Al-MukhtasarAl‑Jathiyah · 45:1–37

Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog

الجاثية

Al-Jathiyah

The Crouching · Meccan · 37 ayahs

45:1Page 499

حمٓ ١

Ḥā, Meem.1

Ḥā. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.

45:2Page 499

تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ مِنَ ٱللَّهِ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡحَكِيمِ ٢

The revelation of the Book is from Allāh, the Exalted in Might, the Wise.

Ang pagbababa ng Aklat ay mula kay Allāh, ang Makapangyarihan na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at pangangasiwa Niya.

45:3Page 499

إِنَّ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ لَأٓيَٰتٖ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ ٣

Indeed, within the heavens and earth are signs for the believers.

Tunay na sa mga langit at lupa ay talagang may mga katunayan sa kakayahan ni Allāh at kaisahan Niya para sa mga mananampalataya dahil sila ay ang mga nagsasaalang-alang sa mga tanda.

45:4Page 499

وَفِي خَلۡقِكُمۡ وَمَا يَبُثُّ مِن دَآبَّةٍ ءَايَٰتٞ لِّقَوۡمٖ يُوقِنُونَ ٤

And in the creation of yourselves and what He disperses of moving creatures are signs for people who are certain [in faith].

Sa pagkalikha sa inyo, O mga tao, mula sa isang patak, pakatapos mula sa isang kimpal ng laman, pagkatapos mula sa isang malalinta, at sa pagkalikha sa anumang ikinakalat ni Allāh na gumagalaw na nilalang sa balat ng lupa ay may mga katunayan sa kaisahan Niya para sa mga taong nakatitiyak na si Allāh ay ang Tagalikha,

45:5Page 499

وَٱخۡتِلَٰفِ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِ وَمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مِن رِّزۡقٖ فَأَحۡيَا بِهِ ٱلۡأَرۡضَ بَعۡدَ مَوۡتِهَا وَتَصۡرِيفِ ٱلرِّيَٰحِ ءَايَٰتٞ لِّقَوۡمٖ يَعۡقِلُونَ ٥

And [in] the alternation of night and day and [in] what Allāh sends down from the sky of provision [i.e., rain] and gives life thereby to the earth after its lifelessness and [in His] directing of the winds are signs for a people who reason.

Sa pagsusunuran ng gabi at maghapon, sa anumang pinababa ni Allāh mula sa langit na ulan saka nagbigay-buhay Siya sa pamamagitan niyon sa lupa sa pamamagitan ng pagpapatubo rito matapos na ito ay naging patay na walang halaman dito, at sa pagpihit sa mga hangin sa pamamagitan ng pagpapapunta sa mga ito minsan sa isang dako at minsan sa ibang dako para sa mga kapakinabangan ninyo ay may mga katunayan para sa mga taong nakapag-uunawa kaya nakapagpapatunay sila sa pamamagitan ng mga ito sa kaisahan ni Allāh, kakayahan Niya sa pagbubuhay na muli, at kakayahan Niya sa bawat bagay.

45:6Page 499

تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱللَّهِ نَتۡلُوهَا عَلَيۡكَ بِٱلۡحَقِّۖ فَبِأَيِّ حَدِيثِۭ بَعۡدَ ٱللَّهِ وَءَايَٰتِهِۦ يُؤۡمِنُونَ ٦

These are the verses of Allāh which We recite to you in truth. Then in what statement after Allāh and His verses will they believe?

Ang mga tanda at ang mga patotoo na ito ay binibigkas Namin sa iyo, O Sugo, sa katotohanan. Kaya kung hindi sila sumampalataya sa pakikipag-usap ni Allāh, na pinababa sa Lingkod Niya, at sa mga katwiran Niya, sa aling pakikipag-usap matapos Niya sasampalataya sila at sa aling mga katwiran matapos Niya magpapatotoo sila?

45:7Page 499

وَيۡلٞ لِّكُلِّ أَفَّاكٍ أَثِيمٖ ٧

Woe to every sinful liar

Pagdurusa mula kay Allāh at kapahamakan ay ukol sa bawat palasinungaling na marami ang mga kasalanan.

45:8Page 499

يَسۡمَعُ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ثُمَّ يُصِرُّ مُسۡتَكۡبِرٗا كَأَن لَّمۡ يَسۡمَعۡهَاۖ فَبَشِّرۡهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٖ ٨

Who hears the verses of Allāh recited to him, then persists arrogantly as if he had not heard them. So give him tidings of a painful punishment.

Nakaririnig ang tagatangging sumampalataya na ito sa mga tanda ni Allāh sa Qur'ān habang binibigkas sa kanya, pagkatapos nagpapatuloy siya sa anumang dating nasa kanya na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway habang nagpapakataas-taas sa sarili niya laban sa pagsunod sa katotohanan. Para bang siya ay hindi nakarinig ng mga talatang iyon na binibigkas sa kanya. Kaya magpabatid ka sa kanya, O Sugo, hinggil sa ikasasama ng loob niya sa Kabilang-buhay niya. Iyon ay isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanya roon.

45:9Page 499

وَإِذَا عَلِمَ مِنۡ ءَايَٰتِنَا شَيۡـًٔا ٱتَّخَذَهَا هُزُوًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٞ مُّهِينٞ ٩

And when he knows anything of Our verses, he takes them in ridicule. Those will have a humiliating punishment.

Kapag may umabot sa kanya na anuman mula sa Qur'ān ay gumagawa siya rito ng isang panunuya na itinutuya niya rito. Ang mga nailarawang iyon sa paglalarawan ng panunuya sa Qur'ān, ukol sa kanila ay isang pagdurusang mang-aaba sa Araw ng Pagbangon.

45:10Page 499

مِّن وَرَآئِهِمۡ جَهَنَّمُۖ وَلَا يُغۡنِي عَنۡهُم مَّا كَسَبُواْ شَيۡـٔٗا وَلَا مَا ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ أَوۡلِيَآءَۖ وَلَهُمۡ عَذَابٌ عَظِيمٌ ١٠

Before them1 is Hell, and what they had earned will not avail them at all nor what they had taken besides Allāh as allies. And they will have a great punishment.

Mula sa harapan nila ay may Apoy ng Impiyerno na naghihintay sa kanila sa Kabilang-buhay. Hindi makapagdudulot sa kanila ng anuman ang nakamit nila na mga yaman laban kay Allāh ni magtatanggol ng anuman sa kanila ang ginawa nila bukod pa sa Kanya na mga anito na sinasamba nila bukod pa sa Kanya. Ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay isang pagdurusang mabigat.

45:11Page 499

هَٰذَا هُدٗىۖ وَٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ لَهُمۡ عَذَابٞ مِّن رِّجۡزٍ أَلِيمٌ ١١

This [Qur’ān] is guidance. And those who have disbelieved in the verses of their Lord will have a painful punishment of foul nature.

Ang Aklat na ito na pinababa Namin sa Sugo naming si Muḥammad ay isang tagapagpatnubay tungo sa daan ng katotohanan. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ng Panginoon nila na pinababa sa Sugo Niya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masagwa na nakasasakit.

45:12Page 499

۞ ٱللَّهُ ٱلَّذِي سَخَّرَ لَكُمُ ٱلۡبَحۡرَ لِتَجۡرِيَ ٱلۡفُلۡكُ فِيهِ بِأَمۡرِهِۦ وَلِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦ وَلَعَلَّكُمۡ تَشۡكُرُونَ ١٢

It is Allāh who subjected to you the sea so that ships may sail upon it by His command and that you may seek of His bounty; and perhaps you will be grateful.

Si Allāh lamang ay ang nagpasilbi para sa inyo, O mga tao, ng dagat upang maglayag ang mga daong dito ayon sa utos Niya at upang humanap kayo ng kabutihang-loob Niya sa pamamagitan ng mga uri ng mga paghahanap-buhay na pinapayagan, at nang sa gayon kayo ay magpapasalamat sa biyaya ni Allāh sa inyo.

45:13Page 499

وَسَخَّرَ لَكُم مَّا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ جَمِيعٗا مِّنۡهُۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّقَوۡمٖ يَتَفَكَّرُونَ ١٣

And He has subjected to you whatever is in the heavens and whatever is on the earth - all from Him. Indeed in that are signs for a people who give thought.

Nagpasilbi Siya – kaluwalhatian sa Kanya – para sa inyo ng anumang nasa mga langit gaya ng araw, buwan, at mga bituin, at ng anumang nasa lupa gaya ng mga ilog, mga punong-kahoy, bundok, at iba pa. Ang lahat ng mga biyayang ito ay mula sa kabutihang-loob Niya at paggawa Niya ng maganda. Tunay na sa pagpapasilbi na iyon para sa inyo ay talagang may mga katunayan sa kakayahan ni Allāh at kaisahan Niya para sa mga taong nag-iisip-isip sa mga tanda Niya kaya naman nagsasaalang-alang sila sa mga ito.

45:14Page 500

قُل لِّلَّذِينَ ءَامَنُواْ يَغۡفِرُواْ لِلَّذِينَ لَا يَرۡجُونَ أَيَّامَ ٱللَّهِ لِيَجۡزِيَ قَوۡمَۢا بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ ١٤

Say, [O Muḥammad], to those who have believed that they [should] forgive those who expect not the days of Allāh [i.e., of His retribution] so that He may recompense a people1 for what they used to earn.

Sabihin mo, O Sugo, sa mga sumampalataya kay Allāh at nagpatotoo sa Sugo Niya: "Magpalampas kayo sa sinumang gumawa ng masagwa sa inyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na hindi pumapansin sa mga biyaya ni Allāh o mga salot Niya sapagkat tunay na si Allāh ay gaganti sa bawat isa sa mga mananampalatayang nagtitiis at mga tagatangging sumampalatayang lumalabag, dahil sa dati nilang nakakamit na mga gawa sa Mundo."

45:15Page 500

مَنۡ عَمِلَ صَٰلِحٗا فَلِنَفۡسِهِۦۖ وَمَنۡ أَسَآءَ فَعَلَيۡهَاۖ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمۡ تُرۡجَعُونَ ١٥

Whoever does a good deed - it is for himself; and whoever does evil - it is against it [i.e., the self or soul]. Then to your Lord you will be returned.

Ang sinumang gumawa ng gawang maayos, ang resulta ng gawa niyang maayos ay para sa kanya. Si Allāh ay Walang-pangangailangan sa gawa niya. Ang sinumang nagpasagwa ng gawa niya, ang resulta ng gawa niyang masagwa ay sa kanya ang parusa nito. Si Allāh ay hindi napipinsala ng paggawa niya ng masama. Pagkatapos tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Kabilang-buhay upang gumanti Siya sa bawat isa ayon nagiging karapat-dapat dito.

45:16Page 500

وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱلۡكِتَٰبَ وَٱلۡحُكۡمَ وَٱلنُّبُوَّةَ وَرَزَقۡنَٰهُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَفَضَّلۡنَٰهُمۡ عَلَى ٱلۡعَٰلَمِينَ ١٦

And We did certainly give the Children of Israel the Scripture and judgement1 and prophethood, and We provided them with good things and preferred them over the worlds.

Talaga ngang nagbigay Kami sa mga anak ni Israel ng Torah at pagpapasya sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng hatol nito. Gumawa Kami sa karamihan ng mga propeta mula sa kanila mula sa mga supling ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Tumustos Kami sa kanila mula sa mga uri ng mga kaaya-ayang bagay at nagtangi Kami sa kanila higit sa mga nilalang ng panahon nila.

45:17Page 500

وَءَاتَيۡنَٰهُم بَيِّنَٰتٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡرِۖ فَمَا ٱخۡتَلَفُوٓاْ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡعِلۡمُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۚ إِنَّ رَبَّكَ يَقۡضِي بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ ١٧

And We gave them clear proofs of the matter [of religion]. And they did not differ except after knowledge had come to them - out of jealous animosity between themselves. Indeed, your Lord will judge between them on the Day of Resurrection concerning that over which they used to differ.

Nagbigay Kami sa kanila ng mga katunayang nagpapaliwanag sa katotohanan mula sa kabulaanan ngunit hindi sila nagkaiba-iba malibang noong matapos na nailatag ang mga katwiran sa pamamagitan ng pagpapadala sa Propeta Naming si Muḥammad – ang basbas at ang pagbabati ng kapayapaan ay sumakanya. Walang humila sa kanila sa pagkakaiba-ibang ito kundi ang paglabag nila sa isa't isa dala ng sigasig sa pamumuno at impluwensiya. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa sila dati ay nagkakaiba-iba sa Mundo kaya maglilinaw Siya sa kung sino noon ang nagtototoo at kung sino noon ang nagbubulaan.

45:18Page 500

ثُمَّ جَعَلۡنَٰكَ عَلَىٰ شَرِيعَةٖ مِّنَ ٱلۡأَمۡرِ فَٱتَّبِعۡهَا وَلَا تَتَّبِعۡ أَهۡوَآءَ ٱلَّذِينَ لَا يَعۡلَمُونَ ١٨

Then We put you, [O Muḥammad], on an ordained way concerning the matter [of religion]; so follow it and do not follow the inclinations of those who do not know.

Pagkatapos naglagay Kami sa iyo sa isang daan, isang kalakaran, at isang pamamaraan mula sa kautusan Namin na ipinag-utos Namin sa bago mo pa kabilang sa mga sugo Namin. Nag-aanyaya ito sa pananampalataya at gawang maayos, kaya sumunod ka sa batas na ito at huwag kang sumunod sa mga pithaya ng mga hindi nakaaalam sa katotohanan sapagkat ang mga pithaya nila ay nagpapaligaw palayo sa katotohanan.

45:19Page 500

إِنَّهُمۡ لَن يُغۡنُواْ عَنكَ مِنَ ٱللَّهِ شَيۡـٔٗاۚ وَإِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ بَعۡضُهُمۡ أَوۡلِيَآءُ بَعۡضٖۖ وَٱللَّهُ وَلِيُّ ٱلۡمُتَّقِينَ ١٩

Indeed, they will never avail you against Allāh at all. And indeed, the wrongdoers are allies of one another; but Allāh is the protector of the righteous.

Tunay na ang mga hindi nakaaalam sa katotohanan ay hindi makapipigil palayo sa iyo ng anuman mula sa pagdurusang dulot ni Allāh, kung sinunod mo ang mga pithaya nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan kabilang sa lahat ng mga kapaniwalaan at mga relihiyon, ang iba sa kanila ay tagapag-adya ng iba at tagaalalay nito laban sa mga mananampalataya. Si Allāh ay tagapag-adya ng mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

45:20Page 500

هَٰذَا بَصَٰٓئِرُ لِلنَّاسِ وَهُدٗى وَرَحۡمَةٞ لِّقَوۡمٖ يُوقِنُونَ ٢٠

This [Qur’ān] is enlightenment for mankind and guidance and mercy for a people who are certain [in faith].

Ang Qur’an na ito na pinababa sa Sugo Namin ay mga pagpapatalos na nakatatalos sa pamamagitan ng mga ito ang mga tao sa katotohanan mula sa kabulaanan, isang kapatnubayan tungo sa katotohanan, at isang awa para sa mga taong nakatitiyak dahil sila ay ang mga napapatnubayan sa pamamagitan nito tungo sa landasing tuwid upang malugod sa kanila ang Panginoon nila para magpapasok Siya sa kanila sa Paraiso at mag-alis Siya sa kanila sa Apoy.

45:21Page 500

أَمۡ حَسِبَ ٱلَّذِينَ ٱجۡتَرَحُواْ ٱلسَّيِّـَٔاتِ أَن نَّجۡعَلَهُمۡ كَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ سَوَآءٗ مَّحۡيَاهُمۡ وَمَمَاتُهُمۡۚ سَآءَ مَا يَحۡكُمُونَ ٢١

Or do those who commit evils think We will make them like those who have believed and done righteous deeds - [make them] equal in their life and their death?1 Evil is that which they judge [i.e., assume].

O nagpapalagay ba ang mga nagkamit sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan nila ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway na magtuturing sa kanila sa pagganti tulad ng mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos sa paraang magpapantay sila sa Mundo at Kabilang-buhay? Kay pangit ang hatol nilang ito!

45:22Page 500

وَخَلَقَ ٱللَّهُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِٱلۡحَقِّ وَلِتُجۡزَىٰ كُلُّ نَفۡسِۭ بِمَا كَسَبَتۡ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ ٢٢

And Allāh created the heavens and earth in truth and so that every soul may be recompensed for what it has earned, and they will not be wronged.

Lumikha si Allāh ng mga langit at lupa dahil sa kasanhiang malalim at hindi Siya lumikha ng mga ito sa kawalang-kabuluhan at upang gantihan ang bawat kaluluwa ayon sa nakamit nito na kabutihan o kasamaan habang si Allāh ay hindi lumalabag sa katarungan sa kanila sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nila ni ng pagdagdag sa mga masagwang gawa nila.

45:23Page 501

أَفَرَءَيۡتَ مَنِ ٱتَّخَذَ إِلَٰهَهُۥ هَوَىٰهُ وَأَضَلَّهُ ٱللَّهُ عَلَىٰ عِلۡمٖ وَخَتَمَ عَلَىٰ سَمۡعِهِۦ وَقَلۡبِهِۦ وَجَعَلَ عَلَىٰ بَصَرِهِۦ غِشَٰوَةٗ فَمَن يَهۡدِيهِ مِنۢ بَعۡدِ ٱللَّهِۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ ٢٣

Have you seen he who has taken as his god his [own] desire, and Allāh has sent him astray due to knowledge1 and has set a seal upon his hearing and his heart and put over his vision a veil? So who will guide him after Allāh? Then will you not be reminded?

Tumingin ka, O Sugo, sa sumunod sa pithaya niya at naglagay rito sa antas ng sinasamba para rito, na hindi ito sumasalungat doon. Nagligaw nga rito si Allāh ayon sa kaalaman mula sa Kanya sapagkat ito ay nagiging karapat-dapat sa pagpapaligaw. Nagpinid si Allāh sa puso nito kaya hindi ito nakaririnig ayon sa pagdinig na pakikinabangan nito. Naglagay si Allāh sa paningin nito ng isang balot na humahadlang dito sa pagkita sa katotohanan. Kaya sino pa ang magtutuon dito sa katotohanan matapos na nagligaw rito si Allāh? Kaya hindi ba kayo magsasaalaala ng pinsala ng pagsunod sa pithaya at ng pakinabang ng pagsunod sa Batas ni Allāh?

45:24Page 501

وَقَالُواْ مَا هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا ٱلدُّنۡيَا نَمُوتُ وَنَحۡيَا وَمَا يُهۡلِكُنَآ إِلَّا ٱلدَّهۡرُۚ وَمَا لَهُم بِذَٰلِكَ مِنۡ عِلۡمٍۖ إِنۡ هُمۡ إِلَّا يَظُنُّونَ ٢٤

And they say, "There is not but our worldly life; we die and live,1 and nothing destroys us except time." And they have of that no knowledge; they are only assuming.

Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya na tagapagkaila sa pagbubuhay na muli: "Walang iba ang buhay kundi ang buhay namin sa Mundo ito lamang sapagkat walang buhay matapos nito. May namamatay na mga salinlahi ngunit hindi nanunumbalik at may nabubuhay na mga salinlahi. Walang nagbibigay-kamatayan sa amin kundi ang pagpapalitan ng gabi at maghapon." Walang ukol sa kanila sa pagkakaila nila sa pagbubuhay na muli na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagpapalagay. Tunay na ang pagpapalagay ay hindi nakasasapat sa katotohanan sa anuman.

45:25Page 501

وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ ءَايَٰتُنَا بَيِّنَٰتٖ مَّا كَانَ حُجَّتَهُمۡ إِلَّآ أَن قَالُواْ ٱئۡتُواْ بِـَٔابَآئِنَآ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ ٢٥

And when Our verses are recited to them as clear evidences, their argument is only that they say, "Bring [back] our forefathers, if you should be truthful."

Kapag binibigkas sa mga tagapagtambal na tagapagkaila sa pagbubuhay na muli ang mga tanda Namin bilang mga maliwanag na patunay, hindi sila nagkaroon ng anumang katwirang ikinakatwiran nila kundi ang sabi nila sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sa mga Kasamahan niya: "Magbigay-buhay kayo para sa amin ng mga ninuno namin na namatay, kung kayo ay mga tapat sa pag-aangkin na kami ay bubuhaying muli matapos ng kamatayan namin."

45:26Page 501

قُلِ ٱللَّهُ يُحۡيِيكُمۡ ثُمَّ يُمِيتُكُمۡ ثُمَّ يَجۡمَعُكُمۡ إِلَىٰ يَوۡمِ ٱلۡقِيَٰمَةِ لَا رَيۡبَ فِيهِ وَلَٰكِنَّ أَكۡثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعۡلَمُونَ ٢٦

Say, "Allāh causes you to live, then causes you to die; then He will assemble you for the Day of Resurrection, about which there is no doubt, but most of the people do not know."

Sabihin mo, O Sugo: "Si Allāh ay nagbibigay-buhay sa inyo sa pamamagitan ng paglikha sa inyo, pagkatapos magbibigay-kamatayan sa inyo, pagkatapos magtitipon sa inyo matapos ng kamatayan ninyo tungo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti. Ang Araw na iyon na walang pagdududa hinggil doon ay sasapit, subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam. Dahil doon, hindi sila naghahanda para roon sa pamamagitan ng gawang maayos."

45:27Page 501

وَلِلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَيَوۡمَ تَقُومُ ٱلسَّاعَةُ يَوۡمَئِذٖ يَخۡسَرُ ٱلۡمُبۡطِلُونَ ٢٧

And to Allāh belongs the dominion of the heavens and the earth. And the Day the Hour appears - that Day the falsifiers will lose.

Sa kay Allāh lamang ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa kaya walang sinasamba sa mga iyon ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Sa Araw na sasapit ang Huling Sandali na bubuhaying muli ni Allāh doon ang mga patay para sa pagtutuos at pagganti, malulugi ang mga alagad ng kabulaanan na mga dating sumasamba sa iba pa kay Allāh at nagsisikap para sa pagpapabula sa katotohanan at pagsasakatotohanan sa kabulaanan.

45:28Page 501

وَتَرَىٰ كُلَّ أُمَّةٖ جَاثِيَةٗۚ كُلُّ أُمَّةٖ تُدۡعَىٰٓ إِلَىٰ كِتَٰبِهَا ٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَوۡنَ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ٢٨

And you will see every nation kneeling [from fear]. Every nation will be called to its record [and told], "Today you will be recompensed for what you used to do.

Makakikita ka, O Sugo, sa Araw na iyon ng bawat kalipunan na nakaluhod sa mga tuhod nito, na naghihintay ng gagawin dito. Bawat kalipunan ay tatawagin sa talaan ng mga gawa nito na isinulat ng mga tagapag-ingat na mga anghel: "Ngayong Araw, gagantihan kayo, O mga tao, sa anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo na kabutihan at kasamaan.

45:29Page 501

هَٰذَا كِتَٰبُنَا يَنطِقُ عَلَيۡكُم بِٱلۡحَقِّۚ إِنَّا كُنَّا نَسۡتَنسِخُ مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ٢٩

This, Our record, speaks about you in truth. Indeed, We were having transcribed1 whatever you used to do."

Itong talaan Namin – na ang mga anghel Namin noon ay nagsusulat dito ng mga gawa ninyo – ay sasaksi sa inyo ayon sa katotohanan, kaya basahin ninyo. Tunay na Kami noon ay nag-uutos sa mga tagapag-ingat na magtala ng dati ninyong ginagawa sa Mundo."

45:30Page 501

فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَيُدۡخِلُهُمۡ رَبُّهُمۡ فِي رَحۡمَتِهِۦۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡمُبِينُ ٣٠

So as for those who believed and did righteous deeds, their Lord will admit them into His mercy. That is what is the clear attainment.

Kaya tungkol sa mga sumampalataya at gumawa ng mga gawang maayos, magpapapasok sa kanila ang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya – sa Paraiso Niya dahil sa awa Niya. Ang pagganting iyon na ibibigay sa kanila ni Allāh ay ang pagkatamong maliwanag na hindi natutumbasan ng isang pagkatamo.

45:31Page 501

وَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ أَفَلَمۡ تَكُنۡ ءَايَٰتِي تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَٱسۡتَكۡبَرۡتُمۡ وَكُنتُمۡ قَوۡمٗا مُّجۡرِمِينَ ٣١

But as for those who disbelieved, [it will be said], "Were not Our verses recited to you, but you were arrogant and became a criminal people?

Tungkol naman sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh, sasabihin sa kanila bilang panunumbat sa kanila: "Hindi ba ang mga tanda Ko ay binibigkas sa inyo ngunit nagpakataas-taas kayo laban sa pananampalataya sa mga ito at kayo noon ay mga taong salarin, na nagkakamit ng kawalang-pananampalataya at mga kasalanan?

45:32Page 501

وَإِذَا قِيلَ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَٱلسَّاعَةُ لَا رَيۡبَ فِيهَا قُلۡتُم مَّا نَدۡرِي مَا ٱلسَّاعَةُ إِن نَّظُنُّ إِلَّا ظَنّٗا وَمَا نَحۡنُ بِمُسۡتَيۡقِنِينَ ٣٢

And when it was said, 'Indeed, the promise of Allāh is truth and the Hour [is coming] - no doubt about it,' you said, 'We know not what is the Hour. We assume only assumption, and we are not convinced.'"

Kapag sinabi sa inyo: 'Tunay na ang pangako ni Allāh – na ipinangako Niya sa mga lingkod Niya na Siya ay bubuhay muli sa kanila at gaganti sa kanila – ay katotohanang walang mapag-aalinlanganan hinggil dito, at ang Huling Sandali ay katotohanang walang duda hinggil dito kaya gumawa kayo para rito,' ay nagsasabi naman kayo: "Hindi kami nakababatid kung ano ang Huling Sandaling ito. Hindi kami nagpapalagay kundi ng isang pagpapalagay na mahina na ito ay sasapit, at kami ay hindi mga nakatitiyak na ito ay sasapit.'"

45:33Page 502

وَبَدَا لَهُمۡ سَيِّـَٔاتُ مَا عَمِلُواْ وَحَاقَ بِهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ ٣٣

And the evil consequences of what they did will appear to them, and they will be enveloped by what they used to ridicule.

Lilitaw sa kanila ang mga masagwa sa ginawa nila sa Mundo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway, at bababa sa kanila ang pagdurusang dati nilang kinukutya kapag pinagbalaan sila laban doon.

45:34Page 502

وَقِيلَ ٱلۡيَوۡمَ نَنسَىٰكُمۡ كَمَا نَسِيتُمۡ لِقَآءَ يَوۡمِكُمۡ هَٰذَا وَمَأۡوَىٰكُمُ ٱلنَّارُ وَمَا لَكُم مِّن نَّٰصِرِينَ ٣٤

And it will be said, "Today We will forget you as you forgot the meeting of this Day of yours, and your refuge is the Fire, and for you there are no helpers.

Magsasabi sa kanila si Allāh: "Ngayong Araw, mag-iiwan Kami sa inyo sa Apoy kung paanong kayo ay nakalimot sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito sapagkat hindi kayo naghanda para rito sa pamamagitan ng pananampalataya at gawang maayos. Ang pamamalagian ninyo na kakanlungan ninyo ay ang Apoy. Walang ukol sa inyo na mga tagapag-adya na magtatanggol sa inyo sa pagdurusang dulot ni Allāh.

45:35Page 502

ذَٰلِكُم بِأَنَّكُمُ ٱتَّخَذۡتُمۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ هُزُوٗا وَغَرَّتۡكُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَاۚ فَٱلۡيَوۡمَ لَا يُخۡرَجُونَ مِنۡهَا وَلَا هُمۡ يُسۡتَعۡتَبُونَ ٣٥

That is because you took the verses of Allāh in ridicule, and worldly life deluded you." So that Day they will not be removed from it, nor will they be asked to appease [Allāh].

Ang pagdurusang iyon na pagdurusahin kayo roon ay dahilan sa kayo ay gumawa sa mga tanda ni Allāh ng isang pangungutyang ipinantutuya ninyo. Dumaya sa inyo ang buhay dahil sa mga sarap nito at mga ninanasa rito." Kaya sa Araw na iyon, hindi ilalabas ang mga tagatangging sumampalataya na ito na mga nangungutya sa mga tanda ni Allāh mula sa Apoy, bagkus mananatili sila roon bilang mga mamamalagi magpakailanman. Hindi sila pababalikin sa buhay na pangmundo upang gumawa ng gawang maayos at hindi malulugod sa kanila ang Panginoon nila.

45:36Page 502

فَلِلَّهِ ٱلۡحَمۡدُ رَبِّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَرَبِّ ٱلۡأَرۡضِ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ٣٦

Then, to Allāh belongs [all] praise - Lord of the heavens and Lord of the earth, Lord of the worlds.

Kaya ukol kay Allāh lamang ang papuri, ang Panginoon ng mga langit, ang Panginoon ng lupa, at ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha.

45:37Page 502

وَلَهُ ٱلۡكِبۡرِيَآءُ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ ٣٧

And to Him belongs [all] grandeur within the heavens and the earth, and He is the Exalted in Might, the Wise.

Sa Kanya ang kapitaganan at ang kadakilaan sa mga langit at sa lupa. Siya ay ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda niya, pangangasiwa Niya, at batas Niya.

Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences

Contents

Ayat al-Kursi36Al-Kahfpage 42juz 15Bukhari 1Muslim 2999

Style

Theme
Text size
Layout

Читать на русском