Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog
الطلاق
At-Talaq
The Divorce · Medinan · 12 ayahs
65:1Page 558
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِذَا طَلَّقۡتُمُ ٱلنِّسَآءَ فَطَلِّقُوهُنَّ لِعِدَّتِهِنَّ وَأَحۡصُواْ ٱلۡعِدَّةَۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ رَبَّكُمۡۖ لَا تُخۡرِجُوهُنَّ مِنۢ بُيُوتِهِنَّ وَلَا يَخۡرُجۡنَ إِلَّآ أَن يَأۡتِينَ بِفَٰحِشَةٖ مُّبَيِّنَةٖۚ وَتِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِۚ وَمَن يَتَعَدَّ حُدُودَ ٱللَّهِ فَقَدۡ ظَلَمَ نَفۡسَهُۥۚ لَا تَدۡرِي لَعَلَّ ٱللَّهَ يُحۡدِثُ بَعۡدَ ذَٰلِكَ أَمۡرٗا ١
O Prophet, when you [Muslims] divorce women, divorce them for [the commencement of] their waiting period and keep count of the waiting period,1 and fear Allāh, your Lord. Do not turn them out of their [husbands'] houses, nor should they [themselves] leave [during that period] unless they are committing a clear immorality. And those are the limits [set by] Allāh. And whoever transgresses the limits of Allāh has certainly wronged himself. You know not; perhaps Allāh will bring about after that a [different] matter.2
O Propeta, kapag nagnais ka mismo o nagnais ang isa kabilang sa kalipunan mo ng diborsiyo sa maybahay niya ay magdiborsiyo siya rito sa simula ng panahon ng paghihintay (`iddah) nito sa pamamagitan ng [pagsasagawa sa] diborsiyo sa [panahon ng] kawalang-regla, na hindi siya nakipagtalik rito sa panahong iyon. Ingatan ninyo ang panahon ng paghihintay upang makagawa kayo ng pakikipagbalikan sa mga maybahay ninyo sa loob ng panahong iyon kung nagnais kayo ng pakikipagbalikan sa kanila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Huwag kayong magpalisan sa mga diniborsiyo ninyo mula sa mga bahay na pinaninirahan nila at hindi sila lilisan mismo hanggang sa magwakas ang panahon ng paghihintay nila maliban na nakagawa sila ng isang mahalay na lantad tulad ng pangangalunya. Ang mga patakarang iyon ay ang mga hangganan ni Allāh na itinakda Niya para sa mga lingkod Niya. Ang sinumang lumalampas sa mga hangganan ni Allāh ay lumabag nga siya sa katarungan sa sarili niya yayamang naghatid siya rito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa pagsuway niya sa Panginoon niya. Hindi ka nakaaalam, O nagdiborsiyo, marahil si Allāh ay magpangyari matapos ng diborsiyong iyon ng isang bagay na hindi mo inaasahan para makipagbalikan ka sa kanya.
65:2Page 558
فَإِذَا بَلَغۡنَ أَجَلَهُنَّ فَأَمۡسِكُوهُنَّ بِمَعۡرُوفٍ أَوۡ فَارِقُوهُنَّ بِمَعۡرُوفٖ وَأَشۡهِدُواْ ذَوَيۡ عَدۡلٖ مِّنكُمۡ وَأَقِيمُواْ ٱلشَّهَٰدَةَ لِلَّهِۚ ذَٰلِكُمۡ يُوعَظُ بِهِۦ مَن كَانَ يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَٱلۡيَوۡمِ ٱلۡأٓخِرِۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يَجۡعَل لَّهُۥ مَخۡرَجٗا ٢
And when they have [nearly] fulfilled their term, either retain them according to acceptable terms or part with them according to acceptable terms. And bring to witness two just men from among you and establish the testimony for [the acceptance of] Allāh. That is instructed to whoever should believe in Allāh and the Last Day. And whoever fears Allāh - He will make for him a way out1
Kaya kapag nalapit sila sa pagwawakas ng panahon ng paghihintay nila ay makipagbalikan kayo sa kanila ayon sa pagkaibig o kagandahan ng pakikitungo, o tumigil kayo sa pakikipagbalikan sa kanila hanggang sa magwakas ang panahon ng paghihintay nila para mangasiwa sila sa nauukol sa mga sarili nila, kalakip ng pagbibigay sa kanila ng ukol sa kanila na mga karapatan. Kapag nagnais kayo ng pakikipagbalikan sa kanila o pakikipaghiwalay sa kanila ay magpasaksi kayo sa dalawang makatarungan kabilang sa inyo bilang pagputol sa alitan. Magsagawa kayo, O mga saksi, ng pagsasaksi bilang mga naghahangad ng [lugod ng] mukha ni Allāh. Ang nabanggit na iyon na mga patakaran ay nagpapaalaala sa sinumang naging sumasampalataya kay Allāh at sumasampalataya sa Araw ng Pagbangon dahil ito ay ang makikinabang sa pagpapaalaala at pangaral. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay gagawa si Allāh para rito ng isang malalabasan sa bawat nagaganap dito na kagipitan at bagabag,
65:3Page 558
وَيَرۡزُقۡهُ مِنۡ حَيۡثُ لَا يَحۡتَسِبُۚ وَمَن يَتَوَكَّلۡ عَلَى ٱللَّهِ فَهُوَ حَسۡبُهُۥٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ بَٰلِغُ أَمۡرِهِۦۚ قَدۡ جَعَلَ ٱللَّهُ لِكُلِّ شَيۡءٖ قَدۡرٗا ٣
And will provide for him from where he does not expect. And whoever relies upon Allāh - then He is sufficient for him. Indeed, Allāh will accomplish His purpose. Allāh has already set for everything a [decreed] extent.
at magtutustos Siya rito mula sa kung saan hindi sumasagi rito sa isip at wala sa inaasahan nito. Ang sinumang sumasandal kay Allāh sa mga nauukol dito, Siya ay sasapat dito. Tunay na si Allāh ay nagpapatupad ng nauukol sa Kanya. Hindi Siya nawawalang-kakayahan sa anuman at walang nakalulusot sa Kanya na anuman. Gumawa nga si Allāh para sa bawat bagay ng isang pagtatakda na pagwawakasan nito kaya ang hirap ay may takda at ang kariwasaan ay may takda, saka hindi mamamalagi ang isa sa dalawang ito sa tao.
65:4Page 558
وَٱلَّٰٓـِٔي يَئِسۡنَ مِنَ ٱلۡمَحِيضِ مِن نِّسَآئِكُمۡ إِنِ ٱرۡتَبۡتُمۡ فَعِدَّتُهُنَّ ثَلَٰثَةُ أَشۡهُرٖ وَٱلَّٰٓـِٔي لَمۡ يَحِضۡنَۚ وَأُوْلَٰتُ ٱلۡأَحۡمَالِ أَجَلُهُنَّ أَن يَضَعۡنَ حَمۡلَهُنَّۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يَجۡعَل لَّهُۥ مِنۡ أَمۡرِهِۦ يُسۡرٗا ٤
And those who no longer expect menstruation among your women - if you doubt, then their period is three months, and [also for] those who have not menstruated. And for those who are pregnant, their term is until they give birth.1 And whoever fears Allāh - He will make for him of his matter ease.
Ang mga babaing diniborsiyo na nawalan ng pag-asa na magregla dahil sa katandaan ng edad nila, kung nagduda kayo sa pamamaraan ng panahon ng paghihintay nila, ang panahon ng paghihintay nila ay tatlong buwan. Ang mga [babaing] hindi pa umabot sa edad pagreregla dahil sa kabataan nila, ang panahon ng paghihintay nila ay tatlong buwan din naman. Ang mga nagdadalang-tao kabilang sa mga babae, ang wakas ng panahon ng pahihintay nila dahil sa diborsiyo o pagyao [ng asawa] ay kapag nagsilang sila ng dinadalang-tao nila. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay magpapaluwag si Allāh para rito sa mga nauukol dito at magpapadali Siya para rito ng bawat mahirap.
65:5Page 558
ذَٰلِكَ أَمۡرُ ٱللَّهِ أَنزَلَهُۥٓ إِلَيۡكُمۡۚ وَمَن يَتَّقِ ٱللَّهَ يُكَفِّرۡ عَنۡهُ سَيِّـَٔاتِهِۦ وَيُعۡظِمۡ لَهُۥٓ أَجۡرًا ٥
That is the command of Allāh, which He has sent down to you; and whoever fears Allāh - He will remove for him his misdeeds and make great for him his reward.
Ang nabanggit na iyon na mga patakaran ng diborsiyo, pagbabalik, at panahon ng paghihintay ay patakaran ni Allāh; nagbaba Siya nito sa inyo, O mga mananampalataya, upang magsagawa kayo ayon dito. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay magbubura Siya para rito ng mga masagwang gawa nito na nagawa nito at magbibigay Siya rito ng isang pabuyang sukdulan sa Kabilang-buhay. Ito ay ang pagpasok sa Paraiso at ang pagtamo ng kaginhawahang hindi nauubos.
65:6Page 559
أَسۡكِنُوهُنَّ مِنۡ حَيۡثُ سَكَنتُم مِّن وُجۡدِكُمۡ وَلَا تُضَآرُّوهُنَّ لِتُضَيِّقُواْ عَلَيۡهِنَّۚ وَإِن كُنَّ أُوْلَٰتِ حَمۡلٖ فَأَنفِقُواْ عَلَيۡهِنَّ حَتَّىٰ يَضَعۡنَ حَمۡلَهُنَّۚ فَإِنۡ أَرۡضَعۡنَ لَكُمۡ فَـَٔاتُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ وَأۡتَمِرُواْ بَيۡنَكُم بِمَعۡرُوفٖۖ وَإِن تَعَاسَرۡتُمۡ فَسَتُرۡضِعُ لَهُۥٓ أُخۡرَىٰ ٦
Lodge them1 [in a section] of where you dwell out of your means and do not harm them in order to oppress them.2 And if they should be pregnant, then spend on them until they give birth. And if they breastfeed for you, then give them their payment and confer among yourselves in the acceptable way; but if you are in discord, then there may breastfeed for him [i.e., the father] another woman.3
Magpatira kayo sa kanila, O mga asawa, kung saan kayo nakatira ayon sa kakayahan ninyo sapagkat hindi nag-aatang sa inyo si Allāh ng iba pa roon. Huwag kayong magpapasok sa kanila ng kapinsalaan sa paggugol at tirahan ni sa iba pa sa dalawang ito sa paghahangad ng panggigipit sa kanila. Kung ang mga diniborsiyo ay mga nagdadalang-tao, gumugol kayo sa kanila hanggang sa magsilang sila ng dinadalang-tao nila; saka kung nagpasuso sila para sa inyo ng mga anak ninyo, magbigay kayo sa kanila ng upa sa pagpapasuso nila at magsanggunian kayo sa pumapatungkol sa upa ayon sa nakabubuti. Ngunit kung nagkuripot ang asawa sa ninanais ng maybahay na upa at nagmaramot naman ito saka hindi nalugod malibang ayon sa ninanais nito, umupa ang ama ng ibang tagapasuso na magpapasuso sa anak niya para sa kanya.
65:7Page 559
لِيُنفِقۡ ذُو سَعَةٖ مِّن سَعَتِهِۦۖ وَمَن قُدِرَ عَلَيۡهِ رِزۡقُهُۥ فَلۡيُنفِقۡ مِمَّآ ءَاتَىٰهُ ٱللَّهُۚ لَا يُكَلِّفُ ٱللَّهُ نَفۡسًا إِلَّا مَآ ءَاتَىٰهَاۚ سَيَجۡعَلُ ٱللَّهُ بَعۡدَ عُسۡرٖ يُسۡرٗا ٧
Let a man of wealth spend from his wealth, and he whose provision is restricted - let him spend from what Allāh has given him. Allāh does not charge a soul except [according to] what He has given it. Allāh will bring about, after hardship, ease [i.e., relief].
Gumugol ang sinumang may kaluwagan sa yaman sa diniborsiyo niya at sa anak niya mula sa kaluwagan niya. Ang sinumang ginipit ang panustos sa kanya ay gumugol siya mula sa ibinigay sa kanya ni Allāh mula rito. Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa ibinigay Niya rito sapagkat hindi Siya nag-aatang dito ng higit doon ni higit sa nakakaya nito. Gagawa si Allāh, matapos ng kagipitan ng kalagayan niyon at hirap nito, ng isang kaluwagan at kasapatan.
65:8Page 559
وَكَأَيِّن مِّن قَرۡيَةٍ عَتَتۡ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهَا وَرُسُلِهِۦ فَحَاسَبۡنَٰهَا حِسَابٗا شَدِيدٗا وَعَذَّبۡنَٰهَا عَذَابٗا نُّكۡرٗا ٨
And how many a city was insolent toward the command of its Lord and His messengers, so We took it to severe account and punished it with a terrible punishment.
Anong dami ng pamayanan na noong sumuway sa utos ng Panginoon ng mga ito – kaluwalhatian sa Kanya – at sa utos ng sugo ng mga ito – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – ay tinuos Namin ang mga ito ng isang pagtutuos na mahirap dahil sa mga masagwang gawain ng mga ito at pinagdusa Namin ang mga ito ng isang pagdurusang kakila-kilabot sa Mundo at Kabilang-buhay.
65:9Page 559
فَذَاقَتۡ وَبَالَ أَمۡرِهَا وَكَانَ عَٰقِبَةُ أَمۡرِهَا خُسۡرًا ٩
And it tasted the bad consequence of its affair [i.e., rebellion], and the outcome of its affair was loss.
Kaya lumasap ang mga ito ng kaparusahan sa mga masagwang gawain ng mga ito, at ang wakas ng mga ito ay naging isang kalugihan sa Mundo at isang kalugihan sa Kabilang-buhay.
65:10Page 559
أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُمۡ عَذَابٗا شَدِيدٗاۖ فَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ يَٰٓأُوْلِي ٱلۡأَلۡبَٰبِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْۚ قَدۡ أَنزَلَ ٱللَّهُ إِلَيۡكُمۡ ذِكۡرٗا ١٠
Allāh has prepared for them a severe punishment; so fear Allāh, O you of understanding who have believed. Allāh has sent down to you a message [i.e., the Qur’ān].1
Naglaan si Allāh para sa kanila ng isang pagdurusang malakas, kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga may pang-unawa na mga sumampalataya kay Allāh at sumampalataya sa Sugo Niya, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, upang hindi dumapo sa inyo ang dumapo sa kanila. Nagpababa nga si Allāh sa inyo ng isang paalaala na nagpapaalaala sa inyo ng kasagwaan ng kahihinatnan ng pagsuway sa Kanya at kagandahan ng kauuwian ng pagtalima sa Kanya.
65:11Page 559
رَّسُولٗا يَتۡلُواْ عَلَيۡكُمۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ مُبَيِّنَٰتٖ لِّيُخۡرِجَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ مِنَ ٱلظُّلُمَٰتِ إِلَى ٱلنُّورِۚ وَمَن يُؤۡمِنۢ بِٱللَّهِ وَيَعۡمَلۡ صَٰلِحٗا يُدۡخِلۡهُ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَآ أَبَدٗاۖ قَدۡ أَحۡسَنَ ٱللَّهُ لَهُۥ رِزۡقًا ١١
[He sent] a Messenger [i.e., Muḥammad (ﷺ)] reciting to you the distinct verses of Allāh that He may bring out those who believe and do righteous deeds from darknesses into the light. And whoever believes in Allāh and does righteousness - He will admit him into gardens beneath which rivers flow to abide therein forever. Allāh will have perfected for him a provision.
Ang paalaalang ito ay isang Sugo mula kay Allāh na bumibigkas sa inyo ng mga tanda Niya, bilang mga naglilinaw na walang kalituhan sa mga ito, sa pag-asang magpalabas Siya sa mga sumampalataya sa Kanya at nagpatotoo sa Sugo Niya at gumawa ng mga gawang maayos mula sa mga kadiliman ng pagkaligaw tungo sa liwanag ng kapatnubayan. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at gumagawa ng gawang maayos ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman. Gumawa nga ng maganda si Allāh para rito sa pagtustos yayamang nagpapasok Siya rito sa hardin na hindi napuputol ang kaginhawahan doon.
65:12Page 559
ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ سَبۡعَ سَمَٰوَٰتٖ وَمِنَ ٱلۡأَرۡضِ مِثۡلَهُنَّۖ يَتَنَزَّلُ ٱلۡأَمۡرُ بَيۡنَهُنَّ لِتَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ قَدِيرٞ وَأَنَّ ٱللَّهَ قَدۡ أَحَاطَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عِلۡمَۢا ١٢
It is Allāh who has created seven heavens and of the earth, the like of them.1 [His] command descends among them so you may know that Allāh is over all things competent and that Allāh has encompassed all things in knowledge.
Si Allāh ay ang lumikha ng pitong langit at lumikha ng pitong lupa tulad ng paglikha Niya ng pitong langit. Nagbababaan ang kautusang pansansinukob at pambatas ni Allāh sa pagitan ng mga ito sa pag-asang makaalam kayo na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman, at na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay sumaklaw sa bawat bagay sa kaalaman kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga langit ni sa lupa.
Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences