Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog
الممتحنة
Al-Mumtahanah
She that is to be examined · Medinan · 13 ayahs
60:1Page 549
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَّخِذُواْ عَدُوِّي وَعَدُوَّكُمۡ أَوۡلِيَآءَ تُلۡقُونَ إِلَيۡهِم بِٱلۡمَوَدَّةِ وَقَدۡ كَفَرُواْ بِمَا جَآءَكُم مِّنَ ٱلۡحَقِّ يُخۡرِجُونَ ٱلرَّسُولَ وَإِيَّاكُمۡ أَن تُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ رَبِّكُمۡ إِن كُنتُمۡ خَرَجۡتُمۡ جِهَٰدٗا فِي سَبِيلِي وَٱبۡتِغَآءَ مَرۡضَاتِيۚ تُسِرُّونَ إِلَيۡهِم بِٱلۡمَوَدَّةِ وَأَنَا۠ أَعۡلَمُ بِمَآ أَخۡفَيۡتُمۡ وَمَآ أَعۡلَنتُمۡۚ وَمَن يَفۡعَلۡهُ مِنكُمۡ فَقَدۡ ضَلَّ سَوَآءَ ٱلسَّبِيلِ ١
O you who have believed, do not take My enemies and your enemies as allies,1 extending to them affection while they have disbelieved in what came to you of the truth, having driven out the Prophet and yourselves [only] because you believe in Allāh, your Lord. If you have come out for jihād [i.e., fighting or striving] in My cause and seeking means to My approval, [take them not as friends]. You confide to them affection [i.e., instruction], but I am most knowing of what you have concealed and what you have declared. And whoever does it among you has certainly strayed from the soundness of the way.
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, huwag kayong gumawa sa mga kaaway Ko at mga kaaway ninyo bilang mga katangkilik na nakikipagtangkilikan kayo sa kanila at nakikipagmahalan kayo sa kanila samantalang tumanggi na silang sumampalataya sa dumating sa inyo na Relihiyon hatid ng Sugo ninyo [dahil] nagpapalayas sila sa Sugo mula sa tahanan nito at nagpapalayas sa inyo mismo gayundin mula sa mga tahanan ninyo sa Makkah. Hindi sila nagsasaalang-alang sa inyo ng isang pagkakaanak ni isang kaugnayan. Hindi dahil sa anuman maliban na kayo ay sumampalataya kay Allāh na Panginoon ninyo. Huwag ninyong gawin iyon kung kayo ay hahayo alang-alang sa pakikibaka sa landas Ko at alang-alang sa paghahanap ng pagkalugod Ko. Nagtatapat kayo sa kanila ng mga ulat tungkol sa mga Muslim dala ng pagmamahal sa kanila samantalang Ako ay nakaaalam sa anumang ikinukubli ninyo mula roon at anumang inihahayag ninyo: walang nakakukubli sa Akin na anuman mula roon ni mula sa iba pa roon. Ang sinumang gumagawa ng pakikipagtangkilikan at pakikipagmahalan na iyon sa mga tagatangging sumampalataya ay nalihis nga palayo sa kalagitnaan ng daan, naligaw palayo sa katotohanan, at umiwas sa pagkatama.
60:2Page 549
إِن يَثۡقَفُوكُمۡ يَكُونُواْ لَكُمۡ أَعۡدَآءٗ وَيَبۡسُطُوٓاْ إِلَيۡكُمۡ أَيۡدِيَهُمۡ وَأَلۡسِنَتَهُم بِٱلسُّوٓءِ وَوَدُّواْ لَوۡ تَكۡفُرُونَ ٢
If they gain dominance over you, they would be [i.e., behave] to you as enemies and extend against you their hands and their tongues with evil, and they wish you would disbelieve.
Kung magwawagi sila sa inyo, maglalantad sila ng kinikimkim nila sa mga puso nila na pagkamuhi, mag-aabot sila ng mga kamay nila sa inyo sa pamamagitan ng pananakit at paghahagupit, magpapawala sila ng mga dila nila sa pamamagitan ng pang-iinsulto at panlalait, magmimithi sila na kung sana tumanggi kayong sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya upang kayo ay maging tulad nila.
60:3Page 549
لَن تَنفَعَكُمۡ أَرۡحَامُكُمۡ وَلَآ أَوۡلَٰدُكُمۡۚ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ يَفۡصِلُ بَيۡنَكُمۡۚ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرٞ ٣
Never will your relatives or your children benefit you; the Day of Resurrection He will judge between you. And Allāh, of what you do, is Seeing.
Hindi magpapakinabang sa inyo ang pagkakamag-anak ninyo ni ang mga anak ninyo kapag nakipagtangkilikan kayo sa mga tagatangging sumampalataya alang-alang sa kanila. Sa Araw ng Pagbangon ay maghahati-hati si Allāh sa pagitan ninyo para pumasok sa Hardin ang mga maninirahan sa Hardin kabilang sa inyo at sa Apoy ang mga maninirahan sa Apoy kaya hindi magpapakinabang ang iba sa inyo sa iba pa. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – na anuman mula sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga ito.
60:4Page 549
قَدۡ كَانَتۡ لَكُمۡ أُسۡوَةٌ حَسَنَةٞ فِيٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَٱلَّذِينَ مَعَهُۥٓ إِذۡ قَالُواْ لِقَوۡمِهِمۡ إِنَّا بُرَءَٰٓؤُاْ مِنكُمۡ وَمِمَّا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ كَفَرۡنَا بِكُمۡ وَبَدَا بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكُمُ ٱلۡعَدَٰوَةُ وَٱلۡبَغۡضَآءُ أَبَدًا حَتَّىٰ تُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ وَحۡدَهُۥٓ إِلَّا قَوۡلَ إِبۡرَٰهِيمَ لِأَبِيهِ لَأَسۡتَغۡفِرَنَّ لَكَ وَمَآ أَمۡلِكُ لَكَ مِنَ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٖۖ رَّبَّنَا عَلَيۡكَ تَوَكَّلۡنَا وَإِلَيۡكَ أَنَبۡنَا وَإِلَيۡكَ ٱلۡمَصِيرُ ٤
There has already been for you an excellent pattern1 in Abraham and those with him, when they said to their people, "Indeed, we are disassociated from you and from whatever you worship other than Allāh. We have denied you, and there has appeared between us and you animosity and hatred forever until you believe in Allāh alone" - except for the saying of Abraham to his father, "I will surely ask forgiveness for you, but I have not [power to do] for you anything against Allāh. Our Lord, upon You we have relied, and to You we have returned, and to You is the destination.
Talaga ngang nagkaroon para sa inyo, O mga mananampalataya, ng isang huwarang maganda sa kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa mga mananampalataya na naging kasama sa kanya nang nagsabi sila sa mga kababayan nilang mga tagatangging sumampalataya: "Tunay na kami ay mga walang-kaugnayan sa inyo at sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh kabilang sa mga anito. Tumanggi kami sa anumang taglay ninyo na relihiyon. Lumitaw na sa pagitan namin at ninyo ang poot at ang pagkasuklam hanggang sa sumampalataya kayo kay Allāh lamang at hindi kayo magtambal sa Kanya ng isa man sapagkat naging kailangan sa inyo na magpawalang-kaugnayan sa mga kababayan ninyong mga tagatangging sumampalataya tulad nila," maliban sa sabi ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa ama niya: "Talagang hihiling nga ako ng kapatawaran para sa iyo mula kay Allāh," ngunit huwag kayong tumulad sa kanya hinggil doon dahil iyon ay bago ng pagkawala ng pag-asa ni Abraham sa ama niya sapagkat hindi ukol sa isang mananampalataya na humiling ng kapatawaran para sa isang tagapagtambal, "at hindi ako makapagtutulak palayo sa iyo ng anuman mula sa pagdurusang dulot ni Allāh. Panginoon namin, sa Iyo kami sumandal sa mga nauukol sa amin sa kabuuan ng mga ito, sa Iyo kami bumalik bilang mga nagbabalik-loob, at sa Iyo ang babalikan sa Araw ng Pagbangon.
60:5Page 549
رَبَّنَا لَا تَجۡعَلۡنَا فِتۡنَةٗ لِّلَّذِينَ كَفَرُواْ وَٱغۡفِرۡ لَنَا رَبَّنَآۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ ٥
Our Lord, make us not [objects of] torment for the disbelievers and forgive us, our Lord. Indeed, it is You who is the Exalted in Might, the Wise."
Panginoon namin, huwag Kang gumawa sa amin bilang pinag-uusig para sa mga tumangging sumampalataya sa pamamagitan ng pagpapangibabaw Mo sa kanila laban sa amin para magsabi sila: "Kung sakaling sila ay nasa katotohanan ay talaga sanang hindi kami pinangibabaw laban sa kanila." Magpatawad Ka sa amin, Panginoon namin, sa mga pagkakasala namin. Tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan na hindi nadadaig, ang Marunong sa paglikha Mo, batas Mo, at pagtatakda Mo."
60:6Page 550
لَقَدۡ كَانَ لَكُمۡ فِيهِمۡ أُسۡوَةٌ حَسَنَةٞ لِّمَن كَانَ يَرۡجُواْ ٱللَّهَ وَٱلۡيَوۡمَ ٱلۡأٓخِرَۚ وَمَن يَتَوَلَّ فَإِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ ٦
There has certainly been for you in them an excellent pattern for anyone whose hope is in Allāh and the Last Day. And whoever turns away - then indeed, Allāh is the Free of need, the Praiseworthy.
Itong huwarang maganda ay tinutularan lamang ng sinumang naging nag-aasam kay Allāh ng kabutihan sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang aayaw sa huwarang magandang ito, tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan sa mga lingkod Niya: hindi Siya nangangailangan ng pagtalima nila, at Siya ang Pinapupurihan sa lahat ng kalagayan.
60:7Page 550
۞ عَسَى ٱللَّهُ أَن يَجۡعَلَ بَيۡنَكُمۡ وَبَيۡنَ ٱلَّذِينَ عَادَيۡتُم مِّنۡهُم مَّوَدَّةٗۚ وَٱللَّهُ قَدِيرٞۚ وَٱللَّهُ غَفُورٞ رَّحِيمٞ ٧
Perhaps Allāh will put, between you and those to whom you have been enemies among them, affection. And Allāh is competent,1 and Allāh is Forgiving and Merciful.
Marahil si Allāh ay maglagay sa pagitan ninyo, O mga mananampalataya, at ng mga inaway ninyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pag-ibig sa pamamagitan ng pagpatnubay sa kanila ni Allāh sa Islām kaya sila ay magiging mga kapatid para sa inyo sa Relihiyon. Si Allāh ay May-kakayahan: nakakaya Niya na baguhin ang mga puso nila patungo sa pananampalataya. Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
60:8Page 550
لَّا يَنۡهَىٰكُمُ ٱللَّهُ عَنِ ٱلَّذِينَ لَمۡ يُقَٰتِلُوكُمۡ فِي ٱلدِّينِ وَلَمۡ يُخۡرِجُوكُم مِّن دِيَٰرِكُمۡ أَن تَبَرُّوهُمۡ وَتُقۡسِطُوٓاْ إِلَيۡهِمۡۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُقۡسِطِينَ ٨
Allāh does not forbid you from those who do not fight you because of religion and do not expel you from your homes - from being righteous toward them and acting justly toward them. Indeed, Allāh loves those who act justly.
Hindi sumasaway sa inyo si Allāh, sa mga hindi nakipaglaban sa inyo dahilan sa pagyakap ninyo sa Islām at hindi nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, na gumawa kayo ng maganda sa kanila at magmakatarungan kayo sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ninyo sa kanila ng ukol sa kanila na tungkulin sa inyo. Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga makatarungan na nagmamakatarungan sa mga sarili nila, mga mag-anak nila, at tinangkilik nila.
60:9Page 550
إِنَّمَا يَنۡهَىٰكُمُ ٱللَّهُ عَنِ ٱلَّذِينَ قَٰتَلُوكُمۡ فِي ٱلدِّينِ وَأَخۡرَجُوكُم مِّن دِيَٰرِكُمۡ وَظَٰهَرُواْ عَلَىٰٓ إِخۡرَاجِكُمۡ أَن تَوَلَّوۡهُمۡۚ وَمَن يَتَوَلَّهُمۡ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلظَّٰلِمُونَ ٩
Allāh only forbids you from those who fight you because of religion and expel you from your homes and aid in your expulsion - [forbids] that you make allies1 of them. And whoever makes allies of them, then it is those who are the wrongdoers.
Sumasaway lamang sa inyo si Allāh sa mga nakipaglaban sa inyo dahilan sa pananampalataya ninyo, nagpalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo, at tumulong sa pagpapalayas sa inyo: sumasaway Siya sa inyo na makipagtangkilikan kayo sa kanila. Ang sinumang nakikipagtangkilikan sa kanila kabilang sa inyo, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa pagsalungat sa utos ni Allāh.
60:10Page 550
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا جَآءَكُمُ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ مُهَٰجِرَٰتٖ فَٱمۡتَحِنُوهُنَّۖ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِإِيمَٰنِهِنَّۖ فَإِنۡ عَلِمۡتُمُوهُنَّ مُؤۡمِنَٰتٖ فَلَا تَرۡجِعُوهُنَّ إِلَى ٱلۡكُفَّارِۖ لَا هُنَّ حِلّٞ لَّهُمۡ وَلَا هُمۡ يَحِلُّونَ لَهُنَّۖ وَءَاتُوهُم مَّآ أَنفَقُواْۚ وَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكُمۡ أَن تَنكِحُوهُنَّ إِذَآ ءَاتَيۡتُمُوهُنَّ أُجُورَهُنَّۚ وَلَا تُمۡسِكُواْ بِعِصَمِ ٱلۡكَوَافِرِ وَسۡـَٔلُواْ مَآ أَنفَقۡتُمۡ وَلۡيَسۡـَٔلُواْ مَآ أَنفَقُواْۚ ذَٰلِكُمۡ حُكۡمُ ٱللَّهِ يَحۡكُمُ بَيۡنَكُمۡۖ وَٱللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٞ ١٠
O you who have believed, when the believing women come to you as emigrants, examine [i.e., test] them. Allāh is most knowing as to their faith. And if you know them to be believers, then do not return them to the disbelievers; they are not lawful [wives] for them, nor are they lawful [husbands] for them. But give them [i.e., the disbelievers] what they have spent.1 And there is no blame upon you if you marry them when you have given them their due compensation [i.e., mahr]. And hold not to marriage bonds with disbelieving women, but ask for what you have spent and let them [i.e., the disbelievers] ask for what they have spent.2 That is the judgement of Allāh; He judges between you. And Allāh is Knowing and Wise.
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, kapag dumating sa inyo ang mga babaing mananampalataya bilang mga lumikas mula sa lupain ng kawalang-pananampalataya tungo sa lupain ng Islām ay subukin ninyo sila sa katapatan ng pananampalataya nila. Si Allāh ay higit na maalam sa pananampalataya nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa kinikimkim ng mga puso nila. Kaya kung nalaman ninyo na sila ay mga babaing mananampalataya matapos ng pagsubok sa pamamagitan ng lumilitaw sa inyo na katapatan nila, huwag kayong magsauli sa kanila sa mga asawa nilang mga tagatangging sumampalataya. Hindi ipinahihintulot sa mga babaing mananampalataya na mag-asawa ng mga tagatangging sumampalataya at hindi ipinahihintulot para sa mga tagatangging sumampalataya na mag-asawa ng mga babaing mananampalataya. Magbigay kayo sa mga maybahay ng mga ito ng ipinagkaloob ng mga ito na mga bigay-kaya sa kanila. Walang kasalanan sa inyo, O mga mananampalataya, na mag-asawa kayo sa kanila matapos ng pagwawakas ng `iddah nila kapag nagbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya sa kanila. Ang sinumang ang maybahay niya ay isang babaing tagatangging sumampalataya o tumalikod sa Islām ay huwag siyang magpanatili sa babae dahil sa pagkaputol ng kasal nilang dalawa dahil sa kawalang-pananampalataya ng babae. Hingin ninyo sa mga tagatangging sumampalataya ang ipinagkaloob ninyo na mga bigay-kaya sa mga maybahay ninyong tumalikod sa Islām at hingin naman ng mga ito ang ipinagkaloob ng mga ito na mga bigay-kaya sa mga maybahay ng mga ito na yumakap sa Islām. Ang nabanggit na iyon na pagbawi sa mga bigay-kaya mula sa panig ninyo at mula sa panig ng mga ito ay ang kahatulan ni Allāh; humahatol Siya sa pagitan ninyo – kaluwalhatian sa Kanya – ayon sa anumang niloloob Niya. Si Allāh ay Maalam sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya at mga gawain nila: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, Marunong sa anumang isinasabatas Niya para sa mga lingkod Niya.
60:11Page 550
وَإِن فَاتَكُمۡ شَيۡءٞ مِّنۡ أَزۡوَٰجِكُمۡ إِلَى ٱلۡكُفَّارِ فَعَاقَبۡتُمۡ فَـَٔاتُواْ ٱلَّذِينَ ذَهَبَتۡ أَزۡوَٰجُهُم مِّثۡلَ مَآ أَنفَقُواْۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ ٱلَّذِيٓ أَنتُم بِهِۦ مُؤۡمِنُونَ ١١
And if you have lost any of your wives to the disbelievers and you subsequently obtain [something],1 then give those whose wives have gone the equivalent of what they had spent. And fear Allāh, in whom you are believers.
Kung ipinagpalagay ang paglisan ng ilan sa mga maybahay ninyo bilang mga tumalikod sa Islām patungo sa mga tagatangging sumampalataya at hiniling ninyo ang [ibinigay na] mga bigay-kaya mula sa mga tagatangging sumampalataya at hindi naman nila ibinigay ang mga ito saka nakasamsam kayo mula sa mga tagatangging sumampalataya, bigyan ninyo mga asawang lumisan ang mga maybahay nila bilang mga tumalikod sa Islām, ng tulad ng ipinagkaloob nila na mga bigay-kaya. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na kayo ay sa Kanya mga mananampalataya, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
60:12Page 551
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِذَا جَآءَكَ ٱلۡمُؤۡمِنَٰتُ يُبَايِعۡنَكَ عَلَىٰٓ أَن لَّا يُشۡرِكۡنَ بِٱللَّهِ شَيۡـٔٗا وَلَا يَسۡرِقۡنَ وَلَا يَزۡنِينَ وَلَا يَقۡتُلۡنَ أَوۡلَٰدَهُنَّ وَلَا يَأۡتِينَ بِبُهۡتَٰنٖ يَفۡتَرِينَهُۥ بَيۡنَ أَيۡدِيهِنَّ وَأَرۡجُلِهِنَّ وَلَا يَعۡصِينَكَ فِي مَعۡرُوفٖ فَبَايِعۡهُنَّ وَٱسۡتَغۡفِرۡ لَهُنَّ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ ١٢
O Prophet, when the believing women come to you pledging to you that they will not associate anything with Allāh, nor will they steal, nor will they commit unlawful sexual intercourse, nor will they kill their children, nor will they bring forth a slander they have invented between their arms and legs,1 nor will they disobey you in what is right - then accept their pledge and ask forgiveness for them of Allāh. Indeed, Allāh is Forgiving and Merciful.
O Propeta, kapag dumating sa iyo ang mga kababaihang mananampalataya, na nangangako ng katapatan sa iyo – tulad ng nangyari sa pagsakop sa Makkah – na hindi sila magtatambal kay Allāh ng anuman bagkus sasamba sila sa Kanya lamang, hindi sila magnanakaw, hindi sila mangangalunya, hindi sila papatay ng mga anak nila bilang pagsunod sa kaugalian ng mga kampon ng Kamangmangan, hindi sila mag-uugnay sa mga asawa nila ng mga anak nila mula sa pangangalunya, at hindi sila susuway sa iyo sa isang nakabubuti kabilang sa tulad ng pagsaway laban sa pananaghoy, pag-aahit ng buhok, at pagpunit ng damit [sa sandali ng dalamhati] ay tumanggap ka ng pangako ng katapatan nila at humiling ka para sa kanila ng tawad mula kay Allāh para sa mga pagkakasala nila matapos ng pagpapahayag ng katapatan nila sa iyo. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
60:13Page 551
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَتَوَلَّوۡاْ قَوۡمًا غَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيۡهِمۡ قَدۡ يَئِسُواْ مِنَ ٱلۡأٓخِرَةِ كَمَا يَئِسَ ٱلۡكُفَّارُ مِنۡ أَصۡحَٰبِ ٱلۡقُبُورِ ١٣
O you who have believed, do not make allies of a people with whom Allāh has become angry. They have despaired of [reward in] the Hereafter just as the disbelievers have despaired of [meeting] the companions [i.e., inhabitants] of the graves.
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, huwag kayong tumangkilik sa mga tao na nagalit si Allāh sa kanila, na hindi nakatitiyak sa Kabilang-buhay; bagkus sila ay mga nawawalan ng pag-asa sa Kabilang-buhay tulad ng kawalan ng pag-asa nila sa pagbabalik ng mga patay nila sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila sa pagbubuhay na muli.
Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences