Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog
الفلق
Al-Falaq
The Daybreak · Meccan · 5 ayahs
Sabihin mo, O Sugo: "Nagpapasanggalang ako sa Panginoon ng madaling-araw at nagpapakalinga ako sa Kanya
laban sa kasamaan ng nakasasakit kabilang sa mga nilikha.
Nagpapasanggalang ako kay Allāh laban sa mga kasamaan na lumilitaw sa gabi gaya ng mga hayop at mga magnanakaw.
Nagpapasanggalang ako sa Kanya laban sa kasamaan ng mga babaing manggagaway na umiihip sa mga buhol.
Nagpapasanggalang ako sa Kanya laban sa kasamaan ng isang naiinggit kapag gumawa ito ng itinutulak sa kanya ng inggit."
Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences