Al-MukhtasarMuhammad · 47:1–38

Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog

محمد

Muhammad

Muhammad · Medinan · 38 ayahs

47:1Page 507

ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ أَضَلَّ أَعۡمَٰلَهُمۡ ١

Those who disbelieve and avert [people] from the way of Allāh - He will waste their deeds.1

Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpalihis sa mga tao palayo sa relihiyon ni Allāh ay magpapawalang-saysay si Allāh sa mga gawa nila.

47:2Page 507

وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَءَامَنُواْ بِمَا نُزِّلَ عَلَىٰ مُحَمَّدٖ وَهُوَ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّهِمۡ كَفَّرَ عَنۡهُمۡ سَيِّـَٔاتِهِمۡ وَأَصۡلَحَ بَالَهُمۡ ٢

And those who believe and do righteous deeds and believe in what has been sent down upon Muḥammad - and it is the truth from their Lord - He will remove from them their misdeeds and amend their condition.

Ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos at sumampalataya sa pinababa ni Allāh sa Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) – at ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon nila – ay magtatakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila kaya hindi Niya sila sisisihin dahil sa mga ito at magsasaayos Siya para sa kanila ng mga kapakanan nilang pangmundo at pangkabilang-buhay.

47:3Page 507

ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱتَّبَعُواْ ٱلۡبَٰطِلَ وَأَنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّبَعُواْ ٱلۡحَقَّ مِن رَّبِّهِمۡۚ كَذَٰلِكَ يَضۡرِبُ ٱللَّهُ لِلنَّاسِ أَمۡثَٰلَهُمۡ ٣

That is because those who disbelieve follow falsehood, and those who believe follow the truth from their Lord. Thus does Allāh present to the people their comparisons.1

Ang ganting nabanggit na iyon para sa dalawang pangkat ay dahilan sa ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh ay sumunod sa kabulaanan at ang mga sumampalataya naman kay Allāh at sa Sugo Niya ay sumunod sa katotohanan mula sa Panginoon nila, kaya nagkaiba ang ganti sa dalawa dahil sa pagkakaiba ng pagsisikap ng dalawa. Gaya ng paglilinaw ni Allāh ng kahatulan Niya sa dalawang pangkat, ang pangkat ng mga mananampalataya at ang pangkat ng mga tagatangging sumampalataya, naglalahad si Allāh para sa mga tao ng mga paghahalintulad nila kaya inuugnay Niya ang kapareho sa kapareho nito.

47:4Page 507

فَإِذَا لَقِيتُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَضَرۡبَ ٱلرِّقَابِ حَتَّىٰٓ إِذَآ أَثۡخَنتُمُوهُمۡ فَشُدُّواْ ٱلۡوَثَاقَ فَإِمَّا مَنَّۢا بَعۡدُ وَإِمَّا فِدَآءً حَتَّىٰ تَضَعَ ٱلۡحَرۡبُ أَوۡزَارَهَاۚ ذَٰلِكَۖ وَلَوۡ يَشَآءُ ٱللَّهُ لَٱنتَصَرَ مِنۡهُمۡ وَلَٰكِن لِّيَبۡلُوَاْ بَعۡضَكُم بِبَعۡضٖۗ وَٱلَّذِينَ قُتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَلَن يُضِلَّ أَعۡمَٰلَهُمۡ ٤

So when you meet those who disbelieve [in battle], strike [their] necks until, when you have inflicted slaughter upon them, then secure [their] bonds,1 and either [confer] favor2 afterwards or ransom [them] until the war lays down its burdens.3 That [is the command]. And if Allāh had willed, He could have taken vengeance upon them [Himself], but [He ordered armed struggle] to test some of you by means of others. And those who are killed in the cause of Allāh - never will He waste their deeds.

Kaya kapag nakipagkita kayo, O mga mananampalataya, sa mga nakikipagdigma kabilang sa mga tumangging sumampalataya ay tumaga kayo sa mga leeg nila sa pamamagitan ng mga tabak ninyo. Magpatuloy kayo sa pakikipaglaban sa kanila hanggang sa maparami ninyo sa kanila ang napatay saka napuksa ninyo ang lakas nila. Kapag naparami ninyo sa kanila ang napatay ay higpitan ninyo ang mga gapos sa mga bihag. Saka kapag nakabihag kayo sa kanila ay nasa inyo ang pagpipilian alinsunod sa hinihiling ng kapakanan sa pagitan ng pagmamagandang-loob sa kanila sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kalayaan sa kanila nang walang kapalit, o pagpapatubos sa kanila kapalit ng salapi o iba pa rito. Magpatuloy kayo sa pakikipaglaban sa kanila at pagbihag sa kanila hanggang sa magwakas ang digmaan sa pamamagitan ng pagyakap sa Islām ng mga tagatangging sumampalataya o pakikipagkasunduan nila. Ang nabanggit na iyon na pagsubok sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng mga tagatangging sumampalataya at pagpapasalit-salitan ng mga araw at pagwawagi ng iba sa kanila sa iba pa ay kahatulan ni Allāh. Kung sakaling loloobin ni Allāh ang pagwawagi sa mga tagatangging sumampalataya nang walang paglalaban ay talaga sanang nagwagi Siya laban sa kanila subalit isinabatas Niya ang pakikibaka upang subukin ang iba sa kanila laban sa iba pa para masubok Niya ang nakikipaglaban kabilang sa mga mananampalataya at ang hindi nakikipaglaban. Sinusubok Niya ang tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng mananampalataya. Kaya kung napatay ang mananampalataya, papapasok siya sa Paraiso. Kung pinatay ng mananampalataya ang tatangging sumampalataya, papasok ang tagatangging sumampalataya sa Apoy. Ang mga pinatay sa landas ni Allāh ay hindi magpapawalang-saysay si Allāh sa mga gawa nila.

47:5Page 507

سَيَهۡدِيهِمۡ وَيُصۡلِحُ بَالَهُمۡ ٥

He will guide them and amend their condition

Magtutuon Siya sa kanila sa pagsunod sa katotohanan sa buhay nila sa Mundo at magsasaayos Siya sa kapakanan nila.

47:6Page 507

وَيُدۡخِلُهُمُ ٱلۡجَنَّةَ عَرَّفَهَا لَهُمۡ ٦

And admit them to Paradise, which He has made known to them.

Magpapapasok Siya sa kanila sa Paraiso sa Araw ng Pagbangon, na nilinaw Niya sa kanila sa pamamagitan ng mga paglalarawan niyon sa Mundo kaya nakilala nila iyon at ipinakilala Niya sa kanila ang mga antas nila roon sa Kabilang-buhay.

47:7Page 507

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِن تَنصُرُواْ ٱللَّهَ يَنصُرۡكُمۡ وَيُثَبِّتۡ أَقۡدَامَكُمۡ ٧

O you who have believed, if you support Allāh, He will support you and plant firmly your feet.

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, kung mag-aadya kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pag-aadya sa Propeta Niya at Relihiyon Niya at sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya, mag-aadya Siya sa inyo sa pamamagitan ng pagkakaloob sa inyo ng pananaig laban sa kanila at magpapatatag Siya sa mga paa ninyo sa digmaan sa sandali ng pakikipagtagpo sa mga iyon.

47:8Page 507

وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَتَعۡسٗا لَّهُمۡ وَأَضَلَّ أَعۡمَٰلَهُمۡ ٨

But those who disbelieve - for them is misery, and He will waste their deeds.

Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, ukol sa kanila ay ang pagkalugi at ang kapahamakan at magpapawalang-saysay Siya sa gantimpala ng mga gawa nila.

47:9Page 507

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَرِهُواْ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ فَأَحۡبَطَ أَعۡمَٰلَهُمۡ ٩

That is because they disliked what Allāh revealed, so He rendered worthless their deeds.

Ang babagsak na parusang iyon sa kanila ay dahilan sa sila ay nasuklam sa pinababa ni Allāh sa Sugo Niya na Qur'ān dahil sa nilalaman nito na paniniwala sa kaisahan ni Allāh, kaya nagpawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila kaya nalugi sila sa Mundo at sa Kabilang-buhay.

47:10Page 507

۞ أَفَلَمۡ يَسِيرُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَيَنظُرُواْ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِهِمۡۖ دَمَّرَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡۖ وَلِلۡكَٰفِرِينَ أَمۡثَٰلُهَا ١٠

Have they not traveled through the land and seen how was the end of those before them? Allāh destroyed [everything] over them,1 and for the disbelievers is something comparable.

Kaya hindi ba humayo ang mga tagapagpasinungaling na ito sa lupa para magnilay-nilay sila kung papaano naging ang wakas ng mga nagpasinungaling kabilang sa bago pa nila sapagkat iyon ay isang wakas na nakasasakit? Dumurog si Allāh sa kanila ng mga tahanan nila kaya nagpahamak Siya sa kanila at nagpahamak Siya sa mga anak nila at mga ari-arian nila. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya sa bawat panahon at pook ang mga tulad sa mga kaparusahang iyon.

47:11Page 507

ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ مَوۡلَى ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَأَنَّ ٱلۡكَٰفِرِينَ لَا مَوۡلَىٰ لَهُمۡ ١١

That is because Allāh is the protector of those who have believed and because the disbelievers have no protector.

Ang ganting nabanggit na iyon para sa dalawang pangkat ay dahil si Allāh ay ang Tagapag-adya ng mga sumampalataya sa Kanya at [dahil] ang mga tagatangging sumampalataya ay walang tagapag-adya para sa kanila.

47:12Page 508

إِنَّ ٱللَّهَ يُدۡخِلُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ يَتَمَتَّعُونَ وَيَأۡكُلُونَ كَمَا تَأۡكُلُ ٱلۡأَنۡعَٰمُ وَٱلنَّارُ مَثۡوٗى لَّهُمۡ ١٢

Indeed, Allāh will admit those who have believed and done righteous deeds to gardens beneath which rivers flow, but those who disbelieve enjoy themselves and eat as grazing livestock eat, and the Fire will be a residence for them.

Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya at gumawa ng mga gawang maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog. Ang mga tumatangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay nagtatamasa sa Mundo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ninanasa nila at kumakain kung paanong kumakain ang mga hayupan; walang pinahahalagahan para sa kanila kundi ang mga tiyan nila at ang mga tawag ng laman nila. Ang Apoy sa Araw ng Pagbangon ay pamamalagihan nila na tutuluyan nila.

47:13Page 508

وَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ هِيَ أَشَدُّ قُوَّةٗ مِّن قَرۡيَتِكَ ٱلَّتِيٓ أَخۡرَجَتۡكَ أَهۡلَكۡنَٰهُمۡ فَلَا نَاصِرَ لَهُمۡ ١٣

And how many a city was stronger than your city [i.e., Makkah] which drove you out? We destroyed them; and there was no helper for them.

Kay raming pamayanan kabilang sa mga pamayanan ng mga kalipunang nauna ay higit na matindi sa lakas at higit na marami sa mga yaman at mga anak kaysa sa Makkah na nagpalisan sa iyo ang mga mamayan niyon mula roon. Nagpahamak Kami sa kanila noong nagpasinungaling sila sa mga sugo sa kanila sapagkat walang tagapag-adya para sa kanila na sasagip sa kanila mula sa pagdurusang dulot Namin noong dumating ito sa kanila. Hindi nagpapawalang-kakayahan sa Amin ang pagpapahamak sa mga mamamayan ng Makkah kapag nagnais Kami niyon.

47:14Page 508

أَفَمَن كَانَ عَلَىٰ بَيِّنَةٖ مِّن رَّبِّهِۦ كَمَن زُيِّنَ لَهُۥ سُوٓءُ عَمَلِهِۦ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُم ١٤

So is he who is on clear evidence from his Lord like him to whom the evil of his work has been made attractive and they follow their [own] desires?

Ang sinumang nagkaroon ng isang patotoong malinaw at isang katwirang maliwanag ba mula sa Panginoon niya, kaya naman ito ay sumasamba sa Kanya ayon sa kabatiran, ay gaya kaya ng mga ipinang-akit para sa kanila ng demonyo ang kasagwaan ng gawain nila at sumunod sa idinidikta sa kanila ng mga pithaya nila, gaya ng pagsamba sa mga anito, paggawa ng kasalanan, at pagpapasinungaling sa mga sugo?

47:15Page 508

مَّثَلُ ٱلۡجَنَّةِ ٱلَّتِي وُعِدَ ٱلۡمُتَّقُونَۖ فِيهَآ أَنۡهَٰرٞ مِّن مَّآءٍ غَيۡرِ ءَاسِنٖ وَأَنۡهَٰرٞ مِّن لَّبَنٖ لَّمۡ يَتَغَيَّرۡ طَعۡمُهُۥ وَأَنۡهَٰرٞ مِّنۡ خَمۡرٖ لَّذَّةٖ لِّلشَّٰرِبِينَ وَأَنۡهَٰرٞ مِّنۡ عَسَلٖ مُّصَفّٗىۖ وَلَهُمۡ فِيهَا مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ وَمَغۡفِرَةٞ مِّن رَّبِّهِمۡۖ كَمَنۡ هُوَ خَٰلِدٞ فِي ٱلنَّارِ وَسُقُواْ مَآءً حَمِيمٗا فَقَطَّعَ أَمۡعَآءَهُمۡ ١٥

Is the description of Paradise, which the righteous are promised, wherein are rivers of water unaltered,1 rivers of milk the taste of which never changes, rivers of wine delicious to those who drink, and rivers of purified honey, in which they will have from all [kinds of] fruits and forgiveness from their Lord... [Are its inhabitants] like those who abide eternally in the Fire and are given to drink scalding water that will sever their intestines?

Ang katangian ng Paraiso – na ipinangako ni Allāh sa mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya – ay na magpapasok Siya sa kanila roon. Doon ay may mga ilog mula sa tubig na hindi nagbabago sa amoy ni sa lasa dahil sa tagal ng pananatili. Doon ay may mga ilog mula sa gatas na hindi nagbabago ang lasa nito. Doon ay may mga ilog mula sa alak na masarap para sa mga tagainom. [Doon ay] may mga ilog ng pulut-pukyutan na dinalisay na mula sa mga kasiraan. May ukol sa kanila roon na lahat ng mga uri ng mga bungang nanaisin nila. May ukol sa kanila higit doon sa kabuuan niyon na isang pagpapawi mula kay Allāh ng mga pagkakasala nila kaya hindi Siya maninisi sa kanila dahil sa mga ito. Nagkakapantay kaya ang sinumang ito ang ganti sa kanya at ang mga mamamalagi sa Apoy, na hindi lalabas mula roon magpakailanman at paiinumin ng tubig na matindi ang pagkainit kaya magpuputul-putol ito ng mga bituka ng mga tiyan nila dahil sa tindi ng init nito?

47:16Page 508

وَمِنۡهُم مَّن يَسۡتَمِعُ إِلَيۡكَ حَتَّىٰٓ إِذَا خَرَجُواْ مِنۡ عِندِكَ قَالُواْ لِلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ مَاذَا قَالَ ءَانِفًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ طَبَعَ ٱللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُمۡ ١٦

And among them, [O Muḥammad], are those who listen to you, until when they depart from you, they say to those who were given knowledge,1 "What has he said just now?" Those are the ones of whom Allāh has sealed over their hearts and who have followed their [own] desires.

Mayroon sa mga mapagpaimbabaw na nakikinig sa iyo, O Sugo, ayon sa pakikinig na walang pagtanggap na kalakip, bagkus kalakip ng pag-ayaw, na hanggang sa kapag nakalabas sila mula sa piling mo ay nagsabi sila sa mga binigyan ni Allāh ng kaalaman: "Ano ang sinabi niya sa pakikipag-usap niya kamakailan?" dala ng pagwawalang-bahala mula sa kanila at dala ng pag-ayaw. Ang mga iyon ay ang mga nagsara si Allāh sa mga puso nila kaya walang nakararating sa mga ito na kabutihan, at sumunod sa mga pithaya nila kaya bumulag ang mga ito sa kanila palayo sa katotohanan.

47:17Page 508

وَٱلَّذِينَ ٱهۡتَدَوۡاْ زَادَهُمۡ هُدٗى وَءَاتَىٰهُمۡ تَقۡوَىٰهُمۡ ١٧

And those who are guided - He increases them in guidance and gives them their righteousness.1

Ang mga napatnubayan tungo sa daan ng katotohanan at pagsunod sa inihatid ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay nagdagdag sa kanila ang Panginoon nila ng kapatnubayan at pagtutuon sa kabutihan, at umudyok Siya sa kanila ng paggawa ayon sa magsasanggalang sa kanila laban sa Apoy.

47:18Page 508

فَهَلۡ يَنظُرُونَ إِلَّا ٱلسَّاعَةَ أَن تَأۡتِيَهُم بَغۡتَةٗۖ فَقَدۡ جَآءَ أَشۡرَاطُهَاۚ فَأَنَّىٰ لَهُمۡ إِذَا جَآءَتۡهُمۡ ذِكۡرَىٰهُمۡ ١٨

Then do they await except that the Hour should come upon them unexpectedly? But already there have come [some of] its indications. Then how [i.e., what good] to them, when it has come, will be their remembrance?

Kaya may naghihintay kaya ang mga tagatangging sumampalataya ng maliban pa na sumapit sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan nang walang naunang kaalaman para sa kanila hinggil dito sapagkat dumating na ang mga palatandaan nito, na kabilang sa mga ito ang pagpapadala sa kanya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ang pagkabiyak ng buwan. Kaya papaanong ukol sa kanila na magsaalaala sila kapag dumating sa kanila ang Huling Sandali?

47:19Page 508

فَٱعۡلَمۡ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا ٱللَّهُ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لِذَنۢبِكَ وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مُتَقَلَّبَكُمۡ وَمَثۡوَىٰكُمۡ ١٩

So know, [O Muḥammad], that there is no deity except Allāh and ask forgiveness for your sin1 and for the believing men and believing women. And Allāh knows of your movement and your resting place.

Kaya tiyakin mo, O Sugo, na walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa kay Allāh at humiling ka mula kay Allāh ng kapatawaran para sa mga pagkakasala mo at humiling ka ng kapatawaran mula sa Kanya para sa mga pagkakasala ng mga lalaking mananampalataya at mga pagkakasala ng mga babaing mananampalataya. Si Allāh ay nakaaalam sa ginagawa ninyo sa maghapon ninyo at tuluyan ninyo sa gabi ninyo. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.

47:20Page 509

وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَوۡلَا نُزِّلَتۡ سُورَةٞۖ فَإِذَآ أُنزِلَتۡ سُورَةٞ مُّحۡكَمَةٞ وَذُكِرَ فِيهَا ٱلۡقِتَالُ رَأَيۡتَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ يَنظُرُونَ إِلَيۡكَ نَظَرَ ٱلۡمَغۡشِيِّ عَلَيۡهِ مِنَ ٱلۡمَوۡتِۖ فَأَوۡلَىٰ لَهُمۡ ٢٠

Those who believe say, "Why has a sūrah1 not been sent down?" But when a precise sūrah is revealed and battle is mentioned therein, you see those in whose hearts is disease [i.e., hypocrisy] looking at you with a look of one overcome by death. And more appropriate for them2 [would have been]

Nagsasabi ang mga sumampalataya kay Allāh habang mga nagmimithi na magbaba si Allāh sa Sugo Niya ng isang kabanatang naglalaman ng kahatulan ng pakikipaglaban: "Bakit kaya hindi nagpababa si Allāh ng isang kabanata na naroon ang pagbanggit ng pakikipaglaban?" Ngunit nang nagpababa si Allāh ng isang kabanatang tinahas sa paglilinaw nito at mga patakaran nito, na naglalaman ng pagbanggit ng pakikipaglaban, makikita mo, O Sugo, ang mga sa mga puso nila ay may pagdududa kabilang sa mga mapagpaimbabaw na tumitingin sa iyo ng pagtingin ng hinimatay dahil sa tindi ng pangamba at pangingilabot sapagkat nagbanta sa kanila si Allāh na ang pagdurusa nila ay sumunod na sa kanila at nalapit na sa kanila dahilan sa pag-urong sa pakikipaglaban at pangamba rito.

47:21Page 509

طَاعَةٞ وَقَوۡلٞ مَّعۡرُوفٞۚ فَإِذَا عَزَمَ ٱلۡأَمۡرُ فَلَوۡ صَدَقُواْ ٱللَّهَ لَكَانَ خَيۡرٗا لَّهُمۡ ٢١

Obedience and good words. And when the matter [of fighting] was determined, if they had been true to Allāh, it would have been better for them.

Ang tumalima sila sa utos ni Allāh at ang magsabi sila ng isang sinasabing nakabubuti, na walang masama rito, ay higit na mabuti para sa kanila. Kaya kapag naisatungkulin ang pakikipaglaban at nagseryoso saka kung sakaling nagpakatotoo sila kay Allāh sa pananampalataya nila sa Kanya at pagtalima nila sa Kanya, talaga sanang ito ay naging higit na mabuti para sa kanila kaysa sa pagpapaimbabaw at pagsuway sa mga utos ni Allāh.

47:22Page 509

فَهَلۡ عَسَيۡتُمۡ إِن تَوَلَّيۡتُمۡ أَن تُفۡسِدُواْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَتُقَطِّعُوٓاْ أَرۡحَامَكُمۡ ٢٢

So would you perhaps, if you turned away,1 cause corruption on earth and sever your [ties of] relationship?

Nananaig sa kalagayan ninyo kung umayaw kayo sa pananampalataya kay Allāh at pagtalima sa Kanya na kayo ay manggugulo sa lupa dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at magpuputul-putol sa mga bigkis ng pagkakamag-anak gaya ng kalagayan ninyo dati sa Panahon ng Kamangmangan.

47:23Page 509

أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ لَعَنَهُمُ ٱللَّهُ فَأَصَمَّهُمۡ وَأَعۡمَىٰٓ أَبۡصَٰرَهُمۡ ٢٣

Those [who do so] are the ones that Allāh has cursed, so He deafened them and blinded their vision.

Ang mga nailarawang iyon sa panggugulo sa lupa at pagpuputul-putol sa mga ugnayang pangkaanak ay ang mga inilayo ni Allāh sa awa Niya. Bumingi Siya sa mga tainga nila palayo sa pakikinig sa katotohanan ayon sa pakikinig ng pagtanggap at pagpapasakop, at bumulag Siya sa mga paningin nila palayo sa pagkakita nito ayon sa pagkakita ng pagsasaalang-alang.

47:24Page 509

أَفَلَا يَتَدَبَّرُونَ ٱلۡقُرۡءَانَ أَمۡ عَلَىٰ قُلُوبٍ أَقۡفَالُهَآ ٢٤

Then do they not reflect upon the Qur’ān, or are there locks upon [their] hearts?

Kaya hindi kaya nagbulay-bulay ang mga umaayaw na ito sa Qur’ān at nagnilay-nilay rito sapagkat kung sakaling nagbulay-bulay sila rito ay talaga sanang nagturo ito sa kanila sa bawat kabutihan at nagpalayo sa kanila sa bawat kasamaan? O sa mga puso ng mga ito ay may mga pampinid ng mga ito, na hinigpitan ang pagkakasara sa mga ito kaya walang aabot sa mga ito na isang pangaral at walang magpapakinabang sa mga ito na isang paalaala?

47:25Page 509

إِنَّ ٱلَّذِينَ ٱرۡتَدُّواْ عَلَىٰٓ أَدۡبَٰرِهِم مِّنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ ٱلۡهُدَى ٱلشَّيۡطَٰنُ سَوَّلَ لَهُمۡ وَأَمۡلَىٰ لَهُمۡ ٢٥

Indeed, those who reverted back [to disbelief] after guidance had become clear to them - Satan enticed them and prolonged hope for them.

Tunay na ang mga bumalik mula sa pananampalataya patungo sa kawalang-pananampalataya at pagpapaimbabaw nang matapos nailatag sa kanila ang katwiran at luminaw para sa kanila ang katapatan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ang demonyo ay ang nang-akit sa kanila sa kawalang-pananampalataya at pagpapaimbabaw, nagpadali nito sa kanila, at nagpamithi sa kanila dahil sa haba ng pag-asa.

47:26Page 509

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ قَالُواْ لِلَّذِينَ كَرِهُواْ مَا نَزَّلَ ٱللَّهُ سَنُطِيعُكُمۡ فِي بَعۡضِ ٱلۡأَمۡرِۖ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ إِسۡرَارَهُمۡ ٢٦

That is because they said to those who disliked what Allāh sent down,1 "We will obey you in part of the matter." And Allāh knows what they conceal.

Ang pagliligaw na naganap na iyon sa kanila ay dahilan sa sila ay nagsabi nang palihim sa mga tagapagtambal na nasuklam sa ibinaba ni Allāh sa Sugo Niya na kasi: "Tatalima kami sa inyo sa ilan sa usapin gaya ng pagpapahina ng loob sa pakikipaglaban." Si Allāh ay nakaaalam sa inililihim nila at ikinukubli nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman, kaya naghahayag Siya ng anumang niloob Niya mula rito sa Sugo Niya – basbasan Niya ang Propeta at batiin ng kapayapaan.

47:27Page 509

فَكَيۡفَ إِذَا تَوَفَّتۡهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يَضۡرِبُونَ وُجُوهَهُمۡ وَأَدۡبَٰرَهُمۡ ٢٧

Then how [will it be] when the angels take them in death, striking their faces and their backs?

Kaya papaano mo makikita ang kasasadlakan nila na pagdurusa at kalagayang karumal-dumal na sasapitin nila kapag kinuha ang mga kaluluwa nila ng mga anghel na nakatalaga sa pagkuha ng mga kaluluwa habang pumapalo ang mga ito sa mga mukha nila at mga likod nila sa pamamagitan ng mga pangawil na bakal?

47:28Page 509

ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمُ ٱتَّبَعُواْ مَآ أَسۡخَطَ ٱللَّهَ وَكَرِهُواْ رِضۡوَٰنَهُۥ فَأَحۡبَطَ أَعۡمَٰلَهُمۡ ٢٨

That is because they followed what angered Allāh and disliked [what earns] His pleasure, so He rendered worthless their deeds.

Ang pagdurusang iyon ay dahilan sa sila ay sumunod sa lahat ng nagpagalit kay Allāh sa kanila gaya ng kawalang-pananampalataya, pagpapaimbabaw, at pagsalungat kay Allāh at sa Sugo Niya, at nasuklam sila sa nakapagpapalapit sa kanila sa Panginoon Nila at nagpapadapo sa kanila ng pagkalugod Niya gaya ng pananampalataya sa Kanya at pagsunod sa Sugo Niya kaya nagpawalang-saysay Siya sa mga gawa nila.

47:29Page 509

أَمۡ حَسِبَ ٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٌ أَن لَّن يُخۡرِجَ ٱللَّهُ أَضۡغَٰنَهُمۡ ٢٩

Or do those in whose hearts is disease think that Allāh would never expose their [feelings of] hatred?

Nagpapalagay kaya ang mga sa mga puso nila ay may pagdududa kabilang sa mga mapagpaimbabaw na hindi magpapalabas si Allāh sa mga pagkamuhi nila at maglalantad sa mga ito? Talagang magpapalabas nga Siya sa mga ito sa pamamagitan ng pagsusulit sa pamamagitan ng mga pagsubok upang malantad ang tapat ang pananampalataya mula sa sinungaling, mahayag ang mananampalataya, at mabunyag ang mapagpaimbabaw.

47:30Page 510

وَلَوۡ نَشَآءُ لَأَرَيۡنَٰكَهُمۡ فَلَعَرَفۡتَهُم بِسِيمَٰهُمۡۚ وَلَتَعۡرِفَنَّهُمۡ فِي لَحۡنِ ٱلۡقَوۡلِۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ أَعۡمَٰلَكُمۡ ٣٠

And if We willed, We could show them to you, and you would know them by their mark; but you will surely know them by the tone of [their] speech. And Allāh knows your deeds.

Kung sakaling niloloob Namin ang pagpapakilala sa iyo, O Sugo, ng mga mapagpaimbabaw ay talaga sanang ipinakilala Namin sila sa iyo kaya talaga sanang nakilala mo sila sa pamamagitan ng mga palatandaan nila at makikilala mo sila ayon sa istilo ng pananalita nila. Si Allāh ay nakaaalam sa mga gawa ninyo: walang nakakukubli sa kanya mula sa mga ito na anuman, at gaganti sa inyo sa mga ito.

47:31Page 510

وَلَنَبۡلُوَنَّكُمۡ حَتَّىٰ نَعۡلَمَ ٱلۡمُجَٰهِدِينَ مِنكُمۡ وَٱلصَّٰبِرِينَ وَنَبۡلُوَاْ أَخۡبَارَكُمۡ ٣١

And We will surely test you until We make evident those who strive among you [for the cause of Allāh] and the patient, and We will test your affairs.

Talagang manunubok nga Kami sa inyo, O mga mananampalataya, sa pamamagitan ng pakikibaka, pakikipaglaban sa mga kaaway, at pagkapatay hanggang sa maghayag Kami sa mga nakikibaka kabilang sa inyo sa landas Namin at mga nagtitiis kabilang sa inyo sa pakikipaglaban sa mga kaaway, at manunubok Kami sa inyo para malaman ang tapat kabilang sa inyo at ang sinungaling.

47:32Page 510

إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ وَشَآقُّواْ ٱلرَّسُولَ مِنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُمُ ٱلۡهُدَىٰ لَن يَضُرُّواْ ٱللَّهَ شَيۡـٔٗا وَسَيُحۡبِطُ أَعۡمَٰلَهُمۡ ٣٢

Indeed, those who disbelieved and averted [people] from the path of Allāh and opposed the Messenger after guidance had become clear to them - never will they harm Allāh at all, and He will render worthless their deeds.

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, sumagabal sa Relihiyon ni Allāh sa pamamagitan ng mga sarili nila – at sumagabal doon ang iba pa sa kanila – at sumalungat sa Sugo Niya at nakipag-away rito nang matapos luminaw na ito ay propeta, hindi sila makapipinsala kay Allāh ng anuman at nakapipinsala lamang sila sa mga sarili nila. Magpapawalang-saysay si Allāh sa mga gawa nila.

47:33Page 510

۞ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَطِيعُواْ ٱللَّهَ وَأَطِيعُواْ ٱلرَّسُولَ وَلَا تُبۡطِلُوٓاْ أَعۡمَٰلَكُمۡ ٣٣

O you who have believed, obey Allāh and obey the Messenger and do not invalidate your deeds.

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo sa pamamagitan ng pagsunod ninyo sa ipinag-uutos nilang dalawa at pag-iwas ninyo sa sinasaway nilang dalawa, at huwag kayong magpawalang-saysay sa mga gawa ninyo sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya, pagpapakitang-tao, at iba pa roon.

47:34Page 510

إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَصَدُّواْ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ ثُمَّ مَاتُواْ وَهُمۡ كُفَّارٞ فَلَن يَغۡفِرَ ٱللَّهُ لَهُمۡ ٣٤

Indeed, those who disbelieved and averted [people] from the path of Allāh and then died while they were disbelievers - never will Allāh forgive them.

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh, naglihis ng mga sarili nila at naglihis sa mga tao palayo sa relihiyon ni Allāh – pagkatapos namatay sila sa kawalang-pananampalataya nila bago ng pagbabalik-loob – ay hindi magpapalampas si Allāh sa mga pagkakasala nila sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga ito, bagkus maninisi sa kanila at magpapapasok sa kanila sa Apoy bilang mga mananatili roon magpakailanman.

47:35Page 510

فَلَا تَهِنُواْ وَتَدۡعُوٓاْ إِلَى ٱلسَّلۡمِ وَأَنتُمُ ٱلۡأَعۡلَوۡنَ وَٱللَّهُ مَعَكُمۡ وَلَن يَتِرَكُمۡ أَعۡمَٰلَكُمۡ ٣٥

So do not weaken and call for peace while you are superior; and Allāh is with you and will never deprive you of [the reward of] your deeds.

Kaya huwag kayong manghina, O mga mananampalataya, sa pagharap sa kaaway ninyo at [huwag] kayong mag-anyaya sa pakikipagpayapaan bago sila mag-anyaya sa inyo tungo roon samantalang kayo ay ang mga nakagapi na mga nanaig sa kanila at si Allāh ay kasama sa inyo sa pamamagitan ng pag-aadya Niya at pag-alalay Niya. Hindi Siya magpapakulang sa inyo sa gantimpala sa mga gawa ninyo sa anuman, bagkus magdaragdag Siya sa inyo ng kagandahang-loob mula sa Kanya at ng pagmamabuting-loob.

47:36Page 510

إِنَّمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا لَعِبٞ وَلَهۡوٞۚ وَإِن تُؤۡمِنُواْ وَتَتَّقُواْ يُؤۡتِكُمۡ أُجُورَكُمۡ وَلَا يَسۡـَٔلۡكُمۡ أَمۡوَٰلَكُمۡ ٣٦

[This] worldly life is only amusement and diversion. And if you believe and fear Allāh, He will give you your rewards and not ask you for your properties.

Ang buhay na pangmundo ay isang paglalaro at isang paglilibang lamang kaya hindi pinagkakaabalahan ito ng isang nakapag-uunawa kapalit ng paggawa para sa Kabilang-buhay niya. Kung sasampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya at mangingilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, magbibigay Siya sa inyo ng gantimpala ng mga gawa ninyo nang lubusan, na walang ibinawas, at hindi Siya hihiling mula sa inyo ng mga yaman ninyo sa kabuuan ng mga ito; humihiling lamang Siya mula sa inyo ng isinatungkuling zakāh.

47:37Page 510

إِن يَسۡـَٔلۡكُمُوهَا فَيُحۡفِكُمۡ تَبۡخَلُواْ وَيُخۡرِجۡ أَضۡغَٰنَكُمۡ ٣٧

If He should ask you for them and press you, you would withhold, and He would expose your hatred [i.e., unwillingness].

Kung hihiling Siya mula sa inyo ng lahat ng mga yaman ninyo at mamimilit Siya sa paghiling ng mga iyon mula sa inyo, magmamaramot kayo ng mga iyon at magpapalabas naman Siya ng nasa mga puso ninyo na pagkasuklam sa paggugol sa landas Niya, kaya itinigil Niya ang paghiling ng mga iyon mula sa inyo bilang kabaitan sa inyo.

47:38Page 510

هَٰٓأَنتُمۡ هَٰٓؤُلَآءِ تُدۡعَوۡنَ لِتُنفِقُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَمِنكُم مَّن يَبۡخَلُۖ وَمَن يَبۡخَلۡ فَإِنَّمَا يَبۡخَلُ عَن نَّفۡسِهِۦۚ وَٱللَّهُ ٱلۡغَنِيُّ وَأَنتُمُ ٱلۡفُقَرَآءُۚ وَإِن تَتَوَلَّوۡاْ يَسۡتَبۡدِلۡ قَوۡمًا غَيۡرَكُمۡ ثُمَّ لَا يَكُونُوٓاْ أَمۡثَٰلَكُم ٣٨

Here you are - those invited to spend in the cause of Allāh - but among you are those who withhold [out of greed]. And whoever withholds only withholds [benefit] from himself; and Allāh is the Free of need, while you are the needy. And if you turn away [i.e., refuse], He will replace you with another people; then they will not be the likes of you.

Kayo nga itong tinatawagan upang gumugol kayo ng isang bahagi mula sa mga yaman ninyo sa landas ni Allāh. Hindi naman Siya humihiling mula sa inyo ng paggugol ng mga yaman ninyo sa kabuuan ng mga ito, ngunit mayroon sa inyo na nagpipigil ng paggugol na hinihiling dala ng karamutan mula sa kanya. Ang sinumang nagmamaramot sa paggugol ng isang bahagi mula sa yaman niya sa landas ni Allāh ay nagmamaramot lamang, sa katunayan, sa sarili niya sa pamamagitan ng pagkakait dito ng gantimpala ng paggugol. Si Allāh ay ang Walang-pangangailangan kaya naman hindi Siya nangangailangan sa paggugol ninyo samantalang kayo ay ang mga nangangailangan sa Kanya. Kung babalik kayo sa kawalang-pananampalataya mula sa Islām, magpapahamak Siya sa inyo at magdadala Siya ng mga taong iba sa inyo, pagkatapos hindi sila magiging mga tulad ninyo, bagkus sila ay magiging mga tagatalima sa Kanya.

Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences

Contents

Ayat al-Kursi36Al-Kahfpage 42juz 15Bukhari 1Muslim 2999

Style

Theme
Text size
Layout

Читать на русском