Al-MukhtasarYa-Sin · 36:1–76

Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog

يس

Ya-Sin

Ya Sin · Meccan · 83 ayahs

36:1Page 440

يسٓ ١

Yā, Seen.1

Yā. Sīn. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanata Al-Baqarah.

36:2Page 440

وَٱلۡقُرۡءَانِ ٱلۡحَكِيمِ ٢

By the wise1 Qur’ān,

Sumusumpa si Allāh sa Qur’ān na tinahas ang mga talata nito, na hindi nakapupunta rito ang kabulaanan sa harapan nito ni sa likuran nito.

36:3Page 440

إِنَّكَ لَمِنَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ٣

Indeed you, [O Muḥammad], are from among the messengers,

Tunay na ikaw, O Sugo, ay talagang kabilang sa mga sugo na isinugo ni Allāh sa mga lingkod Niya upang mag-utos sa kanila ng paniniwala sa kaisahan Niya at pagsamba sa Kanya lamang.

36:4–5Page 440

عَلَىٰ صِرَٰطٖ مُّسۡتَقِيمٖ ٤

On a straight path.

تَنزِيلَ ٱلۡعَزِيزِ ٱلرَّحِيمِ ٥

[This is] a revelation of the Exalted in Might, the Merciful,

– 5. Batay sa isang pamamaraang tuwid at batas na matuwid. Itong pamamaraang tuwid at batas na matuwid ay pinababa mula sa Panginoon mo, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Maawain sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya.

36:6Page 440

لِتُنذِرَ قَوۡمٗا مَّآ أُنذِرَ ءَابَآؤُهُمۡ فَهُمۡ غَٰفِلُونَ ٦

That you may warn a people whose forefathers were not warned, so they are unaware.

Nagpababa Kami sa iyo niyon upang magpangamba ka sa mga tao at magbabala ka sa kanila. Sila ay ang mga Arabe na walang nakapunta sa kanila na isang sugong nagbababala sa kanila kaya sila ay mga pabaya sa pananampalataya at paniniwala sa kaisahan ng Diyos. Gayon din ang lagay ng bawat kalipunang naputol dito ang pagbabala: nangangailangan ito ng magpapaalaala rito na mga sugo.

36:7Page 440

لَقَدۡ حَقَّ ٱلۡقَوۡلُ عَلَىٰٓ أَكۡثَرِهِمۡ فَهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ ٧

Already the word [i.e., decree] has come into effect upon most of them, so they do not believe.

Talaga ngang kinailangan ang pagdurusa mula kay Allāh para sa higit na marami sa mga ito matapos na umabot sa kanila ang katotohanan mula kay Allāh ayon sa dila ng Sugo Niya, kaya hindi sila sumampalataya sa Kanya at nanatili sila sa kawalang-pananampalataya nila. Kaya sila ay hindi sumasampalataya kay Allāh ni sa Sugo Niya at hindi gumagawa ayon sa inihatid nito sa kanila na katotohanan.

36:8Page 440

إِنَّا جَعَلۡنَا فِيٓ أَعۡنَٰقِهِمۡ أَغۡلَٰلٗا فَهِيَ إِلَى ٱلۡأَذۡقَانِ فَهُم مُّقۡمَحُونَ ٨

Indeed, We have put shackles on their necks, and they are to their chins, so they are with heads [kept] aloft.

Ang tulad nila roon ay tulad ng nilagyan ng mga posas sa mga leeg nila at pinagsama ang mga kamay nila kasama sa mga leeg nila sa ilalim ng mga pinagtitipunan ng mga balbas nila kaya napilitan sila na mag-angat ng mga ulo nila sa langit saka hindi nila nakakayang magyuko ng mga ulo. Ang mga ito ay mga nakagapos palayo sa pananampalataya kay Allāh kaya hindi sila nagpapasakop sa Kanya at hindi sila nagbaba ng mga ulo nila alang-alang sa Kanya.

36:9Page 440

وَجَعَلۡنَا مِنۢ بَيۡنِ أَيۡدِيهِمۡ سَدّٗا وَمِنۡ خَلۡفِهِمۡ سَدّٗا فَأَغۡشَيۡنَٰهُمۡ فَهُمۡ لَا يُبۡصِرُونَ ٩

And We have put before them a barrier and behind them a barrier and covered them, so they do not see.

Naglagay Kami sa harapan nila ng isang harang sa katotohanan at sa likuran nila ng isang harang. Bumalot Kami sa mga paningin nila palayo sa katotohanan kaya sila ay hindi nakakikita ayon sa pagkakitang makikinabang sila. Nangyari iyon sa kanila matapos na lumitaw ang pagmamatigas nila at ang pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya.

36:10Page 440

وَسَوَآءٌ عَلَيۡهِمۡ ءَأَنذَرۡتَهُمۡ أَمۡ لَمۡ تُنذِرۡهُمۡ لَا يُؤۡمِنُونَ ١٠

And it is all the same for them whether you warn them or do not warn them - they will not believe.

Magkapantay sa ganang mga tagatangging sumampalataya na nagmamatigas na ito sa katotohanan na nagpangamba ka man sa kanila, O Muḥammad, o hindi ka nagpangamba sa kanila, sila ay hindi sumasampalataya sa inihatid mula sa ganang kay Allāh.

36:11Page 440

إِنَّمَا تُنذِرُ مَنِ ٱتَّبَعَ ٱلذِّكۡرَ وَخَشِيَ ٱلرَّحۡمَٰنَ بِٱلۡغَيۡبِۖ فَبَشِّرۡهُ بِمَغۡفِرَةٖ وَأَجۡرٖ كَرِيمٍ ١١

You can only warn one who follows the message and fears the Most Merciful unseen. So give him good tidings of forgiveness and noble reward.

Tunay na ang nakikinabang nang totohanan sa pagbabala mo ay ang sinumang nagpatotoo sa Qur'ān na ito, sumunod sa nasaad dito, at nangamba sa Panginoon niya sa pag-iisa kung saan hindi nakakikita sa kanya ang iba pa sa kanya. Kaya magbalita ka sa sinumang ito ang mga katangian niya ng magpapatuwa sa kanya na pagbura ni Allāh sa mga pagkakasala niya at kapatawaran Niya sa mga ito. Kabilang sa gantimpalang sukdulan na naghihintay sa kanya sa Kabilang-buhay ay ang pagpasok sa Paraiso.

36:12Page 440

إِنَّا نَحۡنُ نُحۡيِ ٱلۡمَوۡتَىٰ وَنَكۡتُبُ مَا قَدَّمُواْ وَءَاثَٰرَهُمۡۚ وَكُلَّ شَيۡءٍ أَحۡصَيۡنَٰهُ فِيٓ إِمَامٖ مُّبِينٖ ١٢

Indeed, it is We who bring the dead to life and record what they have put forth and what they left behind, and all things We have enumerated in a clear register.

Tunay na Kami ay nagbibigay-buhay sa mga patay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay nila para sa pagtutuos sa Araw ng Pagbangon, nagtatala ng anumang ipinauna nila sa buhay nilang pangmundo na mga gawaing maayos at masagwa, at nagtatala ng anumang mayroon sila na bakas na natitira matapos ng pagkamatay nila, na maayos gaya ng kawanggawang nagpapatuloy o masagwa gaya ng kawalang-pananampalataya. Nag-isa-isa nga Kami sa bawat bagay sa isang talaang maliwanag, ang Tablerong Pinangangalagaan.

36:13Page 441

وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلًا أَصۡحَٰبَ ٱلۡقَرۡيَةِ إِذۡ جَآءَهَا ٱلۡمُرۡسَلُونَ ١٣

And present to them an example: the people of the city, when the messengers came to it -

Gumawa ka, O Sugo, para sa mga tagapasinungaling na tagapagmatigas na ito ng isang paghahalintulad na magiging aral para sa kanila: ang kasaysayan ng mga naninirahan sa pamayanan nang dumating sa kanila ang mga sugo sa kanila.

36:14Page 441

إِذۡ أَرۡسَلۡنَآ إِلَيۡهِمُ ٱثۡنَيۡنِ فَكَذَّبُوهُمَا فَعَزَّزۡنَا بِثَالِثٖ فَقَالُوٓاْ إِنَّآ إِلَيۡكُم مُّرۡسَلُونَ ١٤

When We sent to them two but they denied them, so We strengthened [them] with a third, and they said, "Indeed, we are messengers to you."

Nang nagsugo Kami sa kanila sa unang pagkakataon ng dalawang sugo upang mag-anyaya sa kanila sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagsamba sa Kanya ngunit nagpasinungaling sila sa dalawang sugong ito kaya pinalakas Namin silang dalawa sa pamamagitan ng pagsusugo ng ikatlong sugo kasama sa kanila, saka nagsabi ang tatlong sugo sa mga mamamayan ng pamayanan: "Tunay na kami – kaming tatlo – sa inyo ay mga isinugo upang mag-anyaya sa inyo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagsunod sa Batas Niya.

36:15Page 441

قَالُواْ مَآ أَنتُمۡ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُنَا وَمَآ أَنزَلَ ٱلرَّحۡمَٰنُ مِن شَيۡءٍ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا تَكۡذِبُونَ ١٥

They said, "You are not but human beings like us, and the Most Merciful has not revealed a thing. You are only telling lies."

Nagsabi ang mga mamamayan ng pamayanan sa mga isinugo: "Walang iba kayo kundi mga taong tulad namin, kaya walang pagkatangi para sa inyo higit sa amin. Hindi nagpababa ang Napakamaawain sa inyo ng anumang kasi. Walang iba kayo kundi nagsisinungaling laban kay Allāh sa pag-aanyaya ninyong ito.

36:16Page 441

قَالُواْ رَبُّنَا يَعۡلَمُ إِنَّآ إِلَيۡكُمۡ لَمُرۡسَلُونَ ١٦

They said, "Our Lord knows that we are messengers to you,

Nagsabi ang tatlong sugo bilang tugon sa pagpapasinungaling ng mga mamamayan ng pamayanan: "Ang Panginoon namin ay nakaaalam na tunay na Kami sa inyo, O mga mamamayan ng pamayanan, ay talagang mga isinugo mula sa ganang Kanya. Nakasapat na iyon bilang katwiran para sa amin."

36:17Page 441

وَمَا عَلَيۡنَآ إِلَّا ٱلۡبَلَٰغُ ٱلۡمُبِينُ ١٧

And we are not responsible except for clear notification."

Walang kailangan sa Amin kundi ang pagpapaabot ng ipinag-utos sa amin na ipaabot sa inyo nang maliwanag at hindi kami nagmamay-ari ng kapatnubayan ninyo.

36:18Page 441

قَالُوٓاْ إِنَّا تَطَيَّرۡنَا بِكُمۡۖ لَئِن لَّمۡ تَنتَهُواْ لَنَرۡجُمَنَّكُمۡ وَلَيَمَسَّنَّكُم مِّنَّا عَذَابٌ أَلِيمٞ ١٨

They said, "Indeed, we consider you a bad omen. If you do not desist, we will surely stone you, and there will surely touch you, from us, a painful punishment."

Nagsabi ang mga mamamayan ng pamayanan sa mga sugo: "Tunay na kami ay nakakikita ng kamalasan sa inyo. Kung hindi kayo titigil sa pag-aanyaya sa amin sa paniniwala sa kaisahan ng Diyos ay talagang magpaparusa nga kami sa inyo sa pamamagitan ng pagpukol ng mga bato hanggang kamatayan at talagang may sasapit sa inyo mula sa amin na isang pagdurusang nakasasakit."

36:19Page 441

قَالُواْ طَٰٓئِرُكُم مَّعَكُمۡ أَئِن ذُكِّرۡتُمۚ بَلۡ أَنتُمۡ قَوۡمٞ مُّسۡرِفُونَ ١٩

They said, "Your omen [i.e., fate] is with yourselves. Is it1 because you were reminded? Rather, you are a transgressing people."

Nagsabi ang mga sugo bilang pagtugon sa kanila: "Ang pagkakita ninyo ng kamalasan ay kakapit sa inyo dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh at pag-iwan ninyo sa pagsunod sa mga sugo Niya. Nakakikita ba kayo ng kamalasan kung nagpaalaala sa inyo hinggil kay Allāh? Bagkus kayo ay mga taong nagmamalabis sa paggawa ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway."

36:20Page 441

وَجَآءَ مِنۡ أَقۡصَا ٱلۡمَدِينَةِ رَجُلٞ يَسۡعَىٰ قَالَ يَٰقَوۡمِ ٱتَّبِعُواْ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ٢٠

And there came from the farthest end of the city a man, running. He said, "O my people, follow the messengers.

May dumating, mula sa isang lugar na malayo sa pamayanan, na isang lalaking nagmamadali dala ng pangamba para sa mga kababayan niya dahil sa pagpapasinungaling sa mga sugo at pagbabanta sa mga ito ng pagpatay at pananakit. Nagsabi siya: "O mga kababayan, sumunod kayo sa inihatid ng mga isinugong ito.

36:21Page 441

ٱتَّبِعُواْ مَن لَّا يَسۡـَٔلُكُمۡ أَجۡرٗا وَهُم مُّهۡتَدُونَ ٢١

Follow those who do not ask of you [any] payment, and they are [rightly] guided.

Sumunod kayo, O mga kababayan, sa mga hindi humiling mula sa inyo ng isang gantimpala mula sa inyo dahil sa pagpapaabot ng inihatid nila at sila ay mga napapatnubayan sa ipinaaabot nila buhat kay Allāh na kasi Niya. Kaya ang sinumang naging gayon ay marapat na sundin.

36:22Page 441

وَمَالِيَ لَآ أَعۡبُدُ ٱلَّذِي فَطَرَنِي وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ ٢٢

And why should I not worship He who created me and to whom you will be returned?

Nagsabi ang lalaking tagapayo na ito: "May aling tagahadlang na humahadlang sa akin sa pagsamba kay Allāh na lumikha sa akin? May aling tagahadlang na humahadlang sa inyo sa pagsamba sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo, at tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa pagkabuhay na muli para sa pagganti?"

36:23Page 441

ءَأَتَّخِذُ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةً إِن يُرِدۡنِ ٱلرَّحۡمَٰنُ بِضُرّٖ لَّا تُغۡنِ عَنِّي شَفَٰعَتُهُمۡ شَيۡـٔٗا وَلَا يُنقِذُونِ ٢٣

Should I take other than Him [false] deities [while], if the Most Merciful intends for me some adversity, their intercession will not avail me at all, nor can they save me?

Gagawa ba ako ng bukod pa kay Allāh na lumikha sa akin ng mga sinasamba nang walang karapatan? Kung magnanais sa akin ang Napakamaawain ng isang kasagwaan ay hindi makapagsisilbi sa akin ng anuman ang pamamagitan ng mga sinasambang ito sapagkat hindi sila nakapagdudulot sa akin ng isang pakinabang ni isang pinsala. Hindi sila nakakakaya na sumagip sa akin mula sa kasagwaang ninais ni Allāh sa akin kung namatay ako sa kawalang-pananampalataya.

36:24Page 441

إِنِّيٓ إِذٗا لَّفِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٍ ٢٤

Indeed, I would then be in manifest error.

Tunay na ako, kapag gumawa sa kanila bilang mga sinasamba bukod pa kay Allāh, ay talagang nasa isang pagkakamaling maliwanag yayamang sumamba ako sa hindi nagiging karapat-dapat sa pagsamba at umiwan ako sa pagsamba sa nararapat dito.

36:25Page 441

إِنِّيٓ ءَامَنتُ بِرَبِّكُمۡ فَٱسۡمَعُونِ ٢٥

Indeed, I have believed in your Lord, so listen to me."

Tunay na ako, O mga kababayan, ay sumampalataya sa Panginoon ko at Panginoon ninyo sa kalahatan, kaya makinig kayo sa akin sapagkat hindi ako pumapansin sa ibinabanta ninyo sa akin na pagpatay." Kaya walang nangyari sa mga kababayan niya kundi na pinatay nila siya, kaya ipapasok siya ni Allāh sa paraiso.

36:26Page 441

قِيلَ ٱدۡخُلِ ٱلۡجَنَّةَۖ قَالَ يَٰلَيۡتَ قَوۡمِي يَعۡلَمُونَ ٢٦

It was said, "Enter Paradise."1 He said, "I wish my people could know

Sasabihin bilang pagpaparangal sa kanya matapos ng pagpapakamartir niya: "Pumasok ka sa paraiso." Kaya kapag nakapasok siya roon at nakasaksi sa anumang naroon na kaginhawahan ay magsasabi siya habang nagmimithi: "O kung sana ang mga kababayan kong nagpasinungaling sa akin at pumatay sa akin ay nakaaalam sa nangyari sa akin na pagpapatawad sa mga pagkakasala at sa ipinarangal sa akin ng Panginoon ko, talagang sasampalataya sila tulad ng pagsampalataya ko at magtatamo sila ng isang ganting tulad ng ganti sa akin."

36:27Page 441

بِمَا غَفَرَ لِي رَبِّي وَجَعَلَنِي مِنَ ٱلۡمُكۡرَمِينَ ٢٧

Of how my Lord has forgiven me and placed me among the honored."

Sasabihin bilang pagpaparangal sa kanya matapos ng pagpapakamartir niya: "Pumasok ka sa paraiso." Kaya kapag nakapasok siya roon at nakasaksi sa anumang naroon na ginhawa ay magsasabi siya habang nagmimithi: "O kung sana ang mga kababayan kong nagpasinungaling sa akin at pumatay sa akin ay nakaaalam sa nangyari sa akin na pagpapatawad sa mga pagkakasala at sa ipinarangal sa akin ng Panginoon ko, talagang sasampalataya sila tulad ng pagsampalataya ko at magtatamo sila ng isang ganting tulad ng ganti sa akin."

36:28Page 442

۞ وَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَىٰ قَوۡمِهِۦ مِنۢ بَعۡدِهِۦ مِن جُندٖ مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَمَا كُنَّا مُنزِلِينَ ٢٨

And We did not send down upon his people after him any soldiers from the heaven, nor would We have done so.

Hindi Kami nagpababa alang-alang sa pagpapahamak sa mga kababayan niya, na nagpasinungaling sa kanya at pumatay sa kanya, ng mga kawal mula sa mga anghel, na pabababain Namin mula sa langit; at hindi Kami noon nagpapababa ng mga anghel sa mga kalipunan kapag nagpahamak kami sa kanila sapagkat ang nauukol sa kanila ay higit na madali sa ganang Amin kaysa roon. Nagtakda nga Kami na ang kapahamakan nila ay magiging sa pamamagitan ng isang hiyaw mula sa langit at hindi sa pamamagitan ng pagpapababa ng mga anghel ng pagdurusa.

36:29Page 442

إِن كَانَتۡ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ فَإِذَا هُمۡ خَٰمِدُونَ ٢٩

It was not but one shout,1 and immediately they were extinguished.

Walang iba ang kasaysayan ng pagpapahamak sa mga kababayan niya kundi nag-iisang hiyaw na isinugo Namin sa kanila saka biglang sila ay mga nakabuwal; walang natira mula sa kanila na isang natitira. Ang paghahalintulad sa kanila ay gaya ng apoy na dating nagniningas, ngunit naapula kaya walang natira para rito na isang bakas.

36:30Page 442

يَٰحَسۡرَةً عَلَى ٱلۡعِبَادِۚ مَا يَأۡتِيهِم مِّن رَّسُولٍ إِلَّا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ ٣٠

How regretful for the servants. There did not come to them any messenger except that they used to ridicule him.

O pagsisisi ng mga taong tagapagpasinungaling at panghihinayang nila sa Araw ng Pagbangon kapag nasasaksihan nila ang pagdurusa! Iyon ay dahil noong sila ay nasa Mundo, walang dumarating sa kanila na sugo mula sa ganang kay Allāh malibang sila noon ay nanunuya sa kanya at nangungutya sa kanya. Kaya ang kahihinatnan nila ay ang pagsisisi sa Araw ng Pagbangon dahil sa pagpapabaya nila sa nauukol kay Allāh.

36:31Page 442

أَلَمۡ يَرَوۡاْ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ أَنَّهُمۡ إِلَيۡهِمۡ لَا يَرۡجِعُونَ ٣١

Have they not considered how many generations We destroyed before them - that they to them1 will not return?

Hindi ba nagsaalang-alang ang mga tagapagpasinungaling na nangungutyang ito sa mga sugo ng isang aral hinggil sa mga nauna sa kanila na mga kalipunan? Namatay na ang mga iyon at hindi babalik sa Mundo sa ikalawang pagkakataon. Bagkus magtatamo ang mga iyon ng ipinauna ng mga iyon na mga gawa at gaganti si Allāh sa kanila sa mga ito.

36:32Page 442

وَإِن كُلّٞ لَّمَّا جَمِيعٞ لَّدَيۡنَا مُحۡضَرُونَ ٣٢

And indeed, all of them will yet be brought present before Us.

Walang iba ang lahat ng mga kalipunan, nang walang pagtatangi, kundi mga padadaluhin sa piling Namin sa Araw ng Pagbangon matapos ng pagbubuhay na muli sa kanila upang gumanti Kami sa kanila sa mga gawa nila.

36:33Page 442

وَءَايَةٞ لَّهُمُ ٱلۡأَرۡضُ ٱلۡمَيۡتَةُ أَحۡيَيۡنَٰهَا وَأَخۡرَجۡنَا مِنۡهَا حَبّٗا فَمِنۡهُ يَأۡكُلُونَ ٣٣

And a sign for them is the dead earth. We have brought it to life and brought forth from it grain, and from it they eat.

Isang palatandaan para sa mga tagapagpasinungaling sa pagkabuhay na muli, na ang pagkabuhay ay totoo, ay itong lupang tuyot na natuyuan. Nagpababa Kami rito ng ulan mula sa langit saka nagpatubo Kami rito ng mga uri ng halaman at nagpalabas Kami rito ng mga uri ng mga butil upang kainin ng mga tao. Kaya ang nagbigay-buhay sa lupang ito sa pamamagitan ng pagpapababa ng ulan at pagpapalabas ng halaman ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa mga patay at pagbuhay na muli sa kanila.

36:34Page 442

وَجَعَلۡنَا فِيهَا جَنَّٰتٖ مِّن نَّخِيلٖ وَأَعۡنَٰبٖ وَفَجَّرۡنَا فِيهَا مِنَ ٱلۡعُيُونِ ٣٤

And We placed therein gardens of palm trees and grapevines and caused to burst forth therefrom some springs -

Gumawa Kami sa lupang ito, na nagpababa Kami sa ibabaw nito ng ulan, ng mga pataniman ng datiles at ubas at nagpabulwak Kami rito ng mga bukal ng tubig na nagpapainom dito

36:35Page 442

لِيَأۡكُلُواْ مِن ثَمَرِهِۦ وَمَا عَمِلَتۡهُ أَيۡدِيهِمۡۚ أَفَلَا يَشۡكُرُونَ ٣٥

That they may eat of His fruit.1 And their hands have not produced it,2 so will they not be grateful?

upang kumain ang mga tao mula sa mga bunga ng mga patanimang iyon na ibiniyaya ni Allāh sa kanila. Hindi sila nagkaroon ng pagpupunyagi rito. Kaya hindi ba sila magpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niyang ito sa pamamagitan ng pagsamba sa Kanya lamang at pagsampalataya sa mga sugo Niya?

36:36Page 442

سُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلۡأَزۡوَٰجَ كُلَّهَا مِمَّا تُنۢبِتُ ٱلۡأَرۡضُ وَمِنۡ أَنفُسِهِمۡ وَمِمَّا لَا يَعۡلَمُونَ ٣٦

Exalted is He who created all pairs1 - from what the earth grows and from themselves and from that which they do not know.

Kabanal-banalan si Allāh at pagkataas-taas Siya na nagpaluwal ng mga uri mula sa mga halaman at mga punong-kahoy, at mula sa mga sarili ng mga tao yayamang nagpaluwal Siya ng mga lalaki at mga babae, at ng hindi nalalaman ng mga tao na mga ibang nilikha ni Allāh sa katihan, karagatan, at sa iba pa sa dalawang ito.

36:37Page 442

وَءَايَةٞ لَّهُمُ ٱلَّيۡلُ نَسۡلَخُ مِنۡهُ ٱلنَّهَارَ فَإِذَا هُم مُّظۡلِمُونَ ٣٧

And a sign for them is the night. We remove1 from it the [light of] day, so they are [left] in darkness.

Isang pahiwatig para sa mga tao sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh ay na Siya ay nag-aalis ng tanglaw sa pag-alis ng maghapon at pagdating ng gabi kapag nagtatanggal Siya ng maghapon mula roon at nagdadala Siya ng dilim matapos ng pag-alis ng maghapon, kaya naman biglang ang mga tao ay mga pumapasok sa isang dilim.

36:38Page 442

وَٱلشَّمۡسُ تَجۡرِي لِمُسۡتَقَرّٖ لَّهَاۚ ذَٰلِكَ تَقۡدِيرُ ٱلۡعَزِيزِ ٱلۡعَلِيمِ ٣٨

And the sun runs [on course] toward its stopping point. That is the determination of the Exalted in Might, the Knowing.

Isang palatandaan para sa kanila sa kaisahan ni Allāh itong araw na umiinog para sa isang pagtitigilang nalalaman ni Allāh ang sukat niyon, na hindi lalampas ito roon. Ang pagtatakdang iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, Maalam na walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa nauukol sa mga nilikha Niya.

36:39Page 442

وَٱلۡقَمَرَ قَدَّرۡنَٰهُ مَنَازِلَ حَتَّىٰ عَادَ كَٱلۡعُرۡجُونِ ٱلۡقَدِيمِ ٣٩

And the moon - We have determined for it phases, until it returns [appearing] like the old date stalk.

Isang tanda para sa kanila na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya – itong buwan na nagtakda Siya rito ng mga yugto bawat gabi. Nagsisimula ito na maliit, pagkatapos lumalaki ito. Pagkatapos lumiliit ito hanggang sa maging tulad ng pilipit na palagas na buwig ng datiles sa panahon nito, pagkabaluktot nito, paninilaw nito, at kagulangan nito.

36:40Page 442

لَا ٱلشَّمۡسُ يَنۢبَغِي لَهَآ أَن تُدۡرِكَ ٱلۡقَمَرَ وَلَا ٱلَّيۡلُ سَابِقُ ٱلنَّهَارِۚ وَكُلّٞ فِي فَلَكٖ يَسۡبَحُونَ ٤٠

It is not allowable [i.e., possible] for the sun to reach the moon, nor does the night overtake the day, but each, in an orbit, is swimming.

Ang mga tanda ng araw at buwan at ng gabi at maghapon ay naitakda ayon sa pagtatakda ni Allāh kaya hindi lumalampas ang mga ito sa itinakda para sa mga ito. Ang araw ay hindi maaaring makahabol sa buwan para magpaiba ng daanan nito o mag-alis ng liwanag nito. Ang gabi ay hindi maaaring umuna sa maghapon at pumasok roon bago magwakas ang oras nito. Ang lahat ng mga nilikhang pinagsisilbing ito at iba pa sa mga ito gaya ng mga planeta at mga galaksiya ay mayroong mga daanang natatangi sa mga ito ayon sa pagtatakda ni Allāh at pag-iingat Niya.

36:41Page 443

وَءَايَةٞ لَّهُمۡ أَنَّا حَمَلۡنَا ذُرِّيَّتَهُمۡ فِي ٱلۡفُلۡكِ ٱلۡمَشۡحُونِ ٤١

And a sign for them is that We carried their forefathers1 in a laden ship.

Isang palatandaan para sa kanila sa kaisahan ni Allāh, gayon din, at pagbibiyaya Niya sa mga lingkod Niya na Siya ay nagdala sa mga naligtas sa gunaw kabilang sa mga supling ni Adan sa panahon ni Noe sa arkong pinuno ng mga nilikha Niya sapagkat nagdala Siya sa loob niyon ng magkapares mula sa bawat uri.

36:42Page 443

وَخَلَقۡنَا لَهُم مِّن مِّثۡلِهِۦ مَا يَرۡكَبُونَ ٤٢

And We created for them from the likes of it that which they ride.

Isang palatandaan para sa kanila sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagbibiyaya Niya sa mga lingkod Niya na Siya ay lumikha na mga sasakyan para sa kanila mula sa tulad ng arko ni Noe.

36:43Page 443

وَإِن نَّشَأۡ نُغۡرِقۡهُمۡ فَلَا صَرِيخَ لَهُمۡ وَلَا هُمۡ يُنقَذُونَ ٤٣

And if We should will, We could drown them; then no one responding to a cry would there be for them, nor would they be saved

Kung sakaling nagnais Kami ng paglunod sa kanila ay nilunod sana Namin sila at walang tagasaklolong sasaklolo sa kanila kung ninais Namin ang paglunod sa kanila at walang tagasagip na sasagip sa kanila kapag nalunod sila ayon sa utos Namin at pagtatadhana Namin,

36:44Page 443

إِلَّا رَحۡمَةٗ مِّنَّا وَمَتَٰعًا إِلَىٰ حِينٖ ٤٤

Except as a mercy from Us and provision for a time.

maliban na maawa Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagliligtas sa kanila mula sa pagkalunod at pagpapanumbalik sa kanila upang magtamasa hanggang sa isang taning na tinakdaang hindi nila lalampasan, nang sa gayon sila ay magsasaalang-alang para sumampalataya sila.

36:45Page 443

وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّقُواْ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيكُمۡ وَمَا خَلۡفَكُمۡ لَعَلَّكُمۡ تُرۡحَمُونَ ٤٥

But when it is said to them, "Beware of what is before you and what is behind you;1 perhaps you will receive mercy..."2

Kapag sinabi sa mga tagapagtambal na ito na umaayaw sa pananampalataya: "Mag-ingat kayo sa anumang nakahaharap ninyo kabilang sa nauukol sa Kabilang-buhay at mga kasawiang-palad doon at mag-ingat kayo sa Mundong tumatalikod, sa pag-asang magmagandang-loob si Allāh sa inyo ng awa Niya, na hindi naman kayo sumunod doon, bagkus umayaw kayo roon habang hindi mga pumapansin doon."

36:46Page 443

وَمَا تَأۡتِيهِم مِّنۡ ءَايَةٖ مِّنۡ ءَايَٰتِ رَبِّهِمۡ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ ٤٦

And no sign comes to them from the signs of their Lord except that they are from it turning away.

Sa tuwing dumarating sa mga tagapagtambal na ito na mga nagmamatigas ang mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagiging karapat-dapat Niya sa pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba, sila noon ay mga tagaayaw sa mga iyon, na hindi mga nagsasaalang-alang sa mga iyon.

36:47Page 443

وَإِذَا قِيلَ لَهُمۡ أَنفِقُواْ مِمَّا رَزَقَكُمُ ٱللَّهُ قَالَ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لِلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَنُطۡعِمُ مَن لَّوۡ يَشَآءُ ٱللَّهُ أَطۡعَمَهُۥٓ إِنۡ أَنتُمۡ إِلَّا فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ ٤٧

And when it is said to them, "Spend from that which Allāh has provided for you," those who disbelieve say to those who believe, "Should we feed one whom, if Allāh had willed, He would have fed? You are not but in clear error."

Kapag sinabi sa mga nagmamatigas na ito: "Umalalay kayo sa mga maralita at mga dukha ng mula sa mga yamang itinustos sa inyo ni Allāh," sumasagot sila habang mga nagmamasamang nagsasabi sa mga sumampalataya: "Magpapakain ba kami sa sinumang kung sakaling loloobin ni Allāh na pakainin ay talaga sanang pinakain Niya? Kami ay hindi sumasalungat sa kalooban Niya. Walang iba kayo, O mga mananampalataya, kundi nasa isang pagkakamaling maliwanag at isang kalayuan buhat sa katotohanan."

36:48Page 443

وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡوَعۡدُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ ٤٨

And they say, "When is this promise, if you should be truthful?"

Nagsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na tagapagkaila sa pagkabuhay na muli, habang mga nagpapasinungaling dito samantalang mga nagtuturing na imposible ito: "Kailan ang pagkabuhay na muling ito kung kayo, O mga mananampalataya, ay mga tapat sa pahayag ninyo na ito ay magaganap?"

36:49Page 443

مَا يَنظُرُونَ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ تَأۡخُذُهُمۡ وَهُمۡ يَخِصِّمُونَ ٤٩

They do not await except one blast1 which will seize them while they are disputing.

Walang hinihintay ang mga tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay na muli, na mga nagtuturing na imposible ito, kundi ang Unang Pag-ihip, kapag iihip sa tambuli. Bibiglain sila ng hiyaw na ito habang sila ay nasa mga pinagkakaabalahan nilang makamundo gaya ng pagtitinda, pagbili, pagpapainom, pagpapastol, at iba pa sa mga ito kabilang sa mga pinagkakaabalahan sa Mundo.

36:50Page 443

فَلَا يَسۡتَطِيعُونَ تَوۡصِيَةٗ وَلَآ إِلَىٰٓ أَهۡلِهِمۡ يَرۡجِعُونَ ٥٠

And they will not be able [to give] any instruction, nor to their people can they return.

Kaya hindi sila makakakaya, kapag gugulatin sila ng hiyaw na ito, na magtagubilin sa isa't isa sa kanila at hindi sila makakakaya ng pagbalik sa mga tirahan nila at mga mag-anak nila, bagkus mamamatay sila habang sila ay nasa mga pinagkakaabalahan nilang ito.

36:51Page 443

وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِ فَإِذَا هُم مِّنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ إِلَىٰ رَبِّهِمۡ يَنسِلُونَ ٥١

And the Horn will be blown;1 and at once from the graves to their Lord they will hasten.

Iihip sa tambuli sa ikalawang pag-ihip para sa pagkabuhay na muli, kaya biglang sila ay lalabas nang magkakasama mula sa mga libingan nila patungo sa Panginoon nila, na nagmamabilis para sa pagtutuos at pagganti.

36:52Page 443

قَالُواْ يَٰوَيۡلَنَا مَنۢ بَعَثَنَا مِن مَّرۡقَدِنَاۜۗ هَٰذَا مَا وَعَدَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَصَدَقَ ٱلۡمُرۡسَلُونَ ٥٢

They will say, "O woe to us! Who has raised us up from our sleeping place?" [The reply will be], "This is what the Most Merciful had promised, and the messengers told the truth."

Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya na ito na mga tagapagpasinungaling sa pagkabuhay na muli, habang mga nagsisisi: "O kalugian sa amin! Sino ang bumuhay na muli sa atin mula sa mga libingan natin?" Kaya sasagutin sila sa tanong nila: "Ito ay ang ipinangako ni Allāh, saka tunay na ito ay hindi maiiwasang magaganap. Nagpakatotoo ang mga isinugo sa ipinaabot nila tungkol sa Panginoon nila mula roon."

36:53Page 443

إِن كَانَتۡ إِلَّا صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ فَإِذَا هُمۡ جَمِيعٞ لَّدَيۡنَا مُحۡضَرُونَ ٥٣

It will not be but one blast, and at once they are all brought present before Us.

Walang iba ang usapin ng pagkabuhay na muli mula sa mga libingan kundi isang epekto buhat sa ikalawang pag-ihip sa tambuli, saka biglang ang lahat ng mga nilikha ay padadaluhin sa harap Namin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos.

36:54Page 443

فَٱلۡيَوۡمَ لَا تُظۡلَمُ نَفۡسٞ شَيۡـٔٗا وَلَا تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ٥٤

So today [i.e., the Day of Judgement] no soul will be wronged at all, and you will not be recompensed except for what you used to do.

Mangyayari ang paghatol ayon sa katarungan sa Araw na iyon. Kaya hindi kayo lalabagin sa katarungan, O mga lingkod, sa anuman sa pamamagitan ng pagdagdag sa mga masagwang gawa ninyo o pagbawas sa mga magandang gawa ninyo. Tutumbasan lamang kayo ng ganti sa dati ninyong ginagawa sa buhay na pangmundo.

36:55Page 444

إِنَّ أَصۡحَٰبَ ٱلۡجَنَّةِ ٱلۡيَوۡمَ فِي شُغُلٖ فَٰكِهُونَ ٥٥

Indeed the companions of Paradise, that Day, will be amused in [joyful] occupation -

Tunay na ang mga maninirahan sa Paraiso, sa Araw ng Pagbangon, ay mga abala sa pag-iisip sa iba pa sa kanila dahil nakasaksi sila ng kaginhawahang mananatili at pagtamong sukdulan kaya sila ay magbibiro hinggil doon habang mga pinagagalak.

36:56Page 444

هُمۡ وَأَزۡوَٰجُهُمۡ فِي ظِلَٰلٍ عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِ مُتَّكِـُٔونَ ٥٦

They and their spouses - in shade, reclining on adorned couches.

Sila at ang mga asawa nila ay magiginhawahan sa mga supa sa ilalim ng lilim ng harding namumukadkad.

36:57Page 444

لَهُمۡ فِيهَا فَٰكِهَةٞ وَلَهُم مَّا يَدَّعُونَ ٥٧

For them therein is fruit, and for them is whatever they request [or wish]

Magkakaroon sila sa paraisong ito ng mga uri ng mga bungang-kahoy na kaaya-aya gaya ng ubas, igos, at granada; at magkakaroon sila ng bawat hihilingin nila na minamasarap at mga uri ng ginhawa sapagkat ang anumang hiniling nila mula roon ay mangyayari para sa kanila.

36:58Page 444

سَلَٰمٞ قَوۡلٗا مِّن رَّبّٖ رَّحِيمٖ ٥٨

[And] "Peace," a word from a Merciful Lord.

Magkakaroon sila higit sa kaginhawahang ito ng kapayapaang mangyayari sa kanila, bilang sabi mula sa Panginoong Maawain sa kanila. Kapag bumati Siya ng kapayapaan sa kanila ay mangyayari sa kanila ang kaligtasan mula sa lahat ng mga anyo [ng kapahamakan] at mangyayari sa kanila ang pagbating walang pagbating higit na mataas kaysa roon.

36:59Page 444

وَٱمۡتَٰزُواْ ٱلۡيَوۡمَ أَيُّهَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ ٥٩

[Then He will say], "But stand apart today, you criminals.1

Sasabihin sa mga tagatangging sumampalataya sa Araw ng Pagbangon: "Magpakabukod kayo sa mga mananampalataya sapagkat hindi naaangkop sa kanila na sila ay maging kasama sa inyo dahil sa pagkakaibahan ng ganti sa inyo sa ganti sa kanila at ng mga katangian ninyo sa mga katangian nila.

36:60Page 444

۞ أَلَمۡ أَعۡهَدۡ إِلَيۡكُمۡ يَٰبَنِيٓ ءَادَمَ أَن لَّا تَعۡبُدُواْ ٱلشَّيۡطَٰنَۖ إِنَّهُۥ لَكُمۡ عَدُوّٞ مُّبِينٞ ٦٠

Did I not enjoin upon you, O children of Adam, that you not worship Satan - [for] indeed, he is to you a clear enemy -

Hindi ba nagtagubilin Ako sa inyo at nag-utos Ako sa inyo ayon sa mga dila ng mga sugo Ko, at nagsabi Ako sa inyo, O mga anak ni Adan, na huwag kayong tumalima sa demonyo sa pamamagitan ng paggawa ng mga uri ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway? Tunay na ang demonyo para sa inyo ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway. Kaya papaano para sa isang nakapag-iisip na tumalima sa kaaway niya na nagpapakita sa kanya ng pangangaway nito?

36:61Page 444

وَأَنِ ٱعۡبُدُونِيۚ هَٰذَا صِرَٰطٞ مُّسۡتَقِيمٞ ٦١

And that you worship [only] Me? This is a straight path.

Nag-utos Ako sa inyo, O mga anak ni Adan, na sumamba kayo sa Akin lamang at huwag kayong magtambal sa Akin ng anuman sapagkat ang pagsamba sa Akin lamang at ang pagtalima sa Akin ay isang daang tuwid na nagpapahantong sa pagkalugod Ko at pagpasok sa paraiso, subalit kayo ay hindi sumunod sa itinagubilin Ko sa inyo at ipinag-utos Ko sa inyo.

36:62Page 444

وَلَقَدۡ أَضَلَّ مِنكُمۡ جِبِلّٗا كَثِيرًاۖ أَفَلَمۡ تَكُونُواْ تَعۡقِلُونَ ٦٢

And he had already led astray from among you much of creation, so did you not use reason?

Talaga ngang nagligaw and demonyo mula sa inyo ng nilikhang marami. Kaya hindi ba nangyaring mayroon kayong mga isip na nag-uutos sa inyo ng pagtalima sa Panginoon ninyo at pagsamba sa Kanya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – at nagbabala sa inyo laban sa pagtalima sa demonyo na isang kaaway na maliwanag ang pangangaway sa inyo?

36:63Page 444

هَٰذِهِۦ جَهَنَّمُ ٱلَّتِي كُنتُمۡ تُوعَدُونَ ٦٣

This is the Hellfire which you were promised.

Ito ay ang Impiyerno na dati kayong pinangangakuan nito sa Mundo dahil sa kawalang-pananampalataya ninyo at dati itong nakalingid sa inyo. Ngayong Araw naman, heto kayo: nakikita ninyo ito ng pagkakita ng mata.

36:64Page 444

ٱصۡلَوۡهَا ٱلۡيَوۡمَ بِمَا كُنتُمۡ تَكۡفُرُونَ ٦٤

[Enter to] burn therein today for what you used to deny."1

Pumasok kayo rito ngayong araw at tumingin kayo ng init nito dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh sa buhay ninyong pangmundo."

36:65Page 444

ٱلۡيَوۡمَ نَخۡتِمُ عَلَىٰٓ أَفۡوَٰهِهِمۡ وَتُكَلِّمُنَآ أَيۡدِيهِمۡ وَتَشۡهَدُ أَرۡجُلُهُم بِمَا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ ٦٥

That Day, We will seal over their mouths, and their hands will speak to Us, and their feet will testify about what they used to earn.

Sa Araw na iyon, magsasara Kami sa mga bibig nila kaya sila ay magiging mga pipi. Hindi sila makapagsasalita ng pagtutol sa dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway. Magsasalita sa Amin ang mga kamay nila hinggil sa ginawa ng mga ito sa Mundo. Sasaksi ang mga paa nila hinggil sa dati nilang ginagawa na mga pagsuway at nilalakad.

36:66Page 444

وَلَوۡ نَشَآءُ لَطَمَسۡنَا عَلَىٰٓ أَعۡيُنِهِمۡ فَٱسۡتَبَقُواْ ٱلصِّرَٰطَ فَأَنَّىٰ يُبۡصِرُونَ ٦٦

And if We willed, We could have obliterated their eyes, and they would race to [find] the path, and how could they see?1

Kung sakaling niloloob Namin ang pagpapaalis ng mga paningin nila ay talaga sanang nagpaalis Kami ng mga ito kaya hindi sila nakakita saka mag-uunahan sila tungo sa landasin upang makatawid mula roon patungo sa paraiso ngunit imposible na makatawid sila yayamang naalis nga ang mga paningin nila.

36:67Page 444

وَلَوۡ نَشَآءُ لَمَسَخۡنَٰهُمۡ عَلَىٰ مَكَانَتِهِمۡ فَمَا ٱسۡتَطَٰعُواْ مُضِيّٗا وَلَا يَرۡجِعُونَ ٦٧

And if We willed, We could have deformed them, [paralyzing them] in their places so they would not be able to proceed, nor could they return.1

Kung sakaling niloloob Namin ang pagpapaiba sa pagkakalikha sa kanila at pagpapaupo sa kanila sa mga paa nila ay talaga sanang nagpaiba Kami sa pagkakalikha sa kanila at nagpaupo Kami sa kanila sa mga paa nila, kaya hindi sila makakakaya na umalis sa lugar nila at hindi sila makakakaya ng isang pagpunta sa harapan ni ng isang pagbalik sa hulihan.

36:68Page 444

وَمَن نُّعَمِّرۡهُ نُنَكِّسۡهُ فِي ٱلۡخَلۡقِۚ أَفَلَا يَعۡقِلُونَ ٦٨

And he to whom We grant long life We reverse in creation;1 so will they not understand?

Ang sinumang pinahaba Namin sa buhay niya kabilang sa mga tao sa pamamagitan ng pagpapahaba sa edad niya ay magpapabalik Kami sa kanya sa yugto ng kahinaan. Kaya hindi ba sila nag-iisip-isip gamit ng mga isip nila at nakatatalos na itong tahanan [sa Mundo] ay hindi tahanan ng pananatili ni kawalang-hanggan, at na ang tahanang mananatili ay ang tahanan sa Kabilang-buhay?

36:69Page 444

وَمَا عَلَّمۡنَٰهُ ٱلشِّعۡرَ وَمَا يَنۢبَغِي لَهُۥٓۚ إِنۡ هُوَ إِلَّا ذِكۡرٞ وَقُرۡءَانٞ مُّبِينٞ ٦٩

And We did not give him [i.e., Prophet Muḥammad (ﷺ)] knowledge of poetry, nor is it befitting for him. It is not but a message and a clear Qur’ān

Hindi Kami nagturo kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ng tula. Hindi nararapat para sa kanya iyon dahil ito ay hindi bahagi ng kalikasan niya at hindi humihiling nito ang pagkalalang sa kanya, para tumumpak para sa inyo ang pagsasabing siya raw ay manunula. Walang iba ang itinuro Namin sa kanya kundi isang paalaala at isang Qur'ān na maliwanag para sa sinumang nagnilay-nilay nito.

36:70Page 444

لِّيُنذِرَ مَن كَانَ حَيّٗا وَيَحِقَّ ٱلۡقَوۡلُ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ ٧٠

To warn whoever is alive1 and justify the word [i.e., decree] against the disbelievers.

[Ito ay] upang magbabala sa sinumang naging buhay ang puso, na natatanglawan ang pagkatalos, sapagkat siya ang makikinabang dito, at [upang] magindapat ang pagdurusa laban sa mga tagatangging sumampalataya dahil nakapaglahad sa kanila ng katwiran sa pamamagitan ng pagpapababa nito at pagkaabot ng paanyaya niya sa kanila. Kaya walang natira para sa kanila na dahi-dahilang ipinandadahi-dahilan nila.

36:71Page 445

أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا خَلَقۡنَا لَهُم مِّمَّا عَمِلَتۡ أَيۡدِينَآ أَنۡعَٰمٗا فَهُمۡ لَهَا مَٰلِكُونَ ٧١

Do they not see that We have created for them from what Our hands1 have made, grazing livestock, and [then] they are their owners?

Hindi ba sila nakaalam na Kami ay lumikha para sa kanila ng mga hayupan kaya sila para sa nauukol sa mga hayupang iyon ay mga tagapagmay-ari, na nakapagpapaganap sila sa mga iyon ng anumang hinihiling ng mga kapakanan nila?

36:72Page 445

وَذَلَّلۡنَٰهَا لَهُمۡ فَمِنۡهَا رَكُوبُهُمۡ وَمِنۡهَا يَأۡكُلُونَ ٧٢

And We have tamed them for them, so some of them they ride, and some of them they eat.

Pinagsilbi Namin ang mga ito para sa kanila at gumawa Kami sa mga ito bilang mga naaakay para sa kanila, kaya sa ibabaw ng mga likod ng ilan sa mga ito ay sumasakay sila at nagkakarga sila ng mga pasanin nila at mula sa mga karne ng ilan sa mga ito ay kumakain sila.

36:73Page 445

وَلَهُمۡ فِيهَا مَنَٰفِعُ وَمَشَارِبُۚ أَفَلَا يَشۡكُرُونَ ٧٣

And for them therein are [other] benefits and drinks, so will they not be grateful?

Para sa kanila sa mga ito ay mga pakinabang na iba pa sa pagsakay sa mga likod ng mga ito at pagkain ng mga karne ng mga ito, tulad ng mga lana ng mga ito, mga balahibo ng mga ito, mga buhok ng mga ito, at mga halaga ng mga ito, sapagkat mula sa mga ito ay yumayari sila ng mga karpet at mga kasuutan. Para sa kanila sa mga ito ay mga inumin yayamang umiinom sila mula sa mga gatas ng mga ito. Kaya hindi ba sila magpapasalamat kay Allāh na nagmagandang-loob sa kanila ng mga biyayang ito at ng iba pa sa mga ito?

36:74Page 445

وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةٗ لَّعَلَّهُمۡ يُنصَرُونَ ٧٤

But they have taken besides Allāh [false] deities that perhaps they would be helped.

Gumawa ang mga tagapagtambal sa bukod pa kay Allāh ng mga diyos na sinasamba nila, sa pag-asang mag-adya ang mga ito sa kanila para sumagip ang mga ito sa kanila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh.

36:75Page 445

لَا يَسۡتَطِيعُونَ نَصۡرَهُمۡ وَهُمۡ لَهُمۡ جُندٞ مُّحۡضَرُونَ ٧٥

They are not able to help them, and they [themselves] are for them soldiers in attendance.1

Ang mga diyos na iyon na ginawa nila ay hindi nakakakaya ng pag-aadya sa mga sarili ng mga ito ni sa pag-aadya sa mga sumasamba sa mga ito bukod pa kay Allāh. Sila at ang mga anito nila ay magkasamang padadaluhin sa pagdurusa habang nagpapawalang-kaugnayan ang bawat isa sa kanila sa iba.

36:76Page 445

فَلَا يَحۡزُنكَ قَوۡلُهُمۡۘ إِنَّا نَعۡلَمُ مَا يُسِرُّونَ وَمَا يُعۡلِنُونَ ٧٦

So let not their speech grieve you. Indeed, We know what they conceal and what they declare.

Kaya huwag magpalungkot sa iyo, O Sugo, ang sabi nilang tunay na ikaw ay hindi isinugo o tunay na ikaw ay manunula, at iba pa roon kabilang sa paninirang-puri nila. Tunay na Kami ay nakaaalam sa anumang ikinukubli nila mula roon at anumang inilalantad nila. Walang nakakukubli sa Amin mula roon na anuman at gaganti Kami sa kanila roon.

Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences

Contents

Ayat al-Kursi36Al-Kahfpage 42juz 15Bukhari 1Muslim 2999

Style

Theme
Text size
Layout

Читать на русском