Аль-Мухтасар · Тафсир · на тагальском
الانسان
Аль-Инсан
Человек · Мединская · 31 аят
76:1Страница 578
هَلۡ أَتَىٰ عَلَى ٱلۡإِنسَٰنِ حِينٞ مِّنَ ٱلدَّهۡرِ لَمۡ يَكُن شَيۡـٔٗا مَّذۡكُورًا ١
Неужели не прошло то время, когда человек был безвестен?
May dumaan nga sa tao na isang mahabang panahon na siya dati roon ay isang wala na walang pagbanggit sa kanya.
76:2Страница 578
إِنَّا خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن نُّطۡفَةٍ أَمۡشَاجٖ نَّبۡتَلِيهِ فَجَعَلۡنَٰهُ سَمِيعَۢا بَصِيرًا ٢
Мы создали человека из смешанной капли, подвергая его испытанию, и сделали его слышащим и зрячим.
Tunay na Kami ay lumikha sa tao mula sa isang patak na magkahalo sa pagitan ng likido ng lalaki at likido ng babae upang sumulit Kami sa pamamagitan ng inoobliga Namin sa kanya na mga inaatang na tungkulin, saka gumawa Kami sa kanya na isang madinigin, na nakakikita upang magsagawa siya ng iniatang Namin sa kanya na batas.
76:3Страница 578
إِنَّا هَدَيۡنَٰهُ ٱلسَّبِيلَ إِمَّا شَاكِرٗا وَإِمَّا كَفُورًا ٣
Мы повели его путем либо благодарным, либо неблагодарным.
Tunay na Kami ay naglinaw para sa kanya, sa pamamagitan ng mga dila ng mga sugo Namin, ng daan ng kapatnubayan kaya luminaw para sa kanya dahil doon ang daan ng pagkaligaw. Kaya siya matapos niyon ay maaari na mapatnubayan tungo sa landasing tuwid para siya ay maging isang lingkod na mananampalataya na mapagpasalamat kay Allāh at maaari na maligaw palayo roon para maging isang lingkod na tagatangging sumampalataya na mapagkaila sa mga tanda ni Allāh.
76:4Страница 578
إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا لِلۡكَٰفِرِينَ سَلَٰسِلَاْ وَأَغۡلَٰلٗا وَسَعِيرًا ٤
Мы приготовили для неверующих цепи, оковы и пламя.
Tunay na Kami ay naghanda para sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya ng mga tanikala na ipanghihila sa kanila sa Apoy, mga kulyar na ipangkukulyar sa kanila roon, at isang apoy na nagsisiklab.
76:5Страница 578
إِنَّ ٱلۡأَبۡرَارَ يَشۡرَبُونَ مِن كَأۡسٖ كَانَ مِزَاجُهَا كَافُورًا ٥
А благочестивые будут пить из чаши вино, смешанное с камфарой.
Tunay na ang mga mananampalataya na tumatalima kay Allāh ay iinom sa Araw ng Pagbangon mula sa kopa ng alak na pinuno na hinaluan ng Kāfūr dahil sa kabanguhan ng amoy nito.
76:6Страница 579
عَيۡنٗا يَشۡرَبُ بِهَا عِبَادُ ٱللَّهِ يُفَجِّرُونَهَا تَفۡجِيرٗا ٦
Рабы Аллаха будут пить из источника, давая ему течь полноводными ручьями.
Ang inuming inihandang ito para sa mga alagad ng pagtalima ay mula sa isang bukal na madaling maabot, na masagana, na hindi natutuyuan, na iinom doon ang mga lingkod ni Allāh, na magpapaagos sila niyon at magpapadaloy sila niyon saan man nila loobin.
76:7Страница 579
يُوفُونَ بِٱلنَّذۡرِ وَيَخَافُونَ يَوۡمٗا كَانَ شَرُّهُۥ مُسۡتَطِيرٗا ٧
Они исполняют обеты и боятся дня, зло которого разлетается.
Ang mga katangian ng mga lingkod na iinom doon ay na sila ay tumutupad sa inobliga nila sa mga sarili nila na mga pagtalima at nangangamba sa isang araw na ang kasamaan niyon ay magiging kumakalat na lumalaganap. Iyon ay ang Araw ng Pagbangon.
76:8Страница 579
وَيُطۡعِمُونَ ٱلطَّعَامَ عَلَىٰ حُبِّهِۦ مِسۡكِينٗا وَيَتِيمٗا وَأَسِيرًا ٨
Они дают пищу беднякам, сиротам и пленникам, несмотря на то, что она желанна и для них самих.
Nagpapakain sila ng pagkain sa kabila ng kanilang pagiging nasa isang kalagayang naiibigan nila ito dahil sa pangangailangan nila rito at pagnanasa nila rito. Nagpapakain sila nito sa mga nangangailangan kabilang sa mga maralita, mga ulila, at mga bilanggo.
76:9Страница 579
إِنَّمَا نُطۡعِمُكُمۡ لِوَجۡهِ ٱللَّهِ لَا نُرِيدُ مِنكُمۡ جَزَآءٗ وَلَا شُكُورًا ٩
Они говорят: «Мы кормим вас лишь ради Лика Аллаха и не хотим от вас ни награды, ни благодарности!
Ipinagtatapat nila sa mga sarili nila na sila ay hindi nagpapakain sa mga iyon malibang para sa [ikalulugod ng] mukha ni Allāh sapagkat hindi sila nagnanais mula sa mga iyon ng isang gantimpala ni isang pagbubunyi dahil sa pagpapakain nila sa mga iyon.
76:10Страница 579
إِنَّا نَخَافُ مِن رَّبِّنَا يَوۡمًا عَبُوسٗا قَمۡطَرِيرٗا ١٠
Мы боимся от своего Господа того Мрачного и Томительного дня».
Tunay na kami ay nangangamba sa Panginoon Namin sa isang araw na iismid doon ang mga mukha ng mga malumbay dahil sa tindi niyon at rimarim niyon."
76:11Страница 579
فَوَقَىٰهُمُ ٱللَّهُ شَرَّ ذَٰلِكَ ٱلۡيَوۡمِ وَلَقَّىٰهُمۡ نَضۡرَةٗ وَسُرُورٗا ١١
Аллах защитит их от зла того дня и одарит их процветанием и радостью.
Kaya magsasanggalang sa kanila si Allāh, dahil sa kabutihang-loob Niya, sa kasamaan ng dakilang Araw na iyon at magbibigay Siya sa kanila ng karilagan at liwanag sa mga mukha nila bilang pagpaparangal sa kanila at bilang galak sa mga puso nila.
76:12Страница 579
وَجَزَىٰهُم بِمَا صَبَرُواْ جَنَّةٗ وَحَرِيرٗا ١٢
А за то, что они проявили терпение, Он воздаст им Райскими садами и шелками.
Maggagantimpala sa kanila si Allāh – dahilan sa pagtitiis nila sa mga pagtalima, pagtitiis nila sa mga itinakda ni Allāh, at pagtitiis nila sa paglayo sa mga pagsuway – ng hardin na magiginhawahan sila roon at sutla na isusuot nila.
76:13Страница 579
مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِۖ لَا يَرَوۡنَ فِيهَا شَمۡسٗا وَلَا زَمۡهَرِيرٗا ١٣
Они будут лежать на ложах, прислонившись, и не увидят там ни солнца, ни стужи.
Mga nakasandal doon sa mga kamang ginayakan, hindi sila makakikita sa paraisong ito ng araw na makasasakit sa kanila ang sinag nito ni ng lamig na matindi, bagkus sila ay nasa isang lilim na mamamalagi na walang init doon at walang lamig.
76:14Страница 579
وَدَانِيَةً عَلَيۡهِمۡ ظِلَٰلُهَا وَذُلِّلَتۡ قُطُوفُهَا تَذۡلِيلٗا ١٤
Тени будут близки к ним, и плоды будут подчинены им полностью.
Malapit mula sa kanila ang mga lilim nito, pagsisilbihin ang mga bunga nito para sa sinumang kukuha ng mga ito kaya kukunin ang mga ito nang may kadalian at kagaanan yayamang maaabot ito ng nakahiga, nakaupo, at nakatayo.
76:15Страница 579
وَيُطَافُ عَلَيۡهِم بِـَٔانِيَةٖ مِّن فِضَّةٖ وَأَكۡوَابٖ كَانَتۡ قَوَارِيرَا۠ ١٥
Обходить их будут с сосудами из серебра и кубками из хрусталя -
Papaligid sa kanila ang mga alila ng may mga pinggang pilak at may mga baso ng mga ito na malinaw ang kulay ng mga ito, sa sandali ng pagnanais nila ng pag-inom.
76:16Страница 579
قَوَارِيرَاْ مِن فِضَّةٖ قَدَّرُوهَا تَقۡدِيرٗا ١٦
хрусталя серебряного, соразмерных размеров.
Ang mga ito, sa kalinawan ng kulay ng mga ito, ay tulad ng mga salamin gayong ang mga ito ay yari sa pilak. Ang mga ito ay nasukat alinsunod sa ninanais nila, na hindi nadaragdagan at hindi nababawasan.
76:17Страница 579
وَيُسۡقَوۡنَ فِيهَا كَأۡسٗا كَانَ مِزَاجُهَا زَنجَبِيلًا ١٧
Поить их там будут из чаш вином, смешанным с имбирем,
Paiinumin ang mga pinararangalang ito ng isang kopa ng alak na hinaluan ng luya.
Iinom sila mula sa isang bukal sa Paraiso, na pinangangalanang Salsabīl.
76:19Страница 579
۞ وَيَطُوفُ عَلَيۡهِمۡ وِلۡدَٰنٞ مُّخَلَّدُونَ إِذَا رَأَيۡتَهُمۡ حَسِبۡتَهُمۡ لُؤۡلُؤٗا مَّنثُورٗا ١٩
Их будут обходить вечно юные отроки. Взглянув на них, ты примешь их за рассыпанный жемчуг.
May papaligid sa kanila sa Paraiso na mga batang lalaki na mga nananatili sa kabataan nila. Kapag nakita mo sila ay magpapalagay kang sila ay mga mutyang isinabog dahil sa kasariwaan ng mga mukha nila, ganda ng mga kulay nila, dami nila, at pagkalat-kalat nila.
76:20Страница 579
وَإِذَا رَأَيۡتَ ثَمَّ رَأَيۡتَ نَعِيمٗا وَمُلۡكٗا كَبِيرًا ٢٠
Взглянув же, ты увидишь там благодать и великую власть.
Kapag nakakita ka ng naroroon sa Paraiso ay makakikita ka ng isang kaginhawahang hindi maaaring mailarawan at isang paghaharing dakilang walang nakapapantay na isang paghahari.
76:21Страница 579
عَٰلِيَهُمۡ ثِيَابُ سُندُسٍ خُضۡرٞ وَإِسۡتَبۡرَقٞۖ وَحُلُّوٓاْ أَسَاوِرَ مِن فِضَّةٖ وَسَقَىٰهُمۡ رَبُّهُمۡ شَرَابٗا طَهُورًا ٢١
На них будут зеленые одеяния из атласа и парчи. Они будут украшены серебряными браслетами, а Господь их напоит их чистым напитком.
Pumaibabaw nga sa mga katawan nila ang mga kasuutang luntiang magara. Ang mga ito ay yari sa sutlang manipis at sutlang makapal. Pasusuutin sila roon ng mga pulseras na yari sa pilak. Magpapainom sa kanila si Allāh ng inuming walang anumang panligalig.
76:22Страница 579
إِنَّ هَٰذَا كَانَ لَكُمۡ جَزَآءٗ وَكَانَ سَعۡيُكُم مَّشۡكُورًا ٢٢
Таково ваше воздаяние, и ваше усердие отблагодарено.
Sasabihin sa kanila bilang pagpaparangal para sa kanila: "Tunay na ang kaginhawahang ito na ibinigay sa inyo ay naging isang gantimpala para sa inyo sa mga gawa ninyong maayos. Ang gawain ninyo ay naging tanggap sa ganang kay Allāh."
76:23Страница 579
إِنَّا نَحۡنُ نَزَّلۡنَا عَلَيۡكَ ٱلۡقُرۡءَانَ تَنزِيلٗا ٢٣
Воистину, Мы ниспослали тебе Коран частями.
Tunay na Kami ay nagpababa sa iyo, O Sugo, ng Qur’ān na pinagbaha-bahagi, at hindi nagpababa nito sa iyo sa nag-iisang kabuuan.
76:24Страница 579
فَٱصۡبِرۡ لِحُكۡمِ رَبِّكَ وَلَا تُطِعۡ مِنۡهُمۡ ءَاثِمًا أَوۡ كَفُورٗا ٢٤
Потерпи же до решения твоего Господа и не повинуйся грешникам и неверующим среди них.
Kaya magtiis ka sa anumang inihahatol ni Allāh sa isang pagtatakda o sa isang batas, at huwag kang tumalima sa isang nagkakasala sa anumang inaanyaya nito na kasalanan ni sa isang tagatangging sumampalataya sa anumang inaanyaya nito na kawalang-pananampalataya.
76:25Страница 579
وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ بُكۡرَةٗ وَأَصِيلٗا ٢٥
Поминай имя твоего Господа утром и перед закатом,
Alalahanin mo ang Panginoon mo sa dasal sa madaling-araw sa unang bahagi ng maghapon at sa dasal sa tanghali at hapon sa huling bahagi nito.
76:26Страница 580
وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَٱسۡجُدۡ لَهُۥ وَسَبِّحۡهُ لَيۡلٗا طَوِيلًا ٢٦
а также ночью. Падай ниц пред Ним и славь Его долгой ночью.
Alalahanin mo Siya sa dalawang dasal sa gabi: ang dasal sa pagkalubog ng araw at ang dasal sa gabi, at magsagawa ka ng tahajjud matapos ng dalawang ito.
76:27Страница 580
إِنَّ هَٰٓؤُلَآءِ يُحِبُّونَ ٱلۡعَاجِلَةَ وَيَذَرُونَ وَرَآءَهُمۡ يَوۡمٗا ثَقِيلٗا ٢٧
Воистину, эти любят жизнь ближнюю и оставляют позади себя Тяжкий день.
Tunay na ang mga tagapagtambal na ito ay umiibig sa buhay na pangmundo, nagsisigasig dito, at nag-iiwan sa likuran nila ng Araw ng Pagbangon, na siyang araw na mabigat dahil sa taglay nito na mga kapahamakan at mga kasawiang-palad.
76:28Страница 580
نَّحۡنُ خَلَقۡنَٰهُمۡ وَشَدَدۡنَآ أَسۡرَهُمۡۖ وَإِذَا شِئۡنَا بَدَّلۡنَآ أَمۡثَٰلَهُمۡ تَبۡدِيلًا ٢٨
Мы создали их и укрепили их суставы. Но если Мы пожелаем, то заменим их подобными им.
Kami ay lumikha sa kanila at nagpalakas sa pagkalikha sa kanila sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga kasukasuan nila, mga bahagi ng katawan nila, at iba pa. Kapag niloob Namin ang pagpapahamak sa kanila at ang pagpapalit sa kanila ng mga tulad nila ay magpapahamak Kami sa kanila at magpapalit Kami sa kanila.
76:29Страница 580
إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلٗا ٢٩
Воистину, это есть Назидание, и тот, кто желает, становится на путь к своему Господу.
Tunay na ang kabanatang ito ay isang pangaral at isang pagpapaalaala, kaya ang sinumang lumuob ng paggawa ng isang daan na magpaparating sa kanya tungo sa pagkalugod ng Panginoon niya ay gumawa siya nito.
76:30Страница 580
وَمَا تَشَآءُونَ إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمٗا ٣٠
Но вы не пожелаете этого, если не пожелает Аллах. Воистину, Аллах - Знающий, Мудрый.
Hindi ninyo loloobin ang paggawa ng daan tungo sa pagkalugod ni Allāh maliban na loobin ni Allāh iyon mula sa inyo sapagkat ang utos sa kabuuan nito ay nasa Kanya. Tunay na si Allāh ay laging Maalam sa anumang nababagay para sa mga lingkod Niya at sa anumang hindi nababagay para sa kanila, Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at batas Niya.
76:31Страница 580
يُدۡخِلُ مَن يَشَآءُ فِي رَحۡمَتِهِۦۚ وَٱلظَّٰلِمِينَ أَعَدَّ لَهُمۡ عَذَابًا أَلِيمَۢا ٣١
Он вводит в Свою милость, кого пожелает, а для беззаконников Он приготовил мучительные страдания.
Magpapapasok Siya ng sinumang niloloob Niya mula sa mga lingkod Niya sa awa Niya kaya magtutuon Siya sa kanila sa pananampalataya at gawang maayos samantalang naghanda naman Siya para sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ng isang pagdurusang nakasasakit sa Kabilang-buhay: ang pagdurusa sa Apoy.
Текст: Quranic Universal Library (Tarteel) через spa5k/tafsir_api (MIT), в зафиксированной версии. Аяты: Quran Foundation. Источники и лицензии