Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog
Al-Isra 17:65–111
17:65Page 288
إِنَّ عِبَادِي لَيۡسَ لَكَ عَلَيۡهِمۡ سُلۡطَٰنٞۚ وَكَفَىٰ بِرَبِّكَ وَكِيلٗا ٦٥
Indeed, over My [believing] servants there is for you no authority. And sufficient is your Lord as Disposer of affairs.1
Tunay na ang mga lingkod Kong mga mananampalatayang mga gumagawa ng pagtalima sa Akin ay hindi ka, O Satanas, magkakaroon sa kanila ng pangingibabaw dahil Ako ay nagtatanggol sa kanila sa kasamaan mo. Nakasapat na si Allāh bilang Pinananaligan sa sinumang sumandig sa Kanya sa mga nauukol sa kanila.
17:66Page 288
رَّبُّكُمُ ٱلَّذِي يُزۡجِي لَكُمُ ٱلۡفُلۡكَ فِي ٱلۡبَحۡرِ لِتَبۡتَغُواْ مِن فَضۡلِهِۦٓۚ إِنَّهُۥ كَانَ بِكُمۡ رَحِيمٗا ٦٦
It is your Lord who drives the ship for you through the sea that you may seek of His bounty. Indeed, He is ever, to you, Merciful.
Ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay ang nagpapalakbay para sa inyo ng mga sasakyang-dagat sa dagat sa pag-asang maghanap kayo ng panustos Niya sa pamamagitan ng mga kita ng pangangalakal at iba pa rito. Tunay na Siya sa inyo ay laging Maaawain yayamang nagpadali Siya para sa inyo ng mga kaparaanang ito.
17:67Page 289
وَإِذَا مَسَّكُمُ ٱلضُّرُّ فِي ٱلۡبَحۡرِ ضَلَّ مَن تَدۡعُونَ إِلَّآ إِيَّاهُۖ فَلَمَّا نَجَّىٰكُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ أَعۡرَضۡتُمۡۚ وَكَانَ ٱلۡإِنسَٰنُ كَفُورًا ٦٧
And when adversity touches you at sea, lost are [all] those you invoke except for Him. But when He delivers you to the land, you turn away [from Him]. And ever is man ungrateful.
Kapag may sumaling sa inyo, O mga tagapagtambal, na isang pagsubok na kinasusuklaman sa dagat hanggang sa natakot kayo sa kapahamakan ay nalingid sa hinagap ninyo ang dati ninyong dinadalanginan bukod pa kay Allāh. Walang kayong naalaala kundi si Allāh kaya nagpapasaklolo kayo sa Kanya ngunit nang sumaklolo Siya sa inyo, nagligtas Siya sa inyo mula sa pinangangambahan ninyo, at napunta kayo sa kalupaan ay umaayaw naman kayo sa paniniwala sa kaisahan Niya at sa pagdalangin sa Kanya lamang at nanunumbalik kayo sa mga anito ninyo. Laging ang tao ay mapagkaila sa mga biyaya ni Allāh.
17:68Page 289
أَفَأَمِنتُمۡ أَن يَخۡسِفَ بِكُمۡ جَانِبَ ٱلۡبَرِّ أَوۡ يُرۡسِلَ عَلَيۡكُمۡ حَاصِبٗا ثُمَّ لَا تَجِدُواْ لَكُمۡ وَكِيلًا ٦٨
Then do you feel secure that [instead] He will not cause a part of the land to swallow you or send against you a storm of stones? Then you would not find for yourselves an advocate.
Kaya natiwasay ba kayo, O mga tagapagtambal, nang nagligtas sa inyo si Allāh papunta sa katihan na baka gumawa Siya ritong gumuguho sa inyo? O natitiwasay ba kayo na baka magpababa Siya sa inyo ng mga bato mula sa langit, na magpapaulan sa inyo ng tulad ng ginawa Niya sa mga kababayan ni Lot, pagkatapos hindi kayo nakatatagpo ng isang tagapangalagang mangangalaga sa inyo ni ng isang tagapag-adyang magtatanggol sa inyo laban sa kapahamakan?
17:69Page 289
أَمۡ أَمِنتُمۡ أَن يُعِيدَكُمۡ فِيهِ تَارَةً أُخۡرَىٰ فَيُرۡسِلَ عَلَيۡكُمۡ قَاصِفٗا مِّنَ ٱلرِّيحِ فَيُغۡرِقَكُم بِمَا كَفَرۡتُمۡ ثُمَّ لَا تَجِدُواْ لَكُمۡ عَلَيۡنَا بِهِۦ تَبِيعٗا ٦٩
Or do you feel secure that He will not send you back into it [i.e., the sea] another time and send upon you a hurricane of wind and drown you for what you denied?1 Then you would not find for yourselves against Us an avenger.2
O natiwasay ba kayo na baka magpanumbalik sa inyo si Allāh sa dagat sa ibang pagkakataon, pagkatapos magpapadala Siya sa inyo ng isang hanging matindi para lumunod Siya sa inyo dahilan sa kawalang-pagkilala ninyo sa biyaya Niya yayamang nagligtas Siya sa inyo noong una? Pagkatapos hindi kayo nakatatagpo para sa inyo ng isang tagapagpanagot na magpapanagot sa Kanya dahil sa ginawa Niya sa inyo, bilang pag-aadya para sa inyo.
17:70Page 289
۞ وَلَقَدۡ كَرَّمۡنَا بَنِيٓ ءَادَمَ وَحَمَلۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ وَرَزَقۡنَٰهُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَفَضَّلۡنَٰهُمۡ عَلَىٰ كَثِيرٖ مِّمَّنۡ خَلَقۡنَا تَفۡضِيلٗا ٧٠
And We have certainly honored the children of Adam and carried them on the land and sea and provided for them of the good things and preferred them over much of what We have created, with [definite] preference.
Talaga ngang nagparangal Kami sa mga supling ni Adan dahil sa [pagkakaroon ng] isip, pagpapatirapa sa mga Anghel sa ama nila, at iba pa. Pinagsilbi Namin para sa kanila ang nagdadala sa kanila sa katihan na mga hayop at mga sasakyan at ang nagdadala sa kanila sa karagatan na mga daong. Tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-aya sa mga pagkain, mga inumin, mga mapangangasawa, at iba pa. Nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa mga nilikha Namin ayon sa pagtatanging dakila. Kaya kailangan sa kanila na magpasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa kanila.
17:71Page 289
يَوۡمَ نَدۡعُواْ كُلَّ أُنَاسِۭ بِإِمَٰمِهِمۡۖ فَمَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ فَأُوْلَٰٓئِكَ يَقۡرَءُونَ كِتَٰبَهُمۡ وَلَا يُظۡلَمُونَ فَتِيلٗا ٧١
[Mention, O Muḥammad], the Day We will call forth every people with their record [of deeds].1 Then whoever is given his record in his right hand - those will read their records, and injustice will not be done to them, [even] as much as a thread [inside the date seed].
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na mananawagan Kami sa bawat pangkat sa pamamagitan ng pinuno nito, na tinutularan nito noon sa Mundo. Kaya ang mga bibigyan ng talaan nila sa kanang kamay nila, ang mga iyon ay magbabasa ng mga talaan nila habang mga pinagagalak at hindi sila kukulangan ng anuman mula sa mga pabuya sa kanila, kahit pa man umabot ito sa kaliitan nito sa sukat ng hiblang nasa bitak ng buto ng datiles.
17:72Page 289
وَمَن كَانَ فِي هَٰذِهِۦٓ أَعۡمَىٰ فَهُوَ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ أَعۡمَىٰ وَأَضَلُّ سَبِيلٗا ٧٢
And whoever is blind1 in this [life] will be blind in the Hereafter and more astray in way.
Ang sinumang sa buhay na ito sa Mundo ay bulag ang puso sa pagtanggap sa katotohanan at pagpapasakop dito, siya sa Araw ng Pagbangon ay higit na matindi sa pagkabulag kaya hindi siya napapatnubayan para sa daan ng Paraiso, at higit na ligaw sa daan palayo sa kapatnubayan. Ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain.
17:73Page 289
وَإِن كَادُواْ لَيَفۡتِنُونَكَ عَنِ ٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ لِتَفۡتَرِيَ عَلَيۡنَا غَيۡرَهُۥۖ وَإِذٗا لَّٱتَّخَذُوكَ خَلِيلٗا ٧٣
And indeed, they were about to tempt you away from that which We revealed to you in order to [make] you invent about Us something else; and then they would have taken you as a friend.
Talaga ngang kamuntik na ang mga tagapagtambal na magpalihis sa iyo, O Sugo, palayo sa ikinasi Namin sa iyo na Qur'ān upang lumikha-likha ka laban sa Amin ng iba pa rito na umaalinsunod sa mga pithaya nila. Kung sakaling gumawa ka ng ninais nila mula roon, talaga sanang hinirang ka nila bilang minamahal.
17:74Page 289
وَلَوۡلَآ أَن ثَبَّتۡنَٰكَ لَقَدۡ كِدتَّ تَرۡكَنُ إِلَيۡهِمۡ شَيۡـٔٗا قَلِيلًا ٧٤
And if We had not strengthened you, you would have almost inclined to them a little.
Kung hindi dahil na nagmagandang-loob Kami sa iyo ng pagpapatatag sa katotohanan, talaga ngang kamuntik na ikaw ay kumiling sa kanila ng bahagyang pagkiling para sumang-ayon ka sa kanila sa iminungkahi nila sa iyo dahil sa lakas ng pandaraya nila at tindi ng panggugulang nila kasabay ng kalabisan ng sigasig mo sa pagsampalataya nila subalit nangalaga Kami sa iyo laban sa pagkiling sa kanila.
17:75Page 289
إِذٗا لَّأَذَقۡنَٰكَ ضِعۡفَ ٱلۡحَيَوٰةِ وَضِعۡفَ ٱلۡمَمَاتِ ثُمَّ لَا تَجِدُ لَكَ عَلَيۡنَا نَصِيرٗا ٧٥
Then [if you had], We would have made you taste double [punishment in] life and double [after] death. Then you would not find for yourself against Us a helper.
Kung sakaling kumiling ka sa kanila sa iminumungkahi nila sa iyo, talaga sanang nagpadapo Kami sa iyo ng pagdurusang pinag-ibayo sa buhay na pangmundo at sa Kabilang-buhay. Pagkatapos hindi ka makatatagpo ng isang mapag-adyang mag-aadya sa iyo laban sa Amin at magtutulak palayo sa iyo ng pagdurusa.
17:76Page 290
وَإِن كَادُواْ لَيَسۡتَفِزُّونَكَ مِنَ ٱلۡأَرۡضِ لِيُخۡرِجُوكَ مِنۡهَاۖ وَإِذٗا لَّا يَلۡبَثُونَ خِلَٰفَكَ إِلَّا قَلِيلٗا ٧٦
And indeed, they were about to provoke [i.e., drive] you from the land [i.e., Makkah] to evict you therefrom. And then [when they do], they will not remain [there] after you, except for a little.1
Talaga ngang kamuntik na ang mga tagatangging sumampalataya na bumulahaw sa iyo dahil sa pagkamuhi nila sa iyo upang magpalabas sila sa iyo mula sa Makkah subalit pumigil sa kanila si Allāh sa pagpapalabas sa iyo hanggang sa lumikas ka ayon sa utos ng Panginoon mo. Kung sakaling nakapagpalabas sila sa iyo ay hindi sana sila nanatili matapos ng pagpapalabas sa iyo maliban sa isang maikling panahon.
17:77Page 290
سُنَّةَ مَن قَدۡ أَرۡسَلۡنَا قَبۡلَكَ مِن رُّسُلِنَاۖ وَلَا تَجِدُ لِسُنَّتِنَا تَحۡوِيلًا ٧٧
[That is Our] established way for those We had sent before you of Our messengers; and you will not find in Our way any alteration.
Ang kahatulang iyon ng hindi nila pananatili nila matapos mo maliban sa isang maikling panahon ay ang kalakaran ni Allāh na nagpapatuloy sa mga sugo noong bago mo pa. Ito ay na ang alinmang sugong pinalabas ng mga kababayan niya mula sa gitna nila ay nagpapababa si Allāh sa kanila ng pagdurusa. Hindi ka makatatagpo, O Sugo, para sa kalakaran Namin ng isang pagpapalit, bagkus matatagpuan mo itong matatag na nagpapatuloy.
17:78Page 290
أَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ لِدُلُوكِ ٱلشَّمۡسِ إِلَىٰ غَسَقِ ٱلَّيۡلِ وَقُرۡءَانَ ٱلۡفَجۡرِۖ إِنَّ قُرۡءَانَ ٱلۡفَجۡرِ كَانَ مَشۡهُودٗا ٧٨
Establish prayer at the decline of the sun [from its meridian] until the darkness of the night1 and [also] the Qur’ān [i.e., recitation] of dawn.2 Indeed, the recitation of dawn is ever witnessed.
Magpanatili ka ng pagdarasal sa pamamagitan ng pagsasagawa nito ayon sa pinakalubos na paraan sa mga oras nito mula sa paglilis ng araw palayo sa rurok ng langit. Sumasaklaw iyon sa pagdarasal ng dhuhr at `aṣr hanggang sa pagdilim ng gabi, na sumasaklaw sa pagdarasal ng maghrib at `ishā'. Magpanatili ka ng pagdarasal ng fajr at magpahaba ka ng pagbigkas [ng Qur’ān] dito sapagkat ang pagdarasal ng fajr ay dinadaluhan ng mga anghel ng gabi at mga anghel ng maghapon.
17:79Page 290
وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَتَهَجَّدۡ بِهِۦ نَافِلَةٗ لَّكَ عَسَىٰٓ أَن يَبۡعَثَكَ رَبُّكَ مَقَامٗا مَّحۡمُودٗا ٧٩
And from [part of] the night, pray1 with it [i.e., recitation of the Qur’ān] as additional [worship] for you; it is expected that2 your Lord will resurrect you to a praised station.3
Mula sa gabi ay bumangon ka, O Sugo, saka magdasal ka sa isang bahagi mula rito upang ang dasal mo ay maging isang karagdagan para sa iyo sa pag-aangat sa mga antas mo habang naghahangad na buhayin ka ng Panginoon mo sa Araw ng Pagbangon bilang tagapamagitan para sa mga tao mula sa dinaranas nila na mga hilakbot ng Araw ng Pagbangon at na magkaroon ka ng katayuan ng pamamagitang pinakadakila, na magpapapuri rito ang mga sinauna at ang mga nahuli.
17:80Page 290
وَقُل رَّبِّ أَدۡخِلۡنِي مُدۡخَلَ صِدۡقٖ وَأَخۡرِجۡنِي مُخۡرَجَ صِدۡقٖ وَٱجۡعَل لِّي مِن لَّدُنكَ سُلۡطَٰنٗا نَّصِيرٗا ٨٠
And say, "My Lord, cause me to enter a sound entrance1 and to exit a sound exit2 and grant me from Yourself a supporting authority."
Sabihin mo, O Sugo: "Panginoon ko, gumawa ka sa mga pasukan ko at mga labasan ko sa kabuuan ng mga ito sa pagtalima sa Iyo at ayon sa kaluguran Mo, at gumawa Ka para sa akin mula sa ganang Iyo ng isang katwirang nakahayag na mag-aadya Ka sa akin sa pamamagitan nito laban sa kaaway ko."
17:81Page 290
وَقُلۡ جَآءَ ٱلۡحَقُّ وَزَهَقَ ٱلۡبَٰطِلُۚ إِنَّ ٱلۡبَٰطِلَ كَانَ زَهُوقٗا ٨١
And say, "Truth has come, and falsehood has departed. Indeed is falsehood, [by nature], ever bound to depart."
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Dumating ang Islām at nagkatotoo ang pangako ni Allāh na pag-aadya rito, at umalis ang Shirk at ang Kawalang-pananampalataya. Tunay na ang kabulaanan ay umaalis, napapawi, hindi tumatatag sa harapan ng katotohanan."
17:82Page 290
وَنُنَزِّلُ مِنَ ٱلۡقُرۡءَانِ مَا هُوَ شِفَآءٞ وَرَحۡمَةٞ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ وَلَا يَزِيدُ ٱلظَّٰلِمِينَ إِلَّا خَسَارٗا ٨٢
And We send down of the Qur’ān that which is healing and mercy for the believers, but it does not increase the wrongdoers except in loss.
Nagbababa Kami mula sa Qur’ān ng pagpapagaling para sa mga puso mula sa kamangmangan, kawalang-pananampalataya, at pagdududa; ng pagpapagaling sa mga katawan kapag ginamit ito sa ruqyah; at ng awa para sa mga mananampalatayang nagsasagawa nito. Walang naidaragdag ang Qur'ān na ito sa mga tagatangging sumampalataya kundi isang kapahamakan dahil ang pagkarinig dito ay nagpapangitngit sa kanila at nakadaragdag sa kanila ng pagpapasinungaling at pag-ayaw rito.
17:83Page 290
وَإِذَآ أَنۡعَمۡنَا عَلَى ٱلۡإِنسَٰنِ أَعۡرَضَ وَنَـَٔا بِجَانِبِهِۦ وَإِذَا مَسَّهُ ٱلشَّرُّ كَانَ يَـُٔوسٗا ٨٣
And when We bestow favor upon man [i.e., the disbeliever], he turns away and distances himself; and when evil touches him, he is ever despairing.
Kapag nagbiyaya si Allāh sa tao ng biyayang tulad ng kalusugan at pagkayaman ay umaayaw siya sa pagpapasalamat at pagtalima kay Allāh at nagpapakalayu-layo siya bilang pagpapakamalaki. Kapag may dumapo sa kanya na karamdaman o karalitaan at tulad ng mga ito, siya ay matindi ang kahinaan ng loob at ang kawalang-pag-asa sa awa ni Allāh.
17:84Page 290
قُلۡ كُلّٞ يَعۡمَلُ عَلَىٰ شَاكِلَتِهِۦ فَرَبُّكُمۡ أَعۡلَمُ بِمَنۡ هُوَ أَهۡدَىٰ سَبِيلٗا ٨٤
Say, "Each works according to his manner, but your Lord is most knowing of who is best guided in way."
Sabihin mo, O Sugo: "Bawat tao ay gumagawa ayon sa paraan niya na nakawawangis ng kalagayan niya sa kapatnubayan at pagkaligaw, ngunit ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa sinumang siya ay higit na napapatnubayan sa daan tungo sa katotohanan."
17:85Page 290
وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلرُّوحِۖ قُلِ ٱلرُّوحُ مِنۡ أَمۡرِ رَبِّي وَمَآ أُوتِيتُم مِّنَ ٱلۡعِلۡمِ إِلَّا قَلِيلٗا ٨٥
And they ask you, [O Muḥammad], about the soul. Say, "The soul is of the affair [i.e., concern] of my Lord. And you [i.e., mankind] have not been given of knowledge except a little."
Nagtatanong sa iyo, O Sugo, ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan tungkol sa reyalidad ng kaluluwa kaya sabihin mo sa kanila: "Walang nakaaalam sa reyalidad ng kaluluwa kundi si Allāh at hindi kayo binigyan at ang lahat ng mga nilikha ng kaalaman kundi kakaunti kung ihahambing sa kaalaman ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya."
17:86Page 290
وَلَئِن شِئۡنَا لَنَذۡهَبَنَّ بِٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ ثُمَّ لَا تَجِدُ لَكَ بِهِۦ عَلَيۡنَا وَكِيلًا ٨٦
And if We willed, We could surely do away with that which We revealed to you. Then you would not find for yourself concerning it an advocate against Us.
Sumusumpa si Allāh na kung sakaling niloob Niya ang pag-alis ng pinababa Niya sa iyo, O Sugo, na kasi sa pamamagitan ng pagpawi nito sa mga isip at mga kasulatan ay talaga sanang nag-alis Siya nito, pagkatapos hindi ka makatatagpo ng sinumang mag-aadya sa iyo at magsasagawa ng pagpapanumbalik nito.
17:87Page 291
إِلَّا رَحۡمَةٗ مِّن رَّبِّكَۚ إِنَّ فَضۡلَهُۥ كَانَ عَلَيۡكَ كَبِيرٗا ٨٧
Except [We have left it with you] as a mercy from your Lord. Indeed, His favor upon you has ever been great.
Subalit hindi inalis ito bilang awa mula sa Panginoon mo at iniiwan ito na napangangalagaan. Tunay na ang kabutihang-loob ng Panginoon mo laging sa iyo ay dakila yayamang gumawa Siya sa iyo bilang sugo, nagpawakas Siya sa pamamagitan mo sa [pagpapadala ng] mga propeta, at nagpababa Siya sa iyo ng Qur'ān.
17:88Page 291
قُل لَّئِنِ ٱجۡتَمَعَتِ ٱلۡإِنسُ وَٱلۡجِنُّ عَلَىٰٓ أَن يَأۡتُواْ بِمِثۡلِ هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ لَا يَأۡتُونَ بِمِثۡلِهِۦ وَلَوۡ كَانَ بَعۡضُهُمۡ لِبَعۡضٖ ظَهِيرٗا ٨٨
Say, "If mankind and the jinn gathered in order to produce the like of this Qur’ān, they could not produce the like of it, even if they were to each other assistants."
Sabihin mo, O Sugo: "Talagang kung nagtipon ang tao at ang jinn sa kabuuan nila na maglahad ng tulad ng Qur’ān na ito, na pinababa sa iyo, sa retorika nito, kagandahan ng pagkakaayos nito, at kasaganahan nito ay hindi sila makapaglalahad nito magpakailanman, at kahit pa man ang iba sa kanila para sa iba pa ay maging tagatulong at mapag-adya."
17:89Page 291
وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَا لِلنَّاسِ فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ مِن كُلِّ مَثَلٖ فَأَبَىٰٓ أَكۡثَرُ ٱلنَّاسِ إِلَّا كُفُورٗا ٨٩
And We have certainly diversified for the people in this Qur’ān from every [kind of] example, but most of the people refused except disbelief.
Talaga ngang naglinaw Kami para sa mga tao sa Qur’ān na ito at nag-uri-uri Kami rito ng bawat naisasaalang-alang na mga pangaral, mga aral, mga pag-uutos, mga pagsaway, at mga kasaysayan sa pag-asang sumampalataya sila, ngunit tumanggi [sa anuman] ang karamihan sa mga tao maliban sa pagtanggi at pagkakaila sa Qur'ān na ito.
17:90Page 291
وَقَالُواْ لَن نُّؤۡمِنَ لَكَ حَتَّىٰ تَفۡجُرَ لَنَا مِنَ ٱلۡأَرۡضِ يَنۢبُوعًا ٩٠
And they say, "We will not believe you until you break open for us from the ground a spring
Nagsabi ang mga tagapagtambal: "Hindi kami sasampalataya sa iyo hanggang sa magpalabas ka para sa amin mula sa lupain ng Makkah ng isang bukal na dumadaloy na hindi natutuyot;
17:91Page 291
أَوۡ تَكُونَ لَكَ جَنَّةٞ مِّن نَّخِيلٖ وَعِنَبٖ فَتُفَجِّرَ ٱلۡأَنۡهَٰرَ خِلَٰلَهَا تَفۡجِيرًا ٩١
Or [until] you have a garden of palm trees and grapes and make rivers gush forth within them in force [and abundance]
o magkaroon ka ng isang pataniman ng mga datiles at mga ubas, saka dumadaloy rito ang mga ilog nang masagana;
17:92Page 291
أَوۡ تُسۡقِطَ ٱلسَّمَآءَ كَمَا زَعَمۡتَ عَلَيۡنَا كِسَفًا أَوۡ تَأۡتِيَ بِٱللَّهِ وَٱلۡمَلَٰٓئِكَةِ قَبِيلًا ٩٢
Or you make the heaven fall upon us in fragments as you have claimed or you bring Allāh and the angels before [us]
o magpabagsak ka sa amin ng langit, gaya ng binanggit mo, na mga pira-piraso ng pagdurusa o magdala ka kay Allāh at sa mga anghel nang nakikita upang sumasaksi sila sa iyo sa katumpakan ng inaangkin mo;
17:93Page 291
أَوۡ يَكُونَ لَكَ بَيۡتٞ مِّن زُخۡرُفٍ أَوۡ تَرۡقَىٰ فِي ٱلسَّمَآءِ وَلَن نُّؤۡمِنَ لِرُقِيِّكَ حَتَّىٰ تُنَزِّلَ عَلَيۡنَا كِتَٰبٗا نَّقۡرَؤُهُۥۗ قُلۡ سُبۡحَانَ رَبِّي هَلۡ كُنتُ إِلَّا بَشَرٗا رَّسُولٗا ٩٣
Or you have a house of ornament [i.e., gold] or you ascend into the sky. And [even then], we will not believe in your ascension until you bring down to us a book we may read." Say, "Exalted is my Lord! Was I ever but a human messenger?"
o magkaroon ka ng isang bahay na napapalamutian ng ginto at iba pa o pumanik ka sa langit. Hindi kami sasampalataya na ikaw ay isinugo kahit pumanik ka pa roon maliban kapag nagbaba ka ng isang aklat mula sa ganang kay Allāh na sinulatan, na mababasa namin na nakasaad doon na ikaw ay Sugo ni Allāh." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kaluwalhatian sa Panginoon ko! Walang iba ako kundi isang taong sugo gaya ng lahat ng mga sugo. Hindi ako nakakakaya ng paglalahad ng isang bagay kaya papaanong ukol sa akin na maghatid ako ng iminungkahi ninyo?"
17:94Page 291
وَمَا مَنَعَ ٱلنَّاسَ أَن يُؤۡمِنُوٓاْ إِذۡ جَآءَهُمُ ٱلۡهُدَىٰٓ إِلَّآ أَن قَالُوٓاْ أَبَعَثَ ٱللَّهُ بَشَرٗا رَّسُولٗا ٩٤
And what prevented the people from believing when guidance came to them except that they said, "Has Allāh sent a human messenger?"
Walang pumigil sa mga tagatangging sumampalataya sa pagsampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at sa paggawa sa inihatid ng Sugo kundi ang pagkakaila nila na ang sugo ay maging kabilang sa uri ng mga tao yayamang nagsabi sila bilang pagtutol: "Nagpadala ba si Allāh sa amin ng isang sugo kabilang sa mga tao?"
17:95Page 291
قُل لَّوۡ كَانَ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَلَٰٓئِكَةٞ يَمۡشُونَ مُطۡمَئِنِّينَ لَنَزَّلۡنَا عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ مَلَكٗا رَّسُولٗا ٩٥
Say, "If there were upon the earth angels walking securely,1 We would have sent down to them from the heaven an angel [as a] messenger."
Sabihin mo, O Sugo, bilang tugon sa kanila: "Kung sakaling nangyaring sa lupa ay may mga anghel na nakatira at naglalakad na mga napapanatag gaya ng kalagayan ninyo ay talaga sanang nagpadala Kami sa kanila ng isang sugong anghel kabilang sa uri nila dahil siya ay ang nakakakaya na magpaintindi sa kanila ng ipinasugo sa kanya sapagkat hindi bahagi ng karunungan na magsugo Kami sa kanila ng isang sugong kabilang sa uri ng mga tao. Gayon ang kalagayan ninyo mismo."
17:96Page 291
قُلۡ كَفَىٰ بِٱللَّهِ شَهِيدَۢا بَيۡنِي وَبَيۡنَكُمۡۚ إِنَّهُۥ كَانَ بِعِبَادِهِۦ خَبِيرَۢا بَصِيرٗا ٩٦
Say, "Sufficient is Allāh as Witness between me and you. Indeed He is ever, concerning His servants, Aware and Seeing."
Sabihin mo, O Sugo: "Nakasapat si Allāh bilang tagasaksi sa pagitan ko at ninyo na ako ay Sugo sa inyo at na ako ay nagpaabot sa inyo ng ipinasugo sa akin sa inyo. Tunay na Siya, laging sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya, ay Tagasaklaw: walang nakakukubli sa kanya mula sa mga iyon na anuman, Nakakikita sa lahat ng mga nakakubli sa mga kaluluwa nila."
17:97Page 292
وَمَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَهُوَ ٱلۡمُهۡتَدِۖ وَمَن يُضۡلِلۡ فَلَن تَجِدَ لَهُمۡ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِهِۦۖ وَنَحۡشُرُهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ عُمۡيٗا وَبُكۡمٗا وَصُمّٗاۖ مَّأۡوَىٰهُمۡ جَهَنَّمُۖ كُلَّمَا خَبَتۡ زِدۡنَٰهُمۡ سَعِيرٗا ٩٧
And whoever Allāh guides - he is the [rightly] guided; and whoever He sends astray1 - you will never find for them protectors besides Him, and We will gather them on the Day of Resurrection [fallen] on their faces - blind, dumb and deaf. Their refuge is Hell; every time it subsides, We increase [for] them blazing fire.
Ang sinumang itinutuon ni Allāh sa kapatnubayan, siya ay ang napapatnubayan nang totohanan; ngunit ang sinumang itinatatwa Niya palayo roon at inililigaw Niya ay hindi ka makatatagpo, O Sugo, para sa kanila ng mga katangkilik na papatnubay sa kanila tungo sa katotohanan, magtutulak palayo sa kanila ng kapinsalaan, at magdudulot sa kanila ng pakinabang. Kakalap Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon habang kinakaladkad sila sa mga mukha nila nang hindi nakakikita, hindi nakabibigkas, at hindi nakaririnig. Ang tuluyan nila na kakanlungan nila ay Impiyerno, na sa tuwing tumitighaw ang lagablab nito ay nagdaragdag Kami sa kanila ng pagliliyab.
17:98Page 292
ذَٰلِكَ جَزَآؤُهُم بِأَنَّهُمۡ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِنَا وَقَالُوٓاْ أَءِذَا كُنَّا عِظَٰمٗا وَرُفَٰتًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ خَلۡقٗا جَدِيدًا ٩٨
That is their recompense because they disbelieved in Our verses and said, "When we are bones and crumbled particles, will we [truly] be resurrected [in] a new creation?"
Ang pagdurusang iyon na makakatagpo nila ay ang ganti sa kanila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda Naming pinababa sa Sugo Namin at dahil sa pagsasabi nila bilang pagtuturing ng pagkaimposible ng pagkabuhay: "Kapag ba namatay kami at naging mga butong bulok at mga pira-pirasong nalansag, bubuhayin ba kami matapos niyon bilang nilikhang bago?"
17:99Page 292
۞ أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ قَادِرٌ عَلَىٰٓ أَن يَخۡلُقَ مِثۡلَهُمۡ وَجَعَلَ لَهُمۡ أَجَلٗا لَّا رَيۡبَ فِيهِ فَأَبَى ٱلظَّٰلِمُونَ إِلَّا كُفُورٗا ٩٩
Do they not see that Allāh, who created the heavens and earth, is [the one] Able to create the likes of them? And He has appointed for them a term, about which there is no doubt. But the wrongdoers refuse except disbelief.
Hindi ba nakaalam ang mga tagapagkailang ito ng pagkabuhay na si Allāh na lumikha sa mga langit at lupa sa kabila ng kalakihan ng mga ito ay nakakakaya na lumikha ng tulad nila sapagkat ang sinumang nakakaya sa paglikha ng isang malaki ay nakakakaya sa paglikha ng maliit pa roon. Gumawa nga si Allāh para sa kanila sa Mundo ng isang oras na tinakdaan na magwawakas doon ang buhay nila at gumawa Siya para sa kanila ng isang taning para sa pagbubuhay sa kanila, na walang pagdududa hinggil doon. Sa kabila ng paglitaw ng mga patunay sa pagkabuhay, tumanggi [sa anuman] ang mga tagapagtambal maliban sa pagkakaila sa pagkabuhay sa kabila ng kaliwanagan ng mga patunay rito.
17:100Page 292
قُل لَّوۡ أَنتُمۡ تَمۡلِكُونَ خَزَآئِنَ رَحۡمَةِ رَبِّيٓ إِذٗا لَّأَمۡسَكۡتُمۡ خَشۡيَةَ ٱلۡإِنفَاقِۚ وَكَانَ ٱلۡإِنسَٰنُ قَتُورٗا ١٠٠
Say [to them], "If you possessed the depositories of the mercy of my Lord, then you would withhold out of fear of spending." And ever has man been stingy.
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Kung sakaling nangyaring kayo ay nagmamay-ari ng mga imbakan ng awa ng Panginoon ko na hindi nauubos ni nagwawakas, samakatuwid talaga sanang nagpigil kayo sa paggugol nito dala ng pangamba sa pagkaubos nito upang hindi kayo maging mga maralita." Bahagi ng kalikasan ng tao ay na siya ay maramot maliban kung siya ay naging isang mananampalataya sapagkat siya ay gumugugol dala ng pag-asa sa gantimpala ni Allāh.
17:101Page 292
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَىٰ تِسۡعَ ءَايَٰتِۭ بَيِّنَٰتٖۖ فَسۡـَٔلۡ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ إِذۡ جَآءَهُمۡ فَقَالَ لَهُۥ فِرۡعَوۡنُ إِنِّي لَأَظُنُّكَ يَٰمُوسَىٰ مَسۡحُورٗا ١٠١
And We had certainly given Moses nine evident signs, so ask the Children of Israel [about] when he came to them and Pharaoh said to him, "Indeed I think, O Moses, that you are affected by magic."
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng siyam na patunay na maliwanag na sumasaksi para sa kanya. Ang mga ito ay ang tungkod, ang [puting] kamay, ang mga taon [ng tagtuyot], ang kakulangan ng mga bunga, ang baha, ang mga balang, ang mga kuto, ang mga palaka, at ang dugo. Kaya magtanong ka, O Sugo, sa mga Hudyo nang naghatid si Moises sa mga ninuno nila ng mga tandang iyon saka nagsabi sa kanya si Paraon: "Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na ikaw, O Moises, ay isang lalaking nagaway dahil sa inilahad mo na mga kataka-taka."
17:102Page 292
قَالَ لَقَدۡ عَلِمۡتَ مَآ أَنزَلَ هَٰٓؤُلَآءِ إِلَّا رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ بَصَآئِرَ وَإِنِّي لَأَظُنُّكَ يَٰفِرۡعَوۡنُ مَثۡبُورٗا ١٠٢
[Moses] said, "You have already known that none has sent down these [signs] except the Lord of the heavens and the earth as evidence, and indeed I think,1 O Pharaoh, that you are destroyed."
Nagsabi si Moises bilang tugon kay Paraon: "Talaga ngang natiyak mo, O Paraon, na walang nagpababa sa mga tandang ito kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at lupa. Nagpababa Siya sa mga ito bilang mga pagpapatunay sa kakayahan Niya at sa katapatan ng Sugo Niya subalit ikaw ay tumanggi. Tunay na ako ay talagang nakaaalam na ikaw, O Paraon, ay napapahamak na lugi."
17:103Page 292
فَأَرَادَ أَن يَسۡتَفِزَّهُم مِّنَ ٱلۡأَرۡضِ فَأَغۡرَقۡنَٰهُ وَمَن مَّعَهُۥ جَمِيعٗا ١٠٣
So he intended to drive them from the land, but We drowned him and those with him all together.
Kaya nagnais si Paraon na magparusa kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa mga tao niya sa pamamagitan ng pagpapalabas sa kanila mula sa Ehipto, kaya nagpahamak Kami kay Paraon at sa sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga hukbo Niya sa kalahatan sa pamamagitan ng pagkalunod.
17:104Page 292
وَقُلۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِۦ لِبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٱسۡكُنُواْ ٱلۡأَرۡضَ فَإِذَا جَآءَ وَعۡدُ ٱلۡأٓخِرَةِ جِئۡنَا بِكُمۡ لَفِيفٗا ١٠٤
And We said after him [i.e., Pharaoh] to the Children of Israel, "Dwell in the land, and when there comes the promise [i.e., appointment] of the Hereafter, We will bring you forth in [one] gathering."
Nagsabi Kami, noong matapos ng pagpapahamak kay Paraon at sa mga hukbo niya, sa mga anak ni Israel: "Tumahan kayo sa lupain ng Sirya saka kapag nangyari ang Araw ng Pagbangon, maghahatid Kami sa inyo sa kalahatan patungo sa Pinagkakalapan para sa pagtutuos."
17:105Page 293
وَبِٱلۡحَقِّ أَنزَلۡنَٰهُ وَبِٱلۡحَقِّ نَزَلَۗ وَمَآ أَرۡسَلۡنَٰكَ إِلَّا مُبَشِّرٗا وَنَذِيرٗا ١٠٥
And with the truth We have sent it [i.e., the Qur’ān] down, and with the truth it has descended. And We have not sent you, [O Muḥammad], except as a bringer of good tidings and a warner.
Kalakip ng katotohanan nagpababa Kami ng Qur'ān na ito kay Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan – at kalakip ng katotohanan bumaba ito sa kanya nang walang pagpapalit at walang paglilihis. Hindi Kami nagsugo sa iyo, O Sugo, kundi bilang tagapagbalita ng nakalulugod hinggil sa Paraiso sa mga alagad ng pangingilag sa pagkakasala at bilang tagapagpangamba sa Impiyerno sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagsuway.
17:106Page 293
وَقُرۡءَانٗا فَرَقۡنَٰهُ لِتَقۡرَأَهُۥ عَلَى ٱلنَّاسِ عَلَىٰ مُكۡثٖ وَنَزَّلۡنَٰهُ تَنزِيلٗا ١٠٦
And [it is] a Qur’ān which We have separated [by intervals] that you might recite it to the people over a prolonged period. And We have sent it down progressively.
Nagpababa Kami nito bilang Qur’ān na dinetalye Namin at nilinaw Namin sa pag-asang bigkasin mo ito sa mga tao ayon sa pagdadahan-dahan at sa paghihinay-hinay sa pagbigkas dahil ito ay higit na nagbubunsod sa pag-intindi at pagbubulay-bulay. Nagbaba Kami nito nang paunti-unti at baha-bahagi ayon sa mga pangyayari at mga kalagayan.
17:107Page 293
قُلۡ ءَامِنُواْ بِهِۦٓ أَوۡ لَا تُؤۡمِنُوٓاْۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡعِلۡمَ مِن قَبۡلِهِۦٓ إِذَا يُتۡلَىٰ عَلَيۡهِمۡ يَخِرُّونَۤ لِلۡأَذۡقَانِۤ سُجَّدٗاۤ ١٠٧
Say, "Believe in it or do not believe." Indeed, those who were given knowledge before it1 - when it is recited to them, they fall upon their faces in prostration,
Sabihin mo, O Sugo: "Sumampalataya kayo sa [Qur’ān na] ito ngunit hindi nakadaragdag dito ang pananampalataya ninyo ng anuman o huwag kayong sumampalataya rito ngunit hindi nakababawas dito ang kawalang-pananampalataya ninyo ng anuman." Tunay na ang mga bumasa ng mga naunang kasulatang makalangit at nakakilala sa pagsiwalat at pagkapropeta, kapag binibigkas sa kanila ang Qur'ān, ay nakasubsob sila sa mga mukha nila habang mga nakapatirapa kay Allāh bilang pasasalamat.
17:108Page 293
وَيَقُولُونَ سُبۡحَٰنَ رَبِّنَآ إِن كَانَ وَعۡدُ رَبِّنَا لَمَفۡعُولٗا ١٠٨
And they say, "Exalted is our Lord! Indeed, the promise of our Lord has been fulfilled."
Nagsasabi sila sa pagkapatirapa nila: "Nagpakawalang-kaugnayan ang Panginoon namin sa pagsira sa pangako sapagkat ang ipinangako Niya na pagpapadala kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ay nangyayari. Tunay na ang pagpangako ng Panginoon namin niyon at ng iba pa roon ay talagang nagaganap nang walang pasubali."
17:109Page 293
وَيَخِرُّونَ لِلۡأَذۡقَانِ يَبۡكُونَ وَيَزِيدُهُمۡ خُشُوعٗا۩ ١٠٩
And they fall upon their faces weeping, and it [i.e., the Qur’ān] increases them in humble submission.
Naglalapag sila ng mga mukha nila habang mga nakapatirapa kay Allāh habang umiiyak dahil sa takot sa Kanya at nakadaragdag sa kanila ang pagkarinig sa Qur'ān at ang pagbubulay-bulay sa mga kahulugan nito ng isang pagpapasailalim kay Allāh at isang pagkatakot sa Kanya.
17:110Page 293
قُلِ ٱدۡعُواْ ٱللَّهَ أَوِ ٱدۡعُواْ ٱلرَّحۡمَٰنَۖ أَيّٗا مَّا تَدۡعُواْ فَلَهُ ٱلۡأَسۡمَآءُ ٱلۡحُسۡنَىٰۚ وَلَا تَجۡهَرۡ بِصَلَاتِكَ وَلَا تُخَافِتۡ بِهَا وَٱبۡتَغِ بَيۡنَ ذَٰلِكَ سَبِيلٗا ١١٠
Say, "Call upon Allāh or call upon the Most Merciful [ar-Raḥmān]. Whichever [name] you call - to Him belong the best names." And do not recite [too] loudly in your prayer or [too] quietly but seek between that an [intermediate] way.
Sabihin mo, O Sugo, sa sinumang nagmasama sa iyo ng pagdalangin sa pamamagitan ng pagsabi mo ng o Allāh, O Raḥmān (Napakamaawain): "Ang mga katagang Allāh at Raḥmān (Napakamaawain) ay dalawang pangalang ukol sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – kaya dumalangin kayo sa Kanya sa pamamagitan ng alinman sa dalawang ito o sa pamamagitan ng pangalang iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga pangalan Niya sapagkat taglay Niya – kaluwalhatian sa Kanya – ang mga pangalang pinakamagaganda. Ang dalawang ito ay kabilang sa mga pangalang iyon kaya dumalangin kayo sa pamamagitan ng dalawang ito o iba pa sa mga ito na kabilang sa mga pangalan Niyang pinakamagaganda. Huwag kang magpaingay sa pagbigkas sa dasal mo para marinig ka ng mga tagapagtambal at huwag kang maglihim nito para hindi ka marinig ng mga mananampalataya. Maghanap ka ng isang paraang katamtaman sa pagitan ng dalawang magkasalungatan."
17:111Page 293
وَقُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي لَمۡ يَتَّخِذۡ وَلَدٗا وَلَمۡ يَكُن لَّهُۥ شَرِيكٞ فِي ٱلۡمُلۡكِ وَلَمۡ يَكُن لَّهُۥ وَلِيّٞ مِّنَ ٱلذُّلِّۖ وَكَبِّرۡهُ تَكۡبِيرَۢا ١١١
And say, "Praise to Allāh, who has not taken a son and has had no partner in [His] dominion and has no [need of a] protector out of weakness; and glorify Him with [great] glorification."
Sabihin mo, O Sugo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang karapat-dapat sa mga uri ng mga papuri, na nagpawalang-kaugnayan sa pagkakaroon ng anak at nagpawalang-kaugnayan sa pagkakaroon ng katambal sapagkat walang katambal sa Kanya sa paghahari Niya at walang dumadapo sa Kanya na kaabahan at pagkahamak, kaya hindi Siya nangangailangan ng mag-aadya sa Kanya at kakatig sa Kanya. Dumakila ka sa Kanya nang maraming pagdakila saka huwag kang mag-ugnay sa kanya ng isang anak ni ng isang katambal sa paghahari ni isang tagapag-adya na tagatulong."
Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences