Аль-Мухтасар · Тафсир · на тагальском
الطور
Ат-Тур
Гора · Мекканская · 49 аятов
Sumumpa si Allāh sa bundok na kinausap Niya sa ibabaw nito si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Sumumpa Siya sa Aklat na tinitikan
sa isang pahinang nakalatag, na nakabukas gaya ng mga kasulatang pinababa.
Sumumpa si Allāh sa Bahay na dinadalaw ng mga anghel sa langit dahil sa pagsamba sa Kanya.
Sumumpa Siya sa langit na iniangat na siyang bubong ng lupa.
52:6Страница 523
وَٱلۡبَحۡرِ ٱلۡمَسۡجُورِ ٦
Клянусь морем разожженным (или переполненным; или опустевшим; или перемешанным; или удерживаемым)!
Sumumpa Siya sa dagat na pinupuno ng tubig.
Tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon mo, O Sugo, ay talagang magaganap nang walang pasubali sa mga tagatangging sumampalataya.
Walang ukol dito na anumang tagatulak na tutulak rito palayo sa kanila at magtatanggol sa kanila laban sa pagkaganap nito sa kanila,
sa araw na kikilos ang langit sa isang pagkilos at manginginig ito bilang pagpapahayag ng pagbangon [ng mga patay],
at uusad ang mga bundok mula sa mga kinaroroonan ng mga ito sa isang pag-usad.
52:11Страница 523
فَوَيۡلٞ يَوۡمَئِذٖ لِّلۡمُكَذِّبِينَ ١١
Горе в тот день тем, кто считает истину ложью,
Kaya kapahamakan at kalugihan sa araw na iyon ay ukol sa mga tagapagpasinungaling sa ipinangako ni Allāh sa mga tagatangging sumampalataya sa Kanya na pagdurusa,
na sila sa pagsuong sa kabulaanan ay naglalaro, na hindi pumapansin sa pagbubuhay at pagtitipon [sa mga patay].
52:13Страница 523
يَوۡمَ يُدَعُّونَ إِلَىٰ نَارِ جَهَنَّمَ دَعًّا ١٣
В тот день они будут нещадно ввергнуты в огонь Геенны.
Sa araw na itutulak sila nang matindi at marahas patungo sa apoy ng Impiyerno sa isang pagtutulak.
52:14Страница 523
هَٰذِهِ ٱلنَّارُ ٱلَّتِي كُنتُم بِهَا تُكَذِّبُونَ ١٤
Это - тот самый Огонь, который вы считали ложью.
sasabihin sa kanila bilang panunumbat sa kanila: "Ito ay ang Apoy na kayo dati hinggil dito ay nagpapasinungaling nang nagpapangamba sa inyo ang mga sugo ninyo laban dito.
52:15Страница 524
أَفَسِحۡرٌ هَٰذَآ أَمۡ أَنتُمۡ لَا تُبۡصِرُونَ ١٥
Неужели это колдовство? Или же вы не видите?
Kaya panggagaway ba itong nakita ninyo na pagdurusa o kayo ay hindi nakakikita nito?
52:16Страница 524
ٱصۡلَوۡهَا فَٱصۡبِرُوٓاْ أَوۡ لَا تَصۡبِرُواْ سَوَآءٌ عَلَيۡكُمۡۖ إِنَّمَا تُجۡزَوۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ١٦
Горите в нем! Вам все равно, будете вы терпеть или не станете проявлять терпения. Вам воздается только за то, что вы совершали.
Lumasap kayo ng init ng apoy na ito at batahin ninyo ito, saka magtiis kayo sa pagbata ng init nito o huwag kayong magtiis rito: magkapantay ang pagtitiis ninyo at ang kawalan ng pagtitiis ninyo. HIndi kayo gagantihan sa Araw na ito kundi ng dati ninyong ginagawa sa Mundo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
52:17Страница 524
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَنَعِيمٖ ١٧
Воистину, богобоязненные пребудут в Райских садах и блаженстве.
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay nasa mga hardin at kaginhawahang sukdulan na hindi napuputol,
52:18Страница 524
فَٰكِهِينَ بِمَآ ءَاتَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ وَوَقَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ عَذَابَ ٱلۡجَحِيمِ ١٨
Они будут радоваться тому, чем их одарит их Господь. Господь их уберег их от мучений в Аду.
na nagpapakasarap sa ibinigay sa kanila ni Allāh na masasarap na pagkain at inumin, at pag-aasawa, at nagsanggalang sa kanila sila ang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya – sa pagdurusa sa Impiyerno. Kaya nagtagumpay sila dahil sa pagtamo ng hinihiling nila na mga minamasarap at dahil sa pagsasanggalang sa kanila sa mga nakayayamot.
52:19Страница 524
كُلُواْ وَٱشۡرَبُواْ هَنِيٓـَٔۢا بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ١٩
Ешьте и пейте во здравие за то, что вы совершали!
Sasabihin sa kanila: "Kumain kayo at uminom kayo mula sa ninanasa ng mga sarili ninyo nang kaiga-igaya, na hindi kayo nangangamba ng isang kapinsalaan ni isang kasiraan mula sa kinakain ninyo at iniinom ninyo bilang ganti para sa inyo sa mga gawain ninyong kaaya-aya sa Mundo."
52:20Страница 524
مُتَّكِـِٔينَ عَلَىٰ سُرُرٖ مَّصۡفُوفَةٖۖ وَزَوَّجۡنَٰهُم بِحُورٍ عِينٖ ٢٠
Они будут, прислонившись, возлежать на ложах, выстроенных в ряд, и Мы сочетаем их с черноокими, большеглазыми гуриями.
Mga nakasandal [sila] sa mga sopang ginayakan, inilagay ngang magkaharapan ang mga ito sa tabi ng isa't isa. Magkakasal Kami sa kanila sa mga babaing maputi na malalapad ang mga mata.
52:21Страница 524
وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَٱتَّبَعَتۡهُمۡ ذُرِّيَّتُهُم بِإِيمَٰنٍ أَلۡحَقۡنَا بِهِمۡ ذُرِّيَّتَهُمۡ وَمَآ أَلَتۡنَٰهُم مِّنۡ عَمَلِهِم مِّن شَيۡءٖۚ كُلُّ ٱمۡرِيِٕۭ بِمَا كَسَبَ رَهِينٞ ٢١
Мы воссоединим верующих с их потомками, которые последовали за ними в вере, и нисколько не умалим их деяний. Каждый человек является заложником того, что он приобрел.
Ang mga sumampalataya at sumunod sa kanila sa pananampalataya ang mga anak nila ay mag-uugnay Kami sa kanila sa mga anak nila upang magalak ang mga mata nila sa mga ito. Kung sakaling hindi umabot ang mga gawa nila ay hindi Kami magbabawas sa kanila ng anuman sa gantimpala ng mga gawa nila. Ang bawat tao ay mapipiit dahil sa nakamit niya na gawang masagwa; hindi mananagot para sa kanya ang iba pa sa kanya sa anuman mula sa gawa niya.
52:22Страница 524
وَأَمۡدَدۡنَٰهُم بِفَٰكِهَةٖ وَلَحۡمٖ مِّمَّا يَشۡتَهُونَ ٢٢
Мы наделим их фруктами и мясом таким, какое они пожелают.
Magkakaloob Kami sa mga maninirahang ito sa Paraiso ng mga uri ng prutas at magkakaloob Kami sa kanila ng bawat ninasa nila na karne.
52:23Страница 524
يَتَنَٰزَعُونَ فِيهَا كَأۡسٗا لَّا لَغۡوٞ فِيهَا وَلَا تَأۡثِيمٞ ٢٣
Они будут передавать друг другу чашу с вином, которое не принесет ни празднословия, ни греха.
Magbibigayan sila sa Paraiso ng tasa na hindi nagreresulta sa pag-inom nito ang inireresulta sa Mundo na pananalitang bulaan at kasalanan dahilan sa pagkalasing.
52:24Страница 524
۞ وَيَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ غِلۡمَانٞ لَّهُمۡ كَأَنَّهُمۡ لُؤۡلُؤٞ مَّكۡنُونٞ ٢٤
Их будут обходить их юные слуги, подобные сокрытому жемчугу.
May lilibot sa kanila na mga batang lalaking pinagsilbi para sa pagsisilbi sa kanila, na para bang ang mga ito iyon sa kadalisayan ng kutis ng mga iyon at kaputian nito ay mga mutyang iniingatan sa mga kabibe ng mga ito.
52:25Страница 524
وَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَسَآءَلُونَ ٢٥
Они будут расспрашивать друг друга.
Lalapit ang iba sa mga maninirahan sa Paraiso sa iba pa, habang nagtatanong sila sa isa't isa tungkol sa kalagayan nila sa Mundo.
52:26Страница 524
قَالُوٓاْ إِنَّا كُنَّا قَبۡلُ فِيٓ أَهۡلِنَا مُشۡفِقِينَ ٢٦
Они скажут: «Прежде, находясь в кругу своих семей, мы трепетали от страха.
Kaya sasagot sila sa mga iyon: "Tunay na kami dati sa Mundo sa gitna ng mga mag-anak namin ay mga nangangamba sa pagdurusang dulot ni Allāh.
52:27Страница 524
فَمَنَّ ٱللَّهُ عَلَيۡنَا وَوَقَىٰنَا عَذَابَ ٱلسَّمُومِ ٢٧
Аллах же оказал нам милость и уберег нас от мучений знойного ветра (или мучений в Аду).
Ngunit nagmagandang-loob si Allāh sa amin ng kapatnubayan tungo sa Islām at nagsanggalang Siya sa amin laban sa pagdurusang lumalabis sa init.
52:28Страница 524
إِنَّا كُنَّا مِن قَبۡلُ نَدۡعُوهُۖ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡبَرُّ ٱلرَّحِيمُ ٢٨
Мы взывали к Нему прежде. Воистину, Он - Добродетельный, Милосердный».
Tunay na kami dati sa buhay namin sa Mundo ay sumasamba sa Kanya at dumadalangin sa Kanya na magsanggalang Siya sa amin sa pagdurusa sa Apoy. Tunay na Siya ay ang Tagagawa ng mabuti, ang Tapat sa pangako Niya sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila. Bahagi ng kabaitan Niya at awa Niya sa amin na nagpatnubay Siya sa amin sa pananampalataya, nagpapasok Siya sa amin sa Paraiso, at nagpalayo Siya sa amin sa Apoy.
52:29Страница 524
فَذَكِّرۡ فَمَآ أَنتَ بِنِعۡمَتِ رَبِّكَ بِكَاهِنٖ وَلَا مَجۡنُونٍ ٢٩
Напоминай же! По милости своего Господа ты не являешься ни прорицателем, ни одержимым.
Kaya magpaalaala ka, O Sugo, sa pamamagitan ng Qur'ān sapagkat hindi ka, dahil sa ibiniyaya ni Allāh sa inyo na pananampalataya at pang-unawa, isang manghuhula na mayroon kang isang mapagtingin kabilang sa mga jinn; at hindi ka isang baliw.
52:30Страница 524
أَمۡ يَقُولُونَ شَاعِرٞ نَّتَرَبَّصُ بِهِۦ رَيۡبَ ٱلۡمَنُونِ ٣٠
Или же они говорят: «Он - поэт! Давайте же подождем, пока время не разберется с ним».
O nagsasabi ang mga tagapagpasinungaling na ito: "Tunay na si Muḥammad ay hindi isang sugo, bagkus isang makata, na naghihintay kami sa kanya na hablutin siya ng kamatayan para makapagpahinga Kami sa kanya."
52:31Страница 524
قُلۡ تَرَبَّصُواْ فَإِنِّي مَعَكُم مِّنَ ٱلۡمُتَرَبِّصِينَ ٣١
Скажи: «Ждите, и я подожду вместе с вами».
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Maghintay kayo ng kamatayan ko habang ako ay naghihintay ng dadapo sa inyo na isang pagdurusa dahilan sa pagpapasinungaling ninyo sa akin."
52:32Страница 525
أَمۡ تَأۡمُرُهُمۡ أَحۡلَٰمُهُم بِهَٰذَآۚ أَمۡ هُمۡ قَوۡمٞ طَاغُونَ ٣٢
Неужели умы повелевают им такое? Или же они являются людьми преступными?
Bagkus nag-uutos ba sa kanila ang mga pang-unawa nila dahil sa sabi nila: "Tunay na siya ay manghuhula at baliw" sapagkat nagsama sila sa pagitan ng hindi naipagsasama sa isang tao? Bagkus sila ay mga taong lumalampas sa mga hangganan kaya hindi sila bumabalik sa batas o pang-unawa.
52:33Страница 525
أَمۡ يَقُولُونَ تَقَوَّلَهُۥۚ بَل لَّا يُؤۡمِنُونَ ٣٣
Или же они говорят: «Он выдумал его!». О нет! Просто они не веруют.
O nagsasabi ba sila: "Tunay na si Muḥammad ay lumikha-likha ng Qur'ān na ito at hindi naman nagkasi sa kanya nito?" Hindi siya lumikha-likha nito. Bagkus sila ay nagmamalaki laban sa pananampalataya rito sapagkat nagsasabi silang ginawa-gawa niya ito.
52:34Страница 525
فَلۡيَأۡتُواْ بِحَدِيثٖ مِّثۡلِهِۦٓ إِن كَانُواْ صَٰدِقِينَ ٣٤
Пусть приведут подобное ему (Корану) повествование, если они говорят правду.
Kaya maglahad sila ng isang salaysay tulad nito – kahit pa man iyon ay nilikha-likha – kung sila ay mga tapat sa pag-aangkin nila na siya ay lumikha-likha nito.
52:35Страница 525
أَمۡ خُلِقُواْ مِنۡ غَيۡرِ شَيۡءٍ أَمۡ هُمُ ٱلۡخَٰلِقُونَ ٣٥
Неужели они были сотворены сами по себе (или просто так)? Или же они сами являются творцами?
O nilikha ba sila mula sa hindi isang tagalikhang lumilikha sa kanila o sila ay ang mga tagalikha para sa mga sarili nila? Hindi maaari ang pag-iral ng isang nilikha nang walang tagalikha, ni ng isang nilikha na lumilikha, kaya bakit hindi sila sumasamba sa Tagalikha nila?
52:36Страница 525
أَمۡ خَلَقُواْ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَۚ بَل لَّا يُوقِنُونَ ٣٦
Или же это они сотворили небеса и землю? О нет! Просто они лишены убежденности.
O lumikha ba sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak na si Allāh ay ang Tagalikha nila yayamang kung sakaling natiyak nila iyon ay talaga sanang naniwala sila sa kaisahan Niya at talaga sanang sumampalataya sila sa Sugo Niya.
52:37Страница 525
أَمۡ عِندَهُمۡ خَزَآئِنُ رَبِّكَ أَمۡ هُمُ ٱلۡمُصَۜيۡطِرُونَ ٣٧
Неужели у них находятся сокровищницы твоего Господа? Или же они сами являются владыками?
O taglay ba nila ang mga imbakan ng Panginoon para sa panustos para magkaloob sila nito sa sinumang niloloob nila at para sa pagkapropeta para magbigay sila nito o magkait sila nito sa sinumang ninais nila? O sila ay ang mga nakapangyayari na mga tagapagsagawa alinsunod sa kalooban nila?
52:38Страница 525
أَمۡ لَهُمۡ سُلَّمٞ يَسۡتَمِعُونَ فِيهِۖ فَلۡيَأۡتِ مُسۡتَمِعُهُم بِسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ ٣٨
Или же у них есть лестница, на которой они подслушивают разговоры ангелов? Пусть тот из них, кто подслушивал, приведет ясное доказательство.
O mayroon ba silang isang akyatan na ipinang-aakyat nila sa langit, na nakapapakinig sila roon sa kasi ni Allāh na ikinakasi Niya na sila ay nasa katotohanan? Kaya [kung gayon] ay maglahad ang sinumang nakapakinig kabilang sa kanila sa pagkasing iyon ng isang katwirang maliwanag na magpapatotoo sa inaangkin ninyo na kayo ay nasa katotohanan.
52:39Страница 525
أَمۡ لَهُ ٱلۡبَنَٰتُ وَلَكُمُ ٱلۡبَنُونَ ٣٩
Неужели у Него - дочери, а у вас - сыновья?
O ukol sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang mga anak na babae na kinasusuklaman ninyo at ukol naman sa inyo ay ang mga anak na lalaki na naiibigan ninyo?
52:40Страница 525
أَمۡ تَسۡـَٔلُهُمۡ أَجۡرٗا فَهُم مِّن مَّغۡرَمٖ مُّثۡقَلُونَ ٤٠
Или же ты просишь у них вознаграждения, и они обременены обязательствами?
O humihiling ka ba sa kanila, O Sugo, ng isang pabuya sa ipinaabot mo sa kanila buhat sa Panginoon mo kaya sila dahilan doon ay mga naatangan ng isang pabigat na hindi sila nakakakaya sa pagpasan niyon?
52:41Страница 525
أَمۡ عِندَهُمُ ٱلۡغَيۡبُ فَهُمۡ يَكۡتُبُونَ ٤١
Или же они владеют сокровенным и записывают его?
O taglay ba nila ang [kaalaman sa] Lingid kaya sila ay nagsusulat para sa mga tao ng ipinatatalos sa kanila mula sa mga [kaalamang] lingid saka nagpapabatid sila ng anumang niloob nila mula sa mga ito?
52:42Страница 525
أَمۡ يُرِيدُونَ كَيۡدٗاۖ فَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ هُمُ ٱلۡمَكِيدُونَ ٤٢
Или же они желают замыслить козни? Но ведь неверующие сами станут жертвой козней.
O nagnanais ba ang mga tagapagpasinungaling na ito ng isang pakana laban sa iyo at laban sa relihiyon mo? Kaya magtiwala ka kay Allāh sapagkat ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay ang mga nilalansi, hindi ikaw.
52:43Страница 525
أَمۡ لَهُمۡ إِلَٰهٌ غَيۡرُ ٱللَّهِۚ سُبۡحَٰنَ ٱللَّهِ عَمَّا يُشۡرِكُونَ ٤٣
Или же у них есть другой бог наряду с Аллахом? Аллах пречист и далек от тех, кого они приобщают в сотоварищи!
O mayroon ba silang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa kay Allāh? Nagpakawalang-ugnayan si Allāh at nagpakabanal Siya higit sa inuugnay nila sa Kanya na katambal! Lahat ng naunang nabanggit ay hindi nangyari at hindi naguguniguni sa isang kalagayan.
52:44Страница 525
وَإِن يَرَوۡاْ كِسۡفٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ سَاقِطٗا يَقُولُواْ سَحَابٞ مَّرۡكُومٞ ٤٤
Даже если они увидят куски неба падающими, они скажут: «Это скопились облака!».
Kung may makikita sila na isang piraso mula sa langit na bumabagsak ay magsasabi sila tungkol doon: "Iyan ay mga ulap na nagkabuntun-bunton ang bahagi nito sa ibabaw ng iba, gaya ng nakagawian." Kaya naman hindi sila napangangaralan at hindi sila sumasampalataya.
52:45Страница 525
فَذَرۡهُمۡ حَتَّىٰ يُلَٰقُواْ يَوۡمَهُمُ ٱلَّذِي فِيهِ يُصۡعَقُونَ ٤٥
Оставь же их, пока они не встретят тот день их, когда их постигнет погибель.
Kaya iwan mo sila, O Sugo, sa pagmamatigas nila at pagtanggi nila hanggang sa makipagtagpo sila sa araw nila na doon ay pagdurusahin sila, ang Araw ng Pagbangon,
52:46Страница 525
يَوۡمَ لَا يُغۡنِي عَنۡهُمۡ كَيۡدُهُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَا هُمۡ يُنصَرُونَ ٤٦
В тот день их козни не принесут им никакой пользы, и никто не поможет им.
sa Araw na hindi makapagdudulot para sa kanila ang pakana nila ng anumang kaunti o marami ni sila iaadya sa pamamagitan ng pagsagip sa kanila mula sa pagdurusa.
52:47Страница 525
وَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُواْ عَذَابٗا دُونَ ذَٰلِكَ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ ٤٧
Воистину, беззаконникам уготованы мучения и перед этим, но большинство их не знает этого.
Tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagtatambal at mga pagsuway ay isang pagdurusa bago ng pagdurusa sa Kabilang-buhay. Sa Mundo ay sa pamamagitan ng pagkapatay at pagkabihag at sa Barzakh ay sa pamamagitan ng pagdurusa sa libingan, subalit ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam niyon kaya dahil doon nananatili sila sa kawalang-pananampalataya nila.
52:48Страница 525
وَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ فَإِنَّكَ بِأَعۡيُنِنَاۖ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ حِينَ تَقُومُ ٤٨
Потерпи же до решения твоего Господа, ведь ты - у Нас на Глазах. Прославляй хвалой своего Господа, когда поднимаешься ото сна.
Magtiis ka, o Sugo, sa husga ng Panginoon mo at sa hatol Niyang pambatas sapagkat tunay na ikaw ay nasa isang pagtingin mula sa Amin at isang pag-iingat, at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo kapag bumangon ka mula sa pagtulog mo.
52:49Страница 525
وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَسَبِّحۡهُ وَإِدۡبَٰرَ ٱلنُّجُومِ ٤٩
Среди ночи восхваляй Его и при исчезновении звезд.
Sa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Panginoon mo at magdasal ka sa Kanya. Magdasal ka ng dasal sa madaling-araw sa oras ng paglubog ng mga bituin sa paglaho ng mga ito dahil sa tanglaw ng maghapon.
Текст: Quranic Universal Library (Tarteel) через spa5k/tafsir_api (MIT), в зафиксированной версии. Аяты: Quran Foundation. Источники и лицензии