Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog
المؤمنون
Al-Mu'minun
The Believers · Meccan · 118 ayahs
Nagwagi nga ang mga mananampalataya kay Allāh, na mga gumagawa ayon sa Batas Niya, sa pagtamo ng hinihiling nila at pagkaligtas mula sa pinangingilabutan nila.
23:2Page 342
ٱلَّذِينَ هُمۡ فِي صَلَاتِهِمۡ خَٰشِعُونَ ٢
They who are during their prayer humbly intent
na sila sa pagdarasal nila ay mga nagpapakaaba, na napanatag nga rito ang mga bahagi ng katawan nila, at naalisan ang mga puso nila ng mga tagapagbagabag.
na sila sa kabulaanan, paglilibang, at anumang may pagsuway kabilang sa mga sinasabi at mga ginagawa ay mga tagaayaw,
na sila – para sa pagdadalisay ng mga sarili nila mula sa mga bisyo at pagdadalisay ng mga yaman nila sa pamamagitan ng pagbibigay ng zakāh ng mga ito – ay mga tagapagsagawa,
na sila sa mga ari nila sa pamamagitan ng paglalayo sa mga ito sa pangangalunya, sodomiya, at mga mahalay ay mga tagapag-ingat sapagkat sila ay mga mabini, mga dalisay,
23:6Page 342
إِلَّا عَلَىٰٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ أَوۡ مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ فَإِنَّهُمۡ غَيۡرُ مَلُومِينَ ٦
Except from their wives or those their right hands possess,1 for indeed, they will not be blamed -
maliban sa mga asawa nila o inari nilang babaing alipin sapagkat tunay na sila ay hindi masisisi sa pagpapakaligaya sa kanila sa pagtatalik at iba pa,
23:7Page 342
فَمَنِ ٱبۡتَغَىٰ وَرَآءَ ذَٰلِكَ فَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡعَادُونَ ٧
But whoever seeks beyond that, then those are the transgressors -
ngunit ang sinumang nagmithi ng pagpapakaligaya sa iba pa sa mga maybahay o mga babaing alipin niya na minamay-ari niya, siya ay lumalampas sa mga hangganan ni Allāh dahil sa paglampas sa ipinahintulot sa kanya na pagtatamasa patungo sa ipinagbawal sa kanya mula roon,
23:8Page 342
وَٱلَّذِينَ هُمۡ لِأَمَٰنَٰتِهِمۡ وَعَهۡدِهِمۡ رَٰعُونَ ٨
And they who are to their trusts and their promises attentive
na sila sa anumang ipinagkatiwala sa kanila ni Allāh o ipinagkatiwala sa kanila ng mga lingkod Niya at sa mga kasunduan sa kanila ay mga tagapangalaga: hindi sila nagpapabaya sa mga ito, bagkus tumutupad sila sa mga ito,
23:9Page 342
وَٱلَّذِينَ هُمۡ عَلَىٰ صَلَوَٰتِهِمۡ يُحَافِظُونَ ٩
And they who carefully maintain their prayers -
na sila sa mga dasal nila ay nangangalaga sa pamamagitan ng pagpapamalagi sa mga ito at sa pagsasagawa sa mga ito sa mga oras ng mga ito ayon sa mga saligan (rukn) ng mga ito, mga tungkulin (wājib) sa mga ito, at mga itinuturing na kaibig-ibig (mustaḥabb) sa mga ito.
Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay ang mga tagapagmana,
23:11Page 342
ٱلَّذِينَ يَرِثُونَ ٱلۡفِرۡدَوۡسَ هُمۡ فِيهَا خَٰلِدُونَ ١١
Who will inherit al-Firdaus.1 They will abide therein eternally.
na mga magmamana ng pinakamataas na paraiso. Sila roon ay mga mamamalagi magpakailanman: hindi mapuputol ang kaginhawahan nila roon.
23:12Page 342
وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ مِن سُلَٰلَةٖ مِّن طِينٖ ١٢
And certainly did We create man from an extract of clay.
Talaga ngang lumikha Kami ng ama ng sangkatauhan na si Adan mula sa putik, na kinuha ang alabok nito mula sa sangkap na hinango mula sa tubig na hinaluan ng alabok ng lupa.
23:13Page 342
ثُمَّ جَعَلۡنَٰهُ نُطۡفَةٗ فِي قَرَارٖ مَّكِينٖ ١٣
Then We placed him as a sperm-drop1 in a firm lodging [i.e., the womb].
Pagkatapos lumikha Kami sa mga supling niya na nagdadamihan mula sa isang patak na namamalagi sa sinapupunan hanggang sa oras ng panganganak.
23:14Page 342
ثُمَّ خَلَقۡنَا ٱلنُّطۡفَةَ عَلَقَةٗ فَخَلَقۡنَا ٱلۡعَلَقَةَ مُضۡغَةٗ فَخَلَقۡنَا ٱلۡمُضۡغَةَ عِظَٰمٗا فَكَسَوۡنَا ٱلۡعِظَٰمَ لَحۡمٗا ثُمَّ أَنشَأۡنَٰهُ خَلۡقًا ءَاخَرَۚ فَتَبَارَكَ ٱللَّهُ أَحۡسَنُ ٱلۡخَٰلِقِينَ ١٤
Then We made the sperm-drop into a clinging clot, and We made the clot into a lump [of flesh], and We made [from] the lump, bones, and We covered the bones with flesh; then We developed him into another creation. So blessed is Allāh, the best of creators.1
Kaya lumikha Kami matapos ng patak na iyon na namamalagi sa sinapupunan bilang pulang malalinta. Pagkatapos lumikha Kami sa pulang malalintang iyon bilang gaya ng isang piraso ng lamang nginuya, saka lumikha Kami sa piraso ng laman na iyon bilang mga butong nanigas, saka nagpadamit Kami sa mga butong iyon ng laman. Pagkatapos nagpaluwal Kami nito bilang iba pang nilikha sa pamamagitan ng pag-ihip ng kaluluwa rito at pagpapalabas rito tungo sa buhay. Kaya mapagpala si Allāh, ang pinakamaganda sa paggawa sa mga tagalikha.
Pagkatapos tunay na kayo, O mga tao, matapos na dumaan kayo sa mga baytang na iyon, ay mamamatay sa sandali ng pagwawakas ng mga taning ninyo.
23:16Page 342
ثُمَّ إِنَّكُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ تُبۡعَثُونَ ١٦
Then indeed you, on the Day of Resurrection, will be resurrected.
Pagkatapos tunay na kayo, matapos ng kamatayan ninyo, ay bubuhayin mula sa mga libingan ninyo sa Araw ng Pagbangon upang tuusin kayo sa ipinauna ninyo na gawa.
23:17Page 342
وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا فَوۡقَكُمۡ سَبۡعَ طَرَآئِقَ وَمَا كُنَّا عَنِ ٱلۡخَلۡقِ غَٰفِلِينَ ١٧
And We have created above you seven layered heavens, and never have We been of [Our] creation unaware.
Talaga ngang lumikha Kami sa ibabaw ninyo, O mga tao, ng pitong langit na nasa ibabaw ng isa't isa. Hindi Kami naging nalilingat sa paglikha Namin ni nakalilimot dito.
23:18Page 343
وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءَۢ بِقَدَرٖ فَأَسۡكَنَّٰهُ فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَإِنَّا عَلَىٰ ذَهَابِۭ بِهِۦ لَقَٰدِرُونَ ١٨
And We have sent down rain from the sky in a measured amount and settled it in the earth. And indeed, We are Able to take it away.
Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig ng ulan ayon sa sukat ng pangangailangan: hindi marami para makasira at hindi kaunti para hindi makasapat. Ginawa Namin ito na mamamalagi sa lupa, na makikinabang dito ang mga tao at ang mga hayop. Tunay na Kami ay talagang nakakakaya na mag-alis nito kaya hindi kayo makikinabang.
23:19Page 343
فَأَنشَأۡنَا لَكُم بِهِۦ جَنَّٰتٖ مِّن نَّخِيلٖ وَأَعۡنَٰبٖ لَّكُمۡ فِيهَا فَوَٰكِهُ كَثِيرَةٞ وَمِنۡهَا تَأۡكُلُونَ ١٩
And We brought forth for you thereby gardens of palm trees and grapevines in which for you are abundant fruits and from which you eat.
Kaya nagpaluwal Kami para sa inyo sa pamamagitan ng tubig na iyon ng mga pataniman ng mga datiles at mga ubas – ukol sa inyo sa mga ito ay mga prutas na sarisari ang mga anyo at ang mga kulay gaya ng igos, granada, at mansanas, at mula sa mga ito ay kumakain kayo.
23:20Page 343
وَشَجَرَةٗ تَخۡرُجُ مِن طُورِ سَيۡنَآءَ تَنۢبُتُ بِٱلدُّهۡنِ وَصِبۡغٖ لِّلۡأٓكِلِينَ ٢٠
And [We brought forth] a tree issuing from Mount Sinai which produces oil and food [i.e., olives] for those who eat.
Nagpaluwal Kami para sa inyo sa pamamagitan niyon ng punong-kahoy ng oliba na lumalabas sa rehiyon ng bundok ng Sinai, na nagpapatubo ng langis na hinahango mula sa bunga nito, na ipinanlalangis at ipinang-uulam.
23:21Page 343
وَإِنَّ لَكُمۡ فِي ٱلۡأَنۡعَٰمِ لَعِبۡرَةٗۖ نُّسۡقِيكُم مِّمَّا فِي بُطُونِهَا وَلَكُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ كَثِيرَةٞ وَمِنۡهَا تَأۡكُلُونَ ٢١
And indeed, for you in livestock is a lesson. We give you drink from that which is in their bellies, and for you in them are numerous benefits, and from them you eat.
Tunay na para sa inyo, O mga tao, sa mga hayupan (kamelyo, baka, at tupa) ay talagang may aral at katunayang maipatutunay ninyo sa kakayahan ni Allāh at kabaitan Niya sa inyo. Nagpapainom Kami sa inyo mula sa nasa mga tiyan ng mga hayupang ito ng gatas na dalisay na kasiya-siya para sa mga umiinom. Para sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang na marami, na nakikinabang kayo sa mga ito gaya ng pagsakay, lana, balahibo, at buhok, at kumakain kayo mula sa mga karne ng mga ito.
23:22Page 343
وَعَلَيۡهَا وَعَلَى ٱلۡفُلۡكِ تُحۡمَلُونَ ٢٢
And upon them and on ships you are carried.
Sa ibabaw ng mga kamelyo na mga hayupan sa katihan at sa ibabaw ng mga daong sa karagatan dinadala kayo.
23:23Page 343
وَلَقَدۡ أَرۡسَلۡنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوۡمِهِۦ فَقَالَ يَٰقَوۡمِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ ٢٣
And We had certainly sent Noah to his people, and he said, "O my people, worship Allāh; you have no deity other than Him; then will you not fear Him?"
Talaga ngang nagpadala Kami kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga kababayan niya, na nag-aanyaya sa kanila tungo kay Allāh, saka nagsabi siya: "O mga kababayan ko, sumamba kayo kay Allāh lamang; wala na kayong sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya?"
23:24Page 343
فَقَالَ ٱلۡمَلَؤُاْ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ مِن قَوۡمِهِۦ مَا هَٰذَآ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يُرِيدُ أَن يَتَفَضَّلَ عَلَيۡكُمۡ وَلَوۡ شَآءَ ٱللَّهُ لَأَنزَلَ مَلَٰٓئِكَةٗ مَّا سَمِعۡنَا بِهَٰذَا فِيٓ ءَابَآئِنَا ٱلۡأَوَّلِينَ ٢٤
But the eminent among those who disbelieved from his people said, "This is not but a man like yourselves who wishes to take precedence over you; and if Allāh had willed [to send a messenger], He would have sent down angels. We have not heard of this among our forefathers.
Kaya nagsabi ang mga maharlika at ang mga pinuno na tumangging sumampalataya kay Allāh kabilang sa mga kababayan niya sa mga tagasunod nila at madla nila: "Walang iba itong nag-aakala na siya ay isang sugo kundi isang taong tulad ninyo, na nagnanais ng pagkapangulo at pamumuno sa inyo. Kaya kung sakaling niloob ni Allāh na magsugo sa atin ng isang sugo ay talaga sanang nagsugo Siya nito mula sa mga anghel at hindi Siya magsusugo nito mula sa tao. Hindi tayo nakarinig hinggil sa tulad ng inaangkin niya sa ganang mga ninuno nating nauna sa atin.
23:25Page 343
إِنۡ هُوَ إِلَّا رَجُلُۢ بِهِۦ جِنَّةٞ فَتَرَبَّصُواْ بِهِۦ حَتَّىٰ حِينٖ ٢٥
He is not but a man possessed with madness, so wait concerning him for a time."
Walang iba siya kundi isang lalaking mayroon sa kanyang pagkabaliw, na walang namamalayan sa sinasabi niya, kaya maghintay kayo sa kanya hanggang sa lumiwanag ang lagay niya sa mga tao."
23:26Page 343
قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِي بِمَا كَذَّبُونِ ٢٦
[Noah] said, "My Lord, support me because they have denied me."
Nagsabi si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Panginoon ko, mag-adya Ka sa akin laban sa kanila sa pamamagitan ng paghihiganti Mo sa kanila para sa akin dahilan sa pagpapasinungaling nila sa akin."
23:27Page 343
فَأَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡهِ أَنِ ٱصۡنَعِ ٱلۡفُلۡكَ بِأَعۡيُنِنَا وَوَحۡيِنَا فَإِذَا جَآءَ أَمۡرُنَا وَفَارَ ٱلتَّنُّورُ فَٱسۡلُكۡ فِيهَا مِن كُلّٖ زَوۡجَيۡنِ ٱثۡنَيۡنِ وَأَهۡلَكَ إِلَّا مَن سَبَقَ عَلَيۡهِ ٱلۡقَوۡلُ مِنۡهُمۡۖ وَلَا تُخَٰطِبۡنِي فِي ٱلَّذِينَ ظَلَمُوٓاْ إِنَّهُم مُّغۡرَقُونَ ٢٧
So We inspired to him, "Construct the ship under Our observation and Our inspiration, and when Our command comes and the oven overflows,1 put into it [i.e., the ship] from each [creature] two mates and your family, except him for whom the decree [of destruction] has proceeded. And do not address Me concerning those who have wronged; indeed, they are to be drowned.
Kaya nagkasi Kami sa kanya, na [nagsasabi]: "Yumari ka ng arko sa [ilalim ng] isang pagtingin mula sa Amin at pagtuturo Namin sa iyo kung papaano mong yayariin iyon. Kaya kapag dumating ang utos Namin ng pagpapahamak sa kanila at bumukal ang tubig nang may lakas mula sa lugar na pinaghuhurnuhan ay magpasok ka sa loob niyon ng mula sa bawat buhay na lalaki at babae upang magpatuloy ang lahi at magpasok ka ng mag-anak mo – maliban sa isang nauna sa kanya ang hatol mula kay Allāh ng pagpapahamak – tulad ng maybahay mo at anak mo. Huwag kang kumausap sa Akin kaugnay sa mga lumabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya, hinggil sa paghiling ng kaligtasan nila at pagtigil sa pagpapahamak sa kanila; tunay na sila ay mga ipapapahamak – walang pasubali – sa pamamagitan ng pagkalunod sa tubig ng gunaw.
23:28Page 344
فَإِذَا ٱسۡتَوَيۡتَ أَنتَ وَمَن مَّعَكَ عَلَى ٱلۡفُلۡكِ فَقُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي نَجَّىٰنَا مِنَ ٱلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ ٢٨
And when you have boarded the ship, you and those with you, then say, 'Praise to Allāh who has saved us from the wrongdoing people.'
Kaya kapag pumaibabaw ka sa arko at ang sinumang kasama sa iyo kabilang sa mga mananampalatayang maliligtas ay sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na sumagip sa amin mula sa mga taong tagatangging sumampalataya, saka nagpahamak sa kanila."
23:29Page 344
وَقُل رَّبِّ أَنزِلۡنِي مُنزَلٗا مُّبَارَكٗا وَأَنتَ خَيۡرُ ٱلۡمُنزِلِينَ ٢٩
And say, 'My Lord, let me land at a blessed landing place, and You are the best to accommodate [us].'"
Sabihin mo: "Panginoon ko, magpatuloy Ka sa akin mula sa lupa nang isang pagpapatuloy na pinagpala yamang Ikaw ay ang pinakamabuti sa mga tagapagpatuloy."
23:30Page 344
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ وَإِن كُنَّا لَمُبۡتَلِينَ ٣٠
Indeed in that are signs, and indeed, We are ever testing [Our servants].
Tunay na sa nabanggit na iyon na pagliligtas kay Noe at sa mga mananampalatayang kasama sa kanya at pagpapahamak sa mga tagatangging sumampalataya ay talagang may mga katunayang hayag sa kakayahan Namin sa pag-aadya sa mga sugo Namin at sa pagpapahamak sa mga tagapagpasinungaling sa kanila. Tunay na Kami noon ay talagang sumusulit sa mga kababayan ni Noe sa pamamagitan ng pagsusugo sa kanya sa kanila upang mapaglinawan ang mananampalataya sa tagatangging sumampalataya, at ang tagatalima sa tagasuway.
23:31Page 344
ثُمَّ أَنشَأۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِمۡ قَرۡنًا ءَاخَرِينَ ٣١
Then We produced after them a generation of others.
Pagkatapos ay nagpaluwal Kami nang matapos ng pagpapahamak sa mga kababayan ni Noe ng iba pang kalipunan.
23:32Page 344
فَأَرۡسَلۡنَا فِيهِمۡ رَسُولٗا مِّنۡهُمۡ أَنِ ٱعۡبُدُواْ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنۡ إِلَٰهٍ غَيۡرُهُۥٓۚ أَفَلَا تَتَّقُونَ ٣٢
And We sent among them a messenger1 from themselves, [saying], "Worship Allāh; you have no deity other than Him; then will you not fear Him?"
Saka nagpadala Kami sa kanila ng isang sugong kabilang sa kanila, na nag-aanyaya sa kanila tungo kay Allāh, saka nagsasabi ito sa kanila: "Sumamba kayo kay Allāh lamang; walang ukol sa inyo na anumang sinasamba ayon sa karapatan, na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya hindi ba kayo mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga sinasaway Niya at pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya?"
23:33Page 344
وَقَالَ ٱلۡمَلَأُ مِن قَوۡمِهِ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ وَكَذَّبُواْ بِلِقَآءِ ٱلۡأٓخِرَةِ وَأَتۡرَفۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا مَا هَٰذَآ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُكُمۡ يَأۡكُلُ مِمَّا تَأۡكُلُونَ مِنۡهُ وَيَشۡرَبُ مِمَّا تَشۡرَبُونَ ٣٣
And the eminent among his people who disbelieved and denied the meeting of the Hereafter while We had given them luxury in the worldly life said, "This is not but a man like yourselves. He eats of that from which you eat and drinks of what you drink.
Ang mga maharlika at ang mga pinuno kabilang sa mga kalipi niya na tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa Kabilang-buhay at anumang naroon na gantimpala at parusa samantalang nagpalabis sa kanila sa ipinagkaloob sa kanila na mga biyaya sa buhay na pangmundo ay nagsabi sa mga tagasunod nila at madla nila: "Walang iba ito kung isang taong tulad ninyo; kumakain siya mula sa kinakain ninyo at umiinom siya mula sa iniinom ninyo, kaya wala siyang pagkatangi sa inyo upang ipadala bilang sugo sa inyo.
23:34Page 344
وَلَئِنۡ أَطَعۡتُم بَشَرٗا مِّثۡلَكُمۡ إِنَّكُمۡ إِذٗا لَّخَٰسِرُونَ ٣٤
And if you should obey a man like yourselves, indeed, you would then be losers.
Talagang kung tumalima kayo sa isang taong tulad ninyo, tunay na kayo, samakatuwid, ay talagang mga lugi dahil sa kawalan ng pakikinabang ninyo sa pagtalima sa kanya at dahil sa pag-iwan ninyo sa mga diyos ninyo at pagsunod sa isang walang kalamangan sa kanya sa inyo.
23:35Page 344
أَيَعِدُكُمۡ أَنَّكُمۡ إِذَا مِتُّمۡ وَكُنتُمۡ تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَنَّكُم مُّخۡرَجُونَ ٣٥
Does he promise you that when you have died and become dust and bones that you will be brought forth [once more]?
Nangangako ba sa inyo ang nag-aangking ito na siya ay sugo, na kayo, kapag namatay kayo at naging alabok at butong durog kayo, ay ilalabas kayo mula sa mga libingan ninyo bilang mga buhay? Maiisip ba ito?
23:36Page 344
۞ هَيۡهَاتَ هَيۡهَاتَ لِمَا تُوعَدُونَ ٣٦
How far, how far, is that which you are promised.1
Lubhang malayo ang ipinangangako sa inyo na pagpapalabas sa inyo mula sa mga libingan ninyo bilang mga buhay matapos ng kamatayan ninyo. Ang kahahantungan niyon ay maging alabok at butong durog.
23:37Page 344
إِنۡ هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا ٱلدُّنۡيَا نَمُوتُ وَنَحۡيَا وَمَا نَحۡنُ بِمَبۡعُوثِينَ ٣٧
It [i.e., life] is not but our worldly life - we die and live, but we will not be resurrected.
Walang iba ang buhay kundi ang buhay na pangmundo: walang buhay na pangkabilang-buhay. Namamatay ang mga buhay sa atin at hindi nabubuhay. Ipinanganganak ang mga iba pa saka nabubuhay sila. Tayo ay hindi mga palalabasin [mula sa libingan] matapos ng kamatayan natin para sa pagtutuos sa Araw ng Pagbangon.
23:38Page 344
إِنۡ هُوَ إِلَّا رَجُلٌ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا وَمَا نَحۡنُ لَهُۥ بِمُؤۡمِنِينَ ٣٨
He is not but a man who has invented a lie about Allāh, and we will not believe him."
Walang iba itong nag-aangking siya ay sugo sa inyo kundi isang lalaking lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan dahil sa pag-aangkin niya nito. Hindi tayo sa kanya mga maniniwala."
23:39Page 344
قَالَ رَبِّ ٱنصُرۡنِي بِمَا كَذَّبُونِ ٣٩
He said, "My Lord, support me because they have denied me."
Nagsabi ang Sugo: "Panginoon ko, mag-adya Ka sa akin laban sa kanila sa pamamagitan ng paghihiganti Mo sa kanila para sa akin dahilan sa pagpapasinungaling nila sa akin."
23:40Page 344
قَالَ عَمَّا قَلِيلٖ لَّيُصۡبِحُنَّ نَٰدِمِينَ ٤٠
[Allāh] said, "After a little, they will surely become regretful."
Kaya sumagot si Allāh, na nagsasabi: "Matapos ng kaunting panahon, ang mga tagapagpasinungaling na ito sa inihatid mo ay magiging mga magsisisi dahil sa naganap mula sa kanila na pagpapasinungaling."
23:41Page 344
فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ بِٱلۡحَقِّ فَجَعَلۡنَٰهُمۡ غُثَآءٗۚ فَبُعۡدٗا لِّلۡقَوۡمِ ٱلظَّٰلِمِينَ ٤١
So the shriek1 seized them in truth,2 and We made them as [plant] stubble. Then away with the wrongdoing people.
Kaya dumaklot sa kanila ang isang matinding tunog na nakapagpapahamak dahil sa pagiging karapat-dapat nila sa pagdurusa dahil sa kasutilan nila. Kaya ginawa sila ng mga pagkapahamak na tulad ng yagit ng baha. Kaya kapahamakan ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan.
23:42Page 344
ثُمَّ أَنشَأۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِمۡ قُرُونًا ءَاخَرِينَ ٤٢
Then We produced after them other generations.
Pagkatapos matapos ng pagpapahamak sa kanila ay nagpaluwal Kami ng mga tao at mga kalipunang iba pa tulad ng mga tao ni Lot, mga tao ni Shu`ayb, at mga tao ni Jonas.
23:43Page 345
مَا تَسۡبِقُ مِنۡ أُمَّةٍ أَجَلَهَا وَمَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ ٤٣
No nation will precede its time [of termination], nor will they remain [thereafter].
Hindi nakauuna ang anumang kalipunan kabilang sa mga kalipunang tagapagpasinungaling na ito sa oras na tinakdaan para sa pagdating ng kapahamakan nito at hindi naaantala ito, maging anuman ang mga kaparaanang mayroon ang mga ito.
23:44Page 345
ثُمَّ أَرۡسَلۡنَا رُسُلَنَا تَتۡرَاۖ كُلَّ مَا جَآءَ أُمَّةٗ رَّسُولُهَا كَذَّبُوهُۖ فَأَتۡبَعۡنَا بَعۡضَهُم بَعۡضٗا وَجَعَلۡنَٰهُمۡ أَحَادِيثَۚ فَبُعۡدٗا لِّقَوۡمٖ لَّا يُؤۡمِنُونَ ٤٤
Then We sent Our messengers in succession. Every time there came to a nation its messenger, they denied him, so We made them follow one another [to destruction], and We made them narrations.1 So away with a people who do not believe.
Pagkatapos nagpadala Kami ng mga sugo Namin na mga nagkakasunuran: isang sugo kasunod ng isang sugo. Sa tuwing dumarating sa isang kalipunan kabilang sa mga kalipunang iyon ang sugo nitong ipinadala rito ay nagpapasinungaling sila rito. Kaya nagpasunod Kami sa iba sa kanila ng iba pa kalakip ng kapahamakan kaya walang natira sa kanila na kairalan maliban sa mga usapan ng mga tao tungkol sa kanila. Kaya kapahamakan ay ukol sa mga taong hindi sumasampalataya sa inihatid sa kanila ng mga sugo nila mula sa ganang Panginoon nila.
23:45Page 345
ثُمَّ أَرۡسَلۡنَا مُوسَىٰ وَأَخَاهُ هَٰرُونَ بِـَٔايَٰتِنَا وَسُلۡطَٰنٖ مُّبِينٍ ٤٥
Then We sent Moses and his brother Aaron with Our signs and a clear authority1
Pagkatapos nagpadala Kami kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron kalakip ng siyam na tanda Namin (ang tungkod, ang kamay, ang balang, ang mga kuto, ang mga palaka, ang dugo, ang baha, ang tagtuyot,ang pagkabawas ng mga bunga) at isang katwirang maliwanag.
23:46Page 345
إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ وَمَلَإِيْهِۦ فَٱسۡتَكۡبَرُواْ وَكَانُواْ قَوۡمًا عَالِينَ ٤٦
To Pharaoh and his establishment, but they were arrogant and were a haughty people.
Nagpadala Kami sa kanilang dalawa kay Paraon at sa mga maharlika kabilang sa mga tao nito ngunit nagmalaki sila sapagkat hindi sila nagpaakay sa paniniwala sa dalawa. Sila noon ay mga taong nagmamataas sa mga tao sa pamamagitan ng panlulupig at kawalang-katarungan.
23:47Page 345
فَقَالُوٓاْ أَنُؤۡمِنُ لِبَشَرَيۡنِ مِثۡلِنَا وَقَوۡمُهُمَا لَنَا عَٰبِدُونَ ٤٧
They said, "Should we believe two men like ourselves while their people are for us in servitude?"
Kaya nagsabi sila: "Maniniwala ba kami sa dalawang taong tulad namin, na walang pagkatangi sa kanilang dalawa higit sa amin, samantalang ang mga kalipi nilang dalawa (ang mga anak ni Israel) sa amin ay mga tagatalima na mga tagapagpasakop?"
23:48Page 345
فَكَذَّبُوهُمَا فَكَانُواْ مِنَ ٱلۡمُهۡلَكِينَ ٤٨
So they denied them and were of those destroyed.
Kaya nagpasinungaling sila sa kanilang dalawa sa inihatid nilang dalawa mula sa ganang kay Allāh kaya sila, dahilan sa pagpapasinungaling nila, ay naging kabilang sa mga ipinahahamak sa pamamagitan ng pagkalunod.
23:49Page 345
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ لَعَلَّهُمۡ يَهۡتَدُونَ ٤٩
And We certainly gave Moses the Scripture that perhaps they1 would be guided.
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah sa pag-asang mapatnubayan sa pamamagitan nito ang mga kalipi niya tungo sa katotohanan at gumawa sila ayon dito.
23:50Page 345
وَجَعَلۡنَا ٱبۡنَ مَرۡيَمَ وَأُمَّهُۥٓ ءَايَةٗ وَءَاوَيۡنَٰهُمَآ إِلَىٰ رَبۡوَةٖ ذَاتِ قَرَارٖ وَمَعِينٖ ٥٠
And We made the son of Mary and his mother a sign and sheltered them within a high ground having level [areas] and flowing water.
Gumawa Kami kay Jesus na anak ni Maria at ina niyang si Maria bilang palatandaang nagpapatunay sa kakayahan Namin sapagkat ipinagbuntis nito siya nang walang ama. Nagkanlong Kami sa kanilang dalawa sa isang pook na mataas sa lupa, patag na naaangkop sa pananatili roon, na may tubig na dumadaloy nang tuluy-tuloy.
23:51Page 345
يَٰٓأَيُّهَا ٱلرُّسُلُ كُلُواْ مِنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَٱعۡمَلُواْ صَٰلِحًاۖ إِنِّي بِمَا تَعۡمَلُونَ عَلِيمٞ ٥١
[Allāh said], "O messengers, eat from the good foods and work righteousness. Indeed I, of what you do, am Knowing.
O mga sugo, kumain kayo mula sa ipinahintulot para sa inyo kabilang sa itinuturing na kaaya-aya ang pagkain niyon, at gumawa kayo ng maayos na umaalinsunod sa Batas. Tunay na Ako sa anumang ginagawa ninyo na gawain ay Maalam: walang nakakukubli sa Akin mula sa mga gawa ninyo na anuman.
23:52Page 345
وَإِنَّ هَٰذِهِۦٓ أُمَّتُكُمۡ أُمَّةٗ وَٰحِدَةٗ وَأَنَا۠ رَبُّكُمۡ فَٱتَّقُونِ ٥٢
And indeed this, your religion, is one religion,1 and I am your Lord, so fear Me."
Tunay na ang kapaniwalaan ninyo, O Sugo, ay kapaniwalaang nag-iisa, ang Islām, at Ako ay Panginoon ninyo – walang Panginoon para sa inyo na iba pa sa Akin – kaya mangilag kayong magkasala sa Akin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Ko at pag-iwas sa mga sinasaway Ko.
23:53Page 345
فَتَقَطَّعُوٓاْ أَمۡرَهُم بَيۡنَهُمۡ زُبُرٗاۖ كُلُّ حِزۡبِۭ بِمَا لَدَيۡهِمۡ فَرِحُونَ ٥٣
But they [i.e., the people] divided their religion among them into portions [i.e., sects] - each faction, in what it has,1 rejoicing.
Ngunit nagkahati-hati sa relihiyon ang mga tagasunod nila matapos nila kaya sila ay naging mga lapian at mga kampihan. Bawat lapian ay humahanga sa pinaniniwalaan nito, na ito raw ay ang relihiyong kinalulugdan sa ganang kay Allāh, at hindi pumapansin sa anumang nasa ganang iba pa rito.
23:54Page 345
فَذَرۡهُمۡ فِي غَمۡرَتِهِمۡ حَتَّىٰ حِينٍ ٥٤
So leave them in their confusion for a time.
Kaya iwan mo sila, O Sugo, sa anumang nasa kanila na kamangmangan at pagkalito hanggang sa panahon ng pagbaba ng pagdurusa sa kanila.
23:55–56Page 345
أَيَحۡسَبُونَ أَنَّمَا نُمِدُّهُم بِهِۦ مِن مَّالٖ وَبَنِينَ ٥٥
Do they think that what We extend to them of wealth and children
نُسَارِعُ لَهُمۡ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِۚ بَل لَّا يَشۡعُرُونَ ٥٦
Is [because] We hasten for them good things? Rather, they do not perceive.1
Nagpapalagay ba itong mga lapiang natutuwa sa taglay nila na ang ibinibigay Namin sa kanila na mga yaman at mga anak sa buhay na pangmundo ay pagmamadali ng kabutihan para sa kanila, na nagiging karapat-dapat sila roon? Ang usapin ay hindi gaya ng ipinagpalagay nila. Nagbibigay lamang Kami sa kanila niyon bilang pagpupuno at pagpapain para sa kanila subalit sila hindi nakadarama niyon.
23:57Page 345
إِنَّ ٱلَّذِينَ هُم مِّنۡ خَشۡيَةِ رَبِّهِم مُّشۡفِقُونَ ٥٧
Indeed, they who are apprehensive from fear of their Lord
Tunay na silang kalakip ng pananampalataya nila at paggawa nila ng maganda ay mga nasisindak sa Panginoon nila,
23:58Page 345
وَٱلَّذِينَ هُم بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِمۡ يُؤۡمِنُونَ ٥٨
And they who believe in the signs of their Lord
na silang sa mga tanda ng Kasulatan Niya ay sumasampalataya,
23:59Page 345
وَٱلَّذِينَ هُم بِرَبِّهِمۡ لَا يُشۡرِكُونَ ٥٩
And they who do not associate anything with their Lord
na silang naniniwala sa kaisahan ng Panginoon nila ay hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman,
23:60Page 346
وَٱلَّذِينَ يُؤۡتُونَ مَآ ءَاتَواْ وَّقُلُوبُهُمۡ وَجِلَةٌ أَنَّهُمۡ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ رَٰجِعُونَ ٦٠
And they who give what they give while their hearts are fearful1 because they will be returning to their Lord -
na nagsusumikap sa mga gawain ng pagpapakabuti at nagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng mga gawang maayos habang sila ay mga nangangamba na hindi tumanggap si Allāh mula sa kanila ng paggugol nila at mga gawa nilang maayos kapag bumalik sila sa Kanya sa Araw ng Pagbangon,
23:61Page 346
أُوْلَٰٓئِكَ يُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِ وَهُمۡ لَهَا سَٰبِقُونَ ٦١
It is those who hasten to good deeds, and they outstrip [others] therein.
ang mga nailarawang iyon sa mga dakilang katangiang ito ay nagdadali-dali tungo sa mga gawang maayos, at sila tungo sa mga ito ay mga nauuna at alang-alang sa mga ito ay nauna sila sa iba pa sa kanila.
23:62Page 346
وَلَا نُكَلِّفُ نَفۡسًا إِلَّا وُسۡعَهَاۚ وَلَدَيۡنَا كِتَٰبٞ يَنطِقُ بِٱلۡحَقِّ وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ ٦٢
And We charge no soul except [with that within] its capacity, and with Us is a record which speaks with truth; and they will not be wronged.
Hindi Kami nag-aatang sa isang kaluluwa malibang ayon sa sukat ng nakakaya nitong gawain. Sa ganang Amin ay may isang talaang pinagtibay Namin doon ang gawain ng bawat gumagawa, na bumibigkas ayon sa katotohanang walang pag-aatubili hinggil doon, at sila ay hindi lalabagin sa katarungan sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga magandang gawa nila ni ng pagdaragdag sa mga masagwang gawa nila.
23:63Page 346
بَلۡ قُلُوبُهُمۡ فِي غَمۡرَةٖ مِّنۡ هَٰذَا وَلَهُمۡ أَعۡمَٰلٞ مِّن دُونِ ذَٰلِكَ هُمۡ لَهَا عَٰمِلُونَ ٦٣
But their hearts are covered with confusion over this, and they have [evil] deeds besides that [i.e., disbelief] which they are doing,
Bagkus ang mga puso ng mga tagatangging sumampalataya ay nasa isang pagkalingat sa talaang ito na bumibigkas ng katotohanan at Aklat na bumaba sa kanila. Mayroon silang mga gawang iba pa bukod pa roon sa taglay nila na kawalang-pananampalataya, na sila ay gumagawa ng mga ito.
23:64Page 346
حَتَّىٰٓ إِذَآ أَخَذۡنَا مُتۡرَفِيهِم بِٱلۡعَذَابِ إِذَا هُمۡ يَجۡـَٔرُونَ ٦٤
Until when We seize their affluent ones with punishment,1 at once they are crying [to Allāh] for help.
Hanggang sa nang nagparusa Kami sa mga pinaginhawa sa kanila sa Mundo ng pagdurusa sa Araw ng Pagbangon, biglang sila ay nagtataas ng mga tinig nila habang mga nagpapasaklolo.
23:65Page 346
لَا تَجۡـَٔرُواْ ٱلۡيَوۡمَۖ إِنَّكُم مِّنَّا لَا تُنصَرُونَ ٦٥
Do not cry out today. Indeed, by Us you will not be helped.
Sasabihin sa kanila bilang pagpapawalang-pag-asa para sa kanila sa awa ni Allāh: "Huwag kayong sumigaw at huwag kayong magpasaklolo sa araw na ito sapagkat walang tagapag-adya para sa inyo na magsasanggalang sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh."
23:66Page 346
قَدۡ كَانَتۡ ءَايَٰتِي تُتۡلَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَكُنتُمۡ عَلَىٰٓ أَعۡقَٰبِكُمۡ تَنكِصُونَ ٦٦
My verses had already been recited to you, but you were turning back on your heels
Ang mga talata ng Aklat ni Allāh noon ay binibigkas sa inyo sa Mundo ngunit kayo noon ay bumabalik patalikod sa mga ito kapag nakarinig kayo sa mga ito dala ng pagkasuklam sa mga ito.
23:67Page 346
مُسۡتَكۡبِرِينَ بِهِۦ سَٰمِرٗا تَهۡجُرُونَ ٦٧
In arrogance regarding it,1 conversing by night, speaking evil.
Gumagawa kayo niyon habang mga nagmamalaki sa mga tao dahil nag-aangkin kayo na kayo ay mga naninirahan sa Ḥaram samantalang kayo ay hindi naman mga naninirahan doon dahil ang mga naninirahan doon ay ang mga tagapangilag sa pagkakasala, samantalang nagpupuyatan kayo sa paligid niyon sa [pagsambit ng] masagwa kabilang sa sinasabi sapagkat kayo ay hindi nagbabanal niyon.
23:68Page 346
أَفَلَمۡ يَدَّبَّرُواْ ٱلۡقَوۡلَ أَمۡ جَآءَهُم مَّا لَمۡ يَأۡتِ ءَابَآءَهُمُ ٱلۡأَوَّلِينَ ٦٨
Then have they not reflected over the word [i.e., the Qur’ān], or has there come to them that which had not come to their forefathers?
Kaya hindi ba nagmumuni-muni ang mga tagapagtambal na ito sa pinababa ni Allāh na Qur'ān upang sumampalataya rito at gumawa ayon sa narito, o dumating sa kanila ang hindi dumating sa mga ninuno nila noong bago pa nila kaya umayaw sila roon at nagpasinungaling sila roon?
23:69Page 346
أَمۡ لَمۡ يَعۡرِفُواْ رَسُولَهُمۡ فَهُمۡ لَهُۥ مُنكِرُونَ ٦٩
Or did they not know their Messenger, so they are toward him disacknowledging?
O tunay na sila ay hindi nakakilala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na isinugo ni Allāh sa kanila, kaya sila ay mga tagapagkaila sa kanya? Talaga ngang nakakilala sila sa kanya at nakakilala sila sa katapatan niya at pagkamapagkakatiwalaan niya.
23:70Page 346
أَمۡ يَقُولُونَ بِهِۦ جِنَّةُۢۚ بَلۡ جَآءَهُم بِٱلۡحَقِّ وَأَكۡثَرُهُمۡ لِلۡحَقِّ كَٰرِهُونَ ٧٠
Or do they say, "In him is madness"? Rather, he brought them the truth, but most of them, to the truth, are averse.
Bagkus nagsasabi silang siya ay baliw. Talaga ngang nagsinungaling sila. Bagkus naghatid siya sa kanila ng katotohanang walang pag-aatubili hinggil dito na ito ay mula sa ganang kay Allāh, habang ang karamihan sa kanila ay mga nasusuklam sa katotohanan, mga namumuhi rito dala ng inggit mula sa ganang mga sarili nila at dala ng pagkapanatiko sa kabulaanan nila.
23:71Page 346
وَلَوِ ٱتَّبَعَ ٱلۡحَقُّ أَهۡوَآءَهُمۡ لَفَسَدَتِ ٱلسَّمَٰوَٰتُ وَٱلۡأَرۡضُ وَمَن فِيهِنَّۚ بَلۡ أَتَيۡنَٰهُم بِذِكۡرِهِمۡ فَهُمۡ عَن ذِكۡرِهِم مُّعۡرِضُونَ ٧١
But if the Truth [i.e., Allāh] had followed their inclinations, the heavens and the earth and whoever is in them would have been ruined. Rather, We have brought them their message,1 but they, from their message, are turning away.
Kung sakaling nagpatakbo si Allāh ng mga bagay-bagay at nangasiwa Siya sa mga ito alinsunod sa pinipithaya ng mga sarili nila ay talaga sanang nagulo ang mga langit at ang lupa at nagulo ang sinumang nasa mga ito dahil sa kamangmangan nila hinggil sa mga kahihinatnan ng mga bagay-bagay at hinggil sa tumpak at tiwali na pangangasiwa. Bagkus nagbigay sa kanila ng may dulot ng dignidad nila at karangalan nila, ang Qur'ān, ngunit sila rito ay mga tagaayaw.
23:72Page 346
أَمۡ تَسۡـَٔلُهُمۡ خَرۡجٗا فَخَرَاجُ رَبِّكَ خَيۡرٞۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلرَّٰزِقِينَ ٧٢
Or do you, [O Muḥammad], ask them for payment? But the reward of your Lord is best, and He is the best of providers.
Humiling ka ba, O Sugo, ng pabuya mula sa mga ito kapalit ng inihatid mo sa kanila at iyon ay nagtulak sa kanila na tumanggi sa paanyaya? Ito ay hindi nangyari mula sa iyo sapagkat ang gantimpala ng Panginoon mo at ang pabuya Niya ay higit na mabuti kaysa sa gantimpala ng mga ito at iba pa sa kanila. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang pinakamabuti sa mga tagatustos.
23:73Page 346
وَإِنَّكَ لَتَدۡعُوهُمۡ إِلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ ٧٣
And indeed, you invite them to a straight path.
Tunay na ikaw, O Sugo, ay talagang nag-aanyaya sa mga ito at sa iba pa sa kanila tungo sa isang daang tuwid, na walang pagkabaluktot doon. Iyon ay ang daan ng Islām.
23:74Page 346
وَإِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يُؤۡمِنُونَ بِٱلۡأٓخِرَةِ عَنِ ٱلصِّرَٰطِ لَنَٰكِبُونَ ٧٤
But indeed, those who do not believe in the Hereafter are deviating from the path.
Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay at anumang naroon na pagtutuos, parusa, at gantimpala ay talagang mga lumilihis palayo sa daan ng Islām patungo sa iba pang mga daang baluktot na nagpaparating sa Apoy.
23:75Page 347
۞ وَلَوۡ رَحِمۡنَٰهُمۡ وَكَشَفۡنَا مَا بِهِم مِّن ضُرّٖ لَّلَجُّواْ فِي طُغۡيَٰنِهِمۡ يَعۡمَهُونَ ٧٥
And even if We gave them mercy and removed what was upon them of affliction, they would persist in their transgression, wandering blindly.
Kahit pa naawa Kami sa kanila at pumawi Kami sa kanila ng dinaranas nilang tagtuyot at pagkagutom ay talagang magpapatuloy sila sa pagkaligaw nila palayo sa katotohanan, na nag-aatubili at nangangapa.
23:76Page 347
وَلَقَدۡ أَخَذۡنَٰهُم بِٱلۡعَذَابِ فَمَا ٱسۡتَكَانُواْ لِرَبِّهِمۡ وَمَا يَتَضَرَّعُونَ ٧٦
And We had gripped them with suffering [as a warning], but they did not yield to their Lord, nor did they humbly supplicate, [and will continue thus]
Talaga ngang sumulit Kami sa kanila sa pamamagitan ng mga uri ng mga kapahamakan ngunit hindi sila nagpakaaba sa Panginoon nila, hindi sila nagpasakop sa Kanya, at hindi sila dumalangin sa Kanya habang mga nagpapakumbaba upang pawiin Niya sa kanila ang mga kapahamakan sa sandali ng pagbaba ng mga ito.
23:77Page 347
حَتَّىٰٓ إِذَا فَتَحۡنَا عَلَيۡهِم بَابٗا ذَا عَذَابٖ شَدِيدٍ إِذَا هُمۡ فِيهِ مُبۡلِسُونَ ٧٧
Until when We have opened before them a door of severe punishment, immediately they will be therein in despair.
Hanggang sa nang nagbukas Kami sa kanila ng isang pintuan ng pagdurusang matindi, biglang sila roon ay mga nawawalan ng pag-asa sa bawat kaluwagan at kabutihan.
23:78Page 347
وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَنشَأَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَۚ قَلِيلٗا مَّا تَشۡكُرُونَ ٧٨
And it is He who produced for you hearing and vision and hearts [i.e., intellect]; little are you grateful.
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang lumikha para sa inyo, O mga tagapagpasinungaling sa pagkabuhay na muli, ng pandinig upang ipandinig ninyo, mga paningin upang ipantingin ninyo, at mga puso upang ipantalos ninyo. Sa kabila niyon ay hindi kayo nagpapasalamat sa mga biyayang ito malibang kaunti.
23:79Page 347
وَهُوَ ٱلَّذِي ذَرَأَكُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ وَإِلَيۡهِ تُحۡشَرُونَ ٧٩
And it is He who has multiplied you throughout the earth, and to Him you will be gathered.
Siya ay ang lumikha sa inyo, O mga tao, sa lupa. Tungo sa Kanya lamang sa Araw ng Pagbangon ay kakalapin kayo para sa pagtutuos at pagganti.
23:80Page 347
وَهُوَ ٱلَّذِي يُحۡيِۦ وَيُمِيتُ وَلَهُ ٱخۡتِلَٰفُ ٱلَّيۡلِ وَٱلنَّهَارِۚ أَفَلَا تَعۡقِلُونَ ٨٠
And it is He who gives life and causes death, and His is the alternation of the night and the day. Then will you not reason?
Siya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagbibigay-buhay sapagkat walang tagapagbigay-buhay na iba pa sa Kanya. Siya lamang ay ang nagbibigay-kamatayan sapagkat walang tagapagbigay-kamatayan bukod pa sa Kanya. Sa Kanya ang pagtatakda sa pagsasalitan ng gabi at maghapon sa dilim at pagliliwanag, at sa haba at ikli. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa sa kakayahan Niya at pamumukod-tangi Niya sa paglikha at pangangasiwa?
23:81Page 347
بَلۡ قَالُواْ مِثۡلَ مَا قَالَ ٱلۡأَوَّلُونَ ٨١
Rather,1 they say like what the former peoples said.
Bagkus nagsabi sila ng tulad sa sinabi ng mga magulang nila at mga ninuno nila sa kawalang-pananampalataya.
23:82Page 347
قَالُوٓاْ أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ ٨٢
They said, "When we have died and become dust and bones, are we indeed to be resurrected?
Nagsabi sila nang may pagtuturing ng kaimposiblehan at pagkakaila: "Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga butong durog, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin bilang mga buhay para sa pagtutuos?"
23:83Page 347
لَقَدۡ وُعِدۡنَا نَحۡنُ وَءَابَآؤُنَا هَٰذَا مِن قَبۡلُ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّآ أَسَٰطِيرُ ٱلۡأَوَّلِينَ ٨٣
We have been promised this, we and our forefathers, before; this is not but legends of the former peoples."
Talaga ngang pinangakuan Kami ng pangakong ito – ang pagkabuhay na muli matapos ng kamatayan – at pinangakuan ang mga ninuno namin bago pa niyan nang gayon at hindi namin nakita ang pangakong iyon na nagkakatotoo. Walang iba ito kundi mga kabulaanan ng mga nauna at mga kasinungalingan nila.
23:84Page 347
قُل لِّمَنِ ٱلۡأَرۡضُ وَمَن فِيهَآ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ ٨٤
Say, [O Muḥammad], "To whom belongs the earth and whoever is in it, if you should know?"
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatangging sumampalataya na ito na mga tagapagkaila ng pagkabuhay na muli: "Kanino ang lupang ito at ang sinumang nasa ibabaw nito kung nagkaroon kayo ng kaalaman?"
23:85Page 347
سَيَقُولُونَ لِلَّهِۚ قُلۡ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ ٨٥
They will say, "To Allāh." Say, "Then will you not remember?"
Magsasabi sila: " Ang lupa at ang sinumang nasa ibabaw nito ay sa kay Allāh." Kaya sabihin mo sa kanila: "Hindi ba kayo magsasaalaala na ang sinumang sa Kanya ang lupa at ang sinumang nasa ibabaw nito ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa inyo matapos ng kamatayan ninyo?"
23:86Page 347
قُلۡ مَن رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ ٱلسَّبۡعِ وَرَبُّ ٱلۡعَرۡشِ ٱلۡعَظِيمِ ٨٦
Say, "Who is Lord of the seven heavens and Lord of the Great Throne?"
Sabihin mo sa kanila: "Sino ang Panginoon ng pitong langit? Sino ang Panginoon ng tronong dakila, na walang umiiral na nilikhang higit na dakila kaysa roon?"
Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences