Аль-МухтасарАль‑Маида · 5:101–120

Аль-Мухтасар · Тафсир · на тагальском

Аль-Маида 5:101–120

5:101Страница 124

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَسۡـَٔلُواْ عَنۡ أَشۡيَآءَ إِن تُبۡدَ لَكُمۡ تَسُؤۡكُمۡ وَإِن تَسۡـَٔلُواْ عَنۡهَا حِينَ يُنَزَّلُ ٱلۡقُرۡءَانُ تُبۡدَ لَكُمۡ عَفَا ٱللَّهُ عَنۡهَاۗ وَٱللَّهُ غَفُورٌ حَلِيمٞ ١٠١

О те, которые уверовали! Не спрашивайте о вещах, которые огорчат вас, если станут вам известны. А ведь они станут вам известны, если вы спросите о них, когда ниспосылается Коран. Аллах простил вам это, ибо Аллах - Прощающий, Выдержанный.

O mga sumampalataya, huwag kayong magtanong sa Sugo ninyo tungkol sa mga bagay na walang pangangailangan para sa inyo sa mga ito at hindi kabilang sa nakatutulong sa inyo sa nauukol sa relihiyon ninyo. Kung ilalantad ang mga ito sa inyo ay magpapasama ng loob ninyo ang mga ito dahil sa taglay ng mga ito na hirap. Kung magtatanong kayo tungkol sa mga bagay na ito, na sinaway kayo sa pagtatanong tungkol sa mga ito sa sandaling bumababa ang pagkakasi sa Sugo, ay pinaglilinaw ang mga ito sa inyo. Iyon kay Allāh ay madali. Nagpalampas nga si Allāh sa mga bagay na nanahimik tungkol sa mga ito ang Qur'ān kaya huwag kayong magtanong tungkol sa mga ito sapagkat tunay na kayo, kung nagtanong kayo tungkol sa mga ito, ay bababaan ng pag-aatang sa kahatulan ng mga ito. Si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya kapag nagbalik-loob sila, Matimpiin sa pagpaparusa sa kanila dahil sa mga ito.

5:102Страница 124

قَدۡ سَأَلَهَا قَوۡمٞ مِّن قَبۡلِكُمۡ ثُمَّ أَصۡبَحُواْ بِهَا كَٰفِرِينَ ١٠٢

Люди до вас спрашивали о них и по этой причине стали неверующими (или затем стали неверующими в них).

May nagtanong ng tungkol sa tulad ng mga ito, na mga tao kabilang sa nauna sa inyo, ngunit noong inatangan sila ng mga ito ay hindi sila nagsagawa sa mga ito, saka sila ay naging mga tagatangging sumampalataya dahilan sa mga ito.

5:103Страница 124

مَا جَعَلَ ٱللَّهُ مِنۢ بَحِيرَةٖ وَلَا سَآئِبَةٖ وَلَا وَصِيلَةٖ وَلَا حَامٖ وَلَٰكِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يَفۡتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَۖ وَأَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ ١٠٣

Аллах не распоряжался относительно бахиры, саибы, васыли и хами. Но неверующие возводят навет на Аллаха, и большая часть их не разумеет.

Nagpahintulot si Allāh ng mga hayupan sapagkat hindi Siya nagbawal mula sa mga ito ng ipinagbawal ng mga tagapagtambal sa mga sarili nila para sa mga anito nila, na kabilang [sa mga ito] ang baḥīrah, na babaing kamelyo na pinuputol ang tainga nito kapag nakapagsilang ng isang takdang bilang; ang sā’ibah, na babaing kamelyo na kapag umabot sa isang takdang edad ay iniiwan sa mga anito nila; ang waṣīlah, na babaing kamelyo na nagpapatuloy ang pagsisilang sa isang babae matapos ng isang babae; ang ḥāmī, na lalaking kamelyo kapag nagkaanak mula sa sarili ng isang bilang ng mga kamelyo. Subalit ang mga tagatangging sumampalataya ay nag-akala ng isang kasinungalingan at paninirang-puri na si Allāh ay nagbawal sa mga nabanggit. Ang higit na marami sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi nakatatalos sa pagkakaiba sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan, at ng ipinahintulot at ipinagbabawal.

5:104Страница 125

وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ إِلَىٰ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ وَإِلَى ٱلرَّسُولِ قَالُواْ حَسۡبُنَا مَا وَجَدۡنَا عَلَيۡهِ ءَابَآءَنَآۚ أَوَلَوۡ كَانَ ءَابَآؤُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ شَيۡـٔٗا وَلَا يَهۡتَدُونَ ١٠٤

Когда им говорят: «Придите к тому, что ниспослал Аллах, и к Посланнику», - они отвечают: «Нам достаточно того, на чем мы застали наших отцов». Неужели они поступят так, даже если их отцы ничего не знали и не следовали прямым путем?

Kapag sinabi sa mga gumawa-gawang ito laban kay Allāh ng kasinungalingan ng pagbabawal sa ilan sa mga hayupan: "Halikayo sa pinababa ni Allāh na Qur'ān at sa Sunnah ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – upang makakilala kayo sa ipinahihintulot sa ipinagbabawal" ay nagsasabi naman sila: "Nakasasapat sa amin ang nakuha namin at minana namin buhat sa mga ninuno namin na mga paniniwala, mga sinasabi, at mga ginagawa." Papaanong nakasasapat sa kanila iyon samantalang noon nga ang mga ninuno nila ay hindi nakaaalam ng anuman at hindi napapatnubayan sa katotohanan? Kaya naman walang sumusunod sa kanila kundi ang sinumang higit na mangmang kaysa sa kanila at higit na ligaw sa landas sapagkat sila ay mga mangmang na ligaw.

5:105Страница 125

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ عَلَيۡكُمۡ أَنفُسَكُمۡۖ لَا يَضُرُّكُم مَّن ضَلَّ إِذَا ٱهۡتَدَيۡتُمۡۚ إِلَى ٱللَّهِ مَرۡجِعُكُمۡ جَمِيعٗا فَيُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ١٠٥

О те, которые уверовали! Позаботьтесь о себе. Если вы последовали прямым путем, то вам не причинит вреда тот, кто впал в заблуждение. Всем вам предстоит вернуться к Аллаху, и тогда Он поведает вам о том, что вы совершали.

O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo kaya obligahin ninyo ang mga ito ng pagsasagawa ng anumang nagpapabuti sa mga ito. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kabilang sa mga tao at hindi tumugon sa inyo kapag napatnubayan kayo mismo. Bahagi ng pagkapatnubay ninyo ang pag-uutos ninyo sa nakabubuti at ang pagsaway ninyo sa nakasasama. Tungo kay Allāh lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon, saka magpapabatid Siya sa inyo ng anumang dati ninyo ginagawa sa Mundo at gaganti Siya sa inyo roon.

5:106Страница 125

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ شَهَٰدَةُ بَيۡنِكُمۡ إِذَا حَضَرَ أَحَدَكُمُ ٱلۡمَوۡتُ حِينَ ٱلۡوَصِيَّةِ ٱثۡنَانِ ذَوَا عَدۡلٖ مِّنكُمۡ أَوۡ ءَاخَرَانِ مِنۡ غَيۡرِكُمۡ إِنۡ أَنتُمۡ ضَرَبۡتُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَأَصَٰبَتۡكُم مُّصِيبَةُ ٱلۡمَوۡتِۚ تَحۡبِسُونَهُمَا مِنۢ بَعۡدِ ٱلصَّلَوٰةِ فَيُقۡسِمَانِ بِٱللَّهِ إِنِ ٱرۡتَبۡتُمۡ لَا نَشۡتَرِي بِهِۦ ثَمَنٗا وَلَوۡ كَانَ ذَا قُرۡبَىٰ وَلَا نَكۡتُمُ شَهَٰدَةَ ٱللَّهِ إِنَّآ إِذٗا لَّمِنَ ٱلۡأٓثِمِينَ ١٠٦

О те, которые уверовали! Если к кому-нибудь из вас явится смерть, и он оставит завещание, то его свидетельствуют двое справедливых мужей из вас или двое других не из вас, если смерть постигнет вас, когда вы странствуете по земле. Задержите их обоих после намаза, и если вы усомнитесь, то они должны поклясться Аллахом: «Мы не покупаем за них мирскую выгоду, даже если он является нашим близким родственником, и не скрываем свидетельства Аллаха. В противном же случае мы принадлежим к числу грешников».

O mga sumampalataya, kapag nalapit ang kamatayan ng isa sa inyo dahil sa paglitaw ng isa sa mga palatandaan ng kamatayan ay magpasaksi siya sa tagubilin niya sa dalawang makatarungan kabilang sa mga Muslim o sa dalawang lalaki kabilang sa mga tagatangging sumampalataya sa sandali ng pangangailangan dahil sa kawalan ng iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga Muslim, kung naglakbay kayo at bumaba sa inyo ang kamatayan. Kung nangyari ang pag-aalinlangan sa pagsaksi nilang dalawa ay magpatigil kayo sa kanilang dalawa matapos ng isa sa mga pagdarasal. Kaya manunumpa silang dalawa kay Allāh na hindi silang dalawa magbebenta ng bahagi nilang dalawa mula kay Allāh kapalit ng isang panumbas; hindi silang dalawa papanig sa isang kaanak; hindi silang dalawa magkukubli ng isang pagsasaksi para kay Allāh sa ganang kanilang dalawa; at na silang dalawa, kung gumawa dalawa niyon, ay magiging kabilang sa mga nagkakasalang sumusuway kay Allāh.

5:107Страница 125

فَإِنۡ عُثِرَ عَلَىٰٓ أَنَّهُمَا ٱسۡتَحَقَّآ إِثۡمٗا فَـَٔاخَرَانِ يَقُومَانِ مَقَامَهُمَا مِنَ ٱلَّذِينَ ٱسۡتَحَقَّ عَلَيۡهِمُ ٱلۡأَوۡلَيَٰنِ فَيُقۡسِمَانِ بِٱللَّهِ لَشَهَٰدَتُنَآ أَحَقُّ مِن شَهَٰدَتِهِمَا وَمَا ٱعۡتَدَيۡنَآ إِنَّآ إِذٗا لَّمِنَ ٱلظَّٰلِمِينَ ١٠٧

Если будет обнаружено, что они оба повинны в грехе, то пусть двое других самых близких родственников из числа тех, кто имеет законные права, займут их место и поклянутся Аллахом: «Наше свидетельство вернее их свидетельства, и мы не преступаем границы дозволенного. В противном же случае мы принадлежим к числу беззаконников».

Ngunit kung luminaw, matapos ng pagpapanumpa, ang kasinungalingan nilang dalawa sa pagsasaksi o panunumpa, o lumitaw ang kataksilan nilang dalawa, pasasaksihin o panunumpain ang dalawang iba pang tatayo sa katayuan nilang dalawa kabilang sa pinakamalapit na mga tao sa namatay kung ano ang totoo. Susumpa ang dalawang ito kay Allāh [ng ganito]: "Talagang ang pagsasaksi namin sa kasinungalingan nilang dalawa at kataksilan nilang dalawa ay higit na totoo kaya sa pagsasaksi nilang dalawa sa katapatan nilang dalawa at pagkamapagkakatiwalaan nilang dalawa. Hindi kami sumumpa ng kabulaanan. Tunay na kami, kung sumaksi kami sa kabulaanan, ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan, na mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh."

5:108Страница 125

ذَٰلِكَ أَدۡنَىٰٓ أَن يَأۡتُواْ بِٱلشَّهَٰدَةِ عَلَىٰ وَجۡهِهَآ أَوۡ يَخَافُوٓاْ أَن تُرَدَّ أَيۡمَٰنُۢ بَعۡدَ أَيۡمَٰنِهِمۡۗ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱسۡمَعُواْۗ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ ١٠٨

Поступить так лучше для того, чтобы они принесли истинное свидетельство или устрашились того, что другие клятвы будут принесены после их клятв. Бойтесь Аллаха и слушайте! Ведь Аллах не ведет прямым путем людей нечестивых.

Ang nabanggit na iyon na pagpapasumpa sa dalawang tagasaksi matapos ng pagdarasal sa sandali ng pagdududa sa pagsasaksi nilang dalawa at laban sa pagtanggi sa pagsasaksi nilang dalawa ay higit na malapit na magsagawa silang dalawa ng pagsasaksi ayon sa paraang legal para sa pagsasagawa nito kaya hindi silang dalawa maglilihis sa pagsasaksi o magpapalit nito o magtataksil, at higit na malapit na mangamba silang dalawa na tanggihan ang mga panunumpa ng mga tagapagmana matapos ng mga panunumpa nilang dalawa sapagkat manunumpa sila ng kasalungatan sa sinaksihan nilang dalawa kaya maiiskandalo silang dalawa. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwan sa kasinungalingan at kataksilan sa pagsasaksi at panunumpa. Duminig kayo sa ipinag-utos sa inyo ayon sa pagdinig na sinasamahan ng pagtanggap. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga lumalabas sa pagtalima sa Kanya.

5:109Страница 126

۞ يَوۡمَ يَجۡمَعُ ٱللَّهُ ٱلرُّسُلَ فَيَقُولُ مَاذَآ أُجِبۡتُمۡۖ قَالُواْ لَا عِلۡمَ لَنَآۖ إِنَّكَ أَنتَ عَلَّٰمُ ٱلۡغُيُوبِ ١٠٩

В тот день, когда Аллах соберет посланников и скажет: «Что вам ответили?». - они скажут: «Мы не обладаем знанием. Воистину, Ты - Ведающий сокровенное».

Banggitin ninyo, O mga tao, sa Araw ng Pagbangon kung kailan kakalap si Allāh sa lahat ng mga sugo saka magsasabi Siya sa kanila: "Ano ang itinugon sa inyo ng mga kalipunan ninyo na pinagsuguan Ko sa inyo?" Magsasabi sila, habang mga nagpapaubaya ng sagot kay Allāh: "Walang kaalaman sa amin at ang kaalaman ay sa Iyo lamang, O Panginoon namin; tunay na Ikaw – tanging Ikaw – ay ang nakaaalam sa mga bagay-bagay na nakalingid."

5:110Страница 126

إِذۡ قَالَ ٱللَّهُ يَٰعِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ٱذۡكُرۡ نِعۡمَتِي عَلَيۡكَ وَعَلَىٰ وَٰلِدَتِكَ إِذۡ أَيَّدتُّكَ بِرُوحِ ٱلۡقُدُسِ تُكَلِّمُ ٱلنَّاسَ فِي ٱلۡمَهۡدِ وَكَهۡلٗاۖ وَإِذۡ عَلَّمۡتُكَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحِكۡمَةَ وَٱلتَّوۡرَىٰةَ وَٱلۡإِنجِيلَۖ وَإِذۡ تَخۡلُقُ مِنَ ٱلطِّينِ كَهَيۡـَٔةِ ٱلطَّيۡرِ بِإِذۡنِي فَتَنفُخُ فِيهَا فَتَكُونُ طَيۡرَۢا بِإِذۡنِيۖ وَتُبۡرِئُ ٱلۡأَكۡمَهَ وَٱلۡأَبۡرَصَ بِإِذۡنِيۖ وَإِذۡ تُخۡرِجُ ٱلۡمَوۡتَىٰ بِإِذۡنِيۖ وَإِذۡ كَفَفۡتُ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ عَنكَ إِذۡ جِئۡتَهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ فَقَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡهُمۡ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٞ ١١٠

Аллах скажет: «О Иса (Иисус), сын Марьям (Марии)! Помни о милости, которую Я оказал тебе и твоей матери. Я поддержал тебя Святым Духом (Джибрилем), благодаря чему ты говорил с людьми в колыбели и будучи взрослым. Я научил тебя Писанию, мудрости, Таурату (Торе) и Инджилу (Евангелию). По Моему соизволению ты лепил изваяния птиц из глины и дул на них, и по Моему соизволению они становились птицами. По Моему соизволению ты исцелял слепого (или лишенного зрения от рождения; или обладающего слабым зрением) и прокаженного, по Моему соизволению ты выводил покойников живыми из могил. Я отвратил от тебя (защитил тебя от) сынов Исраила (Израиля), когда ты явился к ним с ясными знамениями, а неверующие из их числа сказали, что это - всего лишь очевидное колдовство».

Banggitin kapag magsasabi si Allāh habang nakikipag-usap kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Jesus na anak ni Maria, bumanggit ka sa biyaya Ko sa iyo nang lumikha Ako sa iyo nang walang ama at bumanggit ka sa biyaya Ko sa ina mo na si Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nang humirang Ako sa kanya higit sa mga babae sa panahon niya. Bumanggit ka mula sa ibiniyaya Ko sa iyo nang nagpalakas Ako sa iyo sa pamamagitan ni Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong nagsasalita ka sa mga tao habang ikaw ay isang sanggol sa pag-aanyaya sa kanila tungo sa Akin at nagsasalita ka sa kanila sa kasapatang-gulang mo hinggil sa ipinasugo Ko sa iyo sa kanila. Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo na nagturo Ako sa iyo ng pagsulat, nagturo Ako sa iyo ng Torah na pinababa kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at ng Ebanghelyo na pinababa sa iyo, at nagturo Ako sa iyo ng mga lihim ng Batas, mga pakinabang nito, at mga karunungan nito. Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo na ikaw ay nagbibigay-anyo mula sa putik ng anyo ng isang ibon, pagkatapos umiihip ka rito at ito ay nagiging isang ibon; na ikaw ay nagpapagaling sa ipinanganak na bulag mula sa pagkabulag nito, nagpapagaling ng ketongin at ito ay nagiging magaling ang balat, at bumubuhay ng mga patay sa pamamagitan ng panalangin mo sa Akin na buhayin sila. Lahat ng iyon ay ayon sa pahintulot Ko. Kabilang sa ibiniyaya Ko sa iyo na nagtanggol Ako sa iyon sa mga anak ni Israel noong nagbalak sila ng pagpatay sa iyo nang dinalhan mo sila ng mga himalang maliwanag ngunit walang nangyari sa kanila malibang tumanggi silang sumampalataya sa mga ito at nagsabi sila: Walang iba itong inihatid ni Jesus kundi isang panggagaway na maliwang."

5:111Страница 126

وَإِذۡ أَوۡحَيۡتُ إِلَى ٱلۡحَوَارِيِّـۧنَ أَنۡ ءَامِنُواْ بِي وَبِرَسُولِي قَالُوٓاْ ءَامَنَّا وَٱشۡهَدۡ بِأَنَّنَا مُسۡلِمُونَ ١١١

Я внушил апостолам: «Уверуйте в Меня и Моего посланника». Они сказали: «Мы уверовали! Засвидетельствуй же, что мы стали мусульманами».

Bumanggit ka ng kabilang sa ibiniyaya ko sa iyo na nagkaloob Ako sa iyo ng mga katulong nang nagpahiwatig Ako sa mga disipulo na sumampalataya sila sa Akin at sa iyo kaya nagpaakay naman sila roon, tumugon, at nagsabi: "Sumampalataya kami at sumaksi Ka, O Panginoon namin, na kami ay mga sumusuko sa Iyo, mga nagpapaakay."

5:112Страница 126

إِذۡ قَالَ ٱلۡحَوَارِيُّونَ يَٰعِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ هَلۡ يَسۡتَطِيعُ رَبُّكَ أَن يُنَزِّلَ عَلَيۡنَا مَآئِدَةٗ مِّنَ ٱلسَّمَآءِۖ قَالَ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ إِن كُنتُم مُّؤۡمِنِينَ ١١٢

Вот сказали апостолы: «О Иса (Иисус), сын Марьям (Марии)! Может ли твой Господь ниспослать нам трапезу с неба?». Он сказал: «Бойтесь Аллаха, если вы являетесь верующими».

Bumanggit ka noong nagsabi ang mga disipulo: "O Jesus na anak ni Maria, makakakaya kaya ang Panginoon mo, kapag dumalangin ka sa Kanya, na magpababa sa atin ng isang hapag mula sa langit?" Kaya sumagot sa kanila si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa pamamagitan ng pag-uutos sa kanila ng pangingilag sa pagkakasala kay Allāh at ng pagtigil ng paghiling ng hiningi nila yayamang baka may dulot itong isang tukso sa kanila. Nagsabi siya sa kanila: "Manalig kayo sa Panginoon ninyo sa paghiling ng panustos kung kayo ay mga mananampalataya."

5:113Страница 126

قَالُواْ نُرِيدُ أَن نَّأۡكُلَ مِنۡهَا وَتَطۡمَئِنَّ قُلُوبُنَا وَنَعۡلَمَ أَن قَدۡ صَدَقۡتَنَا وَنَكُونَ عَلَيۡهَا مِنَ ٱلشَّٰهِدِينَ ١١٣

Они сказали: «Мы хотим отведать ее, чтобы наши сердца успокоились, чтобы мы узнали, что ты сказал нам правду, и чтобы мы были свидетелями о ней».

Nagsabi ang mga disipulo kay Jesus: "Nagnanais kami na kumain mula sa hapag na ito, mapanatag ang mga puso namin sa kalubusan ng kakayahan ni Allāh at na ikaw ay Sugo Niya, makaalam kami ayon sa kaalaman ng katiyakan na ikaw ay nagpakatapat sa amin sa inihatid mo mula sa ganang kay Allāh, at maging kabilang kami sa mga tagasaksi roon para sa hindi nakadalo roon kabilang sa mga tao."

5:114Страница 127

قَالَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ ٱللَّهُمَّ رَبَّنَآ أَنزِلۡ عَلَيۡنَا مَآئِدَةٗ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ تَكُونُ لَنَا عِيدٗا لِّأَوَّلِنَا وَءَاخِرِنَا وَءَايَةٗ مِّنكَۖ وَٱرۡزُقۡنَا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلرَّٰزِقِينَ ١١٤

Иса (Иисус), сын Марьям (Марии), сказал: «О Аллах, Господь наш! Ниспошли нам трапезу с неба, которая была бы праздником для всех нас, от первого до последнего, и знамением от Тебя. Надели нас уделом, ведь Ты - Наилучший из дарующих удел».

Kaya sumagot si Hesus sa hiling nila at dumalangin Siya kay Allāh, na nagsasabi: "Panginoon namin, magpababa Ka sa amin ng isang hapag ng pagkain, na gagawin namin mula sa araw ng pagbaba nito bilang pagdiriwang na dadakilain namin bilang pasasalamat sa Iyo ng mga buhay kabilang sa amin ngayong araw at ng sinumang darating matapos namin kabilang sa amin, at upang maging isang palatandaan at isang patotoo sa kaisahan Mo at sa katapatan ng ipinadala Mo. Magtustos Ka sa amin ng isang panustos na tutulong sa amin sa pagsamba sa Iyo, at Ikaw, O Panginoon namin, ay pinakamainam sa mga tagatustos."

5:115Страница 127

قَالَ ٱللَّهُ إِنِّي مُنَزِّلُهَا عَلَيۡكُمۡۖ فَمَن يَكۡفُرۡ بَعۡدُ مِنكُمۡ فَإِنِّيٓ أُعَذِّبُهُۥ عَذَابٗا لَّآ أُعَذِّبُهُۥٓ أَحَدٗا مِّنَ ٱلۡعَٰلَمِينَ ١١٥

Аллах ответил: «Я ниспошлю ее вам, но если кто-либо после этого не уверует, то Я подвергну его таким мучениям, которым Я не подвергал никого из миров».

Kaya tumugon si Allāh sa panalangin ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at nagsabi: "Tunay na Ako ay magbababa ng hapag na ito na hiniling ninyo ang pagpapababa nito sa inyo. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya matapos ng pagpapababa nito ay huwag nga siyang maninisi maliban sa sarili niya sapagkat magpaparusa Ako sa kanya ng isang pagdurusang matinding hindi Ako nagpaparusa nito sa isa man dahil siya ay nakasasaksi sa himalang kahanga-hanga kaya ang kawalang-pananampalataya niya ay naging kawalang-pananampalataya ng pagmamatigas." Nagsasakatuparan si Allāh para sa kanila ng pangako Niya kaya nagpababa Siya nito sa kanila.

5:116Страница 127

وَإِذۡ قَالَ ٱللَّهُ يَٰعِيسَى ٱبۡنَ مَرۡيَمَ ءَأَنتَ قُلۡتَ لِلنَّاسِ ٱتَّخِذُونِي وَأُمِّيَ إِلَٰهَيۡنِ مِن دُونِ ٱللَّهِۖ قَالَ سُبۡحَٰنَكَ مَا يَكُونُ لِيٓ أَنۡ أَقُولَ مَا لَيۡسَ لِي بِحَقٍّۚ إِن كُنتُ قُلۡتُهُۥ فَقَدۡ عَلِمۡتَهُۥۚ تَعۡلَمُ مَا فِي نَفۡسِي وَلَآ أَعۡلَمُ مَا فِي نَفۡسِكَۚ إِنَّكَ أَنتَ عَلَّٰمُ ٱلۡغُيُوبِ ١١٦

Вот сказал Аллах: «О Иса (Иисус), сын Марьям (Марии)! Говорил ли ты людям: «Примите меня и мою мать двумя богами наряду с Аллахом»?». Он сказал: «Пречист Ты! Как я мог сказать то, на что я не имею права? Если бы я сказал такое, Ты знал бы об этом. Ты знаешь то, что у меня в душе, а я не знаю того, что у Тебя в Душе. Воистину, Ты - Ведающий сокровенное.

Banggitin mo kapag magsasabi si Allāh sa Araw ng Pagbangon habang nakikipag-usap kay Jesus na anak ni Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O Jesus na anak ni Maria, nagsabi ka ba sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang dalawang sinasamba bukod pa kay Allāh?" Kaya sasagot si Jesus habang nagpapawalang-kapintasan sa Panginoon niya: "Hindi nararapat para sa akin na magsabi ako sa kanila maliban ng katotohanan. Kung itinakda na ako ay nagsabi niyon, nakaalam Ka nga niyon dahil walang nakakukubli sa Iyo na anuman. Nakaaalam Ka ng inililingid ko sa sarili ko at hindi ako nakaaalam ng nasa sarili Mo. Tunay na Ikaw – tanging Ikaw – ay ang nakaaalam sa bawat nakaliban, bawat nakakubli, at bawat nakalitaw.

5:117Страница 127

مَا قُلۡتُ لَهُمۡ إِلَّا مَآ أَمَرۡتَنِي بِهِۦٓ أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمۡۚ وَكُنتُ عَلَيۡهِمۡ شَهِيدٗا مَّا دُمۡتُ فِيهِمۡۖ فَلَمَّا تَوَفَّيۡتَنِي كُنتَ أَنتَ ٱلرَّقِيبَ عَلَيۡهِمۡۚ وَأَنتَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدٌ ١١٧

Я не говорил им ничего, кроме того, что Ты мне велел: «Поклоняйтесь Аллаху, моему Господу и вашему Господу». Я был свидетелем о них, пока находился среди них. Когда же Ты упокоил меня, Ты стал наблюдать за ними. Воистину, Ты - Свидетель всякой вещи.

Nagsabi si Jesus sa Panginoon niya: "Wala akong sinabi sa mga tao maliban sa ipinag-utos Mo sa akin na magsabi ng ipinag-uutos sa kanila na pagbubukod-tangi sa Iyo sa pagsamba. Ako noon ay mapagmasid sa sinasabi nila sa yugto ng kairalan ko sa gitna nila ngunit noong nagpawakas Ka sa panahon ng pananatili ko sa gitna nila sa pamamagitan ng pag-angat sa akin sa langit nang buhay, Ikaw, O Panginoon ko, ay ang mapag-ingat sa mga gawain nila. Ikaw sa bawat bagay ay Saksi: walang naililingid sa Iyo na anuman kaya hindi nakakukubli sa Iyo ang sinabi ko sa kanila at ang sinabi nila matapos ko.

5:118Страница 127

إِن تُعَذِّبۡهُمۡ فَإِنَّهُمۡ عِبَادُكَۖ وَإِن تَغۡفِرۡ لَهُمۡ فَإِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ ١١٨

Если Ты подвергнешь их мучениям, то ведь они - Твои рабы. Если же Ты простишь им, то ведь Ты - Могущественный, Мудрый».

Kung magpaparusa Ka sa kanila, O Panginoon, tunay na sila ay mga lingkod Mo, na nagagawa Mo sa kanila ang niloloob Mo; at kung magmamagandang-loob Ka ng kapatawaran sa sinumang sumampalataya kabilang sa kanila, walang tagapigil sa Iyo roon sapagkat tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan na hindi napapanaigan, ang Marunong sa pangangasiwa Mo."

5:119Страница 127

قَالَ ٱللَّهُ هَٰذَا يَوۡمُ يَنفَعُ ٱلصَّٰدِقِينَ صِدۡقُهُمۡۚ لَهُمۡ جَنَّٰتٞ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ رَّضِيَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ وَرَضُواْ عَنۡهُۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ ١١٩

Аллах сказал: «Это - день, когда правдивым людям принесет пользу их правдивость. Им уготованы Райские сады, в которых текут реки. Они пребудут там вечно». Аллах доволен ими, и они довольны Им. Это - великое преуспеяние!

Magsasabi si Allāh kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Ito ay Araw na magpapakinabang sa mga tapat sa mga layunin, mga gawain, at mga sinasabi ang katapatan nila. Ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman; hindi sila dadapuan ng kamatayan." Nalugod si Allāh sa kanila sapagkat hindi Siya naiinis sa kanila magpakailanman at nalugod sila sa Kanya dahil nagkamit sila ng kaginhawahang namamalagi. Ang ganti at ang pagkalugod sa kanila na iyon ay ang pagkatamong sukdulan sapagkat walang pagkatamong papantay rito.

5:120Страница 127

لِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا فِيهِنَّۚ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرُۢ ١٢٠

Аллаху принадлежит власть над небесами, землей и тем, что на них, и Он способен на всякую вещь.

Sa kay Allāh lamang ang paghahari sa mga langit at lupa sapagkat Siya ay ang Tagapaglikha ng mga ito at ang Tagapangasiwa sa nauukol sa mga ito, at sa Kanya ang paghahari sa anumang nasa mga ito na lahat ng mga nilikha. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan kaya walang nakapagpapahina sa Kanya na anuman.

Текст: Quranic Universal Library (Tarteel) через spa5k/tafsir_api (MIT), в зафиксированной версии. Аяты: Quran Foundation. Источники и лицензии

Содержание

Аят аль-Курси36Аль-Кахфстр. 42джуз 15Бухари 1Муслим 2999

Вид

Тема
Размер текста
Вид

Read in English