Аль-Мухтасар · Тафсир · на тагальском
الجن
Аль-Джинн
Джинны · Мекканская · 28 аятов
72:1Страница 572
قُلۡ أُوحِيَ إِلَيَّ أَنَّهُ ٱسۡتَمَعَ نَفَرٞ مِّنَ ٱلۡجِنِّ فَقَالُوٓاْ إِنَّا سَمِعۡنَا قُرۡءَانًا عَجَبٗا ١
Скажи: «Мне было открыто, что несколько джиннов послушали чтение Корана и сказали: «Воистину, мы слышали удивительный Коран.
Sabihin mo, O Sugo, sa kalipunan mo: "Nagkasi si Allāh sa akin na may nakinig sa pagbigkas ko ng Qur'ān na isang pangkat ng jinn sa loob [ng kakahuyan] ng datiles, kaya noong bumalik sila sa mga kalipi nila ay nagsabi sila sa mga iyon: 'Tunay na kami ay nakarinig ng isang pananalitang binibigkas na nagpapahanga sa paglilinaw nito at katatasan nito.
72:2Страница 572
يَهۡدِيٓ إِلَى ٱلرُّشۡدِ فَـَٔامَنَّا بِهِۦۖ وَلَن نُّشۡرِكَ بِرَبِّنَآ أَحَدٗا ٢
Он наставляет на прямой путь, и мы уверовали в него и не будем приобщать сотоварищей к нашему Господу.
Ang pananalitang ito na narinig namin ay gumagabay sa katumpakan sa paniniwala, pagsasalita, at paggawa, kaya sumampalataya kami rito at hindi na kami magtatambal ng isa man sa Panginoon namin na nagpababa nito.
72:3Страница 572
وَأَنَّهُۥ تَعَٰلَىٰ جَدُّ رَبِّنَا مَا ٱتَّخَذَ صَٰحِبَةٗ وَلَا وَلَدٗا ٣
Величие (или богатство) нашего Господа превысокое, и Он не взял Себе ни супруги, ни сына.
Sumampalataya Kami na Siya – pagkataas-taas ang kadakilaan ng Panginoon namin at kapitaganan Niya – ay hindi nagkaroon ng asawa ni anak, gaya ng sinasabi ng mga tagapagtambal.
72:4Страница 572
وَأَنَّهُۥ كَانَ يَقُولُ سَفِيهُنَا عَلَى ٱللَّهِ شَطَطٗا ٤
Глупец среди нас (Иблис) наговаривал на Аллаха чрезмерное.
Na laging si Satanas ay nagsasabi laban kay Allāh ng isang sinasabing nalilihis na pag-uugnay ng asawa at anak sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.
72:5Страница 572
وَأَنَّا ظَنَنَّآ أَن لَّن تَقُولَ ٱلۡإِنسُ وَٱلۡجِنُّ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا ٥
Мы же думали, что ни люди, ни джинны не станут говорить об Аллахе ложь.
Na kami ay nag-akala na ang mga tagapagtambal kabilang sa tao at jinn ay hindi nagsasabi ng kasinungalingan nang sila noon ay nag-aangkin na mayroon Siyang asawa at anak kaya nagpatotoo naman kami sa sabi nila bilang paggaya-gaya sa kanila.
72:6Страница 572
وَأَنَّهُۥ كَانَ رِجَالٞ مِّنَ ٱلۡإِنسِ يَعُوذُونَ بِرِجَالٖ مِّنَ ٱلۡجِنِّ فَزَادُوهُمۡ رَهَقٗا ٦
Мужи из числа людей искали покровительства мужей из числа джиннов, но они только увеличивали в них страх (или беззаконие).
Na noon sa Panahon ng Kamangmangan ay may mga lalaki ng tao na nagpapakalinga sa mga lalaki ng jinn kapag tumutuloy ang mga ito sa isang lugar na pinangangambahan saka nagsasabi ang isa sa kanila: 'Nagpapakupkop ako sa amo ng lambak na ito laban sa kasamaan ng mga hunghang ng mga kalipi nito,' kaya nadagdagan ang mga lalaki ng tao ng pangamba at hilakbot sa mga lalaki ng jinn.
72:7Страница 572
وَأَنَّهُمۡ ظَنُّواْ كَمَا ظَنَنتُمۡ أَن لَّن يَبۡعَثَ ٱللَّهُ أَحَدٗا ٧
Они думали так же, как и вы, что Аллах никого не воскресит.
Na ang tao ay nagpalagay gaya ng ipinagpalagay ninyo, O mga jinn, na si Allāh ay hindi magbubuhay ng isa man, matapos ng kamatayan nito, para sa pagtutuos at pagganti.
72:8Страница 572
وَأَنَّا لَمَسۡنَا ٱلسَّمَآءَ فَوَجَدۡنَٰهَا مُلِئَتۡ حَرَسٗا شَدِيدٗا وَشُهُبٗا ٨
Мы достигли неба, но обнаружили, что оно заполнено суровыми стражами и пылающими огнями.
Na kami ay naghanap ng ulat ng langit ngunit natagpuan namin na ang langit ay pinuno ng mga tanod na malakas kabilang sa mga anghel na nagtatanod doon laban sa pagnanakaw ng pakikinig na dati naming isinasagawa, at pinuno ng apoy na nagliliyab na ipinapampukol sa bawat sinumang lumalapit sa langit.
72:9Страница 572
وَأَنَّا كُنَّا نَقۡعُدُ مِنۡهَا مَقَٰعِدَ لِلسَّمۡعِۖ فَمَن يَسۡتَمِعِ ٱلۡأٓنَ يَجِدۡ لَهُۥ شِهَابٗا رَّصَدٗا ٩
Прежде мы садились там на седалищах, чтобы подслушивать. Но тот, кто подслушает сейчас, обнаружит, что его подстерегает пылающий огонь.
Na kami noong una ay gumagawa mula sa langit ng mga puwestong makikinig kami mula sa mga iyon ng pinagpapasahan ng mga anghel saka magpapabatid kami nito sa mga manghuhula ng mga naninirahan sa lupa. Nagbago na ang lagay sapagkat ang sinumang makikinig kabilang sa amin sa ngayon ay makatatagpo ng apoy na nagliliyab na nakahanda para sa kanya saka kapag lumapit siya ay ipadadala iyon sa kanya saka susunog iyon sa kanya.
72:10Страница 572
وَأَنَّا لَا نَدۡرِيٓ أَشَرٌّ أُرِيدَ بِمَن فِي ٱلۡأَرۡضِ أَمۡ أَرَادَ بِهِمۡ رَبُّهُمۡ رَشَدٗا ١٠
Мы не знаем, зло ли задумано для тех, кто на земле, или Господь пожелал направить их на прямой путь.
Na kami ay hindi nakaaalam kung ano ang dahilan ng pagtatanod na matinding ito kung may ninais ba na isang kasamaan sa mga naninirahan sa lupa, o na si Allāh ay nagnais sa kanila ng isang kabutihan sapagkat naputol sa amin ang ulat ng langit.
72:11Страница 572
وَأَنَّا مِنَّا ٱلصَّٰلِحُونَ وَمِنَّا دُونَ ذَٰلِكَۖ كُنَّا طَرَآئِقَ قِدَدٗا ١١
Среди нас есть праведные и те, которые ниже этого. Мы были разрозненными группами.
Na kami, ang kapisanan ng mga jinn, ay kabilang sa amin ang mga tagapangilag sa pagkakasala na mga mabuting-loob at kabilang sa amin ay mga tagatangging sumampalataya at mga suwail; kami dati ay mga uring nagkakaiba-iba at [may] mga pithayang nagkakalayuan.
72:12Страница 572
وَأَنَّا ظَنَنَّآ أَن لَّن نُّعۡجِزَ ٱللَّهَ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَن نُّعۡجِزَهُۥ هَرَبٗا ١٢
Мы знали, что не спасемся от Аллаха на земле и не спасемся от Него бегством.
Na kami ay nakatiyak na kami ay hindi makalulusot kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – kapag nagnais Siya sa amin ng isang bagay, at hindi makalulusot sa Kanya sa isang pagtakas dahil sa pagkakasaklaw Niya sa amin.
72:13Страница 572
وَأَنَّا لَمَّا سَمِعۡنَا ٱلۡهُدَىٰٓ ءَامَنَّا بِهِۦۖ فَمَن يُؤۡمِنۢ بِرَبِّهِۦ فَلَا يَخَافُ بَخۡسٗا وَلَا رَهَقٗا ١٣
Когда же мы услышали верное руководство, то уверовали в него. А тот, кто верует в своего Господа, не должен бояться ни обиды, ни притеснения.
Na kami, noong nakarinig kami sa Qur'ān na nagpapatnubay sa siyang pinakaangkop, ay sumampalataya rito; saka ang sinumang sumampalataya sa Panginoon niya ay hindi mangangamba ng isang kakulangan para sa mga magandang gawa niya ni ng isang kasalanan na idadagdag sa mga kasalanan niyang nauna.
72:14Страница 573
وَأَنَّا مِنَّا ٱلۡمُسۡلِمُونَ وَمِنَّا ٱلۡقَٰسِطُونَۖ فَمَنۡ أَسۡلَمَ فَأُوْلَٰٓئِكَ تَحَرَّوۡاْ رَشَدٗا ١٤
Среди нас есть мусульмане и уклонившиеся. Те, которые стали мусульманами, последовали прямым путем.
Na kami, kabilang sa amin ang mga tagapagpasakop na mga nagpapaakay kay Allāh sa pamamagitan ng pagtalima, at kabilang sa amin ang mga tagaliko palayo sa daan ng pagkakatamtaman at pagpapakatuwid; saka ang sinumang nagpasailalim kay Allāh sa pamamagitan ng pagtalima at gawang maayos, ang mga iyon ay ang lumayon ng kapatnubayan at katumpakan.
72:15Страница 573
وَأَمَّا ٱلۡقَٰسِطُونَ فَكَانُواْ لِجَهَنَّمَ حَطَبٗا ١٥
Уклонившиеся же будут дровами для Геенны»».
Tungkol naman sa mga tagaliko palayo sa daan ng pagkakatamtaman at pagpapakatuwid, sila para sa Impiyerno ay magiging mga panggatong na ipangniningas kasama sa mga tulad nila na tao.'
72:16Страница 573
وَأَلَّوِ ٱسۡتَقَٰمُواْ عَلَى ٱلطَّرِيقَةِ لَأَسۡقَيۡنَٰهُم مَّآءً غَدَقٗا ١٦
Если бы они устояли на прямом пути, то Мы напоили бы их водой вволю,
Kung paanong nagkasi [si Allāh] sa kanya na may nakinig na isang pangkat ng jinn, nagkasi sa kanya na kung sakaling nagpakatuwid ang jinn at ang tao sa daan ng Islām at gumawa sila ayon sa nasaad dito ay talaga sanang nagpatubig si Allāh sa kanila ng tubig na marami at nag-ayuda sa kanila ng mga biyayang pinasarisari,
72:17Страница 573
لِّنَفۡتِنَهُمۡ فِيهِۚ وَمَن يُعۡرِضۡ عَن ذِكۡرِ رَبِّهِۦ يَسۡلُكۡهُ عَذَابٗا صَعَدٗا ١٧
чтобы этим подвергнуть их испытанию. А тех, кто отвращается от Напоминания своего Господа, Он ввергает в тяжкие мучения.
upang sumulit sa kanila dito kung magpapasalamat ba sila sa biyaya ni Allāh o tatangging magpasalamat dito. Ang sinumang aayaw sa Qur'ān at sa nasaad dito na mga pangaral ay magpapapasok sa kanya ang Panginoon niya sa isang pagdurusang mahirap na hindi niya makakayang batahin.
72:18Страница 573
وَأَنَّ ٱلۡمَسَٰجِدَ لِلَّهِ فَلَا تَدۡعُواْ مَعَ ٱللَّهِ أَحَدٗا ١٨
Мечети принадлежат Аллаху. Не взывайте же ни к кому наряду с Аллахом.
Na ang mga masjid ay ukol kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – hindi sa iba pa sa Kanya, kaya huwag kayong manalangin kasama sa Kanya sa isa man para kayo ay maging tulad ng mga Hudyo at mga Kristiyano sa mga simbahan nila at mga sinagoga nila.
72:19Страница 573
وَأَنَّهُۥ لَمَّا قَامَ عَبۡدُ ٱللَّهِ يَدۡعُوهُ كَادُواْ يَكُونُونَ عَلَيۡهِ لِبَدٗا ١٩
Когда раб Аллаха встал, обращаясь с мольбой к Нему, они столпились вокруг него (джинны столпились вокруг Пророка, чтобы послушать Коран, или неверующие ополчились против него, чтобы помешать ему).
Na noong tumindig ang lingkod ni Allāh na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – habang sumasamba sa Panginoon niya sa loob [ng kakahuyan] ng datiles, halos ang mga jinn ay nagiging mga nagkakapatungan sa kanya dahil sa tindi ng siksikan sa sandali ng pakikinig nila sa pagbigkas niya ng Qur'ān."
72:20Страница 573
قُلۡ إِنَّمَآ أَدۡعُواْ رَبِّي وَلَآ أُشۡرِكُ بِهِۦٓ أَحَدٗا ٢٠
Скажи: «Я взываю только к своему Господу и никого не приобщаю в сотоварищи к Нему».
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Dumadalangin ako sa Panginoon ko lamang at hindi ako nagtatambal sa Kanya ng iba pa sa Kanya sa pagsamba maging sinuman ito."
72:21Страница 573
قُلۡ إِنِّي لَآ أَمۡلِكُ لَكُمۡ ضَرّٗا وَلَا رَشَدٗا ٢١
Скажи: «Не в моей власти навредить вам или наставить вас на прямой путь».
Sabihin mo sa kanila: "Tunay na ako ay hindi nakapagdudulot sa inyo ng pagtulak sa isang pinsala na itinakda ni Allāh sa inyo ni nakapagdudulot ng pagtamo ng isang pakinabang na ipinagkait sa inyo ni Allāh."
72:22Страница 573
قُلۡ إِنِّي لَن يُجِيرَنِي مِنَ ٱللَّهِ أَحَدٞ وَلَنۡ أَجِدَ مِن دُونِهِۦ مُلۡتَحَدًا ٢٢
Скажи: «Никто не защитит меня от Аллаха, и мне не найти помимо Него прибежища.
Sabihin mo sa kanila: "Hindi makapagliligtas sa akin laban kay Allāh ang isa man kung sumuway ako sa Kanya, at hindi ako makatatagpo bukod pa sa Kanya ng isang pinagkakandilian na magpapakandili ako roon,
72:23Страница 573
إِلَّا بَلَٰغٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَرِسَٰلَٰتِهِۦۚ وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَإِنَّ لَهُۥ نَارَ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدًا ٢٣
Мне остается лишь доносить истину от Аллаха и Его послания. Кто же ослушается Аллаха и Его Посланника, тому уготован огонь Геенны, в котором они пребудут вечно».
subalit ang maidudulot ko ay na magpaabot ako ng ipinag-utos sa akin ni Allāh na ipaabot sa inyo at ng pasugo Niya na ipinadala Niya ako dahil doon sa inyo." Ang sinumang sumusuway kay Allāh at sa Sugo Niya ay tunay na ang kahahantungan niya ay ang pagpasok sa Impiyerno bilang mananatiling pananatilihin doon, na hindi makalalabas mula roon magpakailanman.
72:24Страница 573
حَتَّىٰٓ إِذَا رَأَوۡاْ مَا يُوعَدُونَ فَسَيَعۡلَمُونَ مَنۡ أَضۡعَفُ نَاصِرٗا وَأَقَلُّ عَدَدٗا ٢٤
Когда же они увидят то, что им было обещано, то узнают, чьи помощники слабее и малочисленнее.
Hindi titigil ang mga tagatangging sumampalataya sa kawalang-pananampalataya nila hanggang sa kapag nakita nila sa Araw ng Pagbangon ang ipinangako dati sa kanila sa Mundo na pagdurusa. Sa sandaling iyon ay makaaalam sila kung sino ang higit na mahina sa tagapag-adya at makaaalam sila kung sino ang higit na kaunti sa mga tagatulong.
72:25Страница 573
قُلۡ إِنۡ أَدۡرِيٓ أَقَرِيبٞ مَّا تُوعَدُونَ أَمۡ يَجۡعَلُ لَهُۥ رَبِّيٓ أَمَدًا ٢٥
Скажи: «Я не знаю, скоро ли настанет обещанное вам, или же мой Господь отсрочил его».
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na mga tagapagkaila na ito sa pagbubuhay: "Hindi ako nakababatid kung malapit ba ang ipinangako sa inyo na pagdurusa o mayroon itong taning na walang nakaaalam kundi si Allāh."
72:26Страница 573
عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ فَلَا يُظۡهِرُ عَلَىٰ غَيۡبِهِۦٓ أَحَدًا ٢٦
Он - Ведающий сокровенное, и Он не открывает Своего сокровенного никому,
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Nakaaalam sa Lingid sa kabuuan nito: walang nakakukubli sa Kanya mula rito na anuman, saka hindi Siya nagpapabatid sa Lingid Niya sa isa man, bagkus nananatili ito na natatangi sa kaalaman Niya,
72:27Страница 573
إِلَّا مَنِ ٱرۡتَضَىٰ مِن رَّسُولٖ فَإِنَّهُۥ يَسۡلُكُ مِنۢ بَيۡنِ يَدَيۡهِ وَمِنۡ خَلۡفِهِۦ رَصَدٗا ٢٧
кроме тех посланников, которыми Он доволен и к которым Он приставляет спереди и сзади стражей,
maliban sa sinumang kinalugdan Niya – kaluwalhatian sa Kanya – na isang sugo sapagkat tunay na Siya ay nagpapatalos niyon sa sinumang niloob Niya at nagsusugo mula sa harapan ng sugo at likuran nito ng mga tanod kabilang sa mga anghel na mag-iingat dito upang hindi makatalos niyon ang iba pa sa Sugo.
72:28Страница 573
لِّيَعۡلَمَ أَن قَدۡ أَبۡلَغُواْ رِسَٰلَٰتِ رَبِّهِمۡ وَأَحَاطَ بِمَا لَدَيۡهِمۡ وَأَحۡصَىٰ كُلَّ شَيۡءٍ عَدَدَۢا ٢٨
чтобы знать, что они донесли послания своего Господа. Он объемлет знанием все, что с ними, и Он исчислил всякую вещь.
sa pag-asang makaalam ang Sugo na ang mga sugo bago pa niya ay nagpaabot nga ng mga pasugo ng Panginoon nila na nag-utos sa kanila ng pagpapaabot niyon noong sumaklaw roon si Allāh sa pangangalaga at sumaklaw si Allāh sa kaalaman sa anumang nasa mga anghel at mga sugo sapagkat walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman. Nag-isa-isa Siya sa bawat bagay sa bilang ng bawat bagay sapagkat walang nakakukubli sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na anuman.
Текст: Quranic Universal Library (Tarteel) через spa5k/tafsir_api (MIT), в зафиксированной версии. Аяты: Quran Foundation. Источники и лицензии