Аль-Мухтасар · Тафсир · на тагальском
Аль-Кахф 18:61–110
18:61Страница 300
فَلَمَّا بَلَغَا مَجۡمَعَ بَيۡنِهِمَا نَسِيَا حُوتَهُمَا فَٱتَّخَذَ سَبِيلَهُۥ فِي ٱلۡبَحۡرِ سَرَبٗا ٦١
Когда они дошли до места их слияния, они забыли свою рыбу, и она двинулась в путь по морю, словно по подземному ходу.
Kaya naglakbay silang dalawa, saka noong nakarating silang dalawa sa pinagtatagpuan ng dalawang dagat ay nakalimot silang dalawa sa isda nilang dalawa na ginawa nilang dalawa bilang baon para sa kanilang dalawa kaya binuhay ni Allāh ang isda at gumawa ito ng isang daan sa dagat tulad ng lagusan na hindi nag-uugnay ang tubig doon.
18:62Страница 301
فَلَمَّا جَاوَزَا قَالَ لِفَتَىٰهُ ءَاتِنَا غَدَآءَنَا لَقَدۡ لَقِينَا مِن سَفَرِنَا هَٰذَا نَصَبٗا ٦٢
Когда они прошли дальше, он сказал своему слуге: «Подавай наш обед, ведь мы утомились в пути».
Kaya noong nakalagpas silang dalawa sa pook na iyon ay nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa tagapaglingkod niya: "Dalhin mo sa atin ang pagkain ng umaga. Talaga ngang dumanas tayo mula sa paglalakbay nating ito ng isang matinding pagod."
18:63Страница 301
قَالَ أَرَءَيۡتَ إِذۡ أَوَيۡنَآ إِلَى ٱلصَّخۡرَةِ فَإِنِّي نَسِيتُ ٱلۡحُوتَ وَمَآ أَنسَىٰنِيهُ إِلَّا ٱلشَّيۡطَٰنُ أَنۡ أَذۡكُرَهُۥۚ وَٱتَّخَذَ سَبِيلَهُۥ فِي ٱلۡبَحۡرِ عَجَبٗا ٦٣
Он сказал: «Помнишь, как мы укрылись под скалой? Я забыл о рыбе, и только дьявол заставил меня не вспомнить о ней. Она же отправилась в путь по морю чудесным образом».
Nagsabi ang bata: "Nakita mo ba ang nangyari nang dumulog tayo sa bato sapagkat tunay na ako ay nakalimot na bumanggit sa iyo patungkol sa isda? Walang nagpalimot sa akin na bumanggit niyon sa iyo kundi ang demonyo. Nabuhay nga ang isda at gumawa iyon para sa sarili niyon ng isang daan sa dagat, na nag-uudyok sa pagtataka."
18:64Страница 301
قَالَ ذَٰلِكَ مَا كُنَّا نَبۡغِۚ فَٱرۡتَدَّا عَلَىٰٓ ءَاثَارِهِمَا قَصَصٗا ٦٤
Муса (Моисей) сказал: «Это - то, чего мы желали!» - и они вернулись назад по своим следам.
Nagsabi si Moises sa tagapaglingkod niya: "Iyon ay ang dati na nating ninanais sapagkat iyon ay palatandaan ng pook ng maayos na lingkod." Kaya nanumbalik silang dalawa habang sinusundan nilang dalawa ang mga bakas ng mga paa nilang dalawa upang hindi silang dalawa mawala palayo sa daan hanggang sa nagwakas silang dalawa sa bato at mula roon patungo sa pinasukan ng isda.
18:65Страница 301
فَوَجَدَا عَبۡدٗا مِّنۡ عِبَادِنَآ ءَاتَيۡنَٰهُ رَحۡمَةٗ مِّنۡ عِندِنَا وَعَلَّمۡنَٰهُ مِن لَّدُنَّا عِلۡمٗا ٦٥
Они встретили одного из Наших рабов, которого Мы одарили милостью от Нас и обучили из того, что Нам известно.
Kaya noong dumating silang dalawa sa pook ng pinaglahuan ng isda, nakatagpo silang dalawa roon ng isang lingkod kabilang sa mga lingkod Naming mga maayos. (Siya ay si Al-Khiḍr – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.) Nagbigay Kami sa kanya ng awa mula sa ganang Amin at nagturo Kami sa kanya mula sa ganang Amin ng kaalaman, na hindi nakababatid dito ang mga tao. Iyan ay ang nilaman ng kasaysayang ito.
18:66Страница 301
قَالَ لَهُۥ مُوسَىٰ هَلۡ أَتَّبِعُكَ عَلَىٰٓ أَن تُعَلِّمَنِ مِمَّا عُلِّمۡتَ رُشۡدٗا ٦٦
Муса (Моисей) сказал ему (Хадиру): «Могу ли я последовать за тобой, чтобы ты научил меня о прямом пути тому, чему ты обучен?».
Nagsabi sa kanya si Moises sa pagpapakumbaba at pagkamabait: "Susunod kaya ako sa iyo para magturo ka sa akin mula sa itinuro sa iyo ni Allāh na kaalaman na isang paggabay tungo sa katotohanan?"
18:67Страница 301
قَالَ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا ٦٧
Он сказал: «У тебя не хватит терпения находиться рядом со мной.
Nagsabi si Al-Khiḍr: "Tunay na ikaw ay hindi kakaya sa pagtitiis sa makikita mula sa kaalaman ko dahil iyon ay hindi sumasang-ayon sa taglay mo na kaalaman.
18:68Страница 301
وَكَيۡفَ تَصۡبِرُ عَلَىٰ مَا لَمۡ تُحِطۡ بِهِۦ خُبۡرٗا ٦٨
Как ты сможешь терпеливо относиться к тому, что ты не объемлешь знанием?».
Papaano kang magtitiis sa makikita mo na mga gawain na hindi ka naman nakaaalam sa aspeto ng pagkatama kaugnay sa mga ito dahil ikaw ay hahatol sa mga ito sa abot ng kaalaman mo?"
18:69Страница 301
قَالَ سَتَجِدُنِيٓ إِن شَآءَ ٱللَّهُ صَابِرٗا وَلَآ أَعۡصِي لَكَ أَمۡرٗا ٦٩
Муса (Моисей) сказал: «Если Аллах пожелает, то ты увидишь, что я терпелив, и я не ослушаюсь твоего веления».
Nagsabi si Moises: "Matatagpuan mo ako, kung niloob ni Allāh, na isang magtitiis sa makikita ko mula sa iyo na mga gawain habang nanatili sa pagtalima sa iyo at hindi ako susuway sa iyo ng isang utos na ipag-uutos mo sa akin."
18:70Страница 301
قَالَ فَإِنِ ٱتَّبَعۡتَنِي فَلَا تَسۡـَٔلۡنِي عَن شَيۡءٍ حَتَّىٰٓ أُحۡدِثَ لَكَ مِنۡهُ ذِكۡرٗا ٧٠
Он сказал: «Если ты последуешь за мной, то не спрашивай меня ни о чем, пока я сам не поведаю тебе об этом».
Nagsabi si Al-Khiḍr kay Moises: "Kung susunod ka sa akin ay huwag kang magtanong sa akin tungkol sa isang bagay kabilang sa masasaksihan mo sa akin na isasagawa ko hanggang sa ako ay maging ang tagapasimula sa paglilinaw ng dahilan nito."
18:71Страница 301
فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَا رَكِبَا فِي ٱلسَّفِينَةِ خَرَقَهَاۖ قَالَ أَخَرَقۡتَهَا لِتُغۡرِقَ أَهۡلَهَا لَقَدۡ جِئۡتَ شَيۡـًٔا إِمۡرٗا ٧١
Они вдвоем двинулись в путь. Когда же они сели на корабль, он сделал в нем пробоину. Он сказал: «Ты сделал пробоину, чтобы потопить людей на нем? Ты совершил тяжкий поступок!».
Kaya noong napagkaisahan nilang dalawa iyon, humayo silang dalawa patungo sa baybayin ng dagat hanggang sa nakatagpo silang dalawa ng isang daong. Kaya sumakay silang dalawa roon nang walang upa bilang pagpaparangal kay Al-Khiḍr ngunit binutas ni Al-Khiḍr ang daong sa pamamagitan ng pagtuklap sa isa sa mga tabla nito. Kaya nagsabi sa kanya si Moises: "Binutas mo ba ang daong na nagpalulan sa atin ang may-ari nito sa loob nito nang walang upa, sa pag-asang lunurin mo ang may-ari nito? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na sukdulan."
18:72Страница 301
قَالَ أَلَمۡ أَقُلۡ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا ٧٢
Он сказал: «Разве я не говорил, что ты не сможешь сохранять терпение рядом со мной?».
Nagsabi si Al-Khiḍr kay Moises: "Hindi ba nagsabi ako tunay na ikaw ay hindi kakaya sa akin sa pagtitiis sa makikita mo mula sa akin?"
18:73Страница 301
قَالَ لَا تُؤَاخِذۡنِي بِمَا نَسِيتُ وَلَا تُرۡهِقۡنِي مِنۡ أَمۡرِي عُسۡرٗا ٧٣
Муса (Моисей) сказал: «Не наказывай меня за то, что я позабыл, и не возлагай на меня тяжелое бремя».
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kay Al-Khiḍr : "Huwag kang manisi sa akin dahilan sa pagkaiwan ko sa pangako sa iyo dala ng pagkalimot, huwag kang gumipit sa akin, at huwag kang magpahigpit sa pagsama ko."
18:74Страница 301
فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَا لَقِيَا غُلَٰمٗا فَقَتَلَهُۥ قَالَ أَقَتَلۡتَ نَفۡسٗا زَكِيَّةَۢ بِغَيۡرِ نَفۡسٖ لَّقَدۡ جِئۡتَ شَيۡـٔٗا نُّكۡرٗا ٧٤
Они продолжили путь, пока не встретили мальчика, и он убил его. Он сказал: «Неужели ты убил невинного человека, который никого не убивал?! Ты совершил предосудительный поступок!».
Kaya humayo silang dalawa matapos ng pagbaba nilang dalawa mula sa daong para maglakad sa baybayin, saka nakakita silang dalawa ng isang batang lalaking hindi pa tumuntong sa pagbibinata, na naglalaro kasama ng mga batang lalaki. Pinatay iyon ni Al-Khiḍr kaya nagsabi sa kanya si Moises: "Pumatay ka ba ng isang kaluluwang malinis na hindi pa tumuntong sa pagbibinata nang walang anumang pagkakasala? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na minamasama!"
18:75Страница 302
۞ قَالَ أَلَمۡ أَقُل لَّكَ إِنَّكَ لَن تَسۡتَطِيعَ مَعِيَ صَبۡرٗا ٧٥
Он сказал: «Разве я не говорил тебе, что ты не сможешь сохранять терпение рядом со мной?».
Nagsabi si Al-Khiḍr kay Moises – sumakanya ang pangangalaga: "Tunay na ako ay nagsabi na sa iyo, tunay na ikaw, O Moises, ay hindi makakakaya sa pagtitiis sa isasagawa kong anuman."
18:76Страница 302
قَالَ إِن سَأَلۡتُكَ عَن شَيۡءِۭ بَعۡدَهَا فَلَا تُصَٰحِبۡنِيۖ قَدۡ بَلَغۡتَ مِن لَّدُنِّي عُذۡرٗا ٧٦
Муса (Моисей) сказал: «Если я спрошу тебя о чем-либо после этого, то не продолжай путь вместе со мной. Твой поступок по отношению ко мне уже оправдан».
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Kung magtatanong pa ako tungkol sa isang bagay matapos ng pagkakataong ito ay humiwalay ka sa akin sapagkat nakarating ka sa punto na mapauumanhinan ka sa pag-iwan sa pakikisama sa akin dahil sa ako ay sumalungat sa utos mo nang dalawang ulit."
18:77Страница 302
فَٱنطَلَقَا حَتَّىٰٓ إِذَآ أَتَيَآ أَهۡلَ قَرۡيَةٍ ٱسۡتَطۡعَمَآ أَهۡلَهَا فَأَبَوۡاْ أَن يُضَيِّفُوهُمَا فَوَجَدَا فِيهَا جِدَارٗا يُرِيدُ أَن يَنقَضَّ فَأَقَامَهُۥۖ قَالَ لَوۡ شِئۡتَ لَتَّخَذۡتَ عَلَيۡهِ أَجۡرٗا ٧٧
Они продолжили путь, пока не пришли к жителям одного селения. Они попросили его жителей накормить их, но те отказались принять их гостями. Они увидели там стену, которая хотела обрушиться, и он выпрямил ее. Муса (Моисей) сказал: «При желании ты получил бы за это вознаграждение».
Kaya naglakbay silang dalawa hanggang sa nang dumating silang dalawa sa mga naninirahan sa isang pamayanan ay humiling silang dalawa mula sa mga naninirahan doon ng pagkain ngunit tumanggi ang mga naninirahan sa pamayanan sa pagpapakain sa kanila at pagtupad sa tungkulin ng pagtanggap sa kanilang dalawa bilang panauhin. Saka nakatagpo silang dalawa sa pamayanan ng isang bakod na nakakiling na nalalapit nang bumagsak at malugso kaya ipinantay ito ni Al-Khiḍr hanggang sa tumuwid ito. Nagsabi si Moises – sumakanya ang pangangalaga – kay Al-Khiḍr: "Kung sakaling niloob mong kumuha ng upa sa pag-aayos nito ay talagang nakakuha ka nito para sa pangangailangan natin matapos ng pagtanggi nila sa pagtanggap sa atin bilang panauhin."
18:78Страница 302
قَالَ هَٰذَا فِرَاقُ بَيۡنِي وَبَيۡنِكَۚ سَأُنَبِّئُكَ بِتَأۡوِيلِ مَا لَمۡ تَسۡتَطِع عَّلَيۡهِ صَبۡرًا ٧٨
Он сказал: «Здесь я с тобой расстанусь, но я поведаю тебе толкование того, к чему ты не смог отнестись с терпением.
Nagsabi si Al-Khiḍr kay Moises: "Ang pagtutol na ito sa hindi ko pagkuha ng isang upa sa pagtatayo ng bakod ay punto ng paghihiwalay sa pagitan natin. Magpapabatid ako sa iyo ng pakahulugan ng hindi mo nakayang tiisin kabilang sa nasaksihan mo sa akin na isinagawa ko.
18:79Страница 302
أَمَّا ٱلسَّفِينَةُ فَكَانَتۡ لِمَسَٰكِينَ يَعۡمَلُونَ فِي ٱلۡبَحۡرِ فَأَرَدتُّ أَنۡ أَعِيبَهَا وَكَانَ وَرَآءَهُم مَّلِكٞ يَأۡخُذُ كُلَّ سَفِينَةٍ غَصۡبٗا ٧٩
Что касается корабля, то он принадлежал беднякам, которые трудились в море. Я захотел повредить его, потому что перед ними находился царь, который силой отнимал все неповрежденные корабли.
Hinggil sa daong na minasama mo sa akin ang pagbutas niyon, iyon ay pag-aari ng mga mahinang nagtatrabaho gamit iyon sa dagat, na hindi nakakakaya sa pagwawaksi niyon. Kaya nagnais ako na iyon ay maging napinsala sa pamamagitan ng ginawa ko roon upang hindi kamkamin iyon ng isang haring nasa harapan nila, na nangunguha ng bawat daong na maayos nang sapilitan mula sa mga may-ari nito at nag-iiwan ng bawat daong na napinsala.
18:80Страница 302
وَأَمَّا ٱلۡغُلَٰمُ فَكَانَ أَبَوَاهُ مُؤۡمِنَيۡنِ فَخَشِينَآ أَن يُرۡهِقَهُمَا طُغۡيَٰنٗا وَكُفۡرٗا ٨٠
Что касается мальчика, то его родители являются верующими, и мы опасались, что он будет притеснять их по причине своего беззакония и неверия.
Hinggil sa batang lalaking minasama mo sa akin ang pagpatay sa kanya, ang mga magulang niya ay mga mananampalataya at siya naman sa kaalaman ni Allāh ay isang tagatangging sumampalataya. Kaya nangamba kami na kung nagbinata siya ay baka magdala siya sa kanilang dalawa sa kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagmamalabis dahil sa kalabisan ng pag-ibig nilang dalawa sa kanya o dahil sa kalabisan ng pangangailangan nilang dalawa sa kanya.
18:81Страница 302
فَأَرَدۡنَآ أَن يُبۡدِلَهُمَا رَبُّهُمَا خَيۡرٗا مِّنۡهُ زَكَوٰةٗ وَأَقۡرَبَ رُحۡمٗا ٨١
Мы захотели, чтобы Господь их даровал им вместо него того, кто будет чище и милосерднее к своим близким.
Kaya nagnais kami na tumumbas sa kanilang dalawa si Allāh ng isang anak na higit na mabuti kaysa sa kanya sa relihiyon, kaayusan, at kadalisayan mula sa mga pagkakasala, at higit na malapit sa awa sa mga magulang kaysa sa kanya.
18:82Страница 302
وَأَمَّا ٱلۡجِدَارُ فَكَانَ لِغُلَٰمَيۡنِ يَتِيمَيۡنِ فِي ٱلۡمَدِينَةِ وَكَانَ تَحۡتَهُۥ كَنزٞ لَّهُمَا وَكَانَ أَبُوهُمَا صَٰلِحٗا فَأَرَادَ رَبُّكَ أَن يَبۡلُغَآ أَشُدَّهُمَا وَيَسۡتَخۡرِجَا كَنزَهُمَا رَحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَۚ وَمَا فَعَلۡتُهُۥ عَنۡ أَمۡرِيۚ ذَٰلِكَ تَأۡوِيلُ مَا لَمۡ تَسۡطِع عَّلَيۡهِ صَبۡرٗا ٨٢
Что же касается стены, то она принадлежит двум осиротевшим мальчикам из города. Под ней находится их клад. Их отец был праведником, и твой Господь пожелал, чтобы они достигли зрелого возраста и извлекли свой клад по милости твоего Господа. Я не поступал по своему усмотрению. Вот толкование того, к чему ты не смог отнестись с терпением».
Tungkol sa bakod na inayos ko at minasama mo sa akin ang pag-ayos niyon, iyon ay pag-aari ng dalawang munting batang lalaki sa lungsod na pinuntahan natin, na namatay na ang ama nilang dalawa. Sa ilalim ng bakod ay may kayamanang nakalibing para sa kanilang dalawa. Ang ama ng dalawang batang ito noon ay maayos. Kaya nagnais ang Panginoon mo, O Moises, na tumuntong silang dalawa sa gulang ng kasapatang isip, na lumaki silang dalawa, at magpalabas silang dalawa ng kayamanan nilang dalawang nakalibing sa ilalim niyon, yayamang kung sakaling bumagsak ang bakod sa sandaling iyon ay talagang malalantad ang kayamanan nilang dalawa at sasailalim sa pagkawala. Ang pakanang ito ay isang awa mula sa Panginoon mo sa kanilang dalawa. Ang anumang ginawa ko mula sa pagpupunyagi ko, iyon ang paliwanag sa hindi mo kinaya ang pagtitiis doon."
18:83Страница 302
وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَن ذِي ٱلۡقَرۡنَيۡنِۖ قُلۡ سَأَتۡلُواْ عَلَيۡكُم مِّنۡهُ ذِكۡرًا ٨٣
Они спрашивают тебя о Зуль Карнейне. Скажи: «Я прочту вам поучительный рассказ о нем».
Nagtatanong sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal at ang mga Hudyo bilang mga sumusubok tungkol sa ulat sa may dalawang sungay. Sabihin mo: "Bibigkas ako sa inyo mula sa ulat sa kanya ng isang bahaging makapagsasaalang-alang kayo at makapag-aalaala kayo.
18:84Страница 303
إِنَّا مَكَّنَّا لَهُۥ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَءَاتَيۡنَٰهُ مِن كُلِّ شَيۡءٖ سَبَبٗا ٨٤
Воистину, Мы наделили его властью на земле и одарили его всякими возможностями.
Tunay na Kami ay nagbigay-kapangyarihan para sa kanya sa lupain at nagbigay sa kanya mula sa bawat bagay na nakasalalay rito ang hinihiling niya ng isang daang umaabot siya sa pamamagitan nito sa ninanais niya.
Kaya tumanggap siya sa ibinigay Namin sa kanya na mga kaparaanan at mga paraan para makaabot sa hinihiling niya saka dumako siya sa kanluran.
18:86Страница 303
حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ مَغۡرِبَ ٱلشَّمۡسِ وَجَدَهَا تَغۡرُبُ فِي عَيۡنٍ حَمِئَةٖ وَوَجَدَ عِندَهَا قَوۡمٗاۖ قُلۡنَا يَٰذَا ٱلۡقَرۡنَيۡنِ إِمَّآ أَن تُعَذِّبَ وَإِمَّآ أَن تَتَّخِذَ فِيهِمۡ حُسۡنٗا ٨٦
Когда он прибыл туда, где закатывается солнце, он обнаружил, что оно закатывается в мутный (или горячий) источник. Около него он нашел народ. Мы сказали: «О Зуль Карнейн! Либо ты накажешь их, либо сделаешь им добро».
Naglakbay siya sa lupain, na hanggang sa nang makarating siya sa wakas ng lupain sa dako ng kanluran ng araw sa abot ng nakikita ng mata ay nakita niya ito na para bang ito ay lumulubog sa isang mainit na bukal na may putik na itim at nakatagpo siya sa malapit sa kanluran ng araw ng mga taong tagatangging sumampalataya. Nagsabi Kami sa kanya bilang paraan ng pagpapapili: O Dhul Qarnayn, maaari na magparusa ka sa mga ito sa pamamagitan ng pagpatay o sa pamamagitan ng iba pa at maaari na gumawa ka ng maganda sa kanila."
18:87Страница 303
قَالَ أَمَّا مَن ظَلَمَ فَسَوۡفَ نُعَذِّبُهُۥ ثُمَّ يُرَدُّ إِلَىٰ رَبِّهِۦ فَيُعَذِّبُهُۥ عَذَابٗا نُّكۡرٗا ٨٧
Он сказал: «Того, кто поступает несправедливо, мы накажем, а потом его возвратят к его Господу, и Он подвергнет его тяжким мучениям.
Nagsabi si Dhulqarnayn: "Hinggil sa sinumang nagtambal kay Allāh at nagpumilit niyon matapos ng paanyaya namin dito tungo sa pagsamba kay Allāh, magpaparusa kami rito sa pamamagitan ng pagpatay sa Mundo. Pagkatapos pababalikin ito sa Panginoon nito sa Araw ng Pagbangon saka pagdurusahin Niya ito ng isang pagdurusang karumal-dumal.
18:88Страница 303
وَأَمَّا مَنۡ ءَامَنَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَلَهُۥ جَزَآءً ٱلۡحُسۡنَىٰۖ وَسَنَقُولُ لَهُۥ مِنۡ أَمۡرِنَا يُسۡرٗا ٨٨
Тому же, кто уверовал и поступает праведно, будет наилучшее воздаяние, и мы скажем ему наши легкие повеления».
Hinggil sa sinumang sumampalataya kabilang sa kanila kay Allāh at gumawa ng gawang maayos, ukol dito ang Paraiso bilang ganti mula sa Panginoon nito dahil sa pananampalataya nito at gawa nitong maayos. Magsasabi kami rito mula sa utos namin nang may kabaitan at pagkabanayad."
Pagkatapos sumunod siya sa isang daan na hindi ang daan niyang una habang dumadako sa dako ng sinisikatan ng araw.
18:90Страница 303
حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ مَطۡلِعَ ٱلشَّمۡسِ وَجَدَهَا تَطۡلُعُ عَلَىٰ قَوۡمٖ لَّمۡ نَجۡعَل لَّهُم مِّن دُونِهَا سِتۡرٗا ٩٠
Когда он прибыл туда, где восходит солнце, он обнаружил, что оно восходит над людьми, которым Мы не установили от него никакого прикрытия.
Naglakbay siya, na hanggang sa nang nakarating siya sa lugar na nililitawan ng araw sa abot ng nakikita ng mata ay nakatagpo siya sa araw na lumilitaw sa mga taong hindi Kami gumawa para sa kanila laban sa araw ng anumang magsasanggalang sa kanila gaya ng mga bahay at gaya ng mga lilim ng mga punong-kahoy.
18:91Страница 303
كَذَٰلِكَۖ وَقَدۡ أَحَطۡنَا بِمَا لَدَيۡهِ خُبۡرٗا ٩١
Вот так! Мы объяли знанием все, что происходило с ним.
Gayon ang lagay ng may dalawang sungay at pumaligid nga ang kaalaman Namin sa mga detalye ng taglay niya na lakas at kapamahalaan.
Pagkatapos sumunod siya sa isang daang hindi ang unang dalawang daan, na nakapahalang sa pagitan ng silangan at kanluran.
18:93Страница 303
حَتَّىٰٓ إِذَا بَلَغَ بَيۡنَ ٱلسَّدَّيۡنِ وَجَدَ مِن دُونِهِمَا قَوۡمٗا لَّا يَكَادُونَ يَفۡقَهُونَ قَوۡلٗا ٩٣
Когда он достиг двух горных преград, он обнаружил перед ними людей, которые почти не понимали речи.
Naglakbay siya hanggang sa nang nakarating siya sa bukana sa pagitan ng dalawang bundok saka nakatagpo siya sa bahagi ng dalawang ito ng mga taong hindi halos nakaiintindi ng pananalita ng iba pa sa kanila.
18:94Страница 303
قَالُواْ يَٰذَا ٱلۡقَرۡنَيۡنِ إِنَّ يَأۡجُوجَ وَمَأۡجُوجَ مُفۡسِدُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَهَلۡ نَجۡعَلُ لَكَ خَرۡجًا عَلَىٰٓ أَن تَجۡعَلَ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَهُمۡ سَدّٗا ٩٤
Они сказали: «О Зуль Карнейн! Йаджудж и Маджудж (Гог и Магог) распространяют на земле нечестие. Быть может, мы уплатим тебе дань, чтобы ты установил между нами и ними преграду?».
Nagsabi sila: "O Dhulqarnayn, tunay na ang Gog at ang Magog (tumutukoy sila sa dalawang kalipunang malaki kabilang sa mga anak ni Adan) ay mga tagagulo sa lupain dahil sa isinasagawa nila na pagpatay at iba pa. Kaya magtatalaga kaya kami para sa iyo ng yaman para gumawa ka sa pagitan namin at nila ng isang pangharang?"
18:95Страница 303
قَالَ مَا مَكَّنِّي فِيهِ رَبِّي خَيۡرٞ فَأَعِينُونِي بِقُوَّةٍ أَجۡعَلۡ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَهُمۡ رَدۡمًا ٩٥
Он сказал: «То, чем наделил меня мой Господь, лучше этого. Помогите мне силой, и я установлю между вами и ними преграду.
Nasabi si Dhulqarnayn: "Ang anumang itinustos sa akin ng Panginoon ko na paghahari at kapamahalaan ay higit na mabuti para sa akin kaysa sa ibibigay ninyo sa akin na yaman; ngunit tulungan ninyo ako sa pamamagitan ng mga kalalakihan at mga kagamitan, gagawa ako sa pagitan ninyo at nila ng isang pangharang.
18:96Страница 303
ءَاتُونِي زُبَرَ ٱلۡحَدِيدِۖ حَتَّىٰٓ إِذَا سَاوَىٰ بَيۡنَ ٱلصَّدَفَيۡنِ قَالَ ٱنفُخُواْۖ حَتَّىٰٓ إِذَا جَعَلَهُۥ نَارٗا قَالَ ءَاتُونِيٓ أُفۡرِغۡ عَلَيۡهِ قِطۡرٗا ٩٦
Подайте мне куски железа». Заполнив пространство между двумя склонами, он сказал: «Раздувайте!». Когда они стали красными, словно огонь, он сказал: «Принесите мне расплавленную медь, чтобы я вылил ее на него».
Maghatid kayo ng mga piraso ng bakal." Kaya naghatid sila ng mga ito saka nagsimula siya na nagpapatayo sa pamamagitan ng mga ito sa pagitan ng dalawang bundok hanggang sa nang nagpantay siya sa dalawang ito sa pamamagitan ng pagpapatayo niya. Nagsabi siya sa mga manggagawa: "Magpaliyab kayo ng apoy sa mga pirasong ito." Hanggang sa nang namula ang mga piraso ng bakal ay nagsabi siya: "Maghatid kayo sa akin ng tanso, magbubuhos ako nito roon."
18:97Страница 303
فَمَا ٱسۡطَٰعُوٓاْ أَن يَظۡهَرُوهُ وَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ لَهُۥ نَقۡبٗا ٩٧
Они (племена Йаджудж и Маджудж) не смогли забраться на нее и не смогли пробить в ней дыру.
Kaya hindi nakakaya ang Gog at ang Magog na pumaitaas doon dahil sa taas niyon at hindi sila nakakaya na bumutas roon mula sa ilalim niyon dahil sa katigasan niyon.
18:98Страница 304
قَالَ هَٰذَا رَحۡمَةٞ مِّن رَّبِّيۖ فَإِذَا جَآءَ وَعۡدُ رَبِّي جَعَلَهُۥ دَكَّآءَۖ وَكَانَ وَعۡدُ رَبِّي حَقّٗا ٩٨
Он сказал: «Это - милость от моего Господа! Когда же исполнится обещание моего Господа, Он сровняет ее с землей. Обещание моего Господа является истиной».
Nagsabi si Dhulqarnayn: "Ang sagabal na ito ay isang awa mula sa Panginoon ko, na hahadlang sa Gog at Magog at sa panggugulo sa lupain at pipigil sa kanila roon; ngunit kapag dumating ang oras na tinakdaan ni Allāh para sa paglabas nila bago ng pagsapit ng Huling Sandali, gagawin Niya itong kapantay sa lupa. Laging ang pangako ni Allāh ng pagpapantay nito sa lupa at ng paglabas ng Gog at Magog ay matatag, walang pagsira rito."
18:99Страница 304
۞ وَتَرَكۡنَا بَعۡضَهُمۡ يَوۡمَئِذٖ يَمُوجُ فِي بَعۡضٖۖ وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَجَمَعۡنَٰهُمۡ جَمۡعٗا ٩٩
В тот день Мы позволим им (племенам Йаджудж и Маджудж) хлынуть друг на друга. И затрубят в Рог, и Мы соберем их (творения) всех вместе.
Mag-iiwan Kami sa iba sa mga nilikha sa hulihan ng panahon, na nagkakalituhan at nagkakahalu-halo sa iba pa. Iihip sa tambuli saka magtitipon Kami sa mga nilikha sa kabuuan nila para sa pagtutuos at pagganti.
18:100Страница 304
وَعَرَضۡنَا جَهَنَّمَ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡكَٰفِرِينَ عَرۡضًا ١٠٠
В тот день Мы ясно покажем Геенну неверующим,
Magpapalitaw Kami sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya sa isang pagpapalitaw na walang kalituhang kasama roon upang masaksihan nila iyon sa mata.
18:101Страница 304
ٱلَّذِينَ كَانَتۡ أَعۡيُنُهُمۡ فِي غِطَآءٍ عَن ذِكۡرِي وَكَانُواْ لَا يَسۡتَطِيعُونَ سَمۡعًا ١٠١
на глазах которых было покрывало, отделяющее их от поминания Меня, и которые не могли слышать.
Palilitawin iyon para sa mga tagatangging sumampalataya, na sila dati sa Mundo ay mga bulag sa pag-alaala kay Allāh dahil sa taglay ng mga mata nila na tabing na humahadlang doon. Sila dati ay hindi nakakakaya ng pagdinig sa mga tanda ni Allāh ayon sa pagkarinig ng pagtanggap.
18:102Страница 304
أَفَحَسِبَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَن يَتَّخِذُواْ عِبَادِي مِن دُونِيٓ أَوۡلِيَآءَۚ إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا جَهَنَّمَ لِلۡكَٰفِرِينَ نُزُلٗا ١٠٢
Неужели неверующие полагали, что они сделают Моих рабов своими покровителями и помощниками вместо Меня? Воистину, Мы приготовили Геенну обителью для неверующих.
Kaya nagpalagay ba ang mga tumangging sumampalataya sa Akin na makagawa sila sa mga alipin Ko na mga anghel, mga sugo, at mga demonyo bilang mga sinasamba bukod pa sa Akin? Tunay na Kami ay naglaan sa Impiyerno para sa mga tagatangging sumampalataya bilang tahanan para sa pananatili nila.
18:103Страница 304
قُلۡ هَلۡ نُنَبِّئُكُم بِٱلۡأَخۡسَرِينَ أَعۡمَٰلًا ١٠٣
Скажи: «Не сообщить ли вам о тех, чьи деяния принесут наибольший убыток?
Sabihin mo, O Sugo: "Magpapabatid kaya kami sa inyo, O mga tao, hinggil sa pinakamabigat sa mga tao sa pagkalugi sa gawain niya?
18:104Страница 304
ٱلَّذِينَ ضَلَّ سَعۡيُهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَهُمۡ يَحۡسَبُونَ أَنَّهُمۡ يُحۡسِنُونَ صُنۡعًا ١٠٤
О тех, чьи усилия заблудились в мирской жизни, хотя они думали, что поступают хорошо?
Ang mga makakikita sa Araw ng Pagbangon na ang pinagsumikapan nila na pinagsisikapan nila noon sa Mundo ay nawala na, habang sila ay nagpapalagay na sila ay mga tagagawa ng maganda sa pagsusumikap nila at makikinabang sa mga gawain nila samantalang ang reyalidad ay kasalungatan niyon.
18:105Страница 304
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ وَلِقَآئِهِۦ فَحَبِطَتۡ أَعۡمَٰلُهُمۡ فَلَا نُقِيمُ لَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَزۡنٗا ١٠٥
Это - те, кто не уверовал в знамения своего Господа и во встречу с Ним. Тщетны будут их деяния, и в День воскресения Мы не отпустим им никакого веса (не придадим им никакого значения; или не поместим на чашу их добрых деяний ни одного праведного поступка)».
Ang mga iyon ay ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya at tumangging sumampalataya sa pakikipagkita sa Kanya kaya napawalang-saysay ang mga gawain nila dahil sa kawalang-pananampalataya nila sa mga iyon saka walang ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon na isang halaga sa ganang kay Allāh.
18:106Страница 304
ذَٰلِكَ جَزَآؤُهُمۡ جَهَنَّمُ بِمَا كَفَرُواْ وَٱتَّخَذُوٓاْ ءَايَٰتِي وَرُسُلِي هُزُوًا ١٠٦
Геенна будет им воздаянием за то, что они не уверовали и насмехались над Моими знамениями и Моими посланниками.
Ang ganting iyon na inihanda para sa kanila ay Impiyerno dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at paggawa nila sa mga tanda Niyang pinababa sa mga sugo Niya bilang panunuya.
18:107Страница 304
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ كَانَتۡ لَهُمۡ جَنَّٰتُ ٱلۡفِرۡدَوۡسِ نُزُلًا ١٠٧
Воистину, обителью тех, которые уверовали и совершали праведные деяния, будут сады Фирдауса.
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos ay magiging ukol sa kanila ang pinakamataas sa mga paraiso bilang tahanan para sa pagpaparangal sa kanila,
18:108Страница 304
خَٰلِدِينَ فِيهَا لَا يَبۡغُونَ عَنۡهَا حِوَلٗا ١٠٨
Они пребудут в них вечно и не пожелают для себя перемен.
bilang mga mamalagi sa mga iyon magpakailanman, na hindi sila hihiling palayo sa mga iyon ng isang paglilipat-lipat dahil walang nakawawangis sa mga iyon na isang ganti.
18:109Страница 304
قُل لَّوۡ كَانَ ٱلۡبَحۡرُ مِدَادٗا لِّكَلِمَٰتِ رَبِّي لَنَفِدَ ٱلۡبَحۡرُ قَبۡلَ أَن تَنفَدَ كَلِمَٰتُ رَبِّي وَلَوۡ جِئۡنَا بِمِثۡلِهِۦ مَدَدٗا ١٠٩
Скажи: «Если бы море стало чернилами для слов моего Господа, то море иссякло бы до того, как иссякли бы Слова моего Господа, даже если бы Мы принесли в помощь ему такое же море».
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang mga salita ng Panginoon ko ay marami kaya kung sakaling ang dagat ay tinta para sa mga ito na ipanunulat, talaga sanang nagwakas ang tubig ng dagat bago magwakas ang mga salita Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Kung sakaling nagdala kami ng [tinta na singdami ng] mga iba pang dagat, talaga sanang naubos ang mga ito."
18:110Страница 304
قُلۡ إِنَّمَآ أَنَا۠ بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يُوحَىٰٓ إِلَيَّ أَنَّمَآ إِلَٰهُكُمۡ إِلَٰهٞ وَٰحِدٞۖ فَمَن كَانَ يَرۡجُواْ لِقَآءَ رَبِّهِۦ فَلۡيَعۡمَلۡ عَمَلٗا صَٰلِحٗا وَلَا يُشۡرِكۡ بِعِبَادَةِ رَبِّهِۦٓ أَحَدَۢا ١١٠
Скажи: «Воистину, я - такой же человек, как и вы. Мне внушено откровение о том, что ваш Бог - Бог Единственный. Тот, кто надеется на встречу со своим Господом, пусть совершает праведные деяния и никому не поклоняется наряду со своим Господом».
Sabihin mo, O Sugo: "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Ikinakasi sa akin na ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan ay sinasambang nag-iisang walang katambal sa Kanya. Siya ay si Allāh. Kaya ang sinumang nangyaring nangangamba sa pakikipagkita sa Panginoon niya ay gumawa siya ng gawang umaalinsunod sa batas ni Allāh bilang nagpapakawagas dito para sa Panginoon niya at huwag siyang magtambal sa pagsamba sa Panginoon Niya ng isa man."
Текст: Quranic Universal Library (Tarteel) через spa5k/tafsir_api (MIT), в зафиксированной версии. Аяты: Quran Foundation. Источники и лицензии