Аль-Мухтасар · Тафсир · на тагальском
البينة
Аль-Баййина
Ясное знамение · Мединская · 8 аятов
98:1Страница 598
لَمۡ يَكُنِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ وَٱلۡمُشۡرِكِينَ مُنفَكِّينَ حَتَّىٰ تَأۡتِيَهُمُ ٱلۡبَيِّنَةُ ١
Неверующие из людей Писания и многобожников не расстались с неверием, пока к ним не явилось ясное знамение -
Ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano at mga tagapagtambal ay hindi naging mga humihiwalay sa pagkakasundo nila at pagkakaisa nila sa kawalang-pananampalataya hanggang sa may pumunta sa kanila na patotoong maliwanag at katwirang hayag:
98:2Страница 598
رَسُولٞ مِّنَ ٱللَّهِ يَتۡلُواْ صُحُفٗا مُّطَهَّرَةٗ ٢
Посланник от Аллаха, который читает очищенные свитки.
Ang patotoong maliwanag at ang katwirang hayag na ito ay isang Sugo mula sa ganang kay Allāh, na ipinadala Niya na bumibigkas ng mga pahinang dinalisay, na walang sumasaling sa mga ito kundi ang mga [anghel na] dinalisay.
Sa mga pahinang iyon ay mga ulat ng katapatan at mga hatol ng katarungan, na gumagabay sa mga tao tungo sa naroon ang kaayusan nila at ang kagabayan nila.
98:4Страница 598
وَمَا تَفَرَّقَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَتۡهُمُ ٱلۡبَيِّنَةُ ٤
Те, кому было даровано Писание, распались только после того, как к ним явилось ясное знамение.
Hindi nagkaiba-iba ang mga Hudyo na binigyan ng Torah at ang mga Kristiyano na binigyan ng Ebanghelyo kundi nang matapos na nagpadala si Allāh ng Propeta Niya sa kanila sapagkat mayroon sa kanila na nagpasakop at mayroon sa kanila na nagpatuloy sa kawalang-pananampalataya nila sa kabila ng pagkakaalam nila sa katapatan ng Propeta Niya.
98:5Страница 598
وَمَآ أُمِرُوٓاْ إِلَّا لِيَعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ حُنَفَآءَ وَيُقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُواْ ٱلزَّكَوٰةَۚ وَذَٰلِكَ دِينُ ٱلۡقَيِّمَةِ ٥
А ведь им было велено лишь поклоняться Аллаху, служа ему искренне, как ханифы, совершать намаз и выплачивать закят. Это - правая вера.
Nalalantad ang krimen at ang pagmamatigas ng mga Hudyo at mga Kristiyano dahil sila ay hindi napag-utusan sa Qur'ān na ito maliban sa ipinag-utos sa kanila sa mga Kasulatan nila na pagsamba kay Allāh lamang, pag-iwas sa pagtatambal, pagpapanatili ng pagdarasal, at pagbibigay ng zakāh. Ang ipinag-utos sa kanila ay ang relihiyong tuwid na walang kabaluktutan doon.
98:6Страница 598
إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ وَٱلۡمُشۡرِكِينَ فِي نَارِ جَهَنَّمَ خَٰلِدِينَ فِيهَآۚ أُوْلَٰٓئِكَ هُمۡ شَرُّ ٱلۡبَرِيَّةِ ٦
Воистину, неверующие из людей Писания и многобожников окажутся в огне Геенны и пребудут там вечно. Они являются наихудшими из тварей.
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya – kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano at kabilang sa mga tagapagtambal – ay papasok sa Araw ng Pagbangon sa Impiyerno bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Ang mga iyon ay ang pinakamasama sa mga nilikha dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa Sugo Niya.
98:7Страница 598
إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أُوْلَٰٓئِكَ هُمۡ خَيۡرُ ٱلۡبَرِيَّةِ ٧
Воистину, те, которые уверовали и совершали праведные деяния, являются наилучшими из тварей.
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ang mga iyon ay ang pinakamabuti sa mga nilikha.
98:8Страница 599
جَزَآؤُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ جَنَّٰتُ عَدۡنٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ رَّضِيَ ٱللَّهُ عَنۡهُمۡ وَرَضُواْ عَنۡهُۚ ذَٰلِكَ لِمَنۡ خَشِيَ رَبَّهُۥ ٨
Их воздаянием у их Господа будут сады Эдема, в которых текут реки. Они пребудут в них вечно. Аллах доволен ими, и они довольны Им. Это уготовано для тех, кто боится своего Господа.
Ang gantimpala sa kanila sa ganang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay mga Hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punung-kahoy ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman. Nalugod si Allāh sa kanila dahil sumampalataya sila sa Kanya at tumalima sila sa Kanya, at nalugod sila sa Kanya dahil sa natamo nila na awa Niya. Ang awang ito ay natatamo ng sinumang nangamba sa Panginoon niya saka sumunod sa ipinag-uutos Niya at umiwas sa sinasaway Niya.
Текст: Quranic Universal Library (Tarteel) через spa5k/tafsir_api (MIT), в зафиксированной версии. Аяты: Quran Foundation. Источники и лицензии