Al-MukhtasarAsh‑Shuraa · 42:1–53

Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog

الشورى

Ash-Shuraa

The Consultation · Meccan · 53 ayahs

42:1–2Page 483

حمٓ ١

Ḥā, Meem.

عٓسٓقٓ ٢

ʿAyn, Seen, Qāf.1

Ḥā. Mīm. `Ayn. Sīn. Qāf. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kahawig ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.

42:3Page 483

كَذَٰلِكَ يُوحِيٓ إِلَيۡكَ وَإِلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبۡلِكَ ٱللَّهُ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ ٣

Thus has He revealed to you, [O Muḥammad], and to those before you - Allāh, the Exalted in Might, the Wise.

Tulad ng pagkakasing ito nagkakasi sa iyo, o Muḥammad, at sa mga kabilang sa nauna pa sa iyo na mga propeta ni Allāh, si Allāh, ang Makapangyarihan sa paghihiganti Niya sa mga kaaway Niya, ang Marunong sa pangangasiwa Niya at paglikha Niya.

42:4Page 483

لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡعَظِيمُ ٤

To Him belongs whatever is in the heavens and whatever is in the earth, and He is the Most High, the Most Great.1

Sa kay Allāh lamang ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa sa paglikha, sa paghahari, at sa pangangasiwa. Siya ay ang Mataas sa sarili Niya, pagtatakda Niya, at paggapi Niya; ang Sukdulan sa sarili Niya.

42:5Page 483

تَكَادُ ٱلسَّمَٰوَٰتُ يَتَفَطَّرۡنَ مِن فَوۡقِهِنَّۚ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ يُسَبِّحُونَ بِحَمۡدِ رَبِّهِمۡ وَيَسۡتَغۡفِرُونَ لِمَن فِي ٱلۡأَرۡضِۗ أَلَآ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَفُورُ ٱلرَّحِيمُ ٥

The heavens almost break from above them,1 and the angels exalt [Allāh] with praise of their Lord and ask forgiveness for those on earth. Unquestionably, it is Allāh who is the Forgiving, the Merciful.

Bahagi ng kadakilaan Niya – kaluwalhatian sa Kanya – na halos ang mga langit sa kabila ng pagkalaki ng mga ito at pagkaangat ng mga ito ay nagkakalamat-lamat mula sa ibabaw ng mga lupa samantalang ang mga anghel ay nagpapawalang-kapintasan sa Panginoon nila at nagdadakila sa Kanya habang mga pumupuri sa Kanya bilang pagpapakumbaba at pagpipitagan, at humihiling ng kapatawaran mula sa Kanya para sa sinumang nasa lupa. Pansinin, tunay na si Allāh ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila.

42:6Page 483

وَٱلَّذِينَ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَ ٱللَّهُ حَفِيظٌ عَلَيۡهِمۡ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡهِم بِوَكِيلٖ ٦

And those who take as allies other than Him - Allāh is [yet] Guardian over them; and you, [O Muḥammad], are not over them a manager -

Ang mga gumawa sa bukod pa kay Allāh bilang mga anito na nakikipagtangkilikan sila sa mga iyon at sumasamba sila sa mga iyon bukod pa kay Allāh, si Allāh para sa kanila ay nasa tambangan na nagtatala laban sa kanila ng mga gawain nila at gaganti sa kanila sa mga ito. Ikaw, O Sugo, ay hindi itinalaga sa pag-iingat sa mga gawain nila, kaya hindi ka tatanungin tungkol sa mga gawa nila. Ikaw ay isang tagapagpaabot lamang.

42:7Page 483

وَكَذَٰلِكَ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ قُرۡءَانًا عَرَبِيّٗا لِّتُنذِرَ أُمَّ ٱلۡقُرَىٰ وَمَنۡ حَوۡلَهَا وَتُنذِرَ يَوۡمَ ٱلۡجَمۡعِ لَا رَيۡبَ فِيهِۚ فَرِيقٞ فِي ٱلۡجَنَّةِ وَفَرِيقٞ فِي ٱلسَّعِيرِ ٧

And thus We have revealed to you an Arabic Qur’ān that you may warn the Mother of Cities [i.e., Makkah] and those around it1 and warn of the Day of Assembly, about which there is no doubt. A party will be in Paradise and a party in the Blaze.

Tulad ng pagkasi Namin sa mga propeta noong wala ka pa, O Sugo, nagkasi Kami sa iyo ng isang Qur’an na Arabe upang magbabala ka sa Makkah at sinumang nasa paligid nito na mga pamayanan ng mga Arabe, pagkatapos sa mga tao sa kalahatan, at magpangamba ka mga tao ng Araw ng Pagbangon, ang Araw na titipunin ni Allāh ang mga una at ang mga huli sa nag-iisang larangan para sa pagtutuos at pagganti. Walang duda hinggil sa pagkaganap ng Araw na iyon. Ang mga tao ay mga mahahati roon sa dalawang pangkat. May isang pangkat sa Hardin: ang mga mananampalataya, at may isang pangkat sa Apoy: ang mga tagatangging sumampalataya.

42:8Page 483

وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَجَعَلَهُمۡ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ وَلَٰكِن يُدۡخِلُ مَن يَشَآءُ فِي رَحۡمَتِهِۦۚ وَٱلظَّٰلِمُونَ مَا لَهُم مِّن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٍ ٨

And if Allāh willed, He could have made them [of] one religion, but He admits whom He wills1 into His mercy. And the wrongdoers have not any protector or helper.

Kung sakaling niloob ni Allāh ang paggawa sa kanila bilang nag-iisang kalipunan sa Relihiyong Islām ay talaga sanang gumawa Siya sa kanila bilang nag-iisang kalipunan doon at nagpapasok Siya sa kanila sa kalahatan sa Hardin. Subalit hiniling ng karunungan Niya na magpapasok Siya sa sinumang niloob Niya sa Islām at magpapasok dito sa Paraiso. Ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ay walang ukol sa kanila na anumang katangkilik na tatangkilik sa kanila ni mapag-adya na sasagip sa kanila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh.

42:9Page 483

أَمِ ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ أَوۡلِيَآءَۖ فَٱللَّهُ هُوَ ٱلۡوَلِيُّ وَهُوَ يُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ ٩

Or have they taken protectors [or allies] besides Him? But Allāh - He is the Protector, and He gives life to the dead, and He is over all things competent.

Bagkus gumawa ang mga tagapagtambal na ito bukod pa kay Allāh ng mga katangkilik na tinatangkilik nila samantalang si Allāh ay ang Katangkilik na totoo sapagkat ang iba pa sa Kanya ay hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala. Siya ay ang nagbibigay-buhay sa mga patay sa pamamagitan ng muling pagbuhay sa kanila para sa pagtutuos at pagganti. Walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman – kaluwalhatian sa Kanya.

42:10Page 483

وَمَا ٱخۡتَلَفۡتُمۡ فِيهِ مِن شَيۡءٖ فَحُكۡمُهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبِّي عَلَيۡهِ تَوَكَّلۡتُ وَإِلَيۡهِ أُنِيبُ ١٠

And in anything over which you disagree - its ruling is [to be referred] to Allāh. [Say], "That is Allāh, my Lord; upon Him I have relied, and to Him I turn back."1

Ang anumang nagkaiba-iba kayo, O mga tao, hinggil sa anumang bagay kabilang sa mga batayan ng relihiyon nito at mga sangay nito, ang kahatulan nito ay sa kay Allāh kaya sasangguni hinggil dito sa Aklat Niya o sa Sunnah ng Sugo Niya – ang basbas at ang pagbabati ng kapayapaan. Ang nailalarawang ito sa mga katangiang ito ay ang Panginoon ko. Sa Kanya ako sumasandal sa mga nauukol sa akin sa kabuuan ng mga ito at tungo sa Kanya ako bumabalik sa pagbabalik-loob.

42:11Page 484

فَاطِرُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ جَعَلَ لَكُم مِّنۡ أَنفُسِكُمۡ أَزۡوَٰجٗا وَمِنَ ٱلۡأَنۡعَٰمِ أَزۡوَٰجٗا يَذۡرَؤُكُمۡ فِيهِۚ لَيۡسَ كَمِثۡلِهِۦ شَيۡءٞۖ وَهُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ ١١

[He is] Creator of the heavens and the earth. He has made for you from yourselves, mates, and among the cattle, mates; He multiplies you thereby. There is nothing like unto Him,1 and He is the Hearing, the Seeing.2

Si Allāh ay ang Tagalikha ng mga langit at lupa ayon sa walang naunang pagkakatulad. Gumawa Siya para sa inyo mula sa mga sarili ninyo ng mga kabiyak at gumawa Siya para sa inyo mula sa mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ng mga kabiyak upang magdamihan ang mga ito alang-alang sa inyo. Lumilikha Siya sa inyo sa pamamagitan ng ginawa Niya para sa inyo na mga kabiyak ninyo sa pamamagitan ng pag-aasawahan. Nagpapamuhay Siya sa inyo sa pamamagitan ng ginawa Niya para sa inyo na mga hayupan ninyo mula sa mga karne ng mga ito at mga gatas ng mga ito. Walang nakikitulad sa Kanya na anuman kabilang sa mga nilikha Niya. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Nakakikita sa mga gawain nila. Walang nakalulusot sa Kanya mula sa mga ito na anuman at gaganti Siya sa kanila sa mga gawain nila. Kung kabutihan, kabutihan [ang ganti]; kung kasamaan, kasamaan [ang ganti].

42:12Page 484

لَهُۥ مَقَالِيدُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ يَبۡسُطُ ٱلرِّزۡقَ لِمَن يَشَآءُ وَيَقۡدِرُۚ إِنَّهُۥ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٞ ١٢

To Him belong the keys of the heavens and the earth. He extends provision for whom He wills and restricts [it]. Indeed He is, of all things, Knowing.

Sa Kanya lamang ang mga susi ng mga imbakan ng mga langit at lupa. Nagpapaluwang Siya sa panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya bilang pagsusulit para rito kung magpapasalamat ba ito o tatangging magpasalamat, at nanggigipit Siya sa sinumang niloloob Niya bilang pagsubok para rito kung magtitiis ba ito o maiinis sa pagtatakda ni Allāh. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman kabilang sa anumang naroon ang mga kapakanan ng mga lingkod Niya.

42:13Page 484

۞ شَرَعَ لَكُم مِّنَ ٱلدِّينِ مَا وَصَّىٰ بِهِۦ نُوحٗا وَٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ وَمَا وَصَّيۡنَا بِهِۦٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَمُوسَىٰ وَعِيسَىٰٓۖ أَنۡ أَقِيمُواْ ٱلدِّينَ وَلَا تَتَفَرَّقُواْ فِيهِۚ كَبُرَ عَلَى ٱلۡمُشۡرِكِينَ مَا تَدۡعُوهُمۡ إِلَيۡهِۚ ٱللَّهُ يَجۡتَبِيٓ إِلَيۡهِ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِيٓ إِلَيۡهِ مَن يُنِيبُ ١٣

He has ordained for you of religion what He enjoined upon Noah and that which We have revealed to you, [O Muḥammad], and what We enjoined upon Abraham and Moses and Jesus - to establish the religion and not be divided therein. Difficult for those who associate others with Allāh is that to which you invite them. Allāh chooses for Himself whom He wills and guides to Himself whoever turns back [to Him].

Nagsabatas Siya para sa inyo mula sa relihiyon ng tulad sa ipinag-utos kay Noe na ipaabot at gawin at ng ikinasi sa iyo, O Sugo. Nagsabatas Siya para sa inyo ng tulad sa ipinag-utos kina Abraham, Moises, at Jesus na ipaabot at gawin. Ang buod nito ay na: "Panatilihin ninyo ang Relihiyon at iwan ninyo ang pagkawatak-watak rito." Bumigat sa mga tagapagtambal ang ipinaaanyaya mo sa kanila na paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya. Si Allāh ay humihirang ng sinumang niloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya para magtuon dito sa pagsamba sa Kanya at pagtalima sa Kanya, at nagpatnubay tungo sa Kanya sa sinumang bumabalik sa Kanya kabilang sa kanila sa pamamagitan ng pagbabalik-loob mula sa mga pagkakasala nito.

42:14Page 484

وَمَا تَفَرَّقُوٓاْ إِلَّا مِنۢ بَعۡدِ مَا جَآءَهُمُ ٱلۡعِلۡمُ بَغۡيَۢا بَيۡنَهُمۡۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى لَّقُضِيَ بَيۡنَهُمۡۚ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ أُورِثُواْ ٱلۡكِتَٰبَ مِنۢ بَعۡدِهِمۡ لَفِي شَكّٖ مِّنۡهُ مُرِيبٖ ١٤

And they did not become divided until after knowledge had come to them - out of jealous animosity between themselves. And if not for a word1 that preceded from your Lord [postponing the penalty] until a specified time, it would have been concluded between them. And indeed, those who were granted inheritance of the Scripture after them are, concerning it, in disquieting doubt.

Hindi nagkawatak-watak ang mga tagatangging sumampalataya at ang mga tagapagtambal malibang noong matapos na inilatag sa kanila ang katwiran sa pagpapadala sa kanila kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Hindi nangyari ang pagkakawatak-watak nila malibang dahilan sa paglabag at kawalang-katarungan. Kung hindi dahil sa isang nauna sa kaalaman ni Allāh na Siya ay magpapahuli sa kanila ng pagdurusa hanggang sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman Niya, ang Araw ng Pagbangon, talaga sanang humatol Siya sa pagitan nila saka nagmadali sana Siya para sa kanila ng pagdurusa dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa Kanya at pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya. Tunay na ang mga pinagmana ng Torah kabilang sa mga Hudyo at ng Ebanghelyo kabilang sa mga Kristiyano noong matapos ng mga ninuno nila at noong matapos ng mga tagapagtambal na ito ay talagang nasa isang pagdududa sa Qur'ān na ito na inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at mga tagapagpasinungaling dito.

42:15Page 484

فَلِذَٰلِكَ فَٱدۡعُۖ وَٱسۡتَقِمۡ كَمَآ أُمِرۡتَۖ وَلَا تَتَّبِعۡ أَهۡوَآءَهُمۡۖ وَقُلۡ ءَامَنتُ بِمَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ مِن كِتَٰبٖۖ وَأُمِرۡتُ لِأَعۡدِلَ بَيۡنَكُمُۖ ٱللَّهُ رَبُّنَا وَرَبُّكُمۡۖ لَنَآ أَعۡمَٰلُنَا وَلَكُمۡ أَعۡمَٰلُكُمۡۖ لَا حُجَّةَ بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكُمُۖ ٱللَّهُ يَجۡمَعُ بَيۡنَنَاۖ وَإِلَيۡهِ ٱلۡمَصِيرُ ١٥

So to that [religion of Allāh] invite, [O Muḥammad],1 and remain on a right course as you are commanded and do not follow their inclinations but say, "I have believed in what Allāh has revealed of scripture [i.e., the Qur’ān], and I have been commanded to do justice among you. Allāh is our Lord and your Lord. For us are our deeds, and for you your deeds.2 There is no [need for] argument between us and you.3 Allāh will bring us together, and to Him is the [final] destination."

Mag-anyaya ka tungo sa relihiyong tuwid na ito. Magpakatatag ka rito alinsunod sa ipinag-utos sa iyo ni Allāh. Huwag kang sumunod sa mga pithaya nilang bulaan. Magsabi ka sa sandali ng pakikipagtalo sa kanila: "Sumampalataya ako kay Allāh at sa mga kasulatang pinababa ni Allāh sa mga sugo Niya. Nag-utos sa akin si Allāh na humatol ako sa pagitan ninyo ayon sa katarungan. Si Allāh na sinasamba ko ay Panginoon namin at Panginoon ninyo sa kalahatan. Ukol sa amin ang mga gawa namin, na kabutihan man o kasamaan. Ukol sa inyo ang mga gawa ninyo, na kabutihan man o kasamaan. Walang pagtatalo sa pagitan namin at pagitan ninyo matapos na luminaw ang katwiran at lumiwanag ang pangangatwiran. Si Allāh ay magtitipon sa atin sa kalahatan. Tungo sa Kanya ang babalikan sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa bawat isa sa atin ayon sa nagiging karapat-dapat dito, kaya lilinaw sa sandaling iyon ang tapat sa sinungaling at ang nagtototoo sa nagbubulaan."

42:16Page 485

وَٱلَّذِينَ يُحَآجُّونَ فِي ٱللَّهِ مِنۢ بَعۡدِ مَا ٱسۡتُجِيبَ لَهُۥ حُجَّتُهُمۡ دَاحِضَةٌ عِندَ رَبِّهِمۡ وَعَلَيۡهِمۡ غَضَبٞ وَلَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٌ ١٦

And those who argue concerning Allāh after He has been responded to1 - their argument is invalid with their Lord, and upon them is [His] wrath, and for them is a severe punishment.

Ang mga nakikipagtalo sa pamamagitan ng katwirang bulaan sa relihiyong ito na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – matapos na tumugon ang mga tao rito, ang katwiran ng mga nakikipagtalo na ito ay mawawala at lalagpak sa ganang Panginoon mo at sa ganang mga mananampalataya. Walang bakas dito. Sumakanila ay galit mula kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pagtutol nila sa katotohanan. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.

42:17Page 485

ٱللَّهُ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّ وَٱلۡمِيزَانَۗ وَمَا يُدۡرِيكَ لَعَلَّ ٱلسَّاعَةَ قَرِيبٞ ١٧

It is Allāh who has sent down the Book in truth and [also] the balance [i.e., justice]. And what will make you perceive? Perhaps the Hour is near.

Si Allāh ay ang nagpababa ng Qur'ān kalakip ng katotohanang walang mapag-aalinlanganan dito at nagpababa ng katarungan upang humatol sa pagitan ng mga tao ayon sa pagkamakatarungan. Maaaring ang Huling Sandaling pinasisinungalingan ng mga ito ay malapit na. Alam ng lahat na ang bawat parating ay malapit.

42:18Page 485

يَسۡتَعۡجِلُ بِهَا ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِهَاۖ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ مُشۡفِقُونَ مِنۡهَا وَيَعۡلَمُونَ أَنَّهَا ٱلۡحَقُّۗ أَلَآ إِنَّ ٱلَّذِينَ يُمَارُونَ فِي ٱلسَّاعَةِ لَفِي ضَلَٰلِۭ بَعِيدٍ ١٨

Those who do not believe in it are impatient for it,1 but those who believe are fearful of it and know that it is the truth. Unquestionably, those who dispute concerning the Hour are in extreme error.

Humihiling ang mga hindi sumasampalataya roon ng pagmamadali roon dahil sila ay hindi sumasampalataya sa pagtutuos ni sa gantimpala ni sa parusa. Ang mga sumampalataya kay Allāh ay mga nangangamba roon dahil sa pangamba nila sa kahahantungan nila roon. Nakaaalam sila ayon sa kaalaman ng katiyakan na iyon ay ang katotohanan na walang mapag-aalinlanganan doon. Pansinin, tunay na ang mga nakikipagtalo hinggil sa Huling Sandali, nakikipag-alitan hinggil doon, at nagpapaduda sa pagkaganap niyon ay talagang nasa isang pagkaligaw na malayo sa katotohanan.

42:19Page 485

ٱللَّهُ لَطِيفُۢ بِعِبَادِهِۦ يَرۡزُقُ مَن يَشَآءُۖ وَهُوَ ٱلۡقَوِيُّ ٱلۡعَزِيزُ ١٩

Allāh is Subtle1 with His servants; He gives provision to whom He wills. And He is the Powerful, the Exalted in Might.

Si Allāh ay may kabaitan sa mga lingkod Niya, na nagtutustos sa sinumang niloob Niya kaya nagpapaluwang Siya para rito ng panustos at nagpapagipit Siya sa sinumang niloloob Niya alinsunod sa hiling ng karunungan Niya at kabaitan Niya. Siya ay ang Malakas na walang nakadadaig sa Kanya na isa man, ang Makapangyarihan na naghihiganti sa mga kaaway Niya.

42:20Page 485

مَن كَانَ يُرِيدُ حَرۡثَ ٱلۡأٓخِرَةِ نَزِدۡ لَهُۥ فِي حَرۡثِهِۦۖ وَمَن كَانَ يُرِيدُ حَرۡثَ ٱلدُّنۡيَا نُؤۡتِهِۦ مِنۡهَا وَمَا لَهُۥ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ مِن نَّصِيبٍ ٢٠

Whoever desires the harvest of the Hereafter - We increase for him in his harvest [i.e., reward]. And whoever desires the harvest [i.e., benefits] of this world - We give him thereof, but there is not for him in the Hereafter any share.

Ang sinumang nangyaring nagnanais ng gantimpala sa Kabilang-buhay habang gumagawa para roon ng gawain para roon ay magpapaibayo Kami para sa kanya ng gantimpala sa kanya sapagkat ang magandang gawa ay katumbas ng sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit. Ang sinumang nangyaring nagnanais ng Mundo lamang ay magbibigay Kami sa kanya ng bahagi niyang itinakda para sa kanya rito at walang ukol sa kanya sa Kabilang-buhay na anumang parte dahil sa pagtatangi niya sa Mundo higit sa Kabilang-buhay.

42:21Page 485

أَمۡ لَهُمۡ شُرَكَٰٓؤُاْ شَرَعُواْ لَهُم مِّنَ ٱلدِّينِ مَا لَمۡ يَأۡذَنۢ بِهِ ٱللَّهُۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةُ ٱلۡفَصۡلِ لَقُضِيَ بَيۡنَهُمۡۗ وَإِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ ٢١

Or have they partners [i.e., other deities] who have ordained for them a religion to which Allāh has not consented? But if not for the decisive word,1 it would have been concluded between them. And indeed, the wrongdoers will have a painful punishment.

O nagkaroon ba ang mga tagapagtambal na ito ng mga diyos bukod pa kay Allāh? Nagsabatas nga ang mga ito para sa kanila sa relihiyon ng hindi pinayagan para sa kanila ni Allāh ang pagsasabatas niyon gaya ng pagtatambal sa Kanya, pagbabawal sa ipinahintulot Niya, at pagpapahintulot sa ipinagbawal Niya. Kung hindi dahil sa ginawa ni Allāh na isang yugtong tinakdaan para sa pagpapasya sa pagitan ng mga nagkakaiba-iba, at na Siya ay nagpapahuli sa kanila nito, ay talaga sanang nagpasya Siya sa pagitan nila. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng pagtatambal kay Allāh at mga pagsuway, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.

42:22Page 485

تَرَى ٱلظَّٰلِمِينَ مُشۡفِقِينَ مِمَّا كَسَبُواْ وَهُوَ وَاقِعُۢ بِهِمۡۗ وَٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فِي رَوۡضَاتِ ٱلۡجَنَّاتِۖ لَهُم مَّا يَشَآءُونَ عِندَ رَبِّهِمۡۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡفَضۡلُ ٱلۡكَبِيرُ ٢٢

You will see the wrongdoers fearful of what they have earned, and it will [certainly] befall them. And those who have believed and done righteous deeds will be in lush regions of the gardens [in Paradise] having whatever they will in the presence of their Lord. That is what is the great bounty.

Makikita mo, O Sugo, ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa shirk at mga pagsuway, na mga nangangamba sa parusa dahil sa nakamit nila na kasalanan. Ang parusa ay magaganap sa kanila nang walang pasubali kaya hindi magpapakinabang sa kanila ang pangambang salat sa pagbabalik-loob. Ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at gumawa ng mga gawang maayos ay nasa kasalungatan ng mga ito sapagkat sila ay nasa mga halamanan ng mga hardin na nakikinabang. Ukol sa kanila ang niloloob nila sa piling ng Panginoon nila na mga uri ng kaginhawahan na hindi mapuputol magpakailanman. Iyon ay ang kabutihang-loob na malaki na hindi natutumbasan ng isang kabutihang-loob.

42:23Page 486

ذَٰلِكَ ٱلَّذِي يُبَشِّرُ ٱللَّهُ عِبَادَهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِۗ قُل لَّآ أَسۡـَٔلُكُمۡ عَلَيۡهِ أَجۡرًا إِلَّا ٱلۡمَوَدَّةَ فِي ٱلۡقُرۡبَىٰۗ وَمَن يَقۡتَرِفۡ حَسَنَةٗ نَّزِدۡ لَهُۥ فِيهَا حُسۡنًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ شَكُورٌ ٢٣

It is that of which Allāh gives good tidings to His servants who believe and do righteous deeds. Say, [O Muḥammad], "I do not ask you for it [i.e., this message] any payment [but] only good will through [i.e., due to] kinship." And whoever commits a good deed - We will increase for him good therein. Indeed, Allāh is Forgiving and Appreciative.1

Iyon ay ang dakilang pagpapagalak na ibinabalita ni Allāh sa pamamagitan ng Sugo Niya sa mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya, at gumawa ng mga gawang maayos. Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako humihiling mula sa inyo, dahil sa pagpapaabot ng katotohanan, ng isang gantimpala maliban sa nag-iisang gantimpalang nanunumbalik ang pakinabang nito sa inyo. Ito ay na umibig kayo sa akin para sa pagkakamag-anak ko sa inyo." Ang sinumang nagkamit ng isang magandang gawa ay magpapaibayo Kami para sa kanya ng pabuya sa kanya. Ang magandang gawa ay katumbas ng sampung tulad nito. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Mapagpasalamat sa mga gawain nilang maayos na ginagawa nila dahil sa paghahangad ng [kaluguran ng] mukha Niya.

42:24Page 486

أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗاۖ فَإِن يَشَإِ ٱللَّهُ يَخۡتِمۡ عَلَىٰ قَلۡبِكَۗ وَيَمۡحُ ٱللَّهُ ٱلۡبَٰطِلَ وَيُحِقُّ ٱلۡحَقَّ بِكَلِمَٰتِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ ٢٤

Or do they say, "He has invented about Allāh a lie"? But if Allāh willed, He could seal over your heart.1 And Allāh eliminates falsehood and establishes the truth by His words. Indeed, He is Knowing of that within the breasts.

Kabilang sa haka-haka ng mga tagapagtambal ay na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay lumikha-likha nga ng Qur'ān na ito at nag-ugnay nito sa Panginoon niya samantalang nagsasabi si Allāh bilang tugon sa kanila: "Kung sakaling kumausap ka sa sarili mo na gumawa-gawa ito ng isang kasinungalingan ay talaga sanang nagpinid Ako sa puso mo, bumura Ako sa kabulaanang ginawa-gawa, at nagpanatili Ako ng katotohanan." Yayamang ang nangyari ay hindi ganoon, nagpatunay ito sa katapatan ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na siya ay kinakasihan mula sa Panginoon niya. Tunay na Siya ay Maalam sa anumang nasa mga puso ng mga lingkod Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.

42:25Page 486

وَهُوَ ٱلَّذِي يَقۡبَلُ ٱلتَّوۡبَةَ عَنۡ عِبَادِهِۦ وَيَعۡفُواْ عَنِ ٱلسَّيِّـَٔاتِ وَيَعۡلَمُ مَا تَفۡعَلُونَ ٢٥

And it is He who accepts repentance from His servants and pardons misdeeds, and He knows what you do.

Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang tumatanggap ng pagbabalik-loob ng mga lingkod Niya mula sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway kapag nagbalik-loob sila sa Kanya, nagpapalampas sa mga masagwang gawa nila na nagawa nila, nakaaalam sa ginagawa ninyo na anuman: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawa ninyo na anuman at gaganti Siya sa inyo sa mga iyon,

42:26Page 486

وَيَسۡتَجِيبُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَيَزِيدُهُم مِّن فَضۡلِهِۦۚ وَٱلۡكَٰفِرُونَ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٞ ٢٦

And He answers [the supplication of] those who have believed and done righteous deeds and increases [for] them from His bounty. But the disbelievers will have a severe punishment.

sumagot sa panalangin ng mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya at gumawa ng mga maayos, at nagdaragdag sa kanila mula sa kabutihang-loob Niya ng hindi naman nila hiningi sa Kanya. Ang mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang malakas na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.

42:27Page 486

۞ وَلَوۡ بَسَطَ ٱللَّهُ ٱلرِّزۡقَ لِعِبَادِهِۦ لَبَغَوۡاْ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَلَٰكِن يُنَزِّلُ بِقَدَرٖ مَّا يَشَآءُۚ إِنَّهُۥ بِعِبَادِهِۦ خَبِيرُۢ بَصِيرٞ ٢٧

And if Allāh had extended [excessively] provision for His servants, they would have committed tyranny throughout the earth. But He sends [it] down in an amount which He wills. Indeed He is, of His servants, Aware and Seeing.

Kung sakaling nagpaluwang si Allāh ng panustos para sa lahat ng mga lingkod Niya ay talaga sanang nagmalabis sila sa lupain sa pamamagitan ng kawalang-katarungan subalit Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagbababa ng panustos ayon sa sukat na niloloob Niya na pagpapaluwang o pagpapagipit. Tunay na Siya ay Mapagbatid sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya, Nakakikita sa mga ito kaya nagbibigay Siya dahil sa isang kasanhian at nagkakait Siya dahil sa isang kasanhian din.

42:28Page 486

وَهُوَ ٱلَّذِي يُنَزِّلُ ٱلۡغَيۡثَ مِنۢ بَعۡدِ مَا قَنَطُواْ وَيَنشُرُ رَحۡمَتَهُۥۚ وَهُوَ ٱلۡوَلِيُّ ٱلۡحَمِيدُ ٢٨

And it is He who sends down the rain after they had despaired and spreads His mercy. And He is the Protector, the Praiseworthy.

Siya ay ang nagbababa ng ulan sa mga lingkod Niya, nang matapos na nawalan sila ng pag-asa sa pagbaba nito, at nagkakalat ng ulang ito para tumubo ang lupa. Siya ang tagatangkilik ng mga pumapatungkol sa mga lingkod Niya, ang pinupuri sa bawat kalagayan.

42:29Page 486

وَمِنۡ ءَايَٰتِهِۦ خَلۡقُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَثَّ فِيهِمَا مِن دَآبَّةٖۚ وَهُوَ عَلَىٰ جَمۡعِهِمۡ إِذَا يَشَآءُ قَدِيرٞ ٢٩

And of His signs is the creation of the heavens and earth and what He has dispersed throughout them of creatures. And He, for gathering them when He wills, is competent.

Kabilang sa mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ang pagkalikha ng mga langit at ang pagkalikha ng lupa at ang ikinalat Niya sa mga ito na mga nilikhang kahanga-hanga. Siya, sa pagtipon sa kanila para sa pagkalap at pagganti kapag niloob Niya, ay May-kakayahan: hindi nagpapawalang-kakayahan sa Kanya iyon kung paanong hindi nagpawalang-kakayahan sa Kanya ang paglikha sa kanila sa unang pagkakataon.

42:30Page 486

وَمَآ أَصَٰبَكُم مِّن مُّصِيبَةٖ فَبِمَا كَسَبَتۡ أَيۡدِيكُمۡ وَيَعۡفُواْ عَن كَثِيرٖ ٣٠

And whatever strikes you of disaster - it is for what your hands have earned; but He pardons much.

Ang anumang tumama sa inyo, o mga tao, na kasawiang-palad sa mga sarili ninyo o mga ari-arian ninyo ay dahil sa nakamit ng mga kamay ninyo na mga pagsuway. Nagpapalampas si Allāh sa inyo sa marami sa mga iyon kaya hindi Siya naninisi sa inyo.

42:31Page 486

وَمَآ أَنتُم بِمُعۡجِزِينَ فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِيّٖ وَلَا نَصِيرٖ ٣١

And you will not cause failure [to Allāh]1 upon the earth. And you have not besides Allāh any protector or helper.

Kayo ay hindi mga makakaya ng kaligtasan mula sa Panginoon ninyo sa pagtakas kapag nagnais Siya ng pagpaparusa sa inyo. Walang ukol sa inyo bukod pa sa Kanya na isang katangkilik na tatangkilik sa mga pumapatungkol sa inyo ni isang mapag-adya na papawi sa inyo ng pagdurusa kung nagnais Siya nito sa inyo.

42:32Page 487

وَمِنۡ ءَايَٰتِهِ ٱلۡجَوَارِ فِي ٱلۡبَحۡرِ كَٱلۡأَعۡلَٰمِ ٣٢

And of His signs are the ships in the sea, like mountains.

Kabilang sa mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa kakayahan Niya at kaisahan Niya ang mga daong na naglalayag sa dagat, tulad ng mga bundok sa pagkaangat ng mga ito at kataasan ng mga ito.

42:33Page 487

إِن يَشَأۡ يُسۡكِنِ ٱلرِّيحَ فَيَظۡلَلۡنَ رَوَاكِدَ عَلَىٰ ظَهۡرِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّكُلِّ صَبَّارٖ شَكُورٍ ٣٣

If He willed, He could still the wind, and they would remain motionless on its surface. Indeed in that are signs for everyone patient and grateful.

Kung loloobin ni Allāh ang pagpapatahan ng mga hangin na nagpapausad sa mga daong ay magpapatahan Siya sa mga iyon para manatili ang mga iyon na mga nakatigil sa dagat, na hindi gumagalaw – tunay na sa nabanggit na iyon na paglikha sa mga daong at pagpapasilbi sa mga hangin ay talagang may mga katunayang maliwanag sa kakayahan ni Allāh para sa bawat palatiis sa pagsubok at mga pagsusulit, mapagpasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa kanya –

42:34Page 487

أَوۡ يُوبِقۡهُنَّ بِمَا كَسَبُواْ وَيَعۡفُ عَن كَثِيرٖ ٣٤

Or He could destroy them1 for what they earned; but He pardons much.

o kung loloobin Niya – kaluwalhatian sa Kanya – ang pagpapahamak sa mga daong na iyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga hanging uunos sa mga iyon ay makapagpapahamak Siya sa mga iyon dahilan sa nakamit ng mga tao na kasalanan, at magpapalampas naman Siya sa marami sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya kaya hindi Siya magpaparusa sa kanila dahil sa mga ito,

42:35Page 487

وَيَعۡلَمَ ٱلَّذِينَ يُجَٰدِلُونَ فِيٓ ءَايَٰتِنَا مَا لَهُم مِّن مَّحِيصٖ ٣٥

And [that is so] those who dispute concerning Our signs may know that for them there is no place of escape.

at [upang] makaalam, sa sandali ng pagpapahamak sa mga daong na iyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga hanging umuunos, ang mga nakikipagtalo hinggil sa mga tanda ni Allāh para magpabula sa mga ito, na walang ukol sa kanila na anumang matatakasan palayo sa kapahamakan kaya hindi sila dadalangin malibang kay Allāh at mag-iiwan sila ng sinumang iba pa sa Kanya.

42:36Page 487

فَمَآ أُوتِيتُم مِّن شَيۡءٖ فَمَتَٰعُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۚ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ خَيۡرٞ وَأَبۡقَىٰ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَلَىٰ رَبِّهِمۡ يَتَوَكَّلُونَ ٣٦

So whatever thing you have been given - it is but [for] enjoyment of the worldly life. But what is with Allāh is better and more lasting for those who have believed and upon their Lord rely

Kaya ang ibinigay sa inyo, O mga tao, na yaman o impluwensiya o anak ay natatamasa sa buhay na pangmundo. Ito ay maglalaho, mapuputol. Ang kaginhawahang mamamalagi ay ang kaginhawahan sa Paraiso na inihanda ni Allāh para sa mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at sa Panginoon nila lamang ay sumasandal sa lahat ng mga pumapatungkol sa kanila.

42:37Page 487

وَٱلَّذِينَ يَجۡتَنِبُونَ كَبَٰٓئِرَ ٱلۡإِثۡمِ وَٱلۡفَوَٰحِشَ وَإِذَا مَا غَضِبُواْ هُمۡ يَغۡفِرُونَ ٣٧

And those who avoid the major sins and immoralities, and when they are angry, they forgive,

[Ito ay para sa] mga lumalayo sa malALaki sa mga pagkakasala at mga pangit sa mga ito. Kapag nagalit sila sa gumawa ng masagwa sa kanila sa salita o gawa ay nagpapatawad sila sa kanya sa pagkatisod niya at hindi nagpaparusa sa kanya dahil doon. Ang pagpapaumanhing ito ay isang pagmamabuting-loob mula sa kanila kapag ito ay mayroong kabutihan at kapakanan.

42:38Page 487

وَٱلَّذِينَ ٱسۡتَجَابُواْ لِرَبِّهِمۡ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَأَمۡرُهُمۡ شُورَىٰ بَيۡنَهُمۡ وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ ٣٨

And those who have responded to their Lord and established prayer and whose affair is [determined by] consultation among themselves, and from what We have provided them, they spend,

[Ito ay para sa] mga tumugon sa Panginoon nila sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya at pag-iwan sa sinaway Niya, lumulubos sa pagdarasal sa pinakaganap na paraan, mga nagsasanggunian sa mga usaping pumapatungkol sa kanila, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila dahil sa paghahangad sa kaluguran ni Allāh.

42:39Page 487

وَٱلَّذِينَ إِذَآ أَصَابَهُمُ ٱلۡبَغۡيُ هُمۡ يَنتَصِرُونَ ٣٩

And those who, when tyranny strikes them, they retaliate [in a just manner].1

[Ito ay para sa] mga kapag tumama sa kanila ang kawalang-katarungan, sila ay nag-aadya [sa mga sarili] bilang pagpaparangal sa mga sarili nila at bilang pagpapalakas sa mga ito, kapag ang tagalabag sa katarungan ay hindi karapat-dapat sa paumanhin. Ang pag-aadyang ito [sa sarili] ay isang karapatan, lalo na kapag sa pagpapaumanhin ay walang kabutihan.

42:40Page 487

وَجَزَٰٓؤُاْ سَيِّئَةٖ سَيِّئَةٞ مِّثۡلُهَاۖ فَمَنۡ عَفَا وَأَصۡلَحَ فَأَجۡرُهُۥ عَلَى ٱللَّهِۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلظَّٰلِمِينَ ٤٠

And the retribution for an evil act is an evil one like it, but whoever pardons and makes reconciliation - his reward is [due] from Allāh. Indeed, He does not like wrongdoers.

Ang sinumang nagnais na kumuha ng karapatan niya, ukol sa kanya iyon, subalit ayon sa katulad, nang walang karagdagan o paglampas. Ang sinumang nagpaumanhin sa gumawa ng masagwa sa kanya, hindi naninisi rito sa paggawa sa kanya ng masagwa, at nakipag-ayos sa pagitan niya at ng kapatid niya, ang gantimpala sa kanya ay nasa ganang kay Allāh. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga tagalabag sa katarungan, na lumalabag sa katarungan sa mga tao sa mga sarili ng mga ito o mga ari-arian ng mga ito o mga dangal ng mga ito, bagkus nasusuklam Siya sa kanila.

42:41Page 487

وَلَمَنِ ٱنتَصَرَ بَعۡدَ ظُلۡمِهِۦ فَأُوْلَٰٓئِكَ مَا عَلَيۡهِم مِّن سَبِيلٍ ٤١

And whoever retaliates after having been wronged - those have not upon them any cause [for blame].

Ang sinumang nag-adya para sa sarili niya, ang mga iyon ay wala sa kanilang anumang paninisi dahil sa pagkuha sa karapatan nila.

42:42Page 487

إِنَّمَا ٱلسَّبِيلُ عَلَى ٱلَّذِينَ يَظۡلِمُونَ ٱلنَّاسَ وَيَبۡغُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ ٤٢

The cause is only against the ones who wrong the people and tyrannize upon the earth without right. Those will have a painful punishment.

Ang paninisi at ang parusa lamang ay ukol sa mga lumalabag sa katarungan sa mga tao at gumagawa sa lupain ng mga pagsuway. Ang mga iyon, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit sa Kabilang-buhay.

42:43Page 487

وَلَمَن صَبَرَ وَغَفَرَ إِنَّ ذَٰلِكَ لَمِنۡ عَزۡمِ ٱلۡأُمُورِ ٤٣

And whoever is patient and forgives - indeed, that is of the matters [worthy] of resolve.1

Tungkol naman sa sinumang nagtiis sa pananakit ng iba sa kanya at nagpalampas nito, tunay na ang pagtitiis na iyon ay kabilang sa nagpapanumbalik ng kabutihan sa kanya at sa lipunan. Iyon ay isang bagay na pinapupurihan. Walang naitutuon doon kundi ang may bahaging dakila.

42:44Page 487

وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن وَلِيّٖ مِّنۢ بَعۡدِهِۦۗ وَتَرَى ٱلظَّٰلِمِينَ لَمَّا رَأَوُاْ ٱلۡعَذَابَ يَقُولُونَ هَلۡ إِلَىٰ مَرَدّٖ مِّن سَبِيلٖ ٤٤

And he whom Allāh sends astray - for him there is no protector beyond Him. And you will see the wrongdoers, when they see the punishment, saying, "Is there for return [to the former world] any way?"

Ang sinumang itinatwa ni Allāh palayo sa kapatnubayan saka iniligaw palayo sa katotohanan ay walang ukol dito na isang katangkilik, matapos ni Allāh, na tatangkilik sa pumapatungkol sa kanya. Makikita mo na ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway, kapag napagmasdan nila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon, ay magsasabi habang mga nagmimithi: "Ang panunumbalik kaya sa Mundo ay may daan para magbalik-loob kami kay Allāh?"

42:45Page 488

وَتَرَىٰهُمۡ يُعۡرَضُونَ عَلَيۡهَا خَٰشِعِينَ مِنَ ٱلذُّلِّ يَنظُرُونَ مِن طَرۡفٍ خَفِيّٖۗ وَقَالَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِنَّ ٱلۡخَٰسِرِينَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ وَأَهۡلِيهِمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ أَلَآ إِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ فِي عَذَابٖ مُّقِيمٖ ٤٥

And you will see them being exposed to it [i.e., the Fire], humbled from humiliation, looking from [behind] a covert glance. And those who had believed will say, "Indeed, the [true] losers are the ones who lost themselves and their families on the Day of Resurrection. Unquestionably, the wrongdoers are in an enduring punishment."

Makikita mo, O Sugo, ang mga tagalabag sa katarungan na ito kapag isinasalang sila sa Apoy habang sila ay mga aba at mga hinihiya, na tumitingin sa mga tao nang patalilis dala ng tindi ng pangamba nila roon. Magsasabi ang mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya: "Tunay na ang mga lugi, sa totoo, ay ang mga nagpalugi ng mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon dahilan sa daranasin nila na pagdurusang dulot ni Allāh. Pansinin, tunay na ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ay nasa isang pagdurusang mamamalagi, na hindi mapuputol magpakailanman."

42:46Page 488

وَمَا كَانَ لَهُم مِّنۡ أَوۡلِيَآءَ يَنصُرُونَهُم مِّن دُونِ ٱللَّهِۗ وَمَن يُضۡلِلِ ٱللَّهُ فَمَا لَهُۥ مِن سَبِيلٍ ٤٦

And there will not be for them any allies to aid them other than Allāh. And whoever Allāh sends astray - for him there is no way.

Walang ukol sa kanila na anumang mga katangkilik na mag-aadya sa kanila sa pamamagitan ng pagsagip sa kanila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon. Ang sinumang itinatwa ni Allāh palayo sa katotohanan at iniligaw Niya, walang ukol sa kanya magpakailanman na anumang daang magpapahantong sa kanya tungo sa kapatnubayan tungo sa katotohanan.

42:47Page 488

ٱسۡتَجِيبُواْ لِرَبِّكُم مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ يَوۡمٞ لَّا مَرَدَّ لَهُۥ مِنَ ٱللَّهِۚ مَا لَكُم مِّن مَّلۡجَإٖ يَوۡمَئِذٖ وَمَا لَكُم مِّن نَّكِيرٖ ٤٧

Respond to your Lord before a Day comes from Allāh of which there is no repelling. No refuge will you have that Day, nor for you will there be any denial.1

Tumugon kayo, O mga tao, sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagdadali-dali sa pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at pag-iwan sa pagpapaliban bago pa sumapit ang Araw ng Pagbangon, na kapag dumating ay walang magtutulak doon. Walang ukol sa inyo na anumang madudulugan na dudulugan ninyo at walang ukol sa inyo na anumang pagkakailang ipangkakaila ninyo sa mga pagkakasala ninyo na nakamtan ninyo sa Mundo.

42:48Page 488

فَإِنۡ أَعۡرَضُواْ فَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ عَلَيۡهِمۡ حَفِيظًاۖ إِنۡ عَلَيۡكَ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُۗ وَإِنَّآ إِذَآ أَذَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِنَّا رَحۡمَةٗ فَرِحَ بِهَاۖ وَإِن تُصِبۡهُمۡ سَيِّئَةُۢ بِمَا قَدَّمَتۡ أَيۡدِيهِمۡ فَإِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ كَفُورٞ ٤٨

But if they turn away - then We have not sent you, [O Muḥammad], over them as a guardian; upon you is only [the duty of] notification. And indeed, when We let man taste mercy from Us, he rejoices in it; but if evil afflicts him for what his hands have put forth, then indeed, man is ungrateful.

Ngunit kung umayaw sila sa ipinag-utos mo sa kanila, hindi Kami nagsugo sa iyo, O Sugo, sa kanila bilang mapag-ingat na mag-iingat sa mga gawain nila. Walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot ng anumang ipinag-utos sa iyo na ipaabot ito. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa kay Allah. Tunay na kapag nagpalasap Kami sa tao mula sa Amin ng isang awa gaya ng yaman at kalusugan at mga tulad nito ay natutuwa siya rito. Kung tatama sa tao ang isang pagsubok na may kasusuklaman dahil sa mga kasalanan nila, tunay na ang kalikasan nila ay ang pagtangging kumilala sa mga biyaya ni Allah at hindi pagpapasalamat sa mga ito, at ang pagkainis sa anumang itinakda ni Allah ayon sa karunungan Niya.

42:49–50Page 488

لِّلَّهِ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ يَخۡلُقُ مَا يَشَآءُۚ يَهَبُ لِمَن يَشَآءُ إِنَٰثٗا وَيَهَبُ لِمَن يَشَآءُ ٱلذُّكُورَ ٤٩

To Allāh belongs the dominion of the heavens and the earth; He creates what He wills. He gives to whom He wills female [children], and He gives to whom He wills males.

أَوۡ يُزَوِّجُهُمۡ ذُكۡرَانٗا وَإِنَٰثٗاۖ وَيَجۡعَلُ مَن يَشَآءُ عَقِيمًاۚ إِنَّهُۥ عَلِيمٞ قَدِيرٞ ٥٠

Or He makes them [both] males and females, and He renders whom He wills barren. Indeed, He is Knowing and Competent.

Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at ang paghahari sa lupa. Lumilikha Siya ng niloloob Niya na lalaki o babae o iba pa roon. Nagbibigay Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] babae at nagkakait Siya rito ng mga [anak na] lalaki. Nagbibigay Siya sa sinumang niloloob Niya ng mga [anak na] lalaki at nagkakait Siya rito ng mga [anak na] babae. O gumagawa Siya para sa sinumang niloloob Niya ng mga lalaki at mga babae nang magkasama. Gumagawa Siya sa sinumang niloloob Niya bilang baog na hindi nagkakaanak. Tunay na Siya ay Maalam sa anumang nangyayari at anumang mangyayari sa hinaharap. Ito ay bahagi ng kalubusan ng kaalaman Niya at pagkaganap ng karunungan Niya: walang nakakukubli sa Kanya na anuman at walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.

42:51Page 488

۞ وَمَا كَانَ لِبَشَرٍ أَن يُكَلِّمَهُ ٱللَّهُ إِلَّا وَحۡيًا أَوۡ مِن وَرَآيِٕ حِجَابٍ أَوۡ يُرۡسِلَ رَسُولٗا فَيُوحِيَ بِإِذۡنِهِۦ مَا يَشَآءُۚ إِنَّهُۥ عَلِيٌّ حَكِيمٞ ٥١

And it is not for any human being that Allāh should speak to him except by revelation or from behind a partition or that He sends a messenger [i.e., angel] to reveal, by His permission, what He wills. Indeed, He is Most High and Wise.

Hindi natutumpak para sa tao na kausapin ito ni Allāh maliban sa isang pagkasi sa pamamagitan ng pagsisiwalat o iba pa roon, o kausapin Niya ito sa kung saan nakaririnig ito sa salita Niya samantalang hindi ito nakakikita sa Kanya, o magsugo Siya rito ng isang anghel na sugo tulad ni Gabriel para magkasi sa sugong tao ayon sa pahintulot Niya ng anumang niloloob ni Allāh na ikasi. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay Mataas sa sarili Niya at mga katangian Niya, Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at batas Niya.

42:52Page 489

وَكَذَٰلِكَ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ رُوحٗا مِّنۡ أَمۡرِنَاۚ مَا كُنتَ تَدۡرِي مَا ٱلۡكِتَٰبُ وَلَا ٱلۡإِيمَٰنُ وَلَٰكِن جَعَلۡنَٰهُ نُورٗا نَّهۡدِي بِهِۦ مَن نَّشَآءُ مِنۡ عِبَادِنَاۚ وَإِنَّكَ لَتَهۡدِيٓ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ ٥٢

And thus We have revealed to you an inspiration of Our command [i.e., the Qur’ān]. You did not know what is the Book or [what is] faith, but We have made it a light by which We guide whom We will of Our servants. And indeed, [O Muḥammad], you guide to a straight path -

Gaya ng pagkasi Namin sa mga anghel bago mo pa, O Sugo, nagkasi Kami sa iyo ng isang Qur'ān mula sa ganang Amin. Hindi ka noon nakaaalam kung ano ang mga aklat na makalangit na pinababa sa mga sugo at hindi ka noon nakaaalam kung ano ang pananampalataya. Subalit nagpababa Kami ng Qur'ān na ito bilang tanglaw na nagpapatnubay Kami sa pamamagitan nito sa sinumang niloloob Namin kabilang sa mga lingkod Namin. Tunay na ikaw ay talagang gumagabay sa mga tao tungo sa isang daang tuwid, ang Relihiyong Islām.

42:53Page 489

صِرَٰطِ ٱللَّهِ ٱلَّذِي لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۗ أَلَآ إِلَى ٱللَّهِ تَصِيرُ ٱلۡأُمُورُ ٥٣

The path of Allāh, to whom belongs whatever is in the heavens and whatever is on the earth. Unquestionably, to Allāh do [all] matters evolve [i.e., return].

[Ito ay] ang daan ni Allāh, na sa Kanya ang anumang nasa mga langit at sa Kanya ang anumang nasa lupa sa paglikha, sa paghahari, at sa pangangasiwa. Tiyakan, kay Allāh lamang bumabalik ang mga usapin sa pagtatakda sa mga ito at pangangasiwa sa mga ito.

Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences

Contents

Ayat al-Kursi36Al-Kahfpage 42juz 15Bukhari 1Muslim 2999

Style

Theme
Text size
Layout

Читать на русском