Al-MukhtasarAl‑Kahf · 18:1–60

Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog

الكهف

Al-Kahf

The Cave · Meccan · 110 ayahs

18:1Page 293

ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِيٓ أَنزَلَ عَلَىٰ عَبۡدِهِ ٱلۡكِتَٰبَ وَلَمۡ يَجۡعَل لَّهُۥ عِوَجَاۜ ١

[All] praise is [due] to Allāh, who has sent down upon His Servant [Muḥammad (ﷺ)] the Book and has not made therein any deviance.1

Ang pagbubunyi, dahil sa mga katangian ng kalubusan at kapitaganan at dahil sa mga biyayang hayag at kubli, ay ukol kay Allāh lamang na nagpababa ng Qur'ān sa Lingkod Niya at Sugo Niyang si Muḥammad – sumakanya ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan. Hindi Siya naglagay sa Qur'ān na ito ng isang pagkabaluktot at isang pagkiling palayo sa katotohanan.

18:2Page 293

قَيِّمٗا لِّيُنذِرَ بَأۡسٗا شَدِيدٗا مِّن لَّدُنۡهُ وَيُبَشِّرَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ ٱلَّذِينَ يَعۡمَلُونَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ أَنَّ لَهُمۡ أَجۡرًا حَسَنٗا ٢

[He has made it] straight, to warn of severe punishment from Him and to give good tidings to the believers who do righteous deeds that they will have a good reward [i.e., Paradise]

Bagkus gumawa Siya rito bilang tuwid, na walang salungatan dito at walang pagkakaiba-iba, upang magpangamba sa mga tagatangging sumampalataya laban sa isang pagdurusang malakas mula sa ganang Kanya na naghihintay sa kanila, at upang magpabatid sa mga mananampalatayang gumagawa ng mga gawaing maayos hinggil sa magpapagalak sa kanila: na ukol sa kanila ay isang gantimpalang maganda, na hindi napapantayan ng anumang gantimpala.

18:3Page 293

مَّٰكِثِينَ فِيهِ أَبَدٗا ٣

In which they will remain forever

bilang mga mananatili sa gantimpalang ito magpakailanman sapagkat hindi ito mapuputol sa kanila.

18:4Page 293

وَيُنذِرَ ٱلَّذِينَ قَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدٗا ٤

And to warn those who say, "Allāh has taken a son."

at magpangamba sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at ilan sa mga tagapagtambal, na nagsabi: "Gumawa si Allāh ng anak."

18:5Page 294

مَّا لَهُم بِهِۦ مِنۡ عِلۡمٖ وَلَا لِأٓبَآئِهِمۡۚ كَبُرَتۡ كَلِمَةٗ تَخۡرُجُ مِنۡ أَفۡوَٰهِهِمۡۚ إِن يَقُولُونَ إِلَّا كَذِبٗا ٥

They have no knowledge of it,1 nor had their fathers. Grave is the word that comes out of their mouths; they speak not except a lie.

Ang mga gumagawa-gawang ito ay walang anumang kaalaman o patunay sa inaangkin nila na pag-uugnay ng anak kay Allāh at ang mga ninuno nilang tinularan nila roon ay wala ring kaalaman. Bumigat sa kapangitan ang salitang iyon na lumalabas sa mga bibig nila nang walang pagpapakaunawa. Wala silang sinasabi kundi pananalitang sinungaling na walang batayan at walang saligan.

18:6Page 294

فَلَعَلَّكَ بَٰخِعٞ نَّفۡسَكَ عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِمۡ إِن لَّمۡ يُؤۡمِنُواْ بِهَٰذَا ٱلۡحَدِيثِ أَسَفًا ٦

Then perhaps you would kill yourself through grief over them, [O Muḥammad], if they do not believe in this message, [and] out of sorrow.

Kaya baka ikaw, O Sugo, ay magpapahamak sa sarili mo dala ng lungkot at dalamhati kung hindi sila sumampalataya sa Qur'ān na ito, ngunit huwag mong gawin sapagkat hindi kailangan sa iyo ang kapatnubayan nila; tanging ang kailangan sa iyo ay ang pagpapaabot.

18:7Page 294

إِنَّا جَعَلۡنَا مَا عَلَى ٱلۡأَرۡضِ زِينَةٗ لَّهَا لِنَبۡلُوَهُمۡ أَيُّهُمۡ أَحۡسَنُ عَمَلٗا ٧

Indeed, We have made that which is on the earth adornment for it that We may test them [as to] which of them is best in deed.

Tunay na Kami ay gumawa sa anumang nasa ibabaw ng lupa na mga nilikha bilang karikitan para rito upang sumulit Kami sa kanila kung alin sa kanila ang pinakamaganda sa gawa ayon sa nagpapalugod sa Amin at kung alin sa kanila ang pinakamasagwa sa gawa upang gumanti Kami sa bawat isa ayon sa nagiging karapat-dapat dito.

18:8Page 294

وَإِنَّا لَجَٰعِلُونَ مَا عَلَيۡهَا صَعِيدٗا جُرُزًا ٨

And indeed, We will make that which is upon it [into] a barren ground.

Tunay na Kami ay talagang magpapanibagong-anyo sa nasa balat ng lupa na mga nilikha upang maging lupang hungkag sa mga halaman. Iyon ay matapos ng pagwawakas ng buhay ng mga nilikhang nasa ibabaw nito kaya magsaalang-alang sila niyon.

18:9Page 294

أَمۡ حَسِبۡتَ أَنَّ أَصۡحَٰبَ ٱلۡكَهۡفِ وَٱلرَّقِيمِ كَانُواْ مِنۡ ءَايَٰتِنَا عَجَبًا ٩

Or have you thought that the companions of the cave and the inscription were, among Our signs, a wonder?1

Huwag kang magpalagay, O Sugo, na ang kasaysayan ng magkakasama sa yungib at ng tablero nilang sinulatan ng mga pangalan nila ay kabilang sa mga tanda Naming kataka-taka, bagkus ang iba pa rito ay higit na kataka-taka, gaya ng pagkalikha sa mga langit at lupa.

18:10Page 294

إِذۡ أَوَى ٱلۡفِتۡيَةُ إِلَى ٱلۡكَهۡفِ فَقَالُواْ رَبَّنَآ ءَاتِنَا مِن لَّدُنكَ رَحۡمَةٗ وَهَيِّئۡ لَنَا مِنۡ أَمۡرِنَا رَشَدٗا ١٠

[Mention] when the youths retreated to the cave and said, "Our Lord, grant us from Yourself mercy and prepare for us from our affair right guidance."

Banggitin mo, O Sugo, nang nagpakandili ang mga kabataang mananampalataya dahil sa pagtakas dahil sa relihiyon nila saka nagsabi sila sa panalangin nila sa Panginoon nila: "Panginoon namin, magbigay Ka sa amin mula sa ganang Iyo ng isang awa sa pamamagitan ng pagpapatawad Mo sa amin sa mga pagkakasala namin at pagliligtas Mo sa amin mula sa mga kaaway namin. Gumawa Ka para sa amin, kaugnay sa nauukol sa paglikas palayo sa mga tagatangging sumampalataya at [nauukol] sa pananampalataya, ng isang pagkapatnubay tungo sa daan ng katotohanan at isang pagkatama."

18:11Page 294

فَضَرَبۡنَا عَلَىٰٓ ءَاذَانِهِمۡ فِي ٱلۡكَهۡفِ سِنِينَ عَدَدٗا ١١

So We cast [a cover of sleep] over their ears within the cave for a number of years.

Pagkatapos, matapos ng paglalakbay nila at pagpapakandili nila sa yungib, nagtakip Kami sa mga tainga nila ng isang tabing sa pagkarinig sa mga tunog at nagpukol Kami sa kanila ng pagkatulog sa loob ng maraming taon.

18:12Page 294

ثُمَّ بَعَثۡنَٰهُمۡ لِنَعۡلَمَ أَيُّ ٱلۡحِزۡبَيۡنِ أَحۡصَىٰ لِمَا لَبِثُوٓاْ أَمَدٗا ١٢

Then We awakened them that We might show which of the two factions was most precise in calculating what [extent] they had remained in time.

Pagkatapos, matapos ng pagkatulog nilang matagal ay ginising Namin sila upang magpaalam Kami – ayon sa kaalaman ng paghahayag – kung alin sa dalawang pangkating nagtutunggalian sa [haba ng] yugto ng pamamalagi nila sa yungib ang higit na maalam sa sukat ng yugtong iyon.

18:13Page 294

نَّحۡنُ نَقُصُّ عَلَيۡكَ نَبَأَهُم بِٱلۡحَقِّۚ إِنَّهُمۡ فِتۡيَةٌ ءَامَنُواْ بِرَبِّهِمۡ وَزِدۡنَٰهُمۡ هُدٗى ١٣

It is We who relate to you, [O Muḥammad], their story in truth. Indeed, they were youths who believed in their Lord, and We increased them in guidance.

Kami ay nagpapabatid sa iyo, O Sugo, ng ulat sa kanila ayon sa katapatang walang mapag-aalinlanganan kasama dito. Tunay na sila ay mga kabataang sumampalataya sa Panginoon nila at gumawa ng pagtalima sa Kanya. Nagdagdag Kami sa kanila ng kapatnubayan at pagpapatatag sa katotohanan.

18:14Page 294

وَرَبَطۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ إِذۡ قَامُواْ فَقَالُواْ رَبُّنَا رَبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ لَن نَّدۡعُوَاْ مِن دُونِهِۦٓ إِلَٰهٗاۖ لَّقَدۡ قُلۡنَآ إِذٗا شَطَطًا ١٤

And We bound [i.e., made firm] their hearts when they stood up and said, "Our Lord is the Lord of the heavens and the earth. Never will we invoke besides Him any deity. We would have certainly spoken, then, an excessive transgression.

Nagpalakas Kami sa mga puso nila sa pamamagitan ng pananampalataya, katatagan dito, at pagtitiis sa pag-iwan sa mga tinubuang-bayan, nang tumindig sila habang mga nagpapahayag sa harapan ng haring tagatangging sumampalataya ng pananampalataya nila kay Allāh lamang saka nagsabi sila rito: "Ang Panginoon Naming sinampalatayanan namin at sinamba namin ay ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa. Hindi kami sasamba sa anumang iba pa sa Kanya na mga diyos na ipinagpapalagay ayon sa kasinungalingan [dahil] talaga ngang makapagsasabi Kami, kung sumamba Kami sa iba sa Kanya, ng isang pananalitang mapaniil na malayo sa katotohanan."

18:15Page 294

هَٰٓؤُلَآءِ قَوۡمُنَا ٱتَّخَذُواْ مِن دُونِهِۦٓ ءَالِهَةٗۖ لَّوۡلَا يَأۡتُونَ عَلَيۡهِم بِسُلۡطَٰنِۭ بَيِّنٖۖ فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ كَذِبٗا ١٥

These, our people, have taken besides Him deities. Why do they not bring for [worship of] them a clear evidence? And who is more unjust than one who invents about Allāh a lie?"

Pagkatapos lumingon ang iba sa kanila sa iba pa habang mga nagsasabi: "Ang mga ito, ang mga tao namin, ay gumawa bukod pa kay Allāh ng mga sinasambang sinasamba nila gayong sila ay hindi nagmamay-ari para sa pagsamba sa mga iyon ng isang patotoong maliwanag. Kaya walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng isang kasinungalingan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal sa Kanya."

18:16Page 295

وَإِذِ ٱعۡتَزَلۡتُمُوهُمۡ وَمَا يَعۡبُدُونَ إِلَّا ٱللَّهَ فَأۡوُۥٓاْ إِلَى ٱلۡكَهۡفِ يَنشُرۡ لَكُمۡ رَبُّكُم مِّن رَّحۡمَتِهِۦ وَيُهَيِّئۡ لَكُم مِّنۡ أَمۡرِكُم مِّرۡفَقٗا ١٦

[The youths said to one another], "And when you have withdrawn from them and that which they worship other than Allāh, retreat to the cave. Your Lord will spread out for you of His mercy and will prepare for you from your affair facility."

Nang lumayo kayo sa mga kababayan ninyo at umiwan kayo sa anumang sinasamba nila bukod pa kay Allāh kaya wala kayong sinasamba maliban kay Allāh lamang saka nagpakandili kayo sa yungib bilang pagtakas dahil sa relihiyon ninyo, nagkaloob naman para sa inyo ang Panginoon ninyo – kaluwalhatian sa Kanya – mula sa awa Niya ng mangangalaga sa inyo laban sa mga kaaway ninyo at magsasanggalang sa inyo. Magpapagaan para sa inyo ng nauukol sa inyo ang pakikinabangan ninyo mula sa ipanunumbas Niya sa inyo kapalit ng pamumuhay sa piling ng mga kababayan ninyo.

18:17Page 295

۞ وَتَرَى ٱلشَّمۡسَ إِذَا طَلَعَت تَّزَٰوَرُ عَن كَهۡفِهِمۡ ذَاتَ ٱلۡيَمِينِ وَإِذَا غَرَبَت تَّقۡرِضُهُمۡ ذَاتَ ٱلشِّمَالِ وَهُمۡ فِي فَجۡوَةٖ مِّنۡهُۚ ذَٰلِكَ مِنۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِۗ مَن يَهۡدِ ٱللَّهُ فَهُوَ ٱلۡمُهۡتَدِۖ وَمَن يُضۡلِلۡ فَلَن تَجِدَ لَهُۥ وَلِيّٗا مُّرۡشِدٗا ١٧

And [had you been present], you would see the sun when it rose, inclining away from their cave on the right, and when it set, passing away from them on the left, while they were [lying] within an open space thereof. That was from the signs of Allāh. He whom Allāh guides is the [rightly] guided, but he whom He sends astray - never will you find for him a protecting guide.

Kaya sumunod sila sa ipinag-utos sa kanila. Nagsanhi si Allāh ng pagkatulog sa kanila at nangalaga Siya sa kanila laban sa kaaway nila. Makikita mo, O tagapanood sa kanila, ang araw, kapag lumitaw iyon sa silangan niyon, na kumikiling palayo sa yungib nila sa dakong kanan ng papasok dito, at kapag lumubog iyon sa sandali ng paglubog niyon, na lumilihis palayo sa yungib sa dakong kaliwa niyon kaya hindi tumatama iyon dito. Sila ay nasa isang lilim na palagian, na hindi nakasasakit sa kanila ang init ng araw habang sila ay nasa isang kalawakan ng yungib. Naidudulot sa kanila mula sa hangin ang kinakailangan nila. Ang nangyayaring iyon sa kanila na pagkakanlong sa kanila sa yungib, ang pagsasanhi ng pagkatulog para sa kanila, ang paglihis ng araw palayo sa kanila, ang paglawak ng pook nila, at ang pagliligtas sa kanila laban sa mga kababayan nila ay kabilang sa mga kataka-taka mula sa gawa ni Allāh, na nagpapatunay sa kakayahan Niya. Ang sinumang itinuon ni Allāh sa daan ng kapatnubayan ay ito ang napapatnubayan nang totohanan. Ang sinumang binigo Niya roon at pinaligaw Niya ay hindi ka makatatagpo para rito ng isang tagapag-adya na magtutuon dito sa kapatnubayan at maggagabay dito roon dahil ang kapatnubayan ay nasa kamay ni Allāh at hindi nasa kamay nito mismo.

18:18Page 295

وَتَحۡسَبُهُمۡ أَيۡقَاظٗا وَهُمۡ رُقُودٞۚ وَنُقَلِّبُهُمۡ ذَاتَ ٱلۡيَمِينِ وَذَاتَ ٱلشِّمَالِۖ وَكَلۡبُهُم بَٰسِطٞ ذِرَاعَيۡهِ بِٱلۡوَصِيدِۚ لَوِ ٱطَّلَعۡتَ عَلَيۡهِمۡ لَوَلَّيۡتَ مِنۡهُمۡ فِرَارٗا وَلَمُلِئۡتَ مِنۡهُمۡ رُعۡبٗا ١٨

And you would think them awake, while they were asleep. And We turned them to the right and to the left, while their dog stretched his forelegs at the entrance. If you had looked at them, you would have turned from them in flight and been filled by them with terror.

Magpapalagay ka, O nakatingin sa kanila, na sila ay mga gising dahil sa pagkabukas ng mga mata nila gayong ang totoo ay na sila ay mga natutulog. Nagpapabaling Kami sa kanila sa pagtulog nila: minsan sa kanan at minsan sa kaliwa, upang hindi kainin ng lupa ang mga katawan nila, habang ang aso nilang sumasama sa kanila ay nakalatag ang dalawang unahang biyas nito sa pasukan ng yungib. Kung sakaling tumingin ka sa kanila at nakapanood ka sa kanila ay talaga sanang tumalikod ka palayo sa kanila habang tumatakas dala ng pangamba dahil sa kanila at talaga sanang napuno ang sarili mo ng hilakbot dahil sa kanila.

18:19Page 295

وَكَذَٰلِكَ بَعَثۡنَٰهُمۡ لِيَتَسَآءَلُواْ بَيۡنَهُمۡۚ قَالَ قَآئِلٞ مِّنۡهُمۡ كَمۡ لَبِثۡتُمۡۖ قَالُواْ لَبِثۡنَا يَوۡمًا أَوۡ بَعۡضَ يَوۡمٖۚ قَالُواْ رَبُّكُمۡ أَعۡلَمُ بِمَا لَبِثۡتُمۡ فَٱبۡعَثُوٓاْ أَحَدَكُم بِوَرِقِكُمۡ هَٰذِهِۦٓ إِلَى ٱلۡمَدِينَةِ فَلۡيَنظُرۡ أَيُّهَآ أَزۡكَىٰ طَعَامٗا فَلۡيَأۡتِكُم بِرِزۡقٖ مِّنۡهُ وَلۡيَتَلَطَّفۡ وَلَا يُشۡعِرَنَّ بِكُمۡ أَحَدًا ١٩

And similarly,1 We awakened them that they might question one another. Said a speaker from among them, "How long have you remained [here]?" They said, "We have remained a day or part of a day." They said, "Your Lord is most knowing of how long you remained. So send one of you with this silver coin of yours to the city and let him look to which is the best of food and bring you provision from it and let him be cautious. And let no one be aware of you.

Gaya ng ginawa Namin sa kanila kabilang sa binanggit Namin na mga kataka-taka sa kakayahan Namin, ginising Namin sila matapos ng isang yugtong matagal upang magtanong ang isa't isa sa kanila tungkol sa yugto na namalagi sila habang mga natutulog. Kaya sumagot ang iba sa kanila: "Namalagi tayong mga natutulog nang isang araw o isang bahagi ng isang araw." Sumagot naman ang iba pa sa kanila kabilang sa hindi nahayag sa kanila ang yugto ng pamamalagi nila habang mga natutulog: "Ang Panginoon ninyo ay higit na nakaaalam sa yugto ng pamamalagi ninyo habang mga natutulog, kaya magpaubaya kayo sa Kanya ng kaalaman niyon at magpakaabala kayo sa makatutulong sa inyo. Kaya magsugo kayo ng isa sa inyo kalakip ng mga pilak na salapi ninyong ito patungo sa nakagisnang lungsod natin, saka tumingin siya kung alin sa mga naninirahan doon ang higit na kaaya-aya sa pagkain at higit na kaaya-aya sa kinikita, saka magdala siya sa inyo ng pagkain mula roon, maghinay-hinay siya sa pagpasok niya, paglabas niya, at pakikitungo niya, maging mahusay siya, at huwag siyang magpabaya na may isang makaalam sa pook ninyo dahil sa ireresulta dahil doon na isang kapinsalaang mabigat.

18:20Page 295

إِنَّهُمۡ إِن يَظۡهَرُواْ عَلَيۡكُمۡ يَرۡجُمُوكُمۡ أَوۡ يُعِيدُوكُمۡ فِي مِلَّتِهِمۡ وَلَن تُفۡلِحُوٓاْ إِذًا أَبَدٗا ٢٠

Indeed, if they come to know of you, they will stone you or return you to their religion. And never would you succeed, then - ever."

Tunay na ang mga kababayan ninyo, kung makababatid sa inyo at makaalam sa pook ninyo, ay papatay sa inyo sa pamamagitan ng pagpukol ng bato o magpapabalik sa inyo sa kapaniwalaan nilang nakalihis, na kayo dati ay nakabatay roon bago nagmagandang-loob si Allāh sa inyo ng kapatnubayan tungo sa relihiyon ng katotohanan. Kung bumalik kayo roon ay hindi kayo magtatagumpay magpakailanman: hindi sa buhay na pangmundo at hindi sa Kabilang-buhay. Bagkus malulugi kayo sa dalawang ito ng pagkaluging mabigat dahilan sa pag-iwan ninyo sa relihiyon ng katotohanang ipinatnubay sa inyo ni Allāh at sa pagbalik ninyo sa kapaniwalaang nakalihis na iyon."

18:21Page 296

وَكَذَٰلِكَ أَعۡثَرۡنَا عَلَيۡهِمۡ لِيَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞ وَأَنَّ ٱلسَّاعَةَ لَا رَيۡبَ فِيهَآ إِذۡ يَتَنَٰزَعُونَ بَيۡنَهُمۡ أَمۡرَهُمۡۖ فَقَالُواْ ٱبۡنُواْ عَلَيۡهِم بُنۡيَٰنٗاۖ رَّبُّهُمۡ أَعۡلَمُ بِهِمۡۚ قَالَ ٱلَّذِينَ غَلَبُواْ عَلَىٰٓ أَمۡرِهِمۡ لَنَتَّخِذَنَّ عَلَيۡهِم مَّسۡجِدٗا ٢١

And similarly, We caused them to be found that they [who found them] would know that the promise of Allāh is truth and that of the Hour there is no doubt. [That was] when they1 disputed among themselves about their affair and [then] said, "Construct over them a structure. Their Lord is most knowing about them." Said those who prevailed in the matter, "We will surely take [for ourselves] over them a masjid."2

Gaya ng paggawa Namin sa kanila ng mga gawaing kataka-takang nagpapatunay sa kakayahan Namin gaya ng pagpapatulog sa kanila nang maraming taon at paggising sa kanila matapos niyon, ipinabatid Namin sa kanila ang mga naninirahan sa lungsod nila upang malaman ng mga naninirahan sa lungsod nila na ang pangako Namin ng pag-aadya sa mga mananampalataya at ng pagbuhay ay totoo at na ang Araw ng Pagbangon ay darating nang walang duda hinggil doon. Kaya noong nabunyag ang lagay ng magkakasama sa yungib at namatay sila, nagkaiba-iba ang mga nakababatid sa kanila kung ano ang gagawin ng mga ito patungkol sa kanila. May nagsabing isang pangkat kabilang sa mga ito: "Magpatayo kayo sa pintuan ng yungib nila ng isang gusaling tatakip sa kanila at mangangalaga sa kanila. Ang Panginoon nila ay higit na nakaaalam sa kalagayan nila saka ang kalagayan nila ay humihiling na mayroon silang pagkatangi sa ganang Kanya." Nagsabi naman ang mga may impluwensiya kabilang sa mga walang kaalaman ni pahayag na tumpak: "Talagang gagawa nga kami sa ibabaw ng pook nilang ito ng isang patirapaan para sa pagsamba bilang pagpaparangal para sa kanila at pagpapaalaala sa pook nila."

18:22Page 296

سَيَقُولُونَ ثَلَٰثَةٞ رَّابِعُهُمۡ كَلۡبُهُمۡ وَيَقُولُونَ خَمۡسَةٞ سَادِسُهُمۡ كَلۡبُهُمۡ رَجۡمَۢا بِٱلۡغَيۡبِۖ وَيَقُولُونَ سَبۡعَةٞ وَثَامِنُهُمۡ كَلۡبُهُمۡۚ قُل رَّبِّيٓ أَعۡلَمُ بِعِدَّتِهِم مَّا يَعۡلَمُهُمۡ إِلَّا قَلِيلٞۗ فَلَا تُمَارِ فِيهِمۡ إِلَّا مِرَآءٗ ظَٰهِرٗا وَلَا تَسۡتَفۡتِ فِيهِم مِّنۡهُمۡ أَحَدٗا ٢٢

They [i.e., people] will say there were three, the fourth of them being their dog; and they will say there were five, the sixth of them being their dog - guessing at the unseen; and they will say there were seven, and the eighth of them was their dog. Say, [O Muḥammad], "My Lord is most knowing of their number. None knows them except a few. So do not argue about them except with an obvious argument1 and do not inquire about them among [the speculators] from anyone."

Magsasabi ang ilan sa mga tagapagtalakay sa kasaysayan nila tungkol sa bilang nila: "Sila ay tatlo, na ang ikaapat sa kanila ay ang aso nila." Magsasabi naman ang iba sa mga iyon: "Sila ay lima, na ang ikaanim sa kanila ay ang aso nila." Ang kapwa pangkatin ay nagsabi lamang ng sinabi nito bilang pagsunod sa palagay nila nang walang patunay. Magsasabi pa ang iba sa mga iyon: "Sila ay pito, na ang ikawalo sa kanila ay ang aso nila." Sabihin mo, O Sugo: "Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa bilang nila; walang nakaaalam sa bilang nila kundi kaunting kabilang sa tinuruan ni Allāh ng bilang nila. Kaya huwag kang makipagtalo, hinggil sa bilang nila ni hinggil sa iba pa rito na mga kalagayan nila, sa mga May Kasulatan ni sa iba pa sa mga ito malibang ayon sa pakikipagtalong hayag na walang kalaliman doon, sa pamamagitan ng pagkakasya sa bumaba sa iyo na pagkasi patungkol sa kanila. Huwag kang magtanong sa isa kabilang sa mga iyon hinggil sa mga detalye patungkol sa kanila sapagkat tunay na ang mga iyon ay hindi nakaalam niyon."

18:23Page 296

وَلَا تَقُولَنَّ لِشَاْيۡءٍ إِنِّي فَاعِلٞ ذَٰلِكَ غَدًا ٢٣

And never say of anything, "Indeed, I will do that tomorrow,"

Huwag ka ngang magsasabi, O Sugo, sa anumang ninanais mong gawin bukas: "Tunay na ako ay gagawa ng bagay na ito bukas," dahil ikaw ay hindi nakaaalam kung makagagawa ka kaya nito o may hahadlang sa pagitan mo at niyon. Ito ay isang panuto para sa bawat Muslim.

18:24Page 296

إِلَّآ أَن يَشَآءَ ٱللَّهُۚ وَٱذۡكُر رَّبَّكَ إِذَا نَسِيتَ وَقُلۡ عَسَىٰٓ أَن يَهۡدِيَنِ رَبِّي لِأَقۡرَبَ مِنۡ هَٰذَا رَشَدٗا ٢٤

Except [when adding], "If Allāh wills." And remember your Lord when you forget [it] and say, "Perhaps my Lord will guide me to what is nearer than this to right conduct."

Maliban na isalalay mo ang paggawa nito sa kalooban ni Allāh sa pamamagitan ng pagsabi mo ng: "Gagawin ko ito – kung niloob ni Allāh – bukas." Alalahanin mo ang Panginoon mo sa pamamagitan ng pagsabi mo ng: "Kung niloob ni Allāh," kung nakalimot kang magsabi nito; at sabihin mo: "Umaasa ako na gumabay sa akin ang Panginoon ko para sa higit na malapit kaysa sa bagay na ito sa kapatnubayan at pagtutuon."

18:25Page 296

وَلَبِثُواْ فِي كَهۡفِهِمۡ ثَلَٰثَ مِاْئَةٖ سِنِينَ وَٱزۡدَادُواْ تِسۡعٗا ٢٥

And they remained in their cave for three hundred years and exceeded by nine.1

Nanatili ang magkakasama sa yungib sa yungib nila nang tatlong daan at siyam na taon.

18:26Page 296

قُلِ ٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا لَبِثُواْۖ لَهُۥ غَيۡبُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ أَبۡصِرۡ بِهِۦ وَأَسۡمِعۡۚ مَا لَهُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَلِيّٖ وَلَا يُشۡرِكُ فِي حُكۡمِهِۦٓ أَحَدٗا ٢٦

Say, "Allāh is most knowing of how long they remained. He has [knowledge of] the unseen [aspects] of the heavens and the earth. How Seeing is He and how Hearing! They have not besides Him any protector, and He shares not His legislation with anyone."

Sabihin mo, O Sugo: "Si Allāh ay higit na maalam sa tagal ng ipinanatili nila sa yungib nila. Nagpabatid nga Siya sa atin ng yugto ng pananatili nila roon kaya walang masasabing ukol sa isa man matapos ng pagsabi Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Ukol sa Kanya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – ang anumang nakalingid sa mga langit at ang anumang nakalingid sa lupa sa paglikha at kaalaman. Kay husay ng pagkakita Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sapagkat Siya ay nakakikita sa bawat bagay. Kay husay ng pagkarinig Niya sapagkat Siya ay nakaririnig sa bawat bagay. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik na tatangkilik sa nauukol sa kanila. Hindi Siya nagpapatambal sa paghahatol Niya sa isa man sapagkat Siya ang namumukod-tangi lamang sa paghahatol."

18:27Page 296

وَٱتۡلُ مَآ أُوحِيَ إِلَيۡكَ مِن كِتَابِ رَبِّكَۖ لَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَٰتِهِۦ وَلَن تَجِدَ مِن دُونِهِۦ مُلۡتَحَدٗا ٢٧

And recite, [O Muḥammad], what has been revealed to you of the Book of your Lord. There is no changer of His words, and never will you find in other than Him a refuge.

Bumigkas ka, O Sugo, at gumawa ka ayon sa ikinasi ni Allāh sa iyo mula sa Qur'ān sapagkat walang tagapagpalit sa mga salita Niya dahil ang mga ito ay katapatan sa kabuuan ng mga ito at katarungan sa kabuuan ng mga ito. Hindi ka makatatagpo bukod pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – ng isang madudulugang dudulugan mo ni isang mapagpapakupkupang pagpapakupkupan mo maliban pa sa Kanya.

18:28Page 297

وَٱصۡبِرۡ نَفۡسَكَ مَعَ ٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ رَبَّهُم بِٱلۡغَدَوٰةِ وَٱلۡعَشِيِّ يُرِيدُونَ وَجۡهَهُۥۖ وَلَا تَعۡدُ عَيۡنَاكَ عَنۡهُمۡ تُرِيدُ زِينَةَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَلَا تُطِعۡ مَنۡ أَغۡفَلۡنَا قَلۡبَهُۥ عَن ذِكۡرِنَا وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ وَكَانَ أَمۡرُهُۥ فُرُطٗا ٢٨

And keep yourself patient [by being] with those who call upon their Lord in the morning and the evening, seeking His face [i.e., acceptance]. And let not your eyes pass beyond them, desiring adornments of the worldly life, and do not obey one whose heart We have made heedless of Our remembrance and who follows his desire and whose affair is ever [in] neglect.1

Mag-obliga ka sa sarili mo sa pagsama sa mga dumadalangin sa Panginoon nila ng panalangin ng pagsamba at panalangin ng paghiling sa simula ng maghapon at wakas nito, habang mga nagpapakawagas sa Kanya. Huwag lumampas ang dalawang mata mo palayo sa kanila, na nagnanais ng pakikisama sa mga may kayamanan at kamaharlikaan. Huwag kang tumalima sa sinumang ginawa Namin ang puso niya na nalilingat sa pag-alaala sa Amin sa pamamagitan ng pagtatakip Namin dito, kaya nag-utos siya sa iyo ng pagpapalayo sa mga maralita buhat sa pagtitipon mo at nagpauna siya ng pinipithaya ng sarili niya kaysa sa pagtalima sa Panginoon niya habang ang mga gawain niya ay naging pagkasayang.

18:29Page 297

وَقُلِ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكُمۡۖ فَمَن شَآءَ فَلۡيُؤۡمِن وَمَن شَآءَ فَلۡيَكۡفُرۡۚ إِنَّآ أَعۡتَدۡنَا لِلظَّٰلِمِينَ نَارًا أَحَاطَ بِهِمۡ سُرَادِقُهَاۚ وَإِن يَسۡتَغِيثُواْ يُغَاثُواْ بِمَآءٖ كَٱلۡمُهۡلِ يَشۡوِي ٱلۡوُجُوهَۚ بِئۡسَ ٱلشَّرَابُ وَسَآءَتۡ مُرۡتَفَقًا ٢٩

And say, "The truth is from your Lord, so whoever wills - let him believe; and whoever wills - let him disbelieve." Indeed, We have prepared for the wrongdoers a fire whose walls will surround them. And if they call for relief, they will be relieved with water like murky oil, which scalds [their] faces. Wretched is the drink, and evil is the resting place.

Sabihin mo, O Sugo, sa mga naliligtang ito sa pag-alaala kay Allāh dahil sa pagkalingat ng mga puso nila: "Ang inihatid ko sa inyo ay ang katotohanan. Ito ay mula sa ganang kay Allāh, hindi mula sa ganang akin. Hindi ako tutugon sa panawagan ninyo sa akin na itaboy ko ang mga mananampalataya. Kaya ang sinumang lumuob kabilang sa inyo ng pananampalataya sa katotohanang ito ay sumampalataya siya rito at magagalak siya sa ganti rito; at ang sinumang lumuob kabilang sa inyo ng kawalang-pananampalataya rito ay tumanggi siyang sumampalataya at maliligalig siya sa parusang naghihintay sa kanya." Tunay na Kami ay naghanda para sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila, dahil sa pagpili sa kawalang-pananampalataya, ng apoy na papaligid sa kanila ang mga bakod nito kaya hindi nila kakayaning tumakas mula roon. Kung hihiling sila ng isang saklolo sa pamamagitan ng tubig dahil sa tindi ng dinaranas nila na uhaw, sasaklolohan sila ng isang tubig na gaya ng langis na maputik na matindi ang init, na iihaw sa mga mukha nila dala ng tindi ng init nito. Kay sagwa bilang inumin ang inuming ito na isasaklolo sa kanila sapagkat ito ay hindi nakasasapat para sa uhaw bagkus nakadaragdag pa ito roon at hindi nakaapula ng liyab na pumapaso sa mga balat nila. Kay sagwa ang apoy bilang tuluyang tutuluyan nila at bilang pinanatilihang pananatilihan nila!

18:30Page 297

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ إِنَّا لَا نُضِيعُ أَجۡرَ مَنۡ أَحۡسَنَ عَمَلًا ٣٠

Indeed, those who have believed and done righteous deeds - indeed, We will not allow to be lost the reward of any who did well in deeds.

Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos samantalang nagpaganda nga sila ng mga gawa nila, ukol sa kanila ay isang gantimpalang dakila. Tunay na Kami ay hindi magsasayang sa pabuya ng sinumang nagpaganda ng gawa, bagkus maglulubos Kami sa kanila sa mga pabuya nila nang buo na hindi nababawasan.

18:31Page 297

أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ جَنَّٰتُ عَدۡنٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهِمُ ٱلۡأَنۡهَٰرُ يُحَلَّوۡنَ فِيهَا مِنۡ أَسَاوِرَ مِن ذَهَبٖ وَيَلۡبَسُونَ ثِيَابًا خُضۡرٗا مِّن سُندُسٖ وَإِسۡتَبۡرَقٖ مُّتَّكِـِٔينَ فِيهَا عَلَى ٱلۡأَرَآئِكِۚ نِعۡمَ ٱلثَّوَابُ وَحَسُنَتۡ مُرۡتَفَقٗا ٣١

Those will have gardens of perpetual residence; beneath them rivers will flow. They will be adorned therein with bracelets of gold and will wear green garments of fine silk and brocade, reclining therein on adorned couches. Excellent is the reward, and good is the resting place.

Ang mga nailalarawang iyon sa [pagtataglay ng] pananampalataya at paggawa ng mga gawaing maayos ay ukol sa kanila ang mga hardin ng pananatili, na mananatili sila sa mga iyon magpakailanman. Dumadaloy mula sa ilalim ng mga tuluyan nila ang mga matamis na ilog ng Paraiso. Gagayakan sila roon ng mga pulseras mula sa ginto at magdadamit sila ng mga kasuutang luntian mula sa manipis na sutla at makapal na sutla. Sasandig sila sa mga sopang ginayakan ng mga marikit na tabing. Kay ganda ang gantimpala bilang gantimpala sa kanila at kay ganda ang Paraiso bilang tuluyan at bilang pinanatilihang pananatilihan nila!

18:32Page 297

۞ وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلٗا رَّجُلَيۡنِ جَعَلۡنَا لِأَحَدِهِمَا جَنَّتَيۡنِ مِنۡ أَعۡنَٰبٖ وَحَفَفۡنَٰهُمَا بِنَخۡلٖ وَجَعَلۡنَا بَيۡنَهُمَا زَرۡعٗا ٣٢

And present to them an example of two men: We granted to one of them two gardens of grapevines, and We bordered them with palm trees and placed between them [fields of] crops.

Maglahad ka, O Sugo, ng isang paghahalintulad ng dalawang lalaki: isang tagatangging sumampalataya at isang mananampalataya. Nagtalaga Kami para sa tagatangging sumampalataya kabilang sa kanilang dalawa ng dalawang taniman ng mga ubas, nagpaligid Kami sa dalawang taniman ng mga punong-datiles, at nagpatubo Kami sa bakanteng bahagi ng kalatagan ng dalawang ito ng mga pananim.

18:33Page 297

كِلۡتَا ٱلۡجَنَّتَيۡنِ ءَاتَتۡ أُكُلَهَا وَلَمۡ تَظۡلِم مِّنۡهُ شَيۡـٔٗاۚ وَفَجَّرۡنَا خِلَٰلَهُمَا نَهَرٗا ٣٣

Each of the two gardens produced its fruit and did not fall short thereof in anything. And We caused to gush forth within them a river.

Saka namunga ang bawat taniman ng mga bunga nito na datiles, ubas, at pananim. Hindi nagkukulang ito roon ng anuman, bagkus nagbigay ito niyon nang sapat at lubos. Nagpadaloy Kami sa pagitan ng dalawang ito ng isang ilog para dumilig sa dalawang ito nang may kadalian.

18:34Page 297

وَكَانَ لَهُۥ ثَمَرٞ فَقَالَ لِصَٰحِبِهِۦ وَهُوَ يُحَاوِرُهُۥٓ أَنَا۠ أَكۡثَرُ مِنكَ مَالٗا وَأَعَزُّ نَفَرٗا ٣٤

And he had fruit, so he said to his companion while he was conversing with him, "I am greater than you in wealth and mightier in [numbers of] men."

Nagkaroon ang may-ari ng dalawang taniman ng mga yaman at mga iba pang bunga kaya nagsabi siya sa kasamahan niyang mananampalataya habang siya ay nakikipag-usap dito upang magpasikat dito habang nalilinlang: "Ako ay higit na marami kaysa sa iyo sa mga yaman, higit na makapangyarihan sa impluwensiya, at higit na malakas sa angkan."

18:35Page 298

وَدَخَلَ جَنَّتَهُۥ وَهُوَ ظَالِمٞ لِّنَفۡسِهِۦ قَالَ مَآ أَظُنُّ أَن تَبِيدَ هَٰذِهِۦٓ أَبَدٗا ٣٥

And he entered his garden while he was unjust to himself.1 He said, "I do not think that this will perish - ever.

Pumasok ang tagatangging sumampalataya sa taniman niya habang kasa-kasama ng mananampalataya upang ipakita rito iyon habang siya ay lumalabag sa katarungan sa sarili niya dahil sa kawalang-pananampalataya at paghanga [sa sarili]. Nagsabi ang tagatangging sumampalataya: "Hindi ako nagpapalagay na malilipol ang tanimang ito na nasasaksihan mo dahil sa ginawa ko para rito ng mga kadahilanan ng pananatili.

18:36Page 298

وَمَآ أَظُنُّ ٱلسَّاعَةَ قَآئِمَةٗ وَلَئِن رُّدِدتُّ إِلَىٰ رَبِّي لَأَجِدَنَّ خَيۡرٗا مِّنۡهَا مُنقَلَبٗا ٣٦

And I do not think the Hour will occur. And even if I should be brought back to my Lord, I will surely find better than this as a return."

Hindi ako nagpalagay na ang Pagbangon [ng mga patay] ay mangyayari. [Ang buhay na] ito ay isang buhay na nagpapatuloy lamang. Ipagpalagay na magaganap ito, kapag binuhay ako at ibinalik ako sa Panginoon ko ay talagang makatatagpo nga ako matapos ng pagkabuhay ng panunumbalikan ko na higit na mainam kaysa sa taniman kong ito sapagkat ang pagiging mayaman ko sa Mundo ay humihiling na ako ay maging mayaman matapos ng pagkabuhay."

18:37Page 298

قَالَ لَهُۥ صَاحِبُهُۥ وَهُوَ يُحَاوِرُهُۥٓ أَكَفَرۡتَ بِٱلَّذِي خَلَقَكَ مِن تُرَابٖ ثُمَّ مِن نُّطۡفَةٖ ثُمَّ سَوَّىٰكَ رَجُلٗا ٣٧

His companion said to him while he was conversing with him, "Have you disbelieved in He who created you from dust and then from a sperm-drop and then proportioned you [as] a man?

Nagsabi sa kanya ang kasamahan niyang mananampalataya habang ito ay umuulit sa kanya ng pangungusap: "Tumanggi ka bang sumampalataya sa lumikha sa ama mong si Adan mula sa alabok, pagkatapos lumikha sa iyo mismo mula sa punlay, pagkatapos gumawa sa iyo bilang isang taong lalaki, nagpaangkop sa mga bahagi ng katawan mo, at gumawa sa iyong buo? Ang nakakaya niyon sa kabuuan niyon ay nakakakaya sa pagbuhay muli sa iyo.

18:38Page 298

لَّٰكِنَّا۠ هُوَ ٱللَّهُ رَبِّي وَلَآ أُشۡرِكُ بِرَبِّيٓ أَحَدٗا ٣٨

But as for me, He is Allāh, my Lord, and I do not associate with my Lord anyone.

Subalit ako ay hindi nagsasabi ng sabi mong ito. Nagsasabi lamang ako: 'Siya ay si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – na Panginoon ko, ang tagapagmabuting-loob ng mga biyaya Niya sa atin. Hindi ako nagtatambal sa Kanya ng isa man sa pagsamba.

18:39Page 298

وَلَوۡلَآ إِذۡ دَخَلۡتَ جَنَّتَكَ قُلۡتَ مَا شَآءَ ٱللَّهُ لَا قُوَّةَ إِلَّا بِٱللَّهِۚ إِن تَرَنِ أَنَا۠ أَقَلَّ مِنكَ مَالٗا وَوَلَدٗا ٣٩

And why did you, when you entered your garden, not say, 'What Allāh willed [has occurred]; there is no power except in Allāh'? Although you see me less than you in wealth and children,

Bakit kaya – nang pumasok ka sa hardin mo – hindi ka nagsabi: 'Ang niloob ni Allāh [ay naganap]; walang lakas sa isa man malibang sa pamamagitan ni Allāh sapagkat Siya ay ang gumagawa ng niloloob Niya at Siya ay ang Malakas.' Kaya kung nangyaring nakikita mo ako na higit na maralita kaysa sa iyo at higit na kaunti sa mga anak,

18:40Page 298

فَعَسَىٰ رَبِّيٓ أَن يُؤۡتِيَنِ خَيۡرٗا مِّن جَنَّتِكَ وَيُرۡسِلَ عَلَيۡهَا حُسۡبَانٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ فَتُصۡبِحَ صَعِيدٗا زَلَقًا ٤٠

It may be that my Lord will give me [something] better than your garden and will send upon it a [disastrous] penalty from the sky, and it will become a smooth, dusty ground,

ako ay umaasa na magbigay sa akin si Allāh ng higit na mabuti kaysa sa taniman mo at magpadala Siya sa taniman mo ng isang pagdurusa mula sa langit para ang taniman mo ay maging isang lupang walang halaman, na madudulas diyan ang mga paa dahil sa kakinisan niyan;

18:41Page 298

أَوۡ يُصۡبِحَ مَآؤُهَا غَوۡرٗا فَلَن تَسۡتَطِيعَ لَهُۥ طَلَبٗا ٤١

Or its water will become sunken [into the earth], so you would never be able to seek it."

o maalis ang tubig niyan palubog sa lupa kaya hindi mo kakayanin ang umabot doon gamit ng isang kaparaanan. Kapag lumubog ang tubig niyan ay walang matitira para riyan."

18:42Page 298

وَأُحِيطَ بِثَمَرِهِۦ فَأَصۡبَحَ يُقَلِّبُ كَفَّيۡهِ عَلَىٰ مَآ أَنفَقَ فِيهَا وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَيَقُولُ يَٰلَيۡتَنِي لَمۡ أُشۡرِكۡ بِرَبِّيٓ أَحَدٗا ٤٢

And his fruits were encompassed [by ruin], so he began to turn his hands about [in dismay] over what he had spent on it, while it had collapsed upon its trellises, and said, "Oh, I wish I had not associated with my Lord anyone."1

Nagkatotoo ang inasahan ng mananampalataya sapagkat pumaligid ang kapahamakan sa mga bunga ng taniman ng tagatangging sumampalataya. Kaya nagsimula ang tagatangging sumampalataya na nagbaling-baling ng mga kamay niya dahil sa tindi ng panghihinayang at pagsisisi dahil sa mga salaping iniukol niya sa pagpapatayo niyon at pagsasaayos niyon. Ang taniman ay gumuho sa mga panukod niyon na ginagapangan ng mga sanga ng ubas. Nagsasabi siya: "O kung sana ako ay sumampalataya sa Panginoon ko lamang at hindi nagtambal kasama sa Kanya ng isa man sa pagsamba!"

18:43Page 298

وَلَمۡ تَكُن لَّهُۥ فِئَةٞ يَنصُرُونَهُۥ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَمَا كَانَ مُنتَصِرًا ٤٣

And there was for him no company to aid him other than Allāh, nor could he defend himself.

Hindi nagkaroon ang tagatangging sumampalatayang ito ng isang pangkat na magtatanggol sa kanya laban sa pagdurusang dumapo sa kanya. Siya ay ang dating nagmamalaki ng pangkat niya. Hindi nangyaring siya ay nakapagsasanggalang sa pagpapahamak ni Allāh sa taniman niya.

18:44Page 298

هُنَالِكَ ٱلۡوَلَٰيَةُ لِلَّهِ ٱلۡحَقِّۚ هُوَ خَيۡرٞ ثَوَابٗا وَخَيۡرٌ عُقۡبٗا ٤٤

There1 the authority is [completely] for Allāh, the Truth. He is best in reward and best in outcome.

Sa katayuang iyon, ang pag-aadya ay ukol kay Allāh lamang. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay pinakamabuti sa gantimpala sa mga katangkilik Niya kabilang sa mga mananampalataya sapagkat Siya ay nagpapaibayo para sa kanila ng gantimpala, at pinakamabuti sa kahihinatnan para sa kanila.

18:45Page 298

وَٱضۡرِبۡ لَهُم مَّثَلَ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا كَمَآءٍ أَنزَلۡنَٰهُ مِنَ ٱلسَّمَآءِ فَٱخۡتَلَطَ بِهِۦ نَبَاتُ ٱلۡأَرۡضِ فَأَصۡبَحَ هَشِيمٗا تَذۡرُوهُ ٱلرِّيَٰحُۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ مُّقۡتَدِرًا ٤٥

And present to them the example of the life of this world, [its being] like rain which We send down from the sky, and the vegetation of the earth mingles with it1 and [then] it becomes dry remnants, scattered by the winds. And Allāh is ever, over all things, Perfect in Ability.

Maglahad ka, O Sugo, para sa mga nalilinlang sa Mundo, ng isang paghahalintulad. Ang paghahalintulad sa Mundo sa paglalaho nito at bilis ng pagwawakas nito ay tulad ng tubig ng ulan na pinababa Namin mula sa langit. Tumubo sa pamamagitan ng tubig na ito ang halaman ng lupa at nahinog ito, saka ang halamang ito ay naging nagkadurug-durog na nagkalugsu-lugso. Tinatangay ng hangin ang mga bahagi nito patungo sa ibang mga dako kaya nanumbalik sa lupa gaya ng dati. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Kumakaya: hindi Siya napawawalang-kakayahan ng anuman, saka nagbibigay-buhay Siya sa anumang niloob Niya at lumilipol Siya sa anumang niloob Niya.

18:46Page 299

ٱلۡمَالُ وَٱلۡبَنُونَ زِينَةُ ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَاۖ وَٱلۡبَٰقِيَٰتُ ٱلصَّٰلِحَٰتُ خَيۡرٌ عِندَ رَبِّكَ ثَوَابٗا وَخَيۡرٌ أَمَلٗا ٤٦

Wealth and children are [but] adornment of the worldly life. But the enduring good deeds are better to your Lord1 for reward and better for [one's] hope.

Ang yaman at ang mga anak ay kabilang sa ipinanggagayak sa buhay na pangmundo. Walang pakinabang sa yaman sa Kabilang-buhay maliban kung ginugol ito sa nagpapalugod kay Allāh. Ang mga gawa at ang mga salita na kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay higit na mabuti sa gantimpala kaysa sa bawat anumang nasa Mundo na gayak. Ito ay higit na mabuting maaasahan ng tao dahil ang gayak sa Mundo ay maglalaho samantalang ang gantimpala sa mga gawa at mga salitang kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay mananatili.

18:47Page 299

وَيَوۡمَ نُسَيِّرُ ٱلۡجِبَالَ وَتَرَى ٱلۡأَرۡضَ بَارِزَةٗ وَحَشَرۡنَٰهُمۡ فَلَمۡ نُغَادِرۡ مِنۡهُمۡ أَحَدٗا ٤٧

And [warn of] the Day when We will remove the mountains and you will see the earth exposed,1 and We will gather them and not leave behind from them anyone.

[Banggitin mo] ang Araw na mag-aalis Kami ng mga bundok mula sa mga kinalalagyan ng mga ito. Makikita mo ang lupa na nakalantad dahil sa paglaho ng anumang nasa ibaba nito na mga bundok, mga punong-kahoy, at gusali. Magtitipon Kami ng lahat ng mga nilikha saka hindi Kami mag-iwan mula sa kanila ng isa man malibang bubuhayin Namin.

18:48Page 299

وَعُرِضُواْ عَلَىٰ رَبِّكَ صَفّٗا لَّقَدۡ جِئۡتُمُونَا كَمَا خَلَقۡنَٰكُمۡ أَوَّلَ مَرَّةِۭۚ بَلۡ زَعَمۡتُمۡ أَلَّن نَّجۡعَلَ لَكُم مَّوۡعِدٗا ٤٨

And they will be presented before your Lord in rows, [and He will say], "You have certainly come to Us just as We created you the first time. But you claimed that We would never make for you an appointment."

Itatanghal ang mga tao sa Panginoon mo sa mga hanay para tumuos Siya sa kanila. Sasabihin sa kanila: "Talaga ngang pumunta kayo sa Amin bilang mga individuwal na mga nakayapak na mga nakahubad na mga di-tuli gaya ng nilikha Namin kayo sa unang pagkakataon. Bagkus nag-angkin kayo na kayo ay hindi bubuhaying muli at na Kami ay hindi gagawa para sa inyo ng isang panahon at isang pook na gaganti Kami sa inyo roon sa mga gawa ninyo."

18:49Page 299

وَوُضِعَ ٱلۡكِتَٰبُ فَتَرَى ٱلۡمُجۡرِمِينَ مُشۡفِقِينَ مِمَّا فِيهِ وَيَقُولُونَ يَٰوَيۡلَتَنَا مَالِ هَٰذَا ٱلۡكِتَٰبِ لَا يُغَادِرُ صَغِيرَةٗ وَلَا كَبِيرَةً إِلَّآ أَحۡصَىٰهَاۚ وَوَجَدُواْ مَا عَمِلُواْ حَاضِرٗاۗ وَلَا يَظۡلِمُ رَبُّكَ أَحَدٗا ٤٩

And the record [of deeds] will be placed [open], and you will see the criminals fearful of that within it, and they will say, "Oh, woe to us! What is this book that leaves nothing small or great except that it has enumerated it?" And they will find what they did present [before them]. And your Lord does injustice to no one.

Ilalagay ang talaan ng mga gawa saka may kukuha ng talaan nito sa pamamagitan ng kanang kamay nito at may kukuha niyon sa pamamagitan ng kaliwang kamay nito. Makakikita ka, O tao, sa mga tagatangging sumampalataya na mga nangangamba dahil sa nasaad dito dahil sila ay nakaaalam sa inilahad nila rito na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway. Magsasabi sila: "O kapahamakan namin at kasawian namin! Ano ang mayroon sa talaang ito na hindi nag-iiwan ng isang maliit ni isang malaki sa mga gawa namin malibang iningatan nito iyon at binilang nito iyon." Matatagpuan nila ang mga pagsuway na ginawa nila sa buhay nila sa Mundo na nakasulat at pinagtibay. Hindi lumalabag sa katarungan ang Panginoon mo, O Sugo, sa isa man, kaya hindi Siya nagpaparusa sa isa man nang walang pagkakasala at hindi Siya bumabawas sa tagatalima ng anuman mula sa pabuya ng pagtalima nito.

18:50Page 299

وَإِذۡ قُلۡنَا لِلۡمَلَٰٓئِكَةِ ٱسۡجُدُواْ لِأٓدَمَ فَسَجَدُوٓاْ إِلَّآ إِبۡلِيسَ كَانَ مِنَ ٱلۡجِنِّ فَفَسَقَ عَنۡ أَمۡرِ رَبِّهِۦٓۗ أَفَتَتَّخِذُونَهُۥ وَذُرِّيَّتَهُۥٓ أَوۡلِيَآءَ مِن دُونِي وَهُمۡ لَكُمۡ عَدُوُّۢۚ بِئۡسَ لِلظَّٰلِمِينَ بَدَلٗا ٥٠

And [mention] when We said to the angels, "Prostrate to Adam," and they prostrated, except for Iblees. He was of the jinn and departed from [i.e., disobeyed] the command of his Lord. Then will you take him and his descendants as allies other than Me while they are enemies to you? Wretched it is for the wrongdoers as an exchange.

Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan ng patirapa ng pagbati," at nagpatirapa naman sila sa kabuuan nila sa kanya, bilang pagsunod sa utos ng Panginoon nila maliban kay Satanas; siya noon ay kabilang sa mga jinn at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga anghel. Tumanggi siya at nagmalaki sa pag-ayaw sa pagpapatirapa kaya lumabas siya sa pagtalima sa Panginoon niya. Kaya ba gagawa kayo, O mga tao, sa kanya at sa mga anak niya bilang mga katangkilik na tatangkilikin ninyo bukod pa sa Akin, samantalang sila ay mga kaaway para sa inyo? Papaanong nagagawa ninyo na ang mga katangkilik para sa inyo ay ang mga kaaway ninyo? Kaaba-aba at kapangit-pangit ng gawain ng mga tagalabag sa katarungan na ginawa nilang ang demonyo ay ang katangkilik para sa kanila bilang pamalit sa pagtangkilik kay Allāh – pagkataas-taas Siya!

18:51Page 299

۞ مَّآ أَشۡهَدتُّهُمۡ خَلۡقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَلَا خَلۡقَ أَنفُسِهِمۡ وَمَا كُنتُ مُتَّخِذَ ٱلۡمُضِلِّينَ عَضُدٗا ٥١

I did not make them witness to the creation of the heavens and the earth or to the creation of themselves, and I would not have taken the misguiders as assistants.

Itong mga ginawa ninyo bilang mga katangkilik bukod pa sa Akin ay mga aliping mga tulad ninyo. Hindi Ko sila pinasaksi sa paglikha sa mga langit ni sa paglikha sa lupa nang nilikha Ko ang mga ito. Bagkus hindi sila noon mga umiiral. Hindi Ko pinasaksi ang iba sa kanila sa paglikha sa iba pa sapagkat Ako ay ang Namumukod-tangi sa paglikha at pangangasiwa. Hindi nangyaring Ako ay gagawa sa mga tagapagpaligaw kabilang sa mga demonyo ng tao at jinn bilang mga katulong sapagkat Ako ay walang-pangangailangan sa mga katulong.

18:52Page 299

وَيَوۡمَ يَقُولُ نَادُواْ شُرَكَآءِيَ ٱلَّذِينَ زَعَمۡتُمۡ فَدَعَوۡهُمۡ فَلَمۡ يَسۡتَجِيبُواْ لَهُمۡ وَجَعَلۡنَا بَيۡنَهُم مَّوۡبِقٗا ٥٢

And [warn of] the Day when He will say, "Call My 'partners' whom you claimed," and they will invoke them, but they will not respond to them. And We will put between them [a valley of] destruction.

Banggitin mo sa kanila, O Sugo, ang Araw ng Pagbangon kapag magsasabi si Allāh sa mga nagtambal sa Kanya sa Mundo: "Dumalangin kayo sa mga katambal sa Akin, na inangkin ninyo na sila ay mga katambal para sa Akin, nang sa gayon sila ay mag-adya sa inyo." Kaya dadalangin sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa panalangin nila at hindi mag-aadya sa kanila. Maglalagay Kami sa pagitan ng mga tagasamba at mga sinasamba ng isang pagkakapahamak na makikibahagi sila roon, ang Apoy ng Impiyerno.

18:53Page 299

وَرَءَا ٱلۡمُجۡرِمُونَ ٱلنَّارَ فَظَنُّوٓاْ أَنَّهُم مُّوَاقِعُوهَا وَلَمۡ يَجِدُواْ عَنۡهَا مَصۡرِفٗا ٥٣

And the criminals will see the Fire and will be certain that they are to fall therein. And they will not find from it a way elsewhere.

Mapagmamasdan ng mga tagapagtambal ang Apoy saka matitiyak nila nang lubusang katiyakan na sila ay mga babagsak doon at hindi sila makatatagpo palayo roon ng isang pook na lilihisan nila.

18:54Page 300

وَلَقَدۡ صَرَّفۡنَا فِي هَٰذَا ٱلۡقُرۡءَانِ لِلنَّاسِ مِن كُلِّ مَثَلٖۚ وَكَانَ ٱلۡإِنسَٰنُ أَكۡثَرَ شَيۡءٖ جَدَلٗا ٥٤

And We have certainly diversified in this Qur’ān for the people from every [kind of] example; but man has ever been, most of anything, [prone to] dispute.

Talaga ngang naglinaw Kami at nagsarisari Kami sa Qur’ān na ito na pinababa kay Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – ng marami sa mga uri ng mga paghahalimbawa upang magsaalaala sila at mapangaralan sila subalit ang tao – lalo na ang tagatangging sumampalataya – ay pinakamadalas na bagay sa paglalantad ng pakikipagtalo sa hindi katotohanan.

18:55Page 300

وَمَا مَنَعَ ٱلنَّاسَ أَن يُؤۡمِنُوٓاْ إِذۡ جَآءَهُمُ ٱلۡهُدَىٰ وَيَسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّهُمۡ إِلَّآ أَن تَأۡتِيَهُمۡ سُنَّةُ ٱلۡأَوَّلِينَ أَوۡ يَأۡتِيَهُمُ ٱلۡعَذَابُ قُبُلٗا ٥٥

And nothing has prevented the people from believing when guidance came to them and from asking forgiveness of their Lord except that there [must] befall them the [accustomed] precedent of the former peoples1 or that the punishment should come [directly] before them.

Hindi humadlang sa pagitan ng mga tagatangging sumampalatayang nagmamatigas at ng pananampalataya sa inihatid niMuḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – mula sa Panginoon niya at hindi humadlang sa pagitan nila at ng paghiling ng kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala nila ang kakulangan ng paglilinaw sapagkat nailahad para sa kanila ang mga paghahalintulad sa Qur'ān at dumating sa kanila ang mga katwirang maliwanag. Pumigil lamang sa kanila ang paghiling nila – dahil sa kasutilan – ng pagpapabagsak sa kanila ng parusa sa mga kalipunang nauna at ang pagkakita sa parusa na ipinangako sa kanila.

18:56Page 300

وَمَا نُرۡسِلُ ٱلۡمُرۡسَلِينَ إِلَّا مُبَشِّرِينَ وَمُنذِرِينَۚ وَيُجَٰدِلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِٱلۡبَٰطِلِ لِيُدۡحِضُواْ بِهِ ٱلۡحَقَّۖ وَٱتَّخَذُوٓاْ ءَايَٰتِي وَمَآ أُنذِرُواْ هُزُوٗا ٥٦

And We send not the messengers except as bringers of good tidings and warners. And those who disbelieve dispute by [using] falsehood to [attempt to] invalidate thereby the truth and have taken My verses, and that of which they are warned, in ridicule.

Hindi Kami nagpapadala ng ipinadadala Namin na mga sugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak sa mga alagad ng pananampalataya at pagtalima, at bilang mga tagapagpangamba sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagsuway. Wala silang pangingibabaw sa mga puso sa pagdala sa mga ito sa kapatnubayan. Nakikipag-alitan ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo sa kabila ng kaliwanagan ng patunay sa kanila upang maalis nila sa pamamagitan ng kabulaanan nila ang katotohanang pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Gumawa sila sa Qur'ān at sa anumang ipinangangamba sa kanila bilang katatawanan at bilang panunuya.

18:57Page 300

وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦ فَأَعۡرَضَ عَنۡهَا وَنَسِيَ مَا قَدَّمَتۡ يَدَاهُۚ إِنَّا جَعَلۡنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمۡ أَكِنَّةً أَن يَفۡقَهُوهُ وَفِيٓ ءَاذَانِهِمۡ وَقۡرٗاۖ وَإِن تَدۡعُهُمۡ إِلَى ٱلۡهُدَىٰ فَلَن يَهۡتَدُوٓاْ إِذًا أَبَدٗا ٥٧

And who is more unjust than one who is reminded of the verses of his Lord but turns away from them and forgets what his hands have put forth? Indeed, We have placed over their hearts coverings, lest they understand it, and in their ears deafness. And if you invite them to guidance - they will never be guided, then - ever.

Walang isang higit na matindi sa kawalang-katarungan kaysa sa sinumang napaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon niya ngunit hindi siya umalintana sa nasaad dito na isang banta ng pagdurusa, umayaw siya na mapangaralan sa pamamagitan ng mga ito, at lumimot siya sa inihain niya sa buhay niya sa Mundo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at hindi siya nagbalik-loob. Tunay na Kami ay naglagay sa mga puso ng mga ganito ang paglalarawan sa kanila ng mga panakip na pipigil sa mga ito sa pag-intindi sa Qur'ān, at [naglagay] sa mga tainga nila ng pagkabingi roon kaya hindi sila nakaririnig niyon ayon sa pagkarinig ng pagtanggap. Kung mag-aanyaya ka sa kanila sa patnubay ay hindi sila tutugon sa ipinaaanyaya mo sa kanila magpakailanman hanggat may nanatili sa mga puso nila na mga panakip at [may nanatili] sa mga tainga nila na pagkabingi.

18:58Page 300

وَرَبُّكَ ٱلۡغَفُورُ ذُو ٱلرَّحۡمَةِۖ لَوۡ يُؤَاخِذُهُم بِمَا كَسَبُواْ لَعَجَّلَ لَهُمُ ٱلۡعَذَابَۚ بَل لَّهُم مَّوۡعِدٞ لَّن يَجِدُواْ مِن دُونِهِۦ مَوۡئِلٗا ٥٨

And your Lord is the Forgiving, the possessor of mercy. If He were to impose blame upon them for what they earned, He would have hastened for them the punishment. Rather, for them is an appointment from which they will never find an escape.

Upang hindi mag-asam-asam ang Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pakikipagmadalian sa mga tagapagpasinungaling sa pagdurusa, nagsabi si Allāh sa kanya: "Ang Panginoon mo, O Propeta, ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niyang mga nagbabalik-loob, ang may awa na sumakop sa bawat bagay." Bahagi ng awa Niya na Siya ay nagpapalugit sa mga suwail nang sa gayon sila ay magbabalik-loob sa Kanya. Ngunit kung sakaling Siya – pagkataas-taas Siya – ay magpaparusa sa mga taga-ayaw na ito, talaga sanang nag-apura Siya para sa kanila ng pagdurusa sa buhay na pangmundo subalit Siya ay Matimpiin, Maawain, na nag-antala sa kanila ng pagdurusa upang magbalik-loob sila. Bagkus may ukol sa kanila na isang pook at isang panahon na mga tinakdaan, na gagantihan sila sa mga iyon dahil sa kawalang-pananampalataya nila at pag-ayaw nila kung hindi sila nagbalik-loob. Hindi sila makatatagpo bukod pa rito ng isang madudulugan na dudulugan nila.

18:59Page 300

وَتِلۡكَ ٱلۡقُرَىٰٓ أَهۡلَكۡنَٰهُمۡ لَمَّا ظَلَمُواْ وَجَعَلۡنَا لِمَهۡلِكِهِم مَّوۡعِدٗا ٥٩

And those cities - We destroyed them when they wronged, and We made for their destruction an appointed time.

Yaong mga pamayanang tumatangging sumampalataya na malapit sa inyo tulad ng mga pamayanan ng nina Hūd, Ṣāliḥ, at Shu`ayb, nagpahamak Kami sa kanila nang lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at gumawa Kami para sa pagpapahamak sa kanila ng isang panahong tinakdaan.

18:60Page 300

وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِفَتَىٰهُ لَآ أَبۡرَحُ حَتَّىٰٓ أَبۡلُغَ مَجۡمَعَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ أَوۡ أَمۡضِيَ حُقُبٗا ٦٠

And [mention] when Moses said to his boy [i.e., servant], "I will not cease [traveling] until I reach the junction of the two seas or continue for a long period."

Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa tagapaglingkod niyang si Josue na anak ni Nūn: "Hindi ako titigil maglakbay hanggang sa makarating ako sa pinagtatagpuan ng dalawang dagat o maglakbay nang isang matagal na panahon hanggang sa makatagpo ko ang lingkod na maayos para matuto ako mula sa kanya."

Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences

Contents

Ayat al-Kursi36Al-Kahfpage 42juz 15Bukhari 1Muslim 2999

Style

Theme
Text size
Layout

Читать на русском