Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog
المزمل
Al-Muzzammil
The Enshrouded One · Meccan · 20 ayahs
O nagbabalot ng kasuutan niya (tinutukoy ang Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan),
magdasal ka sa gabi, maliban sa kaunting bahagi nito.
Magdasal sa kalahati nito kung niloob mo, o magdasal ka nang kaunti sa higit na kaunti sa kalahati hanggang sa umabot sa isang katlo,
73:4Page 574
أَوۡ زِدۡ عَلَيۡهِ وَرَتِّلِ ٱلۡقُرۡءَانَ تَرۡتِيلًا ٤
Or add to it, and recite the Qur’ān with measured recitation.
o magdagdag ka rito hanggang sa umabot sa dalawang katlo. Magpalinaw ka sa Qur’ān kapag bumigkas ka nito at magdahan-dahan ka sa pagbigkas nito.
73:5Page 574
إِنَّا سَنُلۡقِي عَلَيۡكَ قَوۡلٗا ثَقِيلًا ٥
Indeed, We will cast upon you a heavy word.1
Tunay na Kami ay magpupukol sa iyo, O Sugo, ng Qur'ān. Ito ay isang sinasabing mabigat dahil sa nasaad dito na mga tungkulin, mga hangganan, mga patakaran, mga kaasalan, at iba pa sa mga ito.
73:6Page 574
إِنَّ نَاشِئَةَ ٱلَّيۡلِ هِيَ أَشَدُّ وَطۡـٔٗا وَأَقۡوَمُ قِيلًا ٦
Indeed, the hours of the night are more effective for concurrence [of heart and tongue]1 and more suitable for words.2
Tunay na ang mga oras [ng pagsamba] sa gabi ay higit na matindi sa pagsang-ayon para sa puso kasabay ng pagbigkas [ng Qur'ān] at higit na tama sa pagsabi.
73:7Page 574
إِنَّ لَكَ فِي ٱلنَّهَارِ سَبۡحٗا طَوِيلٗا ٧
Indeed, for you by day is prolonged occupation.
Tunay na ukol sa iyo sa maghapon ay isang malayang pagganap sa mga gawain mo, kaya nagpapakaabala ka sa mga ito sa halip ng pagbigkas ng Qur'ān kaya magdasal ka sa gabi.
73:8Page 574
وَٱذۡكُرِ ٱسۡمَ رَبِّكَ وَتَبَتَّلۡ إِلَيۡهِ تَبۡتِيلٗا ٨
And remember the name of your Lord and devote yourself to Him with [complete] devotion.
Umalala ka kay Allāh sa pamamagitan ng mga uri ng pag-alaala, at maglaan ka [ng sarili] sa Kanya sa isang paglalaang may pag-uukol ng kawagasan sa pagsamba sa Kanya.
73:9Page 574
رَّبُّ ٱلۡمَشۡرِقِ وَٱلۡمَغۡرِبِ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ فَٱتَّخِذۡهُ وَكِيلٗا ٩
[He is] the Lord of the East and the West; there is no deity except Him, so take Him as Disposer of [your] affairs.1
Ang Panginoon ng silangan at ang Panginoon ng kanluran, walang sinasamba ayon sa karapatan kundi Siya; kaya gumawa ka sa Kanya bilang Pinagkakatiwalaan na sumasandal ka sa kanya sa mga nauukol sa iyo sa kabuuan ng mga ito.
73:10Page 574
وَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَٱهۡجُرۡهُمۡ هَجۡرٗا جَمِيلٗا ١٠
And be patient over what they say and avoid them with gracious avoidance.
Magtiis ka sa sinasabi ng mga tagapagpasinungaling gaya ng pangungutya at panlalait, at umiwan ka sa kanila ayon sa isang pag-iwang walang pananakit.
73:11Page 574
وَذَرۡنِي وَٱلۡمُكَذِّبِينَ أُوْلِي ٱلنَّعۡمَةِ وَمَهِّلۡهُمۡ قَلِيلًا ١١
And leave Me with [the matter of] the deniers, those of ease [in life], and allow them respite a little.
Huwag kang pumansin sa lagay ng mga tagapagpasinungaling na mga may pagtatamasa sa mga minamasarap sa Mundo, hayaan mo Ako sila, at maghintay ka sa kanila nang kaunti hanggang sa pumunta sa kanila ang taning nila.
73:12Page 574
إِنَّ لَدَيۡنَآ أَنكَالٗا وَجَحِيمٗا ١٢
Indeed, with Us [for them] are shackles and burning fire
Tunay na taglay Namin sa Kabilang-buhay ay mga panggapos na mabigat at isang apoy na nagsisiklab,
73:13Page 574
وَطَعَامٗا ذَا غُصَّةٖ وَعَذَابًا أَلِيمٗا ١٣
And food that chokes and a painful punishment -
at isang pagkain na babara sa lalamunan dahil sa tindi ng pait nito at isang pagdurusang nakasasakit, bilang karagdagan sa nauna.
73:14Page 574
يَوۡمَ تَرۡجُفُ ٱلۡأَرۡضُ وَٱلۡجِبَالُ وَكَانَتِ ٱلۡجِبَالُ كَثِيبٗا مَّهِيلًا ١٤
On the Day the earth and the mountains will convulse and the mountains will become a heap of sand pouring down.
Ang pagdurusang iyon ay magaganap sa mga tagapagpasinungaling sa Araw na maaalog ang lupa at ang mga bundok, at ang mga bundok ay magiging mga buhangin na dadaloy, na magkakalatan dahil sa tindi ng hilakbot niyon.
73:15Page 574
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡكُمۡ رَسُولٗا شَٰهِدًا عَلَيۡكُمۡ كَمَآ أَرۡسَلۡنَآ إِلَىٰ فِرۡعَوۡنَ رَسُولٗا ١٥
Indeed, We have sent to you a Messenger as a witness upon you just as We sent to Pharaoh a messenger.
Tunay na Kami ay nagpadala sa inyo ng isang Sugo na tagasaksi sa mga gawa ninyo sa Araw ng Pagbangon tulad ng pagsugo Namin kay Paraon ng isang sugo, si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
73:16Page 574
فَعَصَىٰ فِرۡعَوۡنُ ٱلرَّسُولَ فَأَخَذۡنَٰهُ أَخۡذٗا وَبِيلٗا ١٦
But Pharaoh disobeyed the messenger, so We seized him with a ruinous seizure.
Ngunit sumuway si Paraon sa sugong isinugo sa kanya mula sa Panginoon niya kaya nagparusa sa kanya ng isang kaparusahang matindi sa Mundo sa pamamagitan ng pagkalunod at sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng pagdurusa sa Apoy. Kaya huwag kayong sumuway sa Sugo sa inyo sapagkat tatama sa inyo ang tumama sa kanya.
73:17Page 574
فَكَيۡفَ تَتَّقُونَ إِن كَفَرۡتُمۡ يَوۡمٗا يَجۡعَلُ ٱلۡوِلۡدَٰنَ شِيبًا ١٧
Then how can you fear, if you disbelieve, a Day that will make the children white-haired?1
Kaya papaano kayong magtatanggol sa mga sarili ninyo at magsasanggalang sa mga ito kung tumanggi kayong sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling kayo sa Sugo Niya, sa isang matinding araw na mahaba, na magpapauban sa ulo ng mga batang munti dahil sa tindi ng hilakbot doon at haba niyon?
73:18Page 574
ٱلسَّمَآءُ مُنفَطِرُۢ بِهِۦۚ كَانَ وَعۡدُهُۥ مَفۡعُولًا ١٨
The heaven will break apart therefrom;1 ever is His promise fulfilled.
Ang langit ay magkakabitak-bitak dahil sa hilakbot nito. Laging ang pangako ni Allāh ay magagawa nang walang pasubali.
73:19Page 574
إِنَّ هَٰذِهِۦ تَذۡكِرَةٞۖ فَمَن شَآءَ ٱتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِۦ سَبِيلًا ١٩
Indeed, this is a reminder, so whoever wills may take to his Lord a way.
Tunay na ang pangaral na ito, na naglalaman ng paglilinaw sa nasa Araw ng Pagbangon na hilakbot at katindihan, ay isang pagpapaalaala na makikinabang dito ang mga mananampalataya. Kaya ang sinumang lumuob ng paggawa ng daang magpaparating tungo sa Panginoon niya ay gumawa siya nito.
73:20Page 575
۞ إِنَّ رَبَّكَ يَعۡلَمُ أَنَّكَ تَقُومُ أَدۡنَىٰ مِن ثُلُثَيِ ٱلَّيۡلِ وَنِصۡفَهُۥ وَثُلُثَهُۥ وَطَآئِفَةٞ مِّنَ ٱلَّذِينَ مَعَكَۚ وَٱللَّهُ يُقَدِّرُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَۚ عَلِمَ أَن لَّن تُحۡصُوهُ فَتَابَ عَلَيۡكُمۡۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنَ ٱلۡقُرۡءَانِۚ عَلِمَ أَن سَيَكُونُ مِنكُم مَّرۡضَىٰ وَءَاخَرُونَ يَضۡرِبُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَبۡتَغُونَ مِن فَضۡلِ ٱللَّهِ وَءَاخَرُونَ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِۖ فَٱقۡرَءُواْ مَا تَيَسَّرَ مِنۡهُۚ وَأَقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتُواْ ٱلزَّكَوٰةَ وَأَقۡرِضُواْ ٱللَّهَ قَرۡضًا حَسَنٗاۚ وَمَا تُقَدِّمُواْ لِأَنفُسِكُم مِّنۡ خَيۡرٖ تَجِدُوهُ عِندَ ٱللَّهِ هُوَ خَيۡرٗا وَأَعۡظَمَ أَجۡرٗاۚ وَٱسۡتَغۡفِرُواْ ٱللَّهَۖ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمُۢ ٢٠
Indeed, your Lord knows, [O Muḥammad], that you stand [in prayer] almost two thirds of the night or half of it or a third of it, and [so do] a group of those with you. And Allāh determines [the extent of] the night and the day. He has known that you [Muslims] will not be able to do it1 and has turned to you in forgiveness, so recite what is easy [for you] of the Qur’ān. He has known that there will be among you those who are ill and others traveling throughout the land seeking [something] of the bounty of Allāh and others fighting for the cause of Allāh. So recite what is easy from it and establish prayer and give zakāh and loan Allāh a goodly loan.2 And whatever good you put forward for yourselves - you will find it with Allāh. It is better and greater in reward. And seek forgiveness of Allāh. Indeed, Allāh is Forgiving and Merciful.
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay nakaaalam na ikaw ay nagdarasal ng kulang-kulang sa dalawang-katlo ng gabi minsan, o tumatayo [sa pagdarasal] sa kalahati nito minsan o isang katlo nito minsan. Tumatayo [rin sa pagdarasal] ang isang pangkat kabilang sa mga mananampalataya kasama sa iyo. Si Allāh ay nagtatakda sa [sukat ng] gabi at maghapon at nagbibilang sa mga oras ng dalawang ito. Nakaalam Siya – kaluwalhatian sa Kanya – na kayo ay hindi makakakaya sa pagbilang niyon at pagtutumpak sa mga oras niyon kaya nakabibigat sa inyo ang pagsasagawa sa higit na marami niyon bilang paghahangad sa hinihiling. Kay dahil doon, tumanggap Siya sa inyo ng pagbabalik-loob kaya magdasal kayo sa bahagi ng gabi ng anumang naging madali [sa inyo]. Nakaalam Siya na kabilang sa inyo, O mga mananampalataya, ay magiging mga may-sakit na pinahina ng sakit, may mga iba na maglalakbay habang naghahanap ng panustos ni Allāh, at may mga iba pa na makikipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya sa paghahangad ng kaluguran ni Allāh at upang ang Salita ni Allāh ay maging ang pinakamataas. Sa mga ito ay makabibigat ang pagdarasal sa gabi. Kaya magdasal kayo ng anumang naging madali mula sa bahagi ng gabi. Magsagawa kayo ng pagdarasal na isinatungkulin ayon sa pinakaganap na paraan, magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo, at gumugol kayo mula sa mga yaman ninyo sa landas ni Allāh. Ang anumang ipinauuna ninyo para sa mga sarili ninyo na anumang kabutihan ay makatatagpo kayo rito ng isang higit na mabuti at isang higit na mabigat sa gantimpala. Humiling kayo ng kapatawaran mula kay Allāh; tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences