Al-MukhtasarAr‑Rahman · 55:1–78

Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog

الرحمن

Ar-Rahman

The Beneficent · Medinan · 78 ayahs

55:1Page 531

ٱلرَّحۡمَٰنُ ١

The Most Merciful

Ang Napakamaawain ay ang may awang malawak.

55:2Page 531

عَلَّمَ ٱلۡقُرۡءَانَ ٢

Taught the Qur’ān,

Nagturo Siya sa mga tao ng Qur’ān sa pamamagitan ng pagpapadali sa pagsasaulo nito at pagpapagaan sa pag-intindi sa mga kahulugan nito.

55:3Page 531

خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ ٣

Created man,

Lumikha Siya ng tao nang lubos at nagpaganda Siya sa pagbibigay-anyo rito.

55:4Page 531

عَلَّمَهُ ٱلۡبَيَانَ ٤

[And] taught him eloquence.

Nagturo Siya rito kung papaanong maglinaw tungkol sa nasa budhi niya sa pagbigkas at pagsulat.

55:5Page 531

ٱلشَّمۡسُ وَٱلۡقَمَرُ بِحُسۡبَانٖ ٥

The sun and the moon [move] by precise calculation,

Ang araw at ang buwan ay tinakdaan Niya, na umiinog ayon sa pagtutuos na tumpak upang malaman ng mga tao ang bilang ng mga taon at ang pagtutuos.

55:6Page 531

وَٱلنَّجۡمُ وَٱلشَّجَرُ يَسۡجُدَانِ ٦

And the stars and trees prostrate.1

Ang walang tangkay na halaman at ang punong-kahoy ay nagpapatirapa kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – bilang mga nagpapaakay at mga sumusuko sa Kanya.

55:7Page 531

وَٱلسَّمَآءَ رَفَعَهَا وَوَضَعَ ٱلۡمِيزَانَ ٧

And the heaven He raised and imposed the balance

Ang langit ay inangat Niya ito sa ibabaw ng lupa bilang bubong, pinagtibay Niya ang katarungan sa lupa, at ipinag-utos Niya ito sa mga lingkod Niya.

55:8Page 531

أَلَّا تَطۡغَوۡاْ فِي ٱلۡمِيزَانِ ٨

That you not transgress within the balance.

Pinagtibay Niya ang katarungan upang hindi kayo mang-api, O mga tao, at [upang hindi kayo] magtaksil sa pagtitimbang at pagtatakal.

55:9Page 531

وَأَقِيمُواْ ٱلۡوَزۡنَ بِٱلۡقِسۡطِ وَلَا تُخۡسِرُواْ ٱلۡمِيزَانَ ٩

And establish weight in justice and do not make deficient the balance.

Magpanatili kayo ng pagtitimbang sa pagitan ninyo ayon sa katarungan at huwag kayong magpakulang sa pagtitimbang o pagtatakal kapag tumakal kayo o tumimbang kayo para sa iba sa inyo.

55:10Page 531

وَٱلۡأَرۡضَ وَضَعَهَا لِلۡأَنَامِ ١٠

And the earth He laid [out] for the creatures.

Ang lupa ay inilagay Niya na nakahanda para sa pamamalagi ng nilikha sa ibabaw nito.

55:11Page 531

فِيهَا فَٰكِهَةٞ وَٱلنَّخۡلُ ذَاتُ ٱلۡأَكۡمَامِ ١١

Therein is fruit and palm trees having sheaths [of dates]

Dito ay ang mga punong-kahoy na namumunga ng mga bungang-kahoy at dito ay ang mga punong datiles na may mga sisidlan na mula sa mga ito ang bungang datiles.

55:12Page 531

وَٱلۡحَبُّ ذُو ٱلۡعَصۡفِ وَٱلرَّيۡحَانُ ١٢

And grain having husks and scented plants.

Dito ay ang mga butil na may mga uhay gaya ng trigo at sebada at dito ay ang mga halamang ipinapampabango ninyo ang halimuyak ng mga ito.

55:13Page 531

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ١٣

So which of the favors of your Lord would you deny?1

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:14Page 531

خَلَقَ ٱلۡإِنسَٰنَ مِن صَلۡصَٰلٖ كَٱلۡفَخَّارِ ١٤

He created man from clay like [that of] pottery.

Lumikha Siya kay Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – mula sa putik na tuyo na nakaririnig dito ng kalansing na tulad ng putik na niluto.

55:15Page 531

وَخَلَقَ ٱلۡجَآنَّ مِن مَّارِجٖ مِّن نَّارٖ ١٥

And He created the jinn from a smokeless flame of fire.

Lumikha Siya ng ama ng mga jinn mula sa isang liyab na dalisay sa usok.

55:16Page 531

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ١٦

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:17Page 532

رَبُّ ٱلۡمَشۡرِقَيۡنِ وَرَبُّ ٱلۡمَغۡرِبَيۡنِ ١٧

[He is] Lord of the two sunrises and Lord of the two sunsets.1

[Siya] ang Panginoon ng dalawang silangan ng araw at ng dalawang kanluran nito sa taglamig at tag-init.

55:18Page 532

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ١٨

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:19Page 532

مَرَجَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ يَلۡتَقِيَانِ ١٩

He released the two seas,1 meeting [one another];

Nagpahalo si Allāh sa dalawang dagat na maalat at matabang habang nagtatagpo ayon sa nakikita ng mata.

55:20Page 532

بَيۡنَهُمَا بَرۡزَخٞ لَّا يَبۡغِيَانِ ٢٠

Between them is a barrier so neither of them transgresses.

Sa pagitan ng dalawang ito ay may isang harang na humahadlang sa bawat sa dalawang ito na lumampas sa isa pa upang manatili ang matabang sa pagiging matabang at ang maalat sa pagiging maalat.

55:21Page 532

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٢١

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:22Page 532

يَخۡرُجُ مِنۡهُمَا ٱللُّؤۡلُؤُ وَٱلۡمَرۡجَانُ ٢٢

From both of them emerge pearl and coral.

Lumalabas mula sa pagsasama ng dalawang dagat ang malalaki sa mga perlas at ang maliliit sa mga ito.

55:23Page 532

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٢٣

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:24Page 532

وَلَهُ ٱلۡجَوَارِ ٱلۡمُنشَـَٔاتُ فِي ٱلۡبَحۡرِ كَٱلۡأَعۡلَٰمِ ٢٤

And to Him belong the ships [with sails] elevated in the sea like mountains.

Sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – lamang ang pagpapagalaw sa mga daong na naglalayag sa mga dagat tulad ng mga bundok.

55:25Page 532

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٢٥

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:26Page 532

كُلُّ مَنۡ عَلَيۡهَا فَانٖ ٢٦

Everyone upon it [i.e., the earth] will perish,

Bawat sinumang nasa ibabaw ng lupa kabilang sa mga nilikha ay masasawi nang walang pasubali.

55:27Page 532

وَيَبۡقَىٰ وَجۡهُ رَبِّكَ ذُو ٱلۡجَلَٰلِ وَٱلۡإِكۡرَامِ ٢٧

And there will remain the Face1 of your Lord, Owner of Majesty and Honor.

Mananatili naman ang mukha ng Panginoon mo, O sugo, ang may kadakilaan, paggawa ng maganda, at kabutihang-loob sa mga lingkod Niya sapagkat hindi Siya nasusundan ng pagkalipol magpakailanman.

55:28Page 532

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٢٨

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:29Page 532

يَسۡـَٔلُهُۥ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ كُلَّ يَوۡمٍ هُوَ فِي شَأۡنٖ ٢٩

Whoever is within the heavens and earth asks Him; every day He is in [i.e., bringing about] a matter.1

Nanghihingi sa Kanya ang bawat sinumang nasa mga langit na mga anghel at sinumang nasa lupa na jinn at tao ng mga pangangailangan nila; sa bawat araw Siya ay nasa isang nauukol kabilang sa mga nauukol sa mga lingkod Niya na pagbibigay-buhay, pagbibigay-kamatayan, pagtutustos, at iba pa roon.

55:30Page 532

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٣٠

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:31Page 532

سَنَفۡرُغُ لَكُمۡ أَيُّهَ ٱلثَّقَلَانِ ٣١

We will attend to you, O prominent beings.1

Magtutuon Kami para sa pagtutuos sa inyo, O tao at jinn, kaya gaganti Kami sa bawat isa ayon sa magiging karapat-dapat sa kanya na gantimpala o parusa.

55:32Page 532

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٣٢

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:33Page 532

يَٰمَعۡشَرَ ٱلۡجِنِّ وَٱلۡإِنسِ إِنِ ٱسۡتَطَعۡتُمۡ أَن تَنفُذُواْ مِنۡ أَقۡطَارِ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ فَٱنفُذُواْۚ لَا تَنفُذُونَ إِلَّا بِسُلۡطَٰنٖ ٣٣

O company of jinn and mankind, if you are able to pass beyond the regions of the heavens and the earth, then pass. You will not pass except by authority [from Allāh].

Magsasabi si Allāh sa Araw ng Pagbangon kapag tinipon Niya ang jinn at ang tao: "O katipunan ng jinn at tao, kung nakaya ninyo na makatagpo kayo ng isang labasan mula sa isang dako kabilang sa mga dako ng mga langit at lupa ay gawin ninyo. Hindi kayo makakakaya na gumawa niyon kundi sa pamamagitan ng isang lakas at isang malinaw na patunay at mula saan mayroon kayo niyon?"

55:34Page 532

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٣٤

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:35Page 532

يُرۡسَلُ عَلَيۡكُمَا شُوَاظٞ مِّن نَّارٖ وَنُحَاسٞ فَلَا تَنتَصِرَانِ ٣٥

There will be sent upon you a flame of fire and smoke,1 and you will not defend yourselves.

May isusugo sa inyong dalawa, O tao at jinn, na isang lagablab ng apoy na walang usok at isang usok na walang lagablab, saka hindi kayong dalawa nakakakaya sa pagpigil niyon.

55:36Page 532

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٣٦

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:37Page 532

فَإِذَا ٱنشَقَّتِ ٱلسَّمَآءُ فَكَانَتۡ وَرۡدَةٗ كَٱلدِّهَانِ ٣٧

And when the heaven is split open and becomes rose-colored like oil1 -

Saka kapag nabiyak ang langit para sa pagbaba ng mga anghel mula roon at ito ay naging pula gaya ng langis sa pagningning ng kulay nito.

55:38Page 532

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٣٨

So which of the favors of your Lord would you deny? -

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:39Page 532

فَيَوۡمَئِذٖ لَّا يُسۡـَٔلُ عَن ذَنۢبِهِۦٓ إِنسٞ وَلَا جَآنّٞ ٣٩

Then on that Day none will be asked about his sin among men or jinn.1

Kaya sa dakilang araw na iyon ay walang magtatanong na isang tao ni isang jinn tungkol sa pagkakasala nila dahil sa kaalaman ni Allāh sa mga gawain nila.

55:40Page 532

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٤٠

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:41Page 533

يُعۡرَفُ ٱلۡمُجۡرِمُونَ بِسِيمَٰهُمۡ فَيُؤۡخَذُ بِٱلنَّوَٰصِي وَٱلۡأَقۡدَامِ ٤١

The criminals will be known by their marks, and they will be seized by the forelocks and the feet.

Makikilala ang mga salarin sa Araw ng Pagbangon sa mga palatandaan nila: ang kaitiman ng mga mukha at ang kabughawan ng mga mata, saka idudugtong ang mga buhok ng noo nila sa mga paa nila saka itatapon sila sa Impiyerno.

55:42Page 533

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٤٢

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:43Page 533

هَٰذِهِۦ جَهَنَّمُ ٱلَّتِي يُكَذِّبُ بِهَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ ٤٣

This is Hell, which the criminals deny.

Sasabihan sa kanila bilang panunumbat: "Ito ay ang Impiyerno na nagpapasinungaling dito ang mga salarin sa Mundo, na nasa harapan na ng mga mata nila, na hindi sila makakakaya ng pagkakaila nito."

55:44Page 533

يَطُوفُونَ بَيۡنَهَا وَبَيۡنَ حَمِيمٍ ءَانٖ ٤٤

They will circulate between it and scalding water, heated [to the utmost degree].

Magpapabalik-balik sila sa pagitan nito at ng tubig na mainit na matindi ang init.

55:45Page 533

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٤٥

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:46Page 533

وَلِمَنۡ خَافَ مَقَامَ رَبِّهِۦ جَنَّتَانِ ٤٦

But for he who has feared the position of his Lord1 are two gardens -

Ukol sa nangamba sa pagtayo sa harapan ng Panginoon niya sa Kabilang-buhay – saka sumampalataya at gumawa ng maayos – ay dalawang hardin.

55:47Page 533

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٤٧

So which of the favors of your Lord would you deny? -

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:48Page 533

ذَوَاتَآ أَفۡنَانٖ ٤٨

Having [spreading] branches.

Ang dalawang harding ito ay may maraming sangang malaking luntiang namumunga.

55:49Page 533

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٤٩

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:50Page 533

فِيهِمَا عَيۡنَانِ تَجۡرِيَانِ ٥٠

In both of them are two springs, flowing.

Sa dalawang harding ito ay may dalawang bukal, na dinadaluyan sa pagitan ng dalawang ito ng tubig.

55:51Page 533

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٥١

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:52Page 533

فِيهِمَا مِن كُلِّ فَٰكِهَةٖ زَوۡجَانِ ٥٢

In both of them are of every fruit, two kinds.

Sa dalawang ito, bawat prutas na tatamasahin ay magkapares.

55:53Page 533

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٥٣

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:54Page 533

مُتَّكِـِٔينَ عَلَىٰ فُرُشِۭ بَطَآئِنُهَا مِنۡ إِسۡتَبۡرَقٖۚ وَجَنَى ٱلۡجَنَّتَيۡنِ دَانٖ ٥٤

[They are] reclining on beds whose linings are of silk brocade, and the fruit of the two gardens is hanging low.

Mga nakasandal sa mga supa na ang aporo ng mga ito ay mula sa makapal na sutla at ang inaani na mga bunga at mga prutas mula sa dalawang hardin ay malapit: naabot ito ng nakatayo, nakaupo, at nakasandal.

55:55Page 533

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٥٥

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:56Page 533

فِيهِنَّ قَٰصِرَٰتُ ٱلطَّرۡفِ لَمۡ يَطۡمِثۡهُنَّ إِنسٞ قَبۡلَهُمۡ وَلَا جَآنّٞ ٥٦

In them are women limiting [their] glances,1 untouched2 before them by man or jinnī -

Sa mga iyon ay may mga babaing naglilimita ng pagtingin ng mga ito sa mga asawa ng mga ito, na hindi nakuha ang pagkabirhen ng mga ito, bago ng mga asawa ng mga ito, ng isang tao ni ng isang jinn.

55:57Page 533

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٥٧

So which of the favors of your Lord would you deny? -

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:58Page 533

كَأَنَّهُنَّ ٱلۡيَاقُوتُ وَٱلۡمَرۡجَانُ ٥٨

As if they were rubies and coral.1

Para bang sila ay mga rubi at mga koral sa karikitan at kabusilakan.

55:59Page 533

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٥٩

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:60Page 533

هَلۡ جَزَآءُ ٱلۡإِحۡسَٰنِ إِلَّا ٱلۡإِحۡسَٰنُ ٦٠

Is the reward for good [anything] but good?

Walang iba ang ganti sa sinumang gumawa ng maganda sa pamamagitan ng pagtalima sa Panginoon niya kundi na gumawa ng maganda si Allāh sa pagganti sa kanya.

55:61Page 533

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٦١

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:62Page 533

وَمِن دُونِهِمَا جَنَّتَانِ ٦٢

And below them both [in excellence] are two [other] gardens -

Sa paanan ng nabanggit na dalawang harding ito ay may dalawang iba pang hardin.

55:63Page 533

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٦٣

So which of the favors of your Lord would you deny? -

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:64Page 533

مُدۡهَآمَّتَانِ ٦٤

Dark green [in color].

Tumingkad nga ang pagkaluntian ng dalawang ito.

55:65Page 533

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٦٥

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:66Page 533

فِيهِمَا عَيۡنَانِ نَضَّاخَتَانِ ٦٦

In both of them are two springs, spouting.

Sa dalawang harding ito ay may dalawang bukal na matindi ang pagbuga ng tubig, na hindi napuputol ang pagbuga ng tubig ng dalawang ito.

55:67Page 533

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٦٧

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:68Page 534

فِيهِمَا فَٰكِهَةٞ وَنَخۡلٞ وَرُمَّانٞ ٦٨

In both of them are fruit and palm trees and pomegranates.

Sa dalawang harding ito ay may maraming prutas, mga malaking punong datiles, at mga granada.

55:69Page 534

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٦٩

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:70Page 534

فِيهِنَّ خَيۡرَٰتٌ حِسَانٞ ٧٠

In them are good and beautiful women -

Sa mga harding ito ay may mga babaing kaaya-aya ang mga kaasalan, na magaganda ang mga mukha.

55:71Page 534

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٧١

So which of the favors of your Lord would you deny? -

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:72Page 534

حُورٞ مَّقۡصُورَٰتٞ فِي ٱلۡخِيَامِ ٧٢

Fair ones reserved in pavilions -

May mga dilag na mga itinago sa mga kubol bilang pangangalaga sa kanila.

55:73Page 534

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٧٣

So which of the favors of your Lord would you deny? -

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:74Page 534

لَمۡ يَطۡمِثۡهُنَّ إِنسٞ قَبۡلَهُمۡ وَلَا جَآنّٞ ٧٤

Untouched before them by man or jinnī -

Walang nakalapit sa mga ito, bago ng mga asawa ng mga ito, na isang tao ni isang jinn.

55:75Page 534

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٧٥

So which of the favors of your Lord would you deny? -

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:76Page 534

مُتَّكِـِٔينَ عَلَىٰ رَفۡرَفٍ خُضۡرٖ وَعَبۡقَرِيٍّ حِسَانٖ ٧٦

Reclining on green cushions and beautiful fine carpets.

Mga nakasandal sa mga unan na nababalot ng mga pambalot na luntian at mga higaang magaganda.

55:77Page 534

فَبِأَيِّ ءَالَآءِ رَبِّكُمَا تُكَذِّبَانِ ٧٧

So which of the favors of your Lord would you deny?

Kaya sa alin sa maraming biyaya ni Allāh sa inyo, O katipunan ng jinn at tao, magpapasinungaling kayong dalawa?

55:78Page 534

تَبَٰرَكَ ٱسۡمُ رَبِّكَ ذِي ٱلۡجَلَٰلِ وَٱلۡإِكۡرَامِ ٧٨

Blessed is the name of your Lord, Owner of Majesty and Honor.

Napakadakila at dumami ang kabutihan ng pangalan ng Panginoon mo, ang may kadakilaan, paggawa ng maganda, at kabutihang-loob sa mga lingkod Niya.

Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences

Contents

Ayat al-Kursi36Al-Kahfpage 42juz 15Bukhari 1Muslim 2999

Style

Theme
Text size
Layout

Читать на русском