa Ehipto sa pamamagitan ng dinala mo na panggagaway, O Moises, upang maiwan sa iyo ang paghahari rito?

20:58Страница 315

فَلَنَأۡتِيَنَّكَ بِسِحۡرٖ مِّثۡلِهِۦ فَٱجۡعَلۡ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكَ مَوۡعِدٗا لَّا نُخۡلِفُهُۥ نَحۡنُ وَلَآ أَنتَ مَكَانٗا سُوٗى ٥٨

Мы непременно покажем тебе такое же колдовство. Назначь же срок для нашей встречи на открытом месте, где мы будем иметь равные шансы, и никто из нас не должен нарушить его».

Kaya talagang magdadala nga kami sa iyo, O Moises, ng isang panggagaway tulad ng panggagaway mo. Kaya gumawa ka sa pagitan namin at ninyo ng isang tipanan sa isang panahong nalalaman at isang lugar na tinakdaan, na hindi kami sisira mismo at hindi ka sisira mismo roon. Ang lugar ay maging isang kalagitnaan sa pagitan ng dalawang pangkat, na kasukat.

20:59Страница 315

قَالَ مَوۡعِدُكُمۡ يَوۡمُ ٱلزِّينَةِ وَأَن يُحۡشَرَ ٱلنَّاسُ ضُحٗى ٥٩

Муса сказал: «Сроком для вас будет день украшения, и пусть люди соберутся утром».

Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga – kay Paraon: "Ang tipanan sa pagitan namin at ninyo ay ang araw ng pagdiriwang kung saan magtitipon ang mga tao habang mga nagdiriwang ng pagdiriwang nila sa gitnang-umaga."

20:60Страница 315

فَتَوَلَّىٰ فِرۡعَوۡنُ فَجَمَعَ كَيۡدَهُۥ ثُمَّ أَتَىٰ ٦٠

Фараон отвернулся и собрал свои козни (собрал своих колдунов), а затем пришел в назначенный срок.

Kaya tumalikod si Paraon habang lumilisan at bumuo ito ng panlalansi nito at panggugulang niya, pagkatapos ay dumating ito sa panahong tinakdaan at pook na tinakdaan para sa pakikipanaig.

20:61Страница 315

قَالَ لَهُم مُّوسَىٰ وَيۡلَكُمۡ لَا تَفۡتَرُواْ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا فَيُسۡحِتَكُم بِعَذَابٖۖ وَقَدۡ خَابَ مَنِ ٱفۡتَرَىٰ ٦١

Муса (Моисей) сказал им: «Горе вам! Не возводите навет на Аллаха, а не то Он уничтожит вас, подвергнув мучениям. Неудача постигнет того, кто измышляет ложь».

Nagsabi si Moises habang nangangaral sa mga manggagaway ni Paraon: "Mag-ingat kayo! Huwag kayong lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingang sa pamamagitan ng panggagaway na ipinandadaya ninyo sa mga tao sapagkat lilipulin Niya kayo sa pamamagitan ng isang pagdurusa mula sa ganang Kanya. Nalugi nga ang sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng kasinungalingan."

20:62Страница 315

فَتَنَٰزَعُوٓاْ أَمۡرَهُم بَيۡنَهُمۡ وَأَسَرُّواْ ٱلنَّجۡوَىٰ ٦٢

Они стали спорить между собой о своих действиях и сохранили свой разговор в тайне.

Kaya nagtalu-talo ang mga manggagaway noong narinig nila ang pananalita ni Moises – sumakanya ang pangangalaga – at sarilinang nag-usapan sila sa pagitan nila nang palihim.

20:63Страница 315

قَالُوٓاْ إِنۡ هَٰذَٰنِ لَسَٰحِرَٰنِ يُرِيدَانِ أَن يُخۡرِجَاكُم مِّنۡ أَرۡضِكُم بِسِحۡرِهِمَا وَيَذۡهَبَا بِطَرِيقَتِكُمُ ٱلۡمُثۡلَىٰ ٦٣

Они сказали: «Эти двое мужчин - колдуны. Они хотят колдовством изгнать вас из вашей страны и вдвоем следовать вашим превосходным путем.

Nagsabi ang iba sa mga manggagaway sa iba pa sa kanila nang palihim: "Tunay na sina Moises at Aaron ay dalawang manggagaway na nagnanais na magpalabas sa inyo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng panggagaway nilang dalawa na inihatid nilang dalawa at mag-alis sa kalakaran ninyong pinakamataas sa buhay at katuruan ninyong pinakamatayog.

20:64Страница 315

فَأَجۡمِعُواْ كَيۡدَكُمۡ ثُمَّ ٱئۡتُواْ صَفّٗاۚ وَقَدۡ أَفۡلَحَ ٱلۡيَوۡمَ مَنِ ٱسۡتَعۡلَىٰ ٦٤

Объедините ваши козни и выстройтесь в ряд. Сегодня преуспеет тот, кто одержит верх».

Kaya magpatibay kayo ng nauukol sa inyo at huwag kayong magkaiba-iba. Pagkatapos sumulong kayo na mga nakahanay at bumato kayo ng taglay ninyo nang isang batuhan. Nagtamo nga ng hinihiling sa araw na ito ang sinumang nanaig sa kaalitan niya.

20:65Страница 316

قَالُواْ يَٰمُوسَىٰٓ إِمَّآ أَن تُلۡقِيَ وَإِمَّآ أَن نَّكُونَ أَوَّلَ مَنۡ أَلۡقَىٰ ٦٥

Они сказали: «О Муса (Моисей)! Ты бросишь первым, или же нам бросать первыми?».

Nagsabi ang mga manggagaway kay Moises – sumakanya ang pangangalaga: "O Moises, mamili ka sa dalawang bagay: na ikaw ang magsisimula sa pagpukol ng taglay mong panggagaway o kami ang mga magsisimula niyon."

20:66Страница 316

قَالَ بَلۡ أَلۡقُواْۖ فَإِذَا حِبَالُهُمۡ وَعِصِيُّهُمۡ يُخَيَّلُ إِلَيۡهِ مِن سِحۡرِهِمۡ أَنَّهَا تَسۡعَىٰ ٦٦

Он сказал: «Нет, бросайте вы!». И тут ему представилось, что их веревки и посохи от их колдовства пришли в движение.

Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga: "Bagkus magtapon kayo muna ng taglay ninyo." Kaya nagtapon sila ng taglay nila kaya biglang ang mga lubid nila at ang mga tungkod nila na itinapon nila ay ginuniguni kay Moises, dahil sa panggagaway nila, na ang mga ito ay mga ulupong na kumikilos nang may kabilisan.

20:67Страница 316

فَأَوۡجَسَ فِي نَفۡسِهِۦ خِيفَةٗ مُّوسَىٰ ٦٧

Тогда он почувствовал в душе страх.

Kaya nagkimikim si Moises sa sarili niya ng pangamba sa niyari nila.

20:68Страница 316

قُلۡنَا لَا تَخَفۡ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡأَعۡلَىٰ ٦٨

Мы сказали: «Не бойся! Ты одержишь верх.

Nagsabi si Allāh kay Moises – sumakanya ang pangangalaga – habang nagpapanatag sa kanya: "Huwag kang mangamba sa ginuniguni sa iyo, O Moises; ikaw at ang mangingibabaw sa kanila sa pananaig at pagwawagi."

20:69Страница 316

وَأَلۡقِ مَا فِي يَمِينِكَ تَلۡقَفۡ مَا صَنَعُوٓاْۖ إِنَّمَا صَنَعُواْ كَيۡدُ سَٰحِرٖۖ وَلَا يُفۡلِحُ ٱلسَّاحِرُ حَيۡثُ أَتَىٰ ٦٩

Брось то, что держишь в своей деснице, и оно проглотит содеянное ими. Воистину, содеянное ими - это козни колдуна, а колдун не преуспеет, куда бы он ни пришел».

Magtapon ka ng tungkod mo na nasa kamay mong kanan, mag-aanyong isang ahas ito na lululon sa niyari nila mula sa panggagaway sapagkat wala silang niyari kundi isang pakanang pampanggagaway. Hindi nagtatamo ang manggagaway ng isang hinihiling saanman siya naroon.

20:70Страница 316

فَأُلۡقِيَ ٱلسَّحَرَةُ سُجَّدٗا قَالُوٓاْ ءَامَنَّا بِرَبِّ هَٰرُونَ وَمُوسَىٰ ٧٠

Колдуны пали ниц и сказали: «Мы уверовали в Господа Харуна (Аарона) и Мусы (Моисея)!».

Kaya nagtapon si Moises ng tungkod niya saka nag-anyong isang ahas ito at nilulon nito ang niyari ng mga manggagaway. Kaya nagpatirapa ang mga manggagaway noong nalaman nilang ang taglay ni Moises ay hindi panggagaway. Ito lamang ay mula sa ganang kay Allāh. Nagsabi sila: "Sumampalataya kami sa Panginoon nina Moises at Aaron, ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha."

20:71Страница 316

قَالَ ءَامَنتُمۡ لَهُۥ قَبۡلَ أَنۡ ءَاذَنَ لَكُمۡۖ إِنَّهُۥ لَكَبِيرُكُمُ ٱلَّذِي عَلَّمَكُمُ ٱلسِّحۡرَۖ فَلَأُقَطِّعَنَّ أَيۡدِيَكُمۡ وَأَرۡجُلَكُم مِّنۡ خِلَٰفٖ وَلَأُصَلِّبَنَّكُمۡ فِي جُذُوعِ ٱلنَّخۡلِ وَلَتَعۡلَمُنَّ أَيُّنَآ أَشَدُّ عَذَابٗا وَأَبۡقَىٰ ٧١

Фараон сказал: «Неужели вы поверили ему без моего соизволения? Воистину, он - старший из вас, который научил вас колдовству. Я отрублю вам руки и ноги накрест и распну вас на пальмовых стволах. Вот тогда вы узнаете, чье наказание суровее и долговечнее».

Nagsabi si Paraon habang nagmamasama sa mga manggagaway sa pagsampalataya nila at habang nagbabanta: "Sumampalataya ba kayo kay Moises bago ako magpahintulot sa inyo niyon? Tunay na si Moises ay talagang ang pangulo ninyo, O mga manggagaway, na nagturo sa inyo ng panggagaway. Kaya talagang magpuputul-putol nga ako mula sa bawat isa sa inyo ng paa at kamay nang magkabilaan sa pagitan ng dalawang dako ng dalawang ito. Talagang magbibitin nga ako sa mga katawan ninyo sa mga puno ng datiles hanggang sa mamatay kayo at kayo ay maging aral sa iba pa sa inyo. Talagang makaaalam nga kayo sa sandaling iyon kung alin sa atin ang higit na malakas sa [pagdudulot ng] pagdurusa at higit na namamalagi: ako o ang Panginoon ni Moises?"

20:72Страница 316

قَالُواْ لَن نُّؤۡثِرَكَ عَلَىٰ مَا جَآءَنَا مِنَ ٱلۡبَيِّنَٰتِ وَٱلَّذِي فَطَرَنَاۖ فَٱقۡضِ مَآ أَنتَ قَاضٍۖ إِنَّمَا تَقۡضِي هَٰذِهِ ٱلۡحَيَوٰةَ ٱلدُّنۡيَآ ٧٢

Они сказали: «Мы не отдадим тебе предпочтения перед ясными знамениями, которые явились нам, и перед нашим Творцом. Выноси же свой приговор! Воистину, ты выносишь приговор только в мирской жизни.

Nagsabi ang mga manggagaway kay Paraon: "Hindi kami magmamagaling sa pagsunod sa iyo, O Paraon, higit sa pagsunod sa dumating sa amin na mga tandang maliwanag at hindi kami magmamagaling sa iyo higit kay Allāh na lumikha sa amin. Kaya gawin mo ang anumang gagawin mo sa amin. Wala kang kapamahalaan sa amin maliban sa buhay na nagmamaliw na ito. Maglalaho ang kapamahalaan mo.

20:73Страница 316

إِنَّآ ءَامَنَّا بِرَبِّنَا لِيَغۡفِرَ لَنَا خَطَٰيَٰنَا وَمَآ أَكۡرَهۡتَنَا عَلَيۡهِ مِنَ ٱلسِّحۡرِۗ وَٱللَّهُ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰٓ ٧٣

Воистину, мы уверовали в нашего Господа для того, чтобы Он простил нам наши грехи и колдовство, к которому ты нас принудил. Аллах лучше и долговечнее».

Tunay na kami ay sumampalataya sa Panginoon namin sa pag-asang magpawi Siya sa amin ng mga pagsuway naming nagdaan gaya ng kawalang-pananampalataya at iba pa rito at magpawi Siya sa amin ng pagkakasala ng panggagaway na nagpumilit ka sa amin sa pagkatuto nito, pagsasagawa nito, at pagtatangkang manaig kay Moises dito. Si Allāh ay higit na mabuti sa pagganti kaysa sa ipinangako mo sa amin at higit na namamalagi sa [pagdudulot ng] pagdurusa kaysa sa ibinanta mo sa amin na pagdurusa."

20:74Страница 316

إِنَّهُۥ مَن يَأۡتِ رَبَّهُۥ مُجۡرِمٗا فَإِنَّ لَهُۥ جَهَنَّمَ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحۡيَىٰ ٧٤

Тому, кто явится к своему Господу, будучи грешником, уготована Геенна, в которой он не умрет и не будет жить.

Tunay na ang lagay at ang resulta ay na ang sinumang pumunta sa Panginoon niya sa Araw ng Pagbangon bilang tagatangging sumampalataya sa Kanya, ukol dito ay ang Apoy ng Impiyerno, na papasukin nito bilang mamamalagi roon magpakailanman. Hindi ito mamamatay roon para makapagpahinga mula sa pagdurusa roon at hindi ito mabubuhay sa isang buhay na kaaya-aya.

20:75Страница 316

وَمَن يَأۡتِهِۦ مُؤۡمِنٗا قَدۡ عَمِلَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَأُوْلَٰٓئِكَ لَهُمُ ٱلدَّرَجَٰتُ ٱلۡعُلَىٰ ٧٥

А тем, кто явится к Нему, будучи верующим, совершив праведные деяния, уготованы высшие ступени -

Ang sinumang pumunta sa Panginoon nito sa Araw ng Pagbangon bilang mananampalataya sa Kanya ay gumawa nga ng mga gawang maayos. Kaya ang mga nailalarawang iyon sa mga dakilang katangiang iyon ay ukol sa kanila ang mga tahanang angat at ang mga antas na mataas:

20:76Страница 316

جَنَّٰتُ عَدۡنٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ جَزَآءُ مَن تَزَكَّىٰ ٧٦

сады Эдема, в которых текут реки. Они пребудут там вечно. Таково воздаяние тем, кто очистился.

Ang mga antas na iyon ay ang mga hardin ng pagpapanatili na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito bilang mga namamalagi sa mga ito magpakailanman. Ang nabanggit na ganting iyon ay ang ganti sa bawat nagpakalinis mula sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.

20:77Страница 317

وَلَقَدۡ أَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰٓ أَنۡ أَسۡرِ بِعِبَادِي فَٱضۡرِبۡ لَهُمۡ طَرِيقٗا فِي ٱلۡبَحۡرِ يَبَسٗا لَّا تَخَٰفُ دَرَكٗا وَلَا تَخۡشَىٰ ٧٧

Мы внушили Мусе (Моисею) откровение: «Ночью отправляйся в путь с Моими рабами и проложи для них по морю сухую дорогу. Не бойся, что тебя настигнут, и не опасайся!».

Talaga ngang nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]: "Maglakbay ka sa gabi mula sa Ehipto upang walang makaramdam sa kanila na isa man. Gumawa ka para sa kanila ng isang tuyong daan sa dagat matapos ng pagpalo sa dagat ng tungkod. Napapanatag, huwag kang mangamba na makaabot sa iyo si Paraon at ang konseho nito at huwag kang matakot sa pagkalunod sa dagat."

20:78Страница 317

فَأَتۡبَعَهُمۡ فِرۡعَوۡنُ بِجُنُودِهِۦ فَغَشِيَهُم مِّنَ ٱلۡيَمِّ مَا غَشِيَهُمۡ ٧٨

Фараон со своим войском бросился преследовать их, но море накрыло их полностью.

Kaya sumunod sa kanila si Paraon na sinasamahan ng mga kawal niya, saka nagpalubog sa kanya at nagpalubog sa mga kawal niya mula sa dagat ang nagpalubog sa kanila, na walang nakaaalam sa reyalidad nito kundi si Allāh. Kaya nalunod sila sa kalahatan at napahamak sila. Naligtas naman si Moises at ang sinumang kasama sa kanya.

20:79Страница 317

وَأَضَلَّ فِرۡعَوۡنُ قَوۡمَهُۥ وَمَا هَدَىٰ ٧٩

Фараон ввел в заблуждение свой народ и не повел его прямым путем.

Nagligaw si Paraon sa mga tao niya sa pamamagitan ng pinaganda niya para sa kanila na kawalang-pananampalataya. Luminlang siya sa kanila sa pamamagitan nito dahil sa kabulaanan. Hindi siya gumabay sa kanila tungo sa daan ng kapatnubayan.

20:80Страница 317

يَٰبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ قَدۡ أَنجَيۡنَٰكُم مِّنۡ عَدُوِّكُمۡ وَوَٰعَدۡنَٰكُمۡ جَانِبَ ٱلطُّورِ ٱلۡأَيۡمَنَ وَنَزَّلۡنَا عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَنَّ وَٱلسَّلۡوَىٰ ٨٠

О сыны Исраила (Израиля)! Мы спасли вас от вашего врага и дали вам обещание на правом склоне горы. Мы также ниспослали вам манну и перепелов.

Nagsabi Kami sa mga anak ni Israel matapos na sumagip Kami sa kanila mula kay Paraon at sa mga kawal niya: "O mga anak ni Israel, sumagip nga Kami sa inyo mula sa kaaway ninyo. Nakipagtipan Kami sa inyo na mangusap Kami kay Moises sa dakong kanan ng lambak na naroroon sa gilid ng bundok. Nagbaba Kami sa inyo sa ilang ng mga biyaya Namin na inuming matamis tulad ng pulut-pukyutan at maliit na ibong kaaya-aya ang laman, na nakahahawig ng ibong sumānāh.

20:81Страница 317

كُلُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقۡنَٰكُمۡ وَلَا تَطۡغَوۡاْ فِيهِ فَيَحِلَّ عَلَيۡكُمۡ غَضَبِيۖ وَمَن يَحۡلِلۡ عَلَيۡهِ غَضَبِي فَقَدۡ هَوَىٰ ٨١

Вкушайте блага, которыми Мы наделили вас, но не преступайте посредством их границы дозволенного, а не то на вас падет Мой гнев. А всякий, на кого падет Мой гнев, погибнет.

Kumain kayo mula sa mga minamasarap kabilang sa itinustos Namin sa inyo kabilang sa mga pagkaing ipinahihintulot. Huwag kayong lumampas sa pinayagan Namin para sa inyo patungo sa ipinagbawal Namin sa inyo para [hindi] bumaba sa inyo ang galit Ko. Ang sinumang bumaba sa kanya ang galit Ko ay napahamak nga at nalumbay nga sa Mundo at Kabilang-buhay.

20:82Страница 317

وَإِنِّي لَغَفَّارٞ لِّمَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا ثُمَّ ٱهۡتَدَىٰ ٨٢

Воистину, Я прощаю тех, кто раскаялся, уверовал, стал поступать праведно, а потом последовал прямым путем.

Tunay na Ako ay talagang madalas ang pagpapatawad at ang paumanhin para sa sinumang nagbalik-loob sa Akin, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos, pagkatapos nagpakatuwid sa katotohanan.

20:83Страница 317

۞ وَمَآ أَعۡجَلَكَ عَن قَوۡمِكَ يَٰمُوسَىٰ ٨٣

Аллах сказал: «О Муса (Моисей)! Зачем ты поспешил оставить свой народ?».

Ano ang gumawa sa iyo na magmadali ka palayo sa mga tao mo, O Moises, sapagkat nangunguna ka sa kanila habang nag-iiwan sa kanila sa likuran mo?

20:84Страница 317

قَالَ هُمۡ أُوْلَآءِ عَلَىٰٓ أَثَرِي وَعَجِلۡتُ إِلَيۡكَ رَبِّ لِتَرۡضَىٰ ٨٤

Муса (Моисей) сказал: «Они находятся неподалеку и следуют по моим стопам, я же поторопился к Тебе, Господи, чтобы Ты остался доволен».

Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga: "Heto sila, nasa likuran ko; at makaabot sila sa akin. Nauna ako sa mga tao ko tungo sa Iyo upang malugod Ka sa akin sa pagdadali-dali ko tungo sa Iyo."

20:85Страница 317

قَالَ فَإِنَّا قَدۡ فَتَنَّا قَوۡمَكَ مِنۢ بَعۡدِكَ وَأَضَلَّهُمُ ٱلسَّامِرِيُّ ٨٥

Аллах сказал: «Мы подвергли твой народ искушению после того, как ты оставил их, и самаритянин ввел их в заблуждение».

Nagsabi si Allāh: "Ngunit tunay na Kami ay sumubok nga sa mga tao mo, na iniwan mo sa hulihan mo, dahil sa pagsamba sa guya sapagkat nag-anyaya sa kanila sa pagsamba rito ang Sāmirīy kaya nagligaw siya sa kanila sa pamamagitan niyon."

20:86Страница 317

فَرَجَعَ مُوسَىٰٓ إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ غَضۡبَٰنَ أَسِفٗاۚ قَالَ يَٰقَوۡمِ أَلَمۡ يَعِدۡكُمۡ رَبُّكُمۡ وَعۡدًا حَسَنًاۚ أَفَطَالَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡعَهۡدُ أَمۡ أَرَدتُّمۡ أَن يَحِلَّ عَلَيۡكُمۡ غَضَبٞ مِّن رَّبِّكُمۡ فَأَخۡلَفۡتُم مَّوۡعِدِي ٨٦

Муса (Моисей) вернулся к своему народу разгневанный, опечаленный и сказал: «О мой народ! Разве ваш Господь не дал вам прекрасного обещания? Неужели этот срок оказался долгим для вас? Или же вам захотелось, чтобы на вас пал гнев вашего Господа, и потому вы нарушили данное мне обещание?».

Kaya nanumbalik si Moises sa mga tao niya habang galit dahil sa pagsamba nila sa guya, habang malungkot para sa kanila. Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga: "O mga tao ko, hindi ba nangako sa inyo ang Panginoon ninyo ng isang pangakong maganda, na magpababa Siya sa inyo ng Torah at magpapasok Siya sa inyo sa Paraiso? Kaya tumagal kaya sa inyo ang panahon kaya nakalimot kayo? O nagnais kayo sa gawain ninyong ito na may bumaba sa inyo na isang galit mula sa Panginoon ninyo at bumagsak sa inyo ang pagdurusang dulot Niya kaya dahil doon ay sumira kayo sa naipangako sa akin na katatagan sa pagtalima hanggang sa bumalik ako sa inyo?"

20:87Страница 317

قَالُواْ مَآ أَخۡلَفۡنَا مَوۡعِدَكَ بِمَلۡكِنَا وَلَٰكِنَّا حُمِّلۡنَآ أَوۡزَارٗا مِّن زِينَةِ ٱلۡقَوۡمِ فَقَذَفۡنَٰهَا فَكَذَٰلِكَ أَلۡقَى ٱلسَّامِرِيُّ ٨٧

Они сказали: «Мы не нарушали данного тебе обещания по своей воле. Мы были нагружены тяжелыми украшениями того народа и бросили их в огонь, и самаритянин тоже бросил».

Nagsabi ang mga tao ni Moises: "Hindi kami sumira sa ipinangako sa iyo, O Moises, dahil sa isang pagpili mula sa amin bagkus dahil sa pagkanapilitan sapagkat pinagdala nga kami ng mga dalahing mabigat mula sa mga alahas ng mga tao ni Paraon kaya ibinato namin ang mga ito sa isang hukay para magwaksi sa mga ito. Kaya kung paano naming ibinato ang mga ito sa hukay, ibinato rin ng Sāmirīy ang nasa kanya na lupa ng kuko ng paa ng kabayo ni Anghel Gabriel – sumakanya ang pangangalaga."

20:88Страница 318

فَأَخۡرَجَ لَهُمۡ عِجۡلٗا جَسَدٗا لَّهُۥ خُوَارٞ فَقَالُواْ هَٰذَآ إِلَٰهُكُمۡ وَإِلَٰهُ مُوسَىٰ فَنَسِيَ ٨٨

Он изготовил для них изваяние тельца, который мычал, и сказал: «Вот ваш бог и бог Мусы (Моисея), но он забыл его».

Saka nagpalabas ang Sāmirīy mula sa mga hiyas na iyon para sa mga anak ni Israel ng isang rebulto ng isang guyang walang kaluluwa rito, na mayroon itong pag-ungal gaya ng pag-ungal ng baka, saka nagsabi ang mga sinusulit kabilang sa kanila sa pamamagitan ng gawain ng Sāmirīy: "Ito ay ang sinasamba ninyo at ang sinasamba ni Moises; nakalimutan niya at iniwan niya ito rito."

20:89Страница 318

أَفَلَا يَرَوۡنَ أَلَّا يَرۡجِعُ إِلَيۡهِمۡ قَوۡلٗا وَلَا يَمۡلِكُ لَهُمۡ ضَرّٗا وَلَا نَفۡعٗا ٨٩

Неужели они не видели, что он не говорил им в ответ ни слова и не был способен навредить им или принести им пользу?

Kaya hindi ba nakakikita itong mga sinulit sa pamamagitan ng guya saka sinamba naman nila, na ang guya ay hindi nangungusap sa kanila, hindi sumasagot sa kanila, at hindi nakakakaya ng pagtulak ng isang pinsala palayo sa kanila ni palayo sa iba pa sa kanila, ni ng paghatak ng isang pakinabang para sa [sarili] nito o para sa iba pa rito.

Текст: Quranic Universal Library (Tarteel) через spa5k/tafsir_api (MIT), в зафиксированной версии. Аяты: Quran Foundation. Источники и лицензии

Содержание

Аят аль-Курси36Аль-Кахфстр. 42джуз 15Бухари 1Муслим 2999

Вид

Тема
Размер текста
Вид

Read in English