Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog
نوح
Nuh
Noah · Meccan · 28 ayahs
71:1Page 570
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦٓ أَنۡ أَنذِرۡ قَوۡمَكَ مِن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ ١
Indeed, We sent Noah to his people, [saying], "Warn your people before there comes to them a painful punishment."
Tunay na Kami ay nagpadala kay Noe sa mga kababayan niya, na nag-aanyaya sa kanila para magpangamba sa mga kababayan niya bago pa man may pumunta sa kanila na isang pagdurusang nakasasakit dahilan sa gawain nila na pagtatambal kay Allāh."
71:2Page 570
قَالَ يَٰقَوۡمِ إِنِّي لَكُمۡ نَذِيرٞ مُّبِينٌ ٢
He said, "O my people, indeed I am to you a clear warner -
Nagsabi si Noe sa mga kababayan niya: "O mga kababayan, tunay na ako para sa inyo ay isang tagapagbabalang malinaw ang pagbabala laban sa isang pagdurusang naghihintay sa inyo kung hindi kayo nagbalik-loob kay Allāh:
71:3Page 570
أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ وَٱتَّقُوهُ وَأَطِيعُونِ ٣
To worship Allāh, fear Him and obey me.
Ang hinihiling ng pagbabala ko para sa inyo na magsabi ako sa inyo: "Sumamba kayo kay Allāh lamang at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman, mangilag kayong magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at tumalima kayo sa akin sa ipinag-uutos ko sa inyo;
71:4Page 570
يَغۡفِرۡ لَكُم مِّن ذُنُوبِكُمۡ وَيُؤَخِّرۡكُمۡ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمًّىۚ إِنَّ أَجَلَ ٱللَّهِ إِذَا جَآءَ لَا يُؤَخَّرُۚ لَوۡ كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ ٤
He [i.e., Allāh] will forgive you of your sins and delay you for a specified term. Indeed, the time [set by] Allāh, when it comes, will not be delayed, if you only knew."
Tunay na kayo, kung gagawa kayo niyon, ay magpapatawad si Allāh sa inyo mula sa mga pagkakasala ninyo na hindi nauugnay sa mga karapatan ng mga tao, at magpapahaba Siya sa yugto ng kalipunan ninyo sa buhay hanggang sa isang panahon na natakdaan sa kaalaman ni Allāh. Lalaganap kayo sa lupa hanggat nagpakatatag kayo roon. Tunay na ang kamatayan, kapag dumating, ay hindi inaantala. Kung sakaling kayo ay nakaaalam ay talaga sanang nagdali-dali kayo sa pagsampalataya kay Allāh at pagbabalik-loob mula sa taglay ninyo na pagtatambal at pagkaligaw."
71:5Page 570
قَالَ رَبِّ إِنِّي دَعَوۡتُ قَوۡمِي لَيۡلٗا وَنَهَارٗا ٥
He said, "My Lord, indeed I invited my people [to truth] night and day.
Nagsabi si Noe: "O Panginoon, tunay na ako ay nag-anyaya sa mga kababayan ko sa pagsamba sa Iyo at paniniwala sa kaisahan Mo sa gabi at maghapon nang tuluy-tuloy,
71:6Page 570
فَلَمۡ يَزِدۡهُمۡ دُعَآءِيٓ إِلَّا فِرَارٗا ٦
But my invitation increased them not except in flight [i.e., aversion].
ngunit walang naidagdag sa kanila ang pag-aanyaya ko sa kanila kundi pagkainis at paglayo sa ipinaaanyaya ko.
71:7Page 570
وَإِنِّي كُلَّمَا دَعَوۡتُهُمۡ لِتَغۡفِرَ لَهُمۡ جَعَلُوٓاْ أَصَٰبِعَهُمۡ فِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَٱسۡتَغۡشَوۡاْ ثِيَابَهُمۡ وَأَصَرُّواْ وَٱسۡتَكۡبَرُواْ ٱسۡتِكۡبَارٗا ٧
And indeed, every time I invited them that You may forgive them, they put their fingers in their ears, covered themselves with their garments,1 persisted, and were arrogant with [great] arrogance.
Tunay na sa tuwing nag-anyaya ako sa kanila tungo sa may kadahilanan ng pagpapatawad sa mga pagkakasala nila gaya ng pagsamba sa Iyo lamang, pagtalima sa iyo, at pagtalima sa Sugo Mo ay nagbabara sila ng mga tainga nila sa pamamagitan ng mga daliri nila upang humadlang sila sa mga ito sa pagdinig sa paanyaya Ko at nagtatakip sila sa mga mukha nila ng mga kasuutan nila upang hindi sila makakita sa akin. Nagpapatuloy sila sa taglay nila na shirk. Nagpakamalaki sila sa pag-ayaw sa pagtanggap sa inaanyaya Ko sa kanila at sa pagpapasailalim dito.
Pagkatapos tunay na ako, O Panginoon, ay nag-anyaya sa kanila nang hayagan.
71:9Page 570
ثُمَّ إِنِّيٓ أَعۡلَنتُ لَهُمۡ وَأَسۡرَرۡتُ لَهُمۡ إِسۡرَارٗا ٩
Then I announced to them and [also] confided to them secretly
Pagkatapos tunay na ako ay nag-angat sa kanila ng tinig ko sa pag-aanyaya, nagtapat sa kanila nang isang pagtatapat na kubli, at nag-anyaya sa kanila sa tinig na mababa, habang nagsasarisari sa kanila ng istilo ng pag-anyaya ko.
71:10Page 570
فَقُلۡتُ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ إِنَّهُۥ كَانَ غَفَّارٗا ١٠
And said, 'Ask forgiveness of your Lord. Indeed, He is ever a Perpetual Forgiver.
Nagsabi ako sa kanila: 'O mga kababayan, humiling kayo ng kapatawaran mula sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa Kanya – tunay na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay laging Palapatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya –
71:11Page 571
يُرۡسِلِ ٱلسَّمَآءَ عَلَيۡكُم مِّدۡرَارٗا ١١
He will send [rain from] the sky upon you in [continuing] showers
Tunay na kayo, kung gumawa niyon, ay pabababaan ni Allāh ng ulan na nagkakasunuran sa tuwing nangailangan kayo niyon, kaya walang tatama sa inyo na isang tagtuyot.
71:12Page 571
وَيُمۡدِدۡكُم بِأَمۡوَٰلٖ وَبَنِينَ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ جَنَّٰتٖ وَيَجۡعَل لَّكُمۡ أَنۡهَٰرٗا ١٢
And give you increase in wealth and children and provide for you gardens and provide for you rivers.
Magbibigay Siya sa inyo nang maramihan ng mga yaman at mga anak, gagawa Siya para sa inyo ng mga tanimang kakain kayo mula sa mga bunga ng mga ito, at gagawa Siya para sa inyo ng mga ilog na iinom kayo mula sa mga ito at magpapatubig kayo sa mga pananim ninyo at mga hayupan ninyo.
71:13Page 571
مَّا لَكُمۡ لَا تَرۡجُونَ لِلَّهِ وَقَارٗا ١٣
What is [the matter] with you that you do not attribute to Allāh [due] grandeur
Ano ang lagay ninyo, O mga kababayan, na hindi kayo nangangamba sa kadakilaan ni Allāh yayamang sumusuway kayo sa Kanya nang walang pagpansin
samantalang lumikha nga Siya sa inyo sa isang yugto matapos ng isa pang yugto mula sa isang patak, pagkatapos mula sa isang malalinta, pagkatapos mula sa isang kimpal na laman?
71:15Page 571
أَلَمۡ تَرَوۡاْ كَيۡفَ خَلَقَ ٱللَّهُ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖ طِبَاقٗا ١٥
Do you not consider how Allāh has created seven heavens in layers1
Hindi ba ninyo napag-alaman kung papaanong lumikha si Allāh ng pitong langit, na ang isang langit ay nasa ibabaw ng isang langit?
71:16Page 571
وَجَعَلَ ٱلۡقَمَرَ فِيهِنَّ نُورٗا وَجَعَلَ ٱلشَّمۡسَ سِرَاجٗا ١٦
And made the moon therein a [reflected] light and made the sun a burning lamp?
Naglagay Siya ng buwan sa langit na pangmundo kabilang sa mga ito bilang liwanag para sa mga naninirahan sa lupa at naglagay Siya ng araw bilang tagapagtanglaw.
71:17Page 571
وَٱللَّهُ أَنۢبَتَكُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ نَبَاتٗا ١٧
And Allāh has caused you to grow from the earth a [progressive] growth.
Si Allāh ay lumikha sa inyo mula sa lupa sa pamamagitan ng paglikha sa ama ninyong si Adan mula sa alabok, pagkatapos kayo ay kumakain mula sa pinatutubo nito para sa inyo.
71:18Page 571
ثُمَّ يُعِيدُكُمۡ فِيهَا وَيُخۡرِجُكُمۡ إِخۡرَاجٗا ١٨
Then He will return you into it and extract you [another] extraction.
Pagkatapos magpapanumbalik Siya sa inyo rito matapos ng kamatayan ninyo, pagkatapos magpapalabas Siya sa inyo para sa pagbubuhay mula rito sa isang pagpapalabas.
71:19Page 571
وَٱللَّهُ جَعَلَ لَكُمُ ٱلۡأَرۡضَ بِسَاطٗا ١٩
And Allāh has made for you the earth an expanse
Si Allāh ay gumawa para sa inyo ng lupa na isang nakalatag na nakahanda para sa panirahan
71:20Page 571
لِّتَسۡلُكُواْ مِنۡهَا سُبُلٗا فِجَاجٗا ٢٠
That you may follow therein roads of passage.'"
sa pag-asang tumahak kayo mula rito sa mga daang malawak sa paghahanap ng kitang ipinahihintulot.'"
71:21Page 571
قَالَ نُوحٞ رَّبِّ إِنَّهُمۡ عَصَوۡنِي وَٱتَّبَعُواْ مَن لَّمۡ يَزِدۡهُ مَالُهُۥ وَوَلَدُهُۥٓ إِلَّا خَسَارٗا ٢١
Noah said, "My Lord, indeed they have disobeyed me and followed him whose wealth and children will not increase him except in loss.
Nagsabi si Noe: "O Panginoon, tunay na ang mga kababayan ko ay sumuway sa akin sa ipinag-utos ko na paniniwala sa kaisahan Mo at pagsamba sa Iyo lamang at sumunod ang mga mababa kabilang sa kanila sa mga pangulo nila na biniyayaan Mo ng yaman at anak, ngunit walang naidagdag sa kanila ang ibiniyaya Mo sa kanila kundi isang pagkaligaw.
Nanlansi ang mga pinakamalaki kabilang sa kanila ng isang panlalansing sukdulan sa pamamagitan ng pagsulsol nila sa mga mababa nila laban kay Noe.
71:23Page 571
وَقَالُواْ لَا تَذَرُنَّ ءَالِهَتَكُمۡ وَلَا تَذَرُنَّ وَدّٗا وَلَا سُوَاعٗا وَلَا يَغُوثَ وَيَعُوقَ وَنَسۡرٗا ٢٣
And said, 'Never leave your gods and never leave Wadd or Suwāʿ or Yaghūth and Yaʿūq and Nasr.'1
Nagsabi sila sa mga tagasunod nila: 'Huwag kayong mag-iwan sa pagsamba sa mga diyos ninyo, at huwag kayong mag-iwan sa pagsamba sa mga anito ninyong si Wadd, ni si Suwā`, ni si Yaghūth, ni si Ya`ūq, ni si Nasr.'
71:24Page 571
وَقَدۡ أَضَلُّواْ كَثِيرٗاۖ وَلَا تَزِدِ ٱلظَّٰلِمِينَ إِلَّا ضَلَٰلٗا ٢٤
And already they have misled many. And, [my Lord], do not increase the wrongdoers except in error."
Nagligaw nga sila sa pamamagitan ng mga anitong ito ng marami sa mga tao. Huwag Kang magdagdag, O Panginoon, sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagpupumilit sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kundi ng isang pagkaligaw palayo sa katotohanan."
71:25Page 571
مِّمَّا خَطِيٓـَٰٔتِهِمۡ أُغۡرِقُواْ فَأُدۡخِلُواْ نَارٗا فَلَمۡ يَجِدُواْ لَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ أَنصَارٗا ٢٥
Because of their sins they were drowned and put into the Fire, and they found not for themselves besides Allāh [any] helpers.
Dahilan sa mga kamalian nila na ginawa nila, pinalunod sila sa gunaw sa Mundo, saka pinapasok sila sa isang Apoy matapos ng kamatayan nila kaagad, saka hindi sila nakatagpo para sa kanila bukod pa kay Allāh ng mga tagaadyang sasagip sa kanila mula sa pagkalunod at apoy.
71:26Page 571
وَقَالَ نُوحٞ رَّبِّ لَا تَذَرۡ عَلَى ٱلۡأَرۡضِ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ دَيَّارًا ٢٦
And Noah said, "My Lord, do not leave upon the earth from among the disbelievers an inhabitant.
Nagsabi si Noe noong nagpabatid si Allāh sa kanya na walang sasampalataya mula sa mga kababayan niya kundi ang sinumang sumampalataya na: "Panginoon ko, huwag Kang mag-iwan sa lupa mula sa mga tagatangging sumampalataya ng isang gagala o gagalaw.
71:27Page 571
إِنَّكَ إِن تَذَرۡهُمۡ يُضِلُّواْ عِبَادَكَ وَلَا يَلِدُوٓاْ إِلَّا فَاجِرٗا كَفَّارٗا ٢٧
Indeed, if You leave them, they will mislead Your servants and not beget except [every] wicked one and [confirmed] disbeliever.
Tunay na kung mag-iiwan Ka sa kanila, O Panginoon, at mag-aantabay Ka sa kanila, magliligaw sila sa mga lingkod Mong mga mananampalataya at hindi sila magkakaanak kundi ng isang may kasamaang-loob na hindi tatalima sa Iyo at matindi sa kawalang-pananampalataya na hindi magpapasalamat sa Iyo sa mga biyaya Mo.
71:28Page 571
رَّبِّ ٱغۡفِرۡ لِي وَلِوَٰلِدَيَّ وَلِمَن دَخَلَ بَيۡتِيَ مُؤۡمِنٗا وَلِلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِۖ وَلَا تَزِدِ ٱلظَّٰلِمِينَ إِلَّا تَبَارَۢا ٢٨
My Lord, forgive me and my parents and whoever enters my house a believer and the believing men and believing women. And do not increase the wrongdoers except in destruction."
Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin sa mga pagkakasala ko, magpatawad Ka sa mga magulang ko, magpatawad Ka sa sinumang pumasok sa bahay ko bilang mananampalataya, at magpatawad Ka sa mga lalaking mananampalataya at sa mga babaing mananampalataya. Huwag Kang magdagdag sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kundi ng isang kapahamakan at isang kalugihan."
Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences