Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog
الإخلاص
Al-Ikhlas
The Sincerity · Meccan · 4 ayahs
Sabihin mo, O Sugo: "Siyang si Allāh, ang namumukod-tangi sa pagkadiyos, ay walang diyos na iba pa sa Kanya.
Siya ay ang Amo na nagwakas sa Kanya ang pagkaamo sa mga katangian ng kaganapan at karikitan, na dinudulugan ng mga nilikha.
Hindi Siya nagkaanak ng isa man at hindi Siya ipinanganak ng isa, kaya naman walang anak para sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – at walang nag-anak.
Hindi nagkaroon sa Kanya ng isang nakikitulad sa paglikha Niya."
Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences