Аль-Мухтасар · Тафсир · на тагальском
الفرقان
Аль-Фуркан
аль-Фуркан · Мекканская · 77 аятов
25:1Страница 359
تَبَارَكَ ٱلَّذِي نَزَّلَ ٱلۡفُرۡقَانَ عَلَىٰ عَبۡدِهِۦ لِيَكُونَ لِلۡعَٰلَمِينَ نَذِيرًا ١
Благословен Тот, Кто ниспослал Своему рабу Различение (Коран), чтобы он предостерег миры.
Napakadakila at dumami ang kabutihan ng nagbaba ng Qur'ān – bilang tagapaghiwalay sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan – sa Lingkod Niya at Sugo Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – upang ito ay maging isang sugo sa dalawang pangunahing nilikha, ang tao at ang jinn, habang nagpapangamba sa kanila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh,
25:2Страница 359
ٱلَّذِي لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَمۡ يَتَّخِذۡ وَلَدٗا وَلَمۡ يَكُن لَّهُۥ شَرِيكٞ فِي ٱلۡمُلۡكِ وَخَلَقَ كُلَّ شَيۡءٖ فَقَدَّرَهُۥ تَقۡدِيرٗا ٢
Ему принадлежит власть над небесами и землей. Он не взял Себе сына и ни с кем не делил власть. Он сотворил всякую вещь и придал ей соразмерную меру (или предопределил ее).
na sa Kanya lamang ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa. Hindi Siya gumawa ng anak, hindi Siya nagkaroon ng katambal sa paghahari Niya, at lumikha Siya sa lahat ng mga bagay saka nagtakda Siya sa paglikha sa mga ito alinsunod sa hinihiling ng kaalaman Niya at karunungan Niya ayon sa isang pagtatakda, na bawat isa ay ayon sa naaangkop dito.
25:3Страница 360
وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةٗ لَّا يَخۡلُقُونَ شَيۡـٔٗا وَهُمۡ يُخۡلَقُونَ وَلَا يَمۡلِكُونَ لِأَنفُسِهِمۡ ضَرّٗا وَلَا نَفۡعٗا وَلَا يَمۡلِكُونَ مَوۡتٗا وَلَا حَيَوٰةٗ وَلَا نُشُورٗا ٣
Они стали поклоняться вместо Него другим божествам, которые ничего не создают, хотя сами были сотворены. Они не властны принести вред или пользу даже самим себе и не распоряжаются ни смертью, ни жизнью, ни воскрешением.
Gumawa ang mga tagapagtambal bukod pa kay Allāh ng mga sinasambang hindi lumilikha ng anumang maliit o malaki samantalang sila ay nililikha sapagkat lumikha sa kanila si Allāh mula sa isang kawalan. Hindi sila nakakakaya sa pagtulak ng pinsala palayo sa mga sarili nila ni sa paghatak ng pakinabang para sa mga ito. Hindi sila nakakakaya sa pagbibigay-kamatayan sa isang buhay ni sa pagbibigay-buhay sa isang patay. Hindi sila nakakakaya sa pagbubuhay sa mga patay mula sa mga libingan ng mga ito.
25:4Страница 360
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ إِفۡكٌ ٱفۡتَرَىٰهُ وَأَعَانَهُۥ عَلَيۡهِ قَوۡمٌ ءَاخَرُونَۖ فَقَدۡ جَآءُو ظُلۡمٗا وَزُورٗا ٤
Неверующие говорят: «Это - всего лишь ложь, которую он выдумал с помощью других людей». Воистину, они поступают несправедливо и лгут.
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya: "Walang iba ang Qur'ān na ito kundi isang kasinungalingang nilikha-likha ni Muḥammad saka iniugnay niya ito kay Allāh bilang paninirang-puri. May tumulong sa kanya sa paglikha-likha nito na mga ibang tao." Ngunit gumawa-gawa ang mga tagatangging sumampalataya na ito ng isang sinabing bulaan sapagkat ang Qur'ān ay Salita ni Allāh, na hindi maaaring makagawa ang tao ni ang jinn ng tulad nito.
25:5Страница 360
وَقَالُوٓاْ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ ٱكۡتَتَبَهَا فَهِيَ تُمۡلَىٰ عَلَيۡهِ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلٗا ٥
Они говорят: «Это - легенды древних народов. Он попросил записать их, и их читают ему утром и после полудня».
Nagsabi ang mga tagapagpasinungaling na ito sa Qur'ān: "Ang Qur'ān ay ang mga pag-uusap ng mga sinauna at ang isinatitik nila na mga kabulaanan. Nangopya ng mga ito si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – saka ang mga ito ay binabasa sa kanya sa simula ng maghapon at sa wakas nito."
25:6Страница 360
قُلۡ أَنزَلَهُ ٱلَّذِي يَعۡلَمُ ٱلسِّرَّ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّهُۥ كَانَ غَفُورٗا رَّحِيمٗا ٦
Скажи: «Ниспослал его Тот, Кому известны тайны на небесах и на земле. Он - Прощающий, Милосердный».
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagpasinungaling na ito: "Nagpababa ng Qur'ān si Allāh na nakaaalam sa bawat bagay sa mga langit at lupa. Hindi ito nilikha-likha gaya ng inakala ninyo." Pagkatapos nagsabi siya habang nagpapaibig sa kanila sa pagbabalik-loob: "Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila."
25:7Страница 360
وَقَالُواْ مَالِ هَٰذَا ٱلرَّسُولِ يَأۡكُلُ ٱلطَّعَامَ وَيَمۡشِي فِي ٱلۡأَسۡوَاقِ لَوۡلَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِ مَلَكٞ فَيَكُونَ مَعَهُۥ نَذِيرًا ٧
Они сказали: «Что это за посланник? Он ест пищу и ходит по рынкам. Почему к нему не был ниспослан ангел, который предостерегал бы вместе с ним?
Nagsabi ang mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Ano ang mayroon sa nag-aangking ito na siya ay isang sugo mula sa ganang kay Allāh, na kumakain ng pagkain kung paanong kumakain ang iba pa sa kanya na mga tao at naglalakad sa mga palengke sa paghahanap ng kabuhayan? Bakit nga kaya hindi nagpababa si Allāh kasama sa kanya ng isang anghel na magiging kapisan niya habang nagpapatotoo sa kanya at umaalalay sa kanya?
25:8Страница 360
أَوۡ يُلۡقَىٰٓ إِلَيۡهِ كَنزٌ أَوۡ تَكُونُ لَهُۥ جَنَّةٞ يَأۡكُلُ مِنۡهَاۚ وَقَالَ ٱلظَّٰلِمُونَ إِن تَتَّبِعُونَ إِلَّا رَجُلٗا مَّسۡحُورًا ٨
Почему ему не даровано сокровище? Почему у него нет сада, из которого он бы вкушал?». Беззаконники сказали: «Воистину, вы следуете лишь за околдованным мужем».
O [bakit kasi walang] pinabababa sa kanya na isang kayamanan mula sa langit, o [bakit kasi hindi] siya nagkakaroon ng isang pataniman na kakain siya mula sa mga bunga niyon kaya magpapasapat ito para maglakad siya sa mga palengke at maghanap ng panustos?" Nagsabi ang mga tagalabag sa katarungan: "Hindi kayo sumusunod, O mga mananampalataya, sa isang sugo. Sumusunod lamang kayo sa isang lalaking napanaigan sa pag-iisip niya dahilan sa panggagaway."
25:9Страница 360
ٱنظُرۡ كَيۡفَ ضَرَبُواْ لَكَ ٱلۡأَمۡثَٰلَ فَضَلُّواْ فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ سَبِيلٗا ٩
Посмотри, как они приводят тебе притчи! Они впали в заблуждение и не могут найти дороги.
Tumingin ka, O Sugo, talagang magtataka ka sa kanila kung papaanong naglarawan sila sa iyo ng mga paglalarawang bulaan sapagkat nagsabi silang manggagaway ka, nagsabi silang nagaway ka, at nagsabi silang baliw ka. Kaya naligaw sila dahilan doon palayo sa katotohanan saka hindi sila nakakakaya sa pagtahak sa isang daan para sa kapatnubayan at hindi sila nakakakaya [na magkaroon] ng isang landas sa pagtuligsa sa katapatan mo at pagkamapagkakatiwalaan mo.
25:10Страница 360
تَبَارَكَ ٱلَّذِيٓ إِن شَآءَ جَعَلَ لَكَ خَيۡرٗا مِّن ذَٰلِكَ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ وَيَجۡعَل لَّكَ قُصُورَۢا ١٠
Благословен Тот, Кто дарует тебе, если пожелает, нечто лучшее - Райские сады, в которых текут реки, а также дворцы.
Napakamapagpala ni Allāh na kung niloob Niya ay gumawa Siya para sa iyo ng higit na mabuti kaysa sa iminungkahi nila sa iyo sa pamamagitan ng paggawa para sa iyo sa Mundo ng mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at ng mga punong-kahoy ng mga ito, na kakain ka ng mga bunga ng mga ito, at gagawa Siya para sa iyo ng mga palasyong titirahan mo habang pinagiginhawa.
25:11Страница 360
بَلۡ كَذَّبُواْ بِٱلسَّاعَةِۖ وَأَعۡتَدۡنَا لِمَن كَذَّبَ بِٱلسَّاعَةِ سَعِيرًا ١١
Но они считают ложью Час, а для тех, кто считает ложью Час, Мы приготовили Пламя.
Hindi namutawi mula sa kanila ang namutawing mga sinabi dala ng paghahangad sa katotohanan at paghahanap sa patotoo, bagkus ang resulta ay na sila ay nagpasinungaling sa Araw ng Pagbangon. Naghanda Kami para sa sinumang nagpasinungaling sa Araw ng Pagbangon ng isang apoy na sukdulang matindi ang paglagablab.
25:12Страница 361
إِذَا رَأَتۡهُم مِّن مَّكَانِۭ بَعِيدٖ سَمِعُواْ لَهَا تَغَيُّظٗا وَزَفِيرٗا ١٢
Когда оно завидит их издалека, они услышат его яростное шипение и тяжелое дыхание.
Kapag nakatingin ang Apoy sa mga tagatangging sumampalataya habang sila ay inihahatid sa kanya mula sa isang pook na malayo, makaririnig sila para rito ng isang pagngingitngit at isang pagsinghal, at isang nakagagambalang tinig dahil sa tindi ng galit nito sa kanila
25:13Страница 361
وَإِذَآ أُلۡقُواْ مِنۡهَا مَكَانٗا ضَيِّقٗا مُّقَرَّنِينَ دَعَوۡاْ هُنَالِكَ ثُبُورٗا ١٣
Когда их скованными бросят в тесное место, там они будут призывать погибель.
Kapag itinapon ang mga tagatangging sumampalataya na ito sa Impiyerno sa isang pook na masikip mula roon habang nakaugnay ang mga kamay nila sa mga leeg nila sa pamamagitan ng mga tanikala ay mananawagan sila laban sa mga sarili nila ng kapahamakan sa pag-asang makawala mula roon.
25:14Страница 361
لَّا تَدۡعُواْ ٱلۡيَوۡمَ ثُبُورٗا وَٰحِدٗا وَٱدۡعُواْ ثُبُورٗا كَثِيرٗا ١٤
Не призывайте сегодня одну погибели, а призывайте много погибелей!
Huwag kayong manawagan, O mga tagatangging sumampalataya, ngayong Araw ng kapahamakang nag-iisa. Manawagan kayo ng kapahamakang marami. Subalit hindi sasagot sa inyo sa hinihiling ninyo, bagkus mananatili kayo sa pagdurusang masakit bilang mga mamamalagi [roon].
25:15Страница 361
قُلۡ أَذَٰلِكَ خَيۡرٌ أَمۡ جَنَّةُ ٱلۡخُلۡدِ ٱلَّتِي وُعِدَ ٱلۡمُتَّقُونَۚ كَانَتۡ لَهُمۡ جَزَآءٗ وَمَصِيرٗا ١٥
Скажи: «Это лучше или же Сад вечности, который обещан богобоязненным и будет им воздаянием и местом прибытия?».
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang nabanggit na iyon ba na pagdurusang inilarawan sa inyo ay higit na mabuti o ang hardin ng kawalang-hanggan na namamalagi ang kaginhawahan doon at hindi napuputol magpakailanman?" Ito ang ipinangako ni Allāh sa mga tagapangilag magkasala kabilang sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya, na ito para sa kanila ay maging isang gantimpala at isang balikang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon.
25:16Страница 361
لَّهُمۡ فِيهَا مَا يَشَآءُونَ خَٰلِدِينَۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ وَعۡدٗا مَّسۡـُٔولٗا ١٦
Там они получат все, что пожелают, и останутся навечно. Твой Господь взял на себя это испрошенное обещание.
Ukol sa kanila sa harding ito ang anumang niloloob nila na kaginhawahan. Laging iyon kay Allāh ay isang pangakong hinihiling sa Kanya ng mga lingkod Niyang mga tagapangilag magkasala. Ang pangako ni Allāh ay nagkakatotoo sapagkat Siya ay hindi sumisira sa naipangako.
25:17Страница 361
وَيَوۡمَ يَحۡشُرُهُمۡ وَمَا يَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ فَيَقُولُ ءَأَنتُمۡ أَضۡلَلۡتُمۡ عِبَادِي هَٰٓؤُلَآءِ أَمۡ هُمۡ ضَلُّواْ ٱلسَّبِيلَ ١٧
В тот день Он соберет их и тех, кому они поклонялись вместо Аллаха, и скажет: «Это вы ввели в заблуждение этих Моих рабов, или же они сами сбились с пути?».
[Banggitin mo] ang Araw na kakalap si Allāh sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling at kakalap Siya sa sinasamba nila bukod pa sa Kanya saka magsasabi Siya sa mga sinasamba bilang paninisi sa mga tagasamba nila: "Kayo ba ay nagligaw sa mga lingkod Ko dahil sa pag-uutos ninyo sa kanila na sumamba sila sa inyo o sila ay naligaw dala ng pagkukusa ng mga sarili nila?"
25:18Страница 361
قَالُواْ سُبۡحَٰنَكَ مَا كَانَ يَنۢبَغِي لَنَآ أَن نَّتَّخِذَ مِن دُونِكَ مِنۡ أَوۡلِيَآءَ وَلَٰكِن مَّتَّعۡتَهُمۡ وَءَابَآءَهُمۡ حَتَّىٰ نَسُواْ ٱلذِّكۡرَ وَكَانُواْ قَوۡمَۢا بُورٗا ١٨
Они скажут: «Пречист Ты! Не подобало нам брать покровителей и помощников вместо Тебя. Однако Ты позволил им и их отцам пользоваться благами, так что они забыли Напоминание. Они были пропащим народом».
Magpapasinungaling nga sila sa inyo sa sinasabi ninyo saka hindi kayo makakakaya ng isang paglilihis ni isang pag-aadya. Ang sinumang lalabag sa katarungan kabilang sa inyo ay magpapatikim Kami sa kanya ng isang pagdurusang malaki.
25:19Страница 361
فَقَدۡ كَذَّبُوكُم بِمَا تَقُولُونَ فَمَا تَسۡتَطِيعُونَ صَرۡفٗا وَلَا نَصۡرٗاۚ وَمَن يَظۡلِم مِّنكُمۡ نُذِقۡهُ عَذَابٗا كَبِيرٗا ١٩
Они опровергли то, что вы говорите, и вы не можете ни отвратить наказание, ни помочь себе. Тем из вас, кто поступал несправедливо, Мы дадим вкусить великие мучения.
Magpapasinungaling nga sa inyo, O mga tagapagtambal, ang mga sinamba ninyo bukod pa kay Allāh kaugnay sa pinagsasabi ninyo hinggil sa kanila saka hindi kayo makakakaya ng pagtulak sa pagdurusa palayo sa mga sarili ninyo ni ng pag-aadya sa mga ito dahil sa kawalang-kakayahan ninyo. Ang sinumang lalabag sa katarungan kabilang sa inyo, O mga mananampalataya, sa pamamagitan ng pagtatambal kay Allāh ay magpapatikim sa kanya ng isang pagdurusang mabigat tulad ng ipinatikim sa nabanggit.
25:20Страница 361
وَمَآ أَرۡسَلۡنَا قَبۡلَكَ مِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ إِلَّآ إِنَّهُمۡ لَيَأۡكُلُونَ ٱلطَّعَامَ وَيَمۡشُونَ فِي ٱلۡأَسۡوَاقِۗ وَجَعَلۡنَا بَعۡضَكُمۡ لِبَعۡضٖ فِتۡنَةً أَتَصۡبِرُونَۗ وَكَانَ رَبُّكَ بَصِيرٗا ٢٠
Мы не ниспосылали до тебя посланников, которые не принимали бы пищи и не ходили бы по рынкам. Мы сделали одних из вас искушением для других: проявите ли вы терпение? Твой Господь - Видящий.
Hindi Kami nagpadala sa bago sa iyo, o Sugo, na mga isinugo malibang bilang mga tao, na sila noon ay kumakain ng pagkain at lumalakad sa mga palengke. Ikaw ay hindi isang pasimula sa mga sugo kaugnay roon. Gumawa Kami sa ilan sa inyo, O mga tao, para sa iba bilang pagsusulit sa pagkayaman at karalitaan, at sa kalusugan at karamdaman dahilan sa pagkakaiba-ibang ito. Makatitiis ba kayo sa isinubok sa inyo para gumantimpala si Allāh sa pagtitiis ninyo? Laging ang Panginoon mo ay Nakakikita sa sinumang nagtitiis at sinumang hindi nagtitiis, at sa sinumang tumatalima sa Kanya at sinumang sumusuway sa Kanya.
25:21Страница 362
۞ وَقَالَ ٱلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ لِقَآءَنَا لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡنَا ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ أَوۡ نَرَىٰ رَبَّنَاۗ لَقَدِ ٱسۡتَكۡبَرُواْ فِيٓ أَنفُسِهِمۡ وَعَتَوۡ عُتُوّٗا كَبِيرٗا ٢١
Те, которые не надеются на встречу с Нами, говорят: «Почему к нам не ниспосланы ангелы? И почему мы не видим нашего Господа?». Они надменно возгордились в душе собой и проявили великое неповиновение.
Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya na hindi umaasa-asa ng pakikipagkita sa Amin at hindi natatakot sa pagdurusang dulot Namin: "Bakit kasi hindi nagpababa si Allāh sa amin ng mga anghel para magpabatid sa amin tungkol sa katapatan ni Muḥammad o makasaksi kami sa Panginoon namin sa mata para magpabatid Siya sa amin niyon?" Talaga ngang bumigat ang pagmamalaki sa mga sarili ng mga ito hanggang sa pumigil ito sa kanila sa pananampalataya at lumampas sila dahil sa sabi nila sa hangganang ito sa kawalang-pananampalataya at pagpapakalabis.
25:22Страница 362
يَوۡمَ يَرَوۡنَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةَ لَا بُشۡرَىٰ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُجۡرِمِينَ وَيَقُولُونَ حِجۡرٗا مَّحۡجُورٗا ٢٢
В тот день, когда они увидят ангелов, для грешников не будет никакой благой вести, и они (ангелы) скажут: «Вот преграда непреодолимая!».
Sa Araw na mapagmamasdan ng mga tagatangging sumampalataya ang mga anghel sa sandali ng kamatayan nila, sa Barzakh, sa sandali ng pagbuhay sa kanila, kapag inihatid sila para sa pagtutuos, at kapag papasok sila sa Apoy ay walang balitang nakagagalak para sa kanila sa mga kalagayang iyon, na salungat sa mga mananampalataya, at magsasabi sa kanila ang mga anghel: "Bawal, ipinagbabawal sa inyo ang nakalulugod na balita mula kay Allāh!"
25:23Страница 362
وَقَدِمۡنَآ إِلَىٰ مَا عَمِلُواْ مِنۡ عَمَلٖ فَجَعَلۡنَٰهُ هَبَآءٗ مَّنثُورًا ٢٣
Мы займемся деяниями, которые они совершили, и обратим их в развеянный прах.
Magsasadya Kami sa anumang ginawa ng mga tagatangging sumampalataya sa Mundo na gawain ng pagpapakabuti at kabutihan, saka magtatalaga Kami rito sa kawalang-saysay nito at kawalan ng pakinabang nito dahilan sa kawalang-pananampalataya nila tulad ng alikabok na kumakalat-kalat, na nakikita ng nakatingin sa sinag ng araw na pumapasok sa durungawan.
25:24Страница 362
أَصۡحَٰبُ ٱلۡجَنَّةِ يَوۡمَئِذٍ خَيۡرٞ مُّسۡتَقَرّٗا وَأَحۡسَنُ مَقِيلٗا ٢٤
У обитателей Рая в тот день будет более хорошая обитель и более прекрасное место отдыха.
Ang mga mananampalataya, na mga maninirahan sa Paraiso sa Araw na iyon, ay higit na mainam sa pananatilihan at higit na maganda sa lugar ng pahinga sa oras ng pantanghaling pag-idlip nila sa Mundo kaysa sa mga tagatangging sumampalataya na ito. Iyon ay dahil sa pananampalataya nila kay Allāh at gawa nilang maaayos.
25:25Страница 362
وَيَوۡمَ تَشَقَّقُ ٱلسَّمَآءُ بِٱلۡغَمَٰمِ وَنُزِّلَ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ تَنزِيلًا ٢٥
В тот день небо разверзнется и покроется облаками, и будут низведены ангелы.
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na magkakabiyak-biyak ang langit sa mga puting ulap na manipis at ibababa ang mga anghel tungo sa lupa ng Kalapan sa maraming pagbababa dahil sa dami nila.
25:26Страница 362
ٱلۡمُلۡكُ يَوۡمَئِذٍ ٱلۡحَقُّ لِلرَّحۡمَٰنِۚ وَكَانَ يَوۡمًا عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ عَسِيرٗا ٢٦
В тот день власть будет истинной и будет принадлежать Милостивому, и день тот будет тяжким для неверующих.
Ang paghahari na paghaharing totoo na napagtibay sa Araw ng Pagbangon ay ukol sa Pinakamaawain – kaluwalhatian sa Kanya. Ang Araw na iyon sa mga tagatangging sumampalataya ay magiging mahirap, na salungat sa mga mananampalataya sapagkat iyon ay madali sa kanila.
25:27Страница 362
وَيَوۡمَ يَعَضُّ ٱلظَّالِمُ عَلَىٰ يَدَيۡهِ يَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي ٱتَّخَذۡتُ مَعَ ٱلرَّسُولِ سَبِيلٗا ٢٧
В тот день беззаконник станет кусать свои руки и скажет: «Лучше бы я последовал путем Посланника!
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na dahilan sa pagtigil sa pagsunod sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kakagat ang tagalabag sa katarungan sa mga kamay niya dahil sa tindi ng pagsisisi, na nagsasabi: "O kung sana ako ay sumunod sa Sugo sa inihatid niya mula sa ganang Panginoon niya at tumahak kasama sa kanya sa isang daan patungo sa kaligtasan.
25:28Страница 362
يَٰوَيۡلَتَىٰ لَيۡتَنِي لَمۡ أَتَّخِذۡ فُلَانًا خَلِيلٗا ٢٨
О горе мне! Лучше бы я не брал такого-то себе в друзья!
Magsasabi siya dahil sa tindi ng panghihinayang habang dumadalangin ng kapighatian laban sa sarili niya: "O kapighatian sa akin! Kung sana ako ay hindi gumawa sa tagatangging sumampalataya na si Polano bilang kaibigan.
25:29Страница 362
لَّقَدۡ أَضَلَّنِي عَنِ ٱلذِّكۡرِ بَعۡدَ إِذۡ جَآءَنِيۗ وَكَانَ ٱلشَّيۡطَٰنُ لِلۡإِنسَٰنِ خَذُولٗا ٢٩
Это он отвратил меня от Напоминания (Корана) после того, как оно дошло до меня». Воистину, дьявол оставляет человека без поддержки.
Talaga ngang nagligaw sa akin itong kaibigang tagatangging sumampalataya palayo sa pag-alaala sa Qur'ān matapos na umaabot ito sa akin sa pamamaraan ng Sugo. Laging ang demonyo para sa tao ay madalas magkanulo." Kapag may bumabang mga ligalig sa tao ay nagtatatwa ang demonyo sa kanya.
25:30Страница 362
وَقَالَ ٱلرَّسُولُ يَٰرَبِّ إِنَّ قَوۡمِي ٱتَّخَذُواْ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانَ مَهۡجُورٗا ٣٠
Посланник сказал: «Господи! Мой народ забросил этот Коран».
Nagsabi ang Sugo sa araw na iyon habang dumaraing sa kalagayan ng mga kababayan niya: "O Panginoon ko, tunay na ang mga kababayan ko na pinagpadalhan Mo sa akin ay nag-iwan sa Qur’ān na ito at umayaw rito."
25:31Страница 362
وَكَذَٰلِكَ جَعَلۡنَا لِكُلِّ نَبِيٍّ عَدُوّٗا مِّنَ ٱلۡمُجۡرِمِينَۗ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ هَادِيٗا وَنَصِيرٗا ٣١
Так для каждого пророка Мы создали врагов из числа грешников, но довольно того, что твой Господь наставляет на прямой путь и помогает.
Gaya ng dinanas mo, O Sugo, mula sa mga kababayan mo na pananakit at pagbalakid sa landas mo, nagtalaga Kami para sa bawat propeta kabilang sa mga propeta noong bago mo ng kaaway kabilang sa mga salarin ng mga kababayan niya. Nakasapat ang Panginoon mo bilang Tagapagpatnubay na nagpapatnubay tungo sa katotohanan at nakasapat Siya bilang Mapag-adyang nag-aadya sa iyo laban sa kaaway mo.
25:32Страница 362
وَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡلَا نُزِّلَ عَلَيۡهِ ٱلۡقُرۡءَانُ جُمۡلَةٗ وَٰحِدَةٗۚ كَذَٰلِكَ لِنُثَبِّتَ بِهِۦ فُؤَادَكَۖ وَرَتَّلۡنَٰهُ تَرۡتِيلٗا ٣٢
Неверующие сказали: «Почему Коран не ниспослан ему целиком за один раз?». Мы поступили так, чтобы укрепить им твое сердце, и разъяснили его самым прекрасным образом.
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh: "Bakit kasi hindi pinababa sa Sugo ang Qur’ān na ito nang iisang ulit at hindi na sana pinababa sa kanya nang magkahiwa-hiwalay?" Nagbaba Kami ng Qur’ān nang gayon, magkahiwa-hiwalay, para sa pagpapatatag sa puso mo, O Sugo, sa pamamagitan ng pagbaba nito nang isang ulit matapos ng isang ulit. Nagpababa Kami nito nang paunti-unti para sa pagpapadali sa pag-intindi nito at pagsasaulo nito.
25:33Страница 363
وَلَا يَأۡتُونَكَ بِمَثَلٍ إِلَّا جِئۡنَٰكَ بِٱلۡحَقِّ وَأَحۡسَنَ تَفۡسِيرًا ٣٣
Какую бы притчу они ни приводили тебе, Мы открывали тебе истину и наилучшее толкование.
Hindi nagdadala sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal ng isang paghahalintulad kabilang sa iminumungkahi nila malibang naghatid Kami sa iyo ng totoong sagot na pinagtibay at naghatid Kami sa iyo ng isang higit na maganda sa paglilinaw.
25:34Страница 363
ٱلَّذِينَ يُحۡشَرُونَ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ إِلَىٰ جَهَنَّمَ أُوْلَٰٓئِكَ شَرّٞ مَّكَانٗا وَأَضَلُّ سَبِيلٗا ٣٤
Тем, которые будут собраны в Геенну ничком, уготовано наихудшее место, и они более других сбились с пути.
Ang mga aakayin sa Araw ng Pagbangon habang mga kinakaladkad [na nakasubsob] sa mga mukha nila patungo sa Impiyerno, ang mga iyon ay higit na masama sa lugar dahil ang lugar nila ay Impiyerno at higit na malayo sa daan sa katotohanan dahil ang daan nila ay ang daan ng kawalang-pananampalataya at pagkaligaw.
25:35Страница 363
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ وَجَعَلۡنَا مَعَهُۥٓ أَخَاهُ هَٰرُونَ وَزِيرٗا ٣٥
Воистину, Мы даровали Мусе (Моисею) Писание и сделали его брата Харуна (Аарона) помощником ему.
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah at nagtalaga Kami kasama sa kanya ng kapatid niyang si Aaron bilang sugo upang sa kanya ay maging isang tagatulong.
25:36Страница 363
فَقُلۡنَا ٱذۡهَبَآ إِلَى ٱلۡقَوۡمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا فَدَمَّرۡنَٰهُمۡ تَدۡمِيرٗا ٣٦
Мы повелели: «Ступайте вдвоем к народу, который счел ложью Наши знамения». А потом Мы уничтожили его до основания.
Kaya nagsabi Kami sa kanilang dalawa: "Pumunta kayong dalawa kay Paraon at sa mga tao niyang nagpasinungaling sa mga tanda Namin." Kaya sumunod silang dalawa sa utos Namin. Pumunta silang dalawa sa kanila at nag-anyaya silang dalawa sa kanila tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ngunit nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa kaya nagpahamak Kami sa kanila nang isang pagpapahamak na matindi.
25:37Страница 363
وَقَوۡمَ نُوحٖ لَّمَّا كَذَّبُواْ ٱلرُّسُلَ أَغۡرَقۡنَٰهُمۡ وَجَعَلۡنَٰهُمۡ لِلنَّاسِ ءَايَةٗۖ وَأَعۡتَدۡنَا لِلظَّٰلِمِينَ عَذَابًا أَلِيمٗا ٣٧
Мы потопили народ Нуха (Ноя), когда они сочли лжецами посланников, и сделали их знамением для людей. Мы приготовили беззаконникам мучительные страдания.
Ang mga tao ni Noe, noong nagpasinungaling sila sa mga sugo sa pamamagitan ng pagpapasinungaling nila kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan, ay ipinahamak Namin sa pamamagitan ng paglunod sa dagat. Ginawa Namin ang pagpapahamak sa kanila bilang katunayan sa kakayahan Namin sa paglipol sa mga tagalabag sa katarungan. Naghanda Kami para sa mga tagalabag sa katarungan sa Araw ng Pagbangon ng isang pagdurusang nakasasakit.
25:38Страница 363
وَعَادٗا وَثَمُودَاْ وَأَصۡحَٰبَ ٱلرَّسِّ وَقُرُونَۢا بَيۡنَ ذَٰلِكَ كَثِيرٗا ٣٨
А также адитов, самудян, жителей Расса и многие поколения, которые были между ними.
Nagpahamak Kami sa `Ād, na mga kababayan ni Hūd, at Thamūd, na mga kababayan ni Ṣāliḥ. Nagpahamak Kami sa mga kasamahan ng balon. Nagpahamak Kami sa maraming kalipunan sa pagitan ng tatlong ito.
25:39Страница 363
وَكُلّٗا ضَرَبۡنَا لَهُ ٱلۡأَمۡثَٰلَۖ وَكُلّٗا تَبَّرۡنَا تَتۡبِيرٗا ٣٩
Каждому из них Мы приводили притчи, и каждый из них Мы подвергли полному истреблению.
Sa bawat isa sa mga ipinahamak na ito ay naglarawan Kami ng pagpapahamak sa mga kalipunang nauna at ng mga kadahilanan nito upang mapangaralan sila. Sa bawat isa ay nagpahamak Kami nang isang matinding pagpapahamak dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagmamatigas nila.
25:40Страница 363
وَلَقَدۡ أَتَوۡاْ عَلَى ٱلۡقَرۡيَةِ ٱلَّتِيٓ أُمۡطِرَتۡ مَطَرَ ٱلسَّوۡءِۚ أَفَلَمۡ يَكُونُواْ يَرَوۡنَهَاۚ بَلۡ كَانُواْ لَا يَرۡجُونَ نُشُورٗا ٤٠
Они уже проходили мимо селения, на которое выпал недобрый дождь. Разве они не видели его? О нет! Они не надеялись на то, что будут воскрешены.
Talaga ngang pumunta ang mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kababayan mo – sa pagpunta nila sa Sirya – sa pamayanan ng mga kababayan ni Lot, na pinaulanan ng mga bato bilang parusa para roon sa paggawa ng mahalay, upang magsaalang-alang sila. Kaya nabulagan ba sila sa pamayanang ito sapagkat hindi sila dati nakasasaksi niyon? Hindi; bagkus sila noon ay hindi umaasa sa isang pagbubuhay [na muli], na tutuusin sila matapos niyon.
25:41Страница 363
وَإِذَا رَأَوۡكَ إِن يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَٰذَا ٱلَّذِي بَعَثَ ٱللَّهُ رَسُولًا ٤١
Завидев тебя, они лишь насмехаются над тобой: «Неужели это - тот, кого Аллах отправил посланником?
Kapag humarap sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagpasinungaling na ito ay nanunuya sila sa iyo habang nagsasabi sa paraan ng pangungutya at pagtutol: "Ito ba ang ipinadala ni Allāh bilang sugo sa atin?
25:42Страница 363
إِن كَادَ لَيُضِلُّنَا عَنۡ ءَالِهَتِنَا لَوۡلَآ أَن صَبَرۡنَا عَلَيۡهَاۚ وَسَوۡفَ يَعۡلَمُونَ حِينَ يَرَوۡنَ ٱلۡعَذَابَ مَنۡ أَضَلُّ سَبِيلًا ٤٢
Он готов был отвратить нас от наших богов, если бы мы не проявили терпение». Когда они увидят наказание, они узнают, кто больше других сбился с пути.
Talaga ngang muntik na siyang nagpalihis sa atin palayo sa pagsamba sa mga diyos natin. Kung hindi dahil nagtiis tayo sa pagsamba sa mga ito ay talaga sanang nagpalihis siya sa atin palayo sa mga ito sa pamamagitan ng mga katwiran niya at mga patotoo niya." Malalaman nila kapag napagmamasdan na nila ang pagdurusa sa mga libingan nila at sa Araw ng Pagbangon kung sino ang higit na ligaw sa daan: sila ba o siya? Malalaman nila kung alin sa kanila ang higit na ligaw.
25:43Страница 363
أَرَءَيۡتَ مَنِ ٱتَّخَذَ إِلَٰهَهُۥ هَوَىٰهُ أَفَأَنتَ تَكُونُ عَلَيۡهِ وَكِيلًا ٤٣
Видел ли ты того, кто обожествил свою прихоть? Разве ты являешься его попечителем и хранителем?
Nakakita ka ba, O Sugo, sa gumawa, mula sa pithaya niya, ng isang diyos saka tumalima siya rito? Kaya ikaw ba sa kanya ay magiging isang mapag-ingat, na magtutulak ka sa kanya sa pananampalataya at pipigil ka sa kanya sa kawalang-pananampalataya?
25:44Страница 364
أَمۡ تَحۡسَبُ أَنَّ أَكۡثَرَهُمۡ يَسۡمَعُونَ أَوۡ يَعۡقِلُونَۚ إِنۡ هُمۡ إِلَّا كَٱلۡأَنۡعَٰمِ بَلۡ هُمۡ أَضَلُّ سَبِيلًا ٤٤
Или ты полагаешь, что большинство их способны слышать или разуметь? Они - всего лишь подобие скотов, но они еще больше сбились с пути.
Bagkus nag-aakala ka ba, O Sugo, na ang higit na marami sa inaanyayahan mo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagtalima sa Kanya ay dumidinig ng pagdinig ng pagtanggap o nakapag-uunawa sa mga katwiran at mga patotoo? Walang iba sila kundi tulad ng mga hayupan sa pagdinig, pagpapakaunawa, at pag-intindi, bagkus sila ay higit na ligaw sa daan kaysa sa mga hayupan.
25:45Страница 364
أَلَمۡ تَرَ إِلَىٰ رَبِّكَ كَيۡفَ مَدَّ ٱلظِّلَّ وَلَوۡ شَآءَ لَجَعَلَهُۥ سَاكِنٗا ثُمَّ جَعَلۡنَا ٱلشَّمۡسَ عَلَيۡهِ دَلِيلٗا ٤٥
Разве ты не видишь, как твой Господь простирает тень? Если бы Он захотел, то сделал бы ее неподвижной. Затем Мы делаем солнце ее путеводителем
Hindi ka ba nakakita, O Sugo, sa mga bakas ng pagkalikha ni Allāh nang inilatag Niya ang anino sa mukha ng lupa? Kung sakaling niloob Niya na gawin itong nakatigil na hindi gumagalaw ay talaga sanang ginawa Niya ito na ganoon. Pagkatapos ginawa ang araw bilang katunayan dito, na humahaba sa pamamagitan ng araw at umiikli.
25:46Страница 364
ثُمَّ قَبَضۡنَٰهُ إِلَيۡنَا قَبۡضٗا يَسِيرٗا ٤٦
и затем постепенно сжимаем ее к Себе.
Pagkatapos nag-urong Kami sa anino sa pamamagitan ng pagbawas, na nagdadahan-dahan nang utay-utay nang kaunting pag-urong alinsunod sa pagkaangat ng araw.
25:47Страница 364
وَهُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ لِبَاسٗا وَٱلنَّوۡمَ سُبَاتٗا وَجَعَلَ ٱلنَّهَارَ نُشُورٗا ٤٧
Он - Тот, Кто сделал для вас ночь покровом, сон - отдыхом, а день - оживлением.
Si Allāh ay ang gumawa para sa inyo ng gabi sa katayuan ng damit na nagtatakip sa inyo at nagtatakip sa mga bagay. Siya ay ang gumawa para sa inyo ng pagtulog bilang pahinga, na namamahinga kayo sa pamamagitan niyon mula sa mga pinagkakaabalahan ninyo. Siya ay ang gumawa para sa inyo ng maghapon bilang oras na lumilisan kayo rito patungo sa mga gawain ninyo.
25:48Страница 364
وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ ٱلرِّيَٰحَ بُشۡرَۢا بَيۡنَ يَدَيۡ رَحۡمَتِهِۦۚ وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ طَهُورٗا ٤٨
Он - Тот, Кто посылает ветры с доброй вестью о Своей милости. Мы ниспосылаем с неба чистую и очищающую воду,
Siya ay ang nagpadala ng mga hangin bilang tagabalita ng nakagagalak hinggil sa pagbaba ng ulan na mula sa awa Niya sa mga lingkod Niya. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig na dalisay na ipinandadalisay
25:49Страница 364
لِّنُحۡـِۧيَ بِهِۦ بَلۡدَةٗ مَّيۡتٗا وَنُسۡقِيَهُۥ مِمَّا خَلَقۡنَآ أَنۡعَٰمٗا وَأَنَاسِيَّ كَثِيرٗا ٤٩
чтобы оживить ею мертвую землю и напоить ею многочисленный скот и многих людей из тех, кого Мы сотворили.
upang magbigay-buhay Kami sa pamamagitan ng tubig na iyon na bumababa sa isang lupaing tigang na walang halaman doon, sa pamamagitan ng pagpapatubo roon ng mga uri ng halaman at ng pagpapakalat ng mga luntian doon; at upang magpainom Kami ng tubig na iyon sa kabilang sa nilikha Namin na maraming hayupan at tao.
25:50Страница 364
وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَٰهُ بَيۡنَهُمۡ لِيَذَّكَّرُواْ فَأَبَىٰٓ أَكۡثَرُ ٱلنَّاسِ إِلَّا كُفُورٗا ٥٠
Мы распределяем ее (дождевую воду) между ними, чтобы они помянули назидание, но большинство людей отказываются от всего, кроме неверия (или неблагодарности).
Talaga ngang nagpalinaw Kami at nagsarisari Kami sa Qur'ān ng mga katwiran at mga patotoo upang magsaalang-alang sila sa mga ito ngunit tumutol ang higit na marami sa mga tao [sa anuman] maliban sa kawalang-pasasalamat sa katotohanan at pagkakaila nito.
25:51Страница 364
وَلَوۡ شِئۡنَا لَبَعَثۡنَا فِي كُلِّ قَرۡيَةٖ نَّذِيرٗا ٥١
Если бы Мы пожелали, то послали бы в каждое селение предостерегающего увещевателя.
Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagpadala Kami sa bawat pamayanan ng isang sugong magbababala sa kanila at magpapangamba sa kanila sa parusa Namin, subalit Kami ay hindi nagnais niyon. Nagpadala lamang Kami kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – bilang sugo sa lahat ng mga tao.
25:52Страница 364
فَلَا تُطِعِ ٱلۡكَٰفِرِينَ وَجَٰهِدۡهُم بِهِۦ جِهَادٗا كَبِيرٗا ٥٢
Посему не повинуйся неверующим и веди с ними посредством него (Корана) великую борьбу.
Kaya huwag kang tumalima sa mga tagatangging sumampalataya sa anumang hinihiling nila sa iyo na paglalangis sa kanila at sa anumang inihahain nila na mga mungkahi. Makibaka ka sa kanila sa pamamagitan nitong Qur'ān na pinabababa sa iyo ayon sa isang pakikibakang sukdulan sa pamamagitan ng pagtitiis sa pananakit nila at pagbata sa mga hirap sa pag-aanyaya sa kanila tungo kay Allāh.
25:53Страница 364
۞ وَهُوَ ٱلَّذِي مَرَجَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ هَٰذَا عَذۡبٞ فُرَاتٞ وَهَٰذَا مِلۡحٌ أُجَاجٞ وَجَعَلَ بَيۡنَهُمَا بَرۡزَخٗا وَحِجۡرٗا مَّحۡجُورٗا ٥٣
Он - Тот, Кто смешал два моря (вида воды): одно - приятное, пресное, а другое - соленое, горькое. Он установил между ними преграду и непреодолимое препятствие.
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagpadikit sa dalawang dagat: itong isa ay naiinom na matamis at itong isa pa ay maalat na mapait. Naglagay Siya sa pagitan ng dalawang ito ng isang pangharang at isang pantakip na tumatakip na pumipigil sa dalawang ito sa paghahaluan.
25:54Страница 364
وَهُوَ ٱلَّذِي خَلَقَ مِنَ ٱلۡمَآءِ بَشَرٗا فَجَعَلَهُۥ نَسَبٗا وَصِهۡرٗاۗ وَكَانَ رَبُّكَ قَدِيرٗا ٥٤
Он - Тот, Кто сотворил человека из воды и одарил его родственниками и свойственниками. Господь твой - Всемогущий.
Siya ay ang lumikha mula sa punlay ng lalaki at babae ng isang tao. Ang lumikha sa tao ay nagpaluwal ng ugnayan sa pagkakamag-anak at ugnayan sa pag-aasawa. Laging ang Panginoon mo, O Sugo, ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman. Bahagi ng kakayahan Niya ang paglikha sa tao mula sa punlay ng lalaki at babae.
25:55Страница 364
وَيَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ مَا لَا يَنفَعُهُمۡ وَلَا يَضُرُّهُمۡۗ وَكَانَ ٱلۡكَافِرُ عَلَىٰ رَبِّهِۦ ظَهِيرٗا ٥٥
Они поклоняются помимо Аллаха тому, что не может ни принести им пользу, ни причинить им вред. Неверующий является помощником против своего Господа.
Sumasamba ang mga tagatangging sumampalataya bukod pa kay Allāh sa mga diyus-diyusang hindi nakapagpapakinabang sa kanila kung tumalima sila sa mga ito at hindi nakapipinsala sa kanila kung sumuway sila sa mga ito. Laging ang tagatangging sumampalataya ay isang tagasunod para sa demonyo sa ikinaiinis ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya.
25:56Страница 365
وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا مُبَشِّرٗا وَنَذِيرٗا ٥٦
Мы отправили тебя всего лишь добрым вестником и предостерегающим увещевателем.
Hindi Kami nagsugo sa iyo, O Sugo, kundi bilang tagapagbalita ng nakagagalak sa sinumang tumalima kay Allāh sa pamamagitan ng pananampalataya at gawang maayos at bilang tagapagbabala sa sinumang sumuway sa Kanya sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at pagsuway.
25:57Страница 365
قُلۡ مَآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ مِنۡ أَجۡرٍ إِلَّا مَن شَآءَ أَن يَتَّخِذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلٗا ٥٧
Скажи: «Я не прошу у вас за это никакого вознаграждения, кроме того, чтобы желающие встали на путь к своему Господу».
Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako humihingi sa inyo dahil sa pagpapaabot ng pasugo ng anumang pabuya maliban sa sinumang lumuob kabilang sa inyo na gumawa ng isang daan patungo sa kaluguran ni Allāh sa pamamagitan ng paggugol, kaya gawin niya ito."
25:58Страница 365
وَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱلۡحَيِّ ٱلَّذِي لَا يَمُوتُ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِهِۦۚ وَكَفَىٰ بِهِۦ بِذُنُوبِ عِبَادِهِۦ خَبِيرًا ٥٨
Уповай на Живого, Который не умирает, и прославляй Его хвалой. Довольно того, что Он ведает о грехах Своих рабов.
Manalig ka, O Sugo, sa lahat ng mga nauukol sa iyo kay Allāh, ang Buhay, ang Nananatili, na hindi namamatay magpakailanman, at magpawalang-kapintasan ka sa Kanya habang nagbubunyi sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Nakasapat Siya sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya bilang Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, at gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
25:59Страница 365
ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ ٱلرَّحۡمَٰنُ فَسۡـَٔلۡ بِهِۦ خَبِيرٗا ٥٩
Он сотворил небеса и землю и то, что между ними, за шесть дней, а потом вознесся на Трон (или утвердился на Троне). Он - Милостивый. Спрашивай об этом Ведающего.
[Siya] ang lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya sa Trono ayon sa kataasang naaangkop sa kapitaganan Niya. Siya ang Napakamaawain, kaya magtanong ka, O Sugo, sa Kanya bilang Mapagbatid. Siya ay si Allāh na nakaaalam sa bawat bagay: walang nakakukubli sa Kanya na anuman.
25:60Страница 365
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱسۡجُدُواْۤ لِلرَّحۡمَٰنِ قَالُواْ وَمَا ٱلرَّحۡمَٰنُ أَنَسۡجُدُ لِمَا تَأۡمُرُنَا وَزَادَهُمۡ نُفُورٗا۩ ٦٠
Когда им говорят: «Падайте ниц перед Милостивым!». - они говорят: «Что такое Милостивый? Неужели мы будем падать ниц перед тем, кому ты нам приказываешь?». Это приумножает их отвращение.
Kapag sinabi sa mga tagatangging sumampalataya: "Magpatirapa kayo sa Napakamaawain," nagsasabi sila: "Hindi kami magpapatirapa sa Napakamaawain. Ano ang Napakamaawain? Hindi kami nakakikilala sa Kanya at hindi Kami kumikilala sa Kanya. Magpapatirapa ba kami sa ipinag-uutos mo sa amin na pagpapatirapaan samantalang kami ay hindi nakakikilala sa Kanya?" Nakadagdag sa kanila ang pag-uutos Niya sa kanila ng pagpapatirapa sa Kanya ng isang pagkalayo sa pananampalataya sa Kanya.
25:61Страница 365
تَبَارَكَ ٱلَّذِي جَعَلَ فِي ٱلسَّمَآءِ بُرُوجٗا وَجَعَلَ فِيهَا سِرَٰجٗا وَقَمَرٗا مُّنِيرٗا ٦١
Благословен Тот, Кто установил на небе созвездия Зодиака и установил на нем светильник и освещающую луну.
Napakamapagpala ang gumawa sa langit ng mga kumpulan ng mga planeta at mga bituin, gumawa sa langit ng isang araw na nagsisinag ng liwanag, at gumawa roon ng isang buwang nagbibigay-liwanag sa lupa sa pamamagitan ng pinatatalbog nito mula sa tanglaw ng araw.
25:62Страница 365
وَهُوَ ٱلَّذِي جَعَلَ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ خِلۡفَةٗ لِّمَنۡ أَرَادَ أَن يَذَّكَّرَ أَوۡ أَرَادَ شُكُورٗا ٦٢
Он - Тот, Кто чередует ночь и день для тех, кто желает помнить и благодарить.
Si Allāh ay ang gumawa ng gabi at maghapon na nagsusunuran: sumusunod ang isa sa dalawa sa iba pa at pumapalit, para sa sinumang nagnais na magsaalang-alang sa mga tanda ni Allāh para mapatnubayan o nagnais ng pagpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya.
25:63Страница 365
وَعِبَادُ ٱلرَّحۡمَٰنِ ٱلَّذِينَ يَمۡشُونَ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ هَوۡنٗا وَإِذَا خَاطَبَهُمُ ٱلۡجَٰهِلُونَ قَالُواْ سَلَٰمٗا ٦٣
А рабами Милостивого являются те, которые ступают по земле смиренно, а когда невежды обращаются к ним, они говорят: «Мир!»
Ang mga lingkod ng Napakamaawain na mga mananampalataya ay ang mga naglalakad sa lupa nang may paggalang bilang mga tagapagpakumbaba at kapag kumausap sa kanila ang mga mangmang ay hindi sila tumutumbas sa mga ito ng tulad [niyon], bagkus nagsasabi sila sa mga ito ng nakabubuti, na hindi nag-aasal-hangal kaugnay roon sa mga ito.
25:64Страница 365
وَٱلَّذِينَ يَبِيتُونَ لِرَبِّهِمۡ سُجَّدٗا وَقِيَٰمٗا ٦٤
Они проводят ночи, падая ниц и стоя перед своим Господом.
[Sila] ang mga nagpapagabi para sa Panginoon nila habang mga nakapatirapa sa mga noo nila at mga nakatayo sa mga paa nila habang nagdarasal kay Allāh.
25:65Страница 365
وَٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا ٱصۡرِفۡ عَنَّا عَذَابَ جَهَنَّمَۖ إِنَّ عَذَابَهَا كَانَ غَرَامًا ٦٥
Они говорят: «Господь наш! Отврати от нас мучения в Геенне, поскольку мучения там не отступают.
[Sila] ang mga nagsasabi sa panalangin nila sa Panginoon nila: "Panginoon namin, magpalayo Ka sa amin ng pagdurusa sa Impiyerno; tunay na ang pagdurusa sa Impiyerno ay laging palagiang nakadikit sa sinumang namatay na isang tagatangging sumampalataya.
25:66Страница 365
إِنَّهَا سَآءَتۡ مُسۡتَقَرّٗا وَمُقَامٗا ٦٦
Как скверны эта обитель и местопребывание!».
Tunay na iyon ay kay sagwa bilang lugar ng pagtigil para sa sinumang titigil doon at kay sagwa bilang pinananatilihan para sa sinumang mananatili roon."
25:67Страница 365
وَٱلَّذِينَ إِذَآ أَنفَقُواْ لَمۡ يُسۡرِفُواْ وَلَمۡ يَقۡتُرُواْ وَكَانَ بَيۡنَ ذَٰلِكَ قَوَامٗا ٦٧
Когда они делают пожертвования, то не излишествуют и не скупятся, а придерживаются середины между этими крайностями.
[Sila] ang mga kapag nagkaloob ng mga salapi nila ay hindi humahantong sa pagkakaloob nila ng mga iyon sa hangganan ng pagwawaldas at hindi nagtitipid sa pagkakaloob ng mga iyon sa mga kinakailangan sa mga ito ang paggugol kabilang ang mga sarili nila o ang iba pa sa mga ito. Laging ang paggugol nila na nasa pagitan ng pagwawaldas at pagkukuripot ay makatarungang katamtaman.
25:68Страница 366
وَٱلَّذِينَ لَا يَدۡعُونَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ وَلَا يَقۡتُلُونَ ٱلنَّفۡسَ ٱلَّتِي حَرَّمَ ٱللَّهُ إِلَّا بِٱلۡحَقِّ وَلَا يَزۡنُونَۚ وَمَن يَفۡعَلۡ ذَٰلِكَ يَلۡقَ أَثَامٗا ٦٨
Они не взывают помимо Аллаха к другим богам, не убивают людей вопреки запрету Аллаха, если только они не имеют права на это, и не прелюбодействуют. А тот, кто поступает так, получит наказание.
[Sila] ang mga hindi nananalangin kasama kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa iba pang sinasamba, hindi pumapatay ng taong nagbawal si Allāh ng pagpatay niyon malibang ayon sa pahintulot ni Allāh gaya ng pagpatay sa pumatay o murtadd o nakapag-asawang nangalunya, at hindi nangangalunya. Ang sinumang gumawa ng mga malaking kasalanan na ito ay makatatagpo siya sa Araw ng Pagbangon ng kaparusahan sa anumang nagawa niyang kasalanan:
25:69Страница 366
يُضَٰعَفۡ لَهُ ٱلۡعَذَابُ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَيَخۡلُدۡ فِيهِۦ مُهَانًا ٦٩
Его мучения будут приумножены в День воскресения, и он навечно останется в них униженным.
pag-iibayuhin para sa kanya ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon at mamalagi siya sa pagdurusa na isang kaaba-abang kalait-lait.
25:70Страница 366
إِلَّا مَن تَابَ وَءَامَنَ وَعَمِلَ عَمَلٗا صَٰلِحٗا فَأُوْلَٰٓئِكَ يُبَدِّلُ ٱللَّهُ سَيِّـَٔاتِهِمۡ حَسَنَٰتٖۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا ٧٠
Это не относится к тем, которые раскаялись, уверовали и поступали праведно. Их злые деяния Аллах заменит добрыми, ибо Аллах - Прощающий, Милосердный.
Subalit ang sinumang nagbalik-loob kay Allāh, sumampalataya, at gumawa ng gawang maayos, na nagpapatunay sa katapatan ng pagbabalik-loob niya, ang mga iyon ay papalitan ni Allāh ng magandang gawa ang ginawa nilang mga gawang masagwa. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
25:71Страница 366
وَمَن تَابَ وَعَمِلَ صَٰلِحٗا فَإِنَّهُۥ يَتُوبُ إِلَى ٱللَّهِ مَتَابٗا ٧١
Кто раскаивается и поступает праведно, тот действительно возвращается к Аллаху.
Ang sinumang nagbalik-loob kay Allāh at nagpatotoo sa katapatan ng pagbabalik-loob niya sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagtalima at pag-iwan ng mga pagsuway, tunay na ang pagbabalik-loob niya ay isang tanggap na pagbabalik-loob.
25:72Страница 366
وَٱلَّذِينَ لَا يَشۡهَدُونَ ٱلزُّورَ وَإِذَا مَرُّواْ بِٱللَّغۡوِ مَرُّواْ كِرَامٗا ٧٢
Они не свидетельствуют лживо (или не присутствуют при лживых разговорах), а когда проходят мимо праздного, то проходят с достоинством.
[Sila] ang mga hindi dumadalo sa kabulaanan gaya ng mga lugar ng mga pagsuway at mga libangang ipinagbabawal. Kapag naparaan sila sa satsatan kabilang sa imbi sa mga sinasabi at mga ginagawa ay dumaraan sila nang pagdaan na tumatawid habang mga nagpaparangal sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paglalayo sa mga ito sa pakikihalubilo roon.
25:73Страница 366
وَٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِّرُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ لَمۡ يَخِرُّواْ عَلَيۡهَا صُمّٗا وَعُمۡيَانٗا ٧٣
Когда им напоминают о знамениях их Господа, они не падают на них глухими и слепыми.
[Sila] ang mga kapag pinaalalahanan ng mga tanda ni Allāh na naririnig at nasasaksihan ay hindi nabibingi sa mga tainga nila sa mga tandang naririnig at hindi nabubulag sa mga tandang nasasaksihan.
25:74Страница 366
وَٱلَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا هَبۡ لَنَا مِنۡ أَزۡوَٰجِنَا وَذُرِّيَّٰتِنَا قُرَّةَ أَعۡيُنٖ وَٱجۡعَلۡنَا لِلۡمُتَّقِينَ إِمَامًا ٧٤
Они говорят: «Господь наш! Даруй нам отраду глаз в наших супругах и потомках и сделай нас образцом для богобоязненных».
[Sila] ang mga nagsasabi sa panalangin nila sa Panginoon nila: "Panginoon namin, magbigay Ka sa amin mula sa mga asawa namin at mga anak namin ng magiging galak ng mata para sa amin dahil sa pangingilag nito sa pagkakasala at pananatili nito sa katotohanan, at gumawa Ka sa amin para sa mga tagapangilag magkasala bilang mga tagapanguna sa katotohanan, na tinutularan."
25:75Страница 366
أُوْلَٰٓئِكَ يُجۡزَوۡنَ ٱلۡغُرۡفَةَ بِمَا صَبَرُواْ وَيُلَقَّوۡنَ فِيهَا تَحِيَّةٗ وَسَلَٰمًا ٧٥
Они получат Наивысшее место в воздаяние за то, что были терпеливы, и их встретят там приветствием и миром.
Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay gagantihan ng mga silid na mataas sa Firdaws na Pinakamataas ng Paraiso dahilan sa pagtitiis nila sa pagtalima kay Allāh at sasalubungin doon ng mga anghel ng pagbati at kapayapaan at maliligtas doon mula sa mga kasiraan
25:76Страница 366
خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ حَسُنَتۡ مُسۡتَقَرّٗا وَمُقَامٗا ٧٦
Они пребудут там вечно. Как прекрасна эта обитель и местопребывание!
bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Kay ganda iyon bilang lugar ng pagtigil na titigilan nila at bilang lugar ng pananatili na pananatilihan nila.
Текст: Quranic Universal Library (Tarteel) через spa5k/tafsir_api (MIT), в зафиксированной версии. Аяты: Quran Foundation. Источники и лицензии