Al-MukhtasarLuqman · 31:1–34

Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog

لقمان

Luqman

Luqman · Meccan · 34 ayahs

31:1Page 411

الٓمٓ ١

Alif, Lām, Meem.1

Alif. Lām. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanata Al-Baqarah.

31:2Page 411

تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡحَكِيمِ ٢

These are verses of the wise1 Book,

Itong mga talatang pinababa sa iyo, O Sugo, ay ang mga talata ng Aklat na bumibigkas ng karunungan.

31:3Page 411

هُدٗى وَرَحۡمَةٗ لِّلۡمُحۡسِنِينَ ٣

As guidance and mercy for the doers of good

Ito ay isang kapatnubayan at awa para sa mga nagpapaganda ng gawain sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga karapatan ng Panginoon nila at mga karapatan ng mga lingkod Niya.

31:4Page 411

ٱلَّذِينَ يُقِيمُونَ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤۡتُونَ ٱلزَّكَوٰةَ وَهُم بِٱلۡأٓخِرَةِ هُمۡ يُوقِنُونَ ٤

Who establish prayer and give zakāh, and they, of the Hereafter, are certain [in faith].

[Sila] ang mga nagsasagawa ng pagdarasal ayon sa pinakaganap na anyo at nagbibigay ng zakāh ng mga yaman nila, at sila ay mga nakatitiyak sa anumang hinggil sa Kabilang-buhay na pagbubuhay, pagtutuos, gantimpala, at parusa.

31:5Page 411

أُوْلَٰٓئِكَ عَلَىٰ هُدٗى مِّن رَّبِّهِمۡۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ ٥

Those are on [right] guidance from their Lord, and it is those who are the successful.

Ang mga nailalarawang iyon sa katangiang iyon ay nasa patnubay mula sa Panginoon nila. Ang mga iyon ay ang mga magwawagi sa pamamagitan ng pagtamo sa hinihiling nila at pagkakalayo sa anumang pinangingilabutan nila.

31:6Page 411

وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يَشۡتَرِي لَهۡوَ ٱلۡحَدِيثِ لِيُضِلَّ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ بِغَيۡرِ عِلۡمٖ وَيَتَّخِذَهَا هُزُوًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ عَذَابٞ مُّهِينٞ ٦

And of the people is he who buys the amusement of speech1 to mislead [others] from the way of Allāh without knowledge and who takes it [i.e., His way] in ridicule. Those will have a humiliating punishment.

May mga tao – tulad ni An-Naḍr bin Al-Ḥārith – na pumipili sa mga pag-uusap na nagpapalibang upang magpalihis sa mga tao tungo sa mga iyon palayo sa Relihiyon ni Allāh nang walang kaalaman, at gumagawa sa mga talata ni Allāh bilang pangungutya, na nilalait. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang mang-aaba sa Kabilang-buhay.

31:7Page 411

وَإِذَا تُتۡلَىٰ عَلَيۡهِ ءَايَٰتُنَا وَلَّىٰ مُسۡتَكۡبِرٗا كَأَن لَّمۡ يَسۡمَعۡهَا كَأَنَّ فِيٓ أُذُنَيۡهِ وَقۡرٗاۖ فَبَشِّرۡهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ ٧

And when Our verses are recited to him, he turns away arrogantly as if he had not heard them, as if there was in his ears deafness. So give him tidings of a painful punishment.

Kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin ay tumatalikod siya na nagmamalaki palayo sa pakikinig sa mga ito, na para bang siya ay hindi nakarinig sa mga ito, na para bang sa mga tainga niya ay may pagkabingi sa pagdinig sa mga tinig. Kaya magbalita ka sa kanya, O Sugo, hinggil sa isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanya.

31:8Page 411

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ لَهُمۡ جَنَّٰتُ ٱلنَّعِيمِ ٨

Indeed, those who believe and do righteous deeds - for them are the Gardens of Pleasure,

Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ukol sa kanila ang mga hardin ng kaginhawahan, na magpapakaginhawa sila sa anumang inihanda ni Allāh para sa kanila sa mga ito.

31:9Page 411

خَٰلِدِينَ فِيهَاۖ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٗاۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ ٩

Wherein they abide eternally; [it is] the promise of Allāh [which is] truth. And He is the Exalted in Might, the Wise.

bilang mga mamamalagi sa mga ito, nangako sa kanila si Allāh niyon bilang pangakong totoo na walang duda rito. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at batas Niya.

31:10Page 411

خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ بِغَيۡرِ عَمَدٖ تَرَوۡنَهَاۖ وَأَلۡقَىٰ فِي ٱلۡأَرۡضِ رَوَٰسِيَ أَن تَمِيدَ بِكُمۡ وَبَثَّ فِيهَا مِن كُلِّ دَآبَّةٖۚ وَأَنزَلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوۡجٖ كَرِيمٍ ١٠

He created the heavens without pillars that you see and has cast into the earth firmly set mountains, lest it should shift with you, and dispersed therein from every creature. And We sent down rain from the sky and made grow therein [plants] of every noble kind.

Lumikha si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ng mga langit nang nakaangat na walang mga haligi. Nagtukod Siya sa lupa ng mga bundok na matatag upang hindi mayanig ang mga ito sa inyo. Nagkalat Siya sa ibabaw ng lupa ng mga uri ng hayop. Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig ng ulan saka nagpatubo Kami sa lupa ng bawat uring marilag ang tanawin, na nakikinabang dito ang mga tao at ang mga hayop.

31:11Page 411

هَٰذَا خَلۡقُ ٱللَّهِ فَأَرُونِي مَاذَا خَلَقَ ٱلَّذِينَ مِن دُونِهِۦۚ بَلِ ٱلظَّٰلِمُونَ فِي ضَلَٰلٖ مُّبِينٖ ١١

This is the creation of Allāh. So show Me what those other than Him have created. Rather, the wrongdoers are in clear error.

Ang nabanggit na ito ay nilikha ni Allāh kaya magpakita kayo sa akin, O mga tagapagtambal, kung ano ang nalikha ng mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh. Bagkus ang mga tagalabag sa katarungan ay nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa katotohanan yayamang nagtatambal sila kasama sa Panginoon nila ng hindi nakalilikha ng anuman samantalang sila ay nililikha.

31:12Page 412

وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا لُقۡمَٰنَ ٱلۡحِكۡمَةَ أَنِ ٱشۡكُرۡ لِلَّهِۚ وَمَن يَشۡكُرۡ فَإِنَّمَا يَشۡكُرُ لِنَفۡسِهِۦۖ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِيٌّ حَمِيدٞ ١٢

And We had certainly given Luqmān wisdom [and said], "Be grateful to Allāh." And whoever is grateful is grateful for [the benefit of] himself. And whoever denies [His favor] - then indeed, Allāh is Free of need and Praiseworthy.

Talaga ngang nagbigay Kami kay Luqmān ng pagkaunawa sa relihiyon at pagkatama sa mga usapin. Nagsabi Kami sa kanya: "Magpasalamat ka, O Luqmān, sa Panginoon mo sa anumang ibiniyaya Niya sa iyo na pagtutuon para sa pagtalima sa Kanya." Ang sinumang nagpapasalamat sa Panginoon niya, ang pakinabang sa pasasalamat niya ay bumabalik lamang sa sarili niya sapagkat si Allāh ay Walang-pangangailangan sa pasasalamat niya. Ang sinumang nagkaila sa biyaya ni Allāh sa kanya saka tumangging sumampalataya kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – tanging ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya niya ay sa kanya at hindi ito nakapipinsala kay Allāh ng anuman sapagkat Siya ay walang-pangangailangan sa nilikha Niya sa kalahatan, na pinapupurihan sa bawat kalagayan.

31:13Page 412

وَإِذۡ قَالَ لُقۡمَٰنُ لِٱبۡنِهِۦ وَهُوَ يَعِظُهُۥ يَٰبُنَيَّ لَا تُشۡرِكۡ بِٱللَّهِۖ إِنَّ ٱلشِّرۡكَ لَظُلۡمٌ عَظِيمٞ ١٣

And [mention, O Muḥammad], when Luqmān said to his son while he was instructing him, "O my son, do not associate [anything] with Allāh. Indeed, association [with Him] is great injustice."

Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi si Luqmān sa anak niya habang siya ay nagpapaibig dito sa kabutihan at nagpapaingat dito laban sa kasamaan: "O anak ko, huwag kang sumamba kasama kay Allāh sa iba pa sa Kanya; tunay na ang pagsamba sa isang sinasamba kasama kay Allāh ay isang paglabag sa katarungan, na sukdulan para sa kaluluwa dahil sa paggawa ng pinakasukdulang pagkakasala na nagpapahantong sa pananatili nito sa Apoy."

31:14Page 412

وَوَصَّيۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ بِوَٰلِدَيۡهِ حَمَلَتۡهُ أُمُّهُۥ وَهۡنًا عَلَىٰ وَهۡنٖ وَفِصَٰلُهُۥ فِي عَامَيۡنِ أَنِ ٱشۡكُرۡ لِي وَلِوَٰلِدَيۡكَ إِلَيَّ ٱلۡمَصِيرُ ١٤

And We have enjoined upon man [care] for his parents. His mother carried him, [increasing her] in weakness upon weakness, and his weaning is in two years. Be grateful to Me and to your parents; to Me is the [final] destination.

Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa pagtalima sa mga magulang niya at pagpapakabuti sa kanilang dalawa sa anumang walang pagsuway roon kay Allāh. Nagdalang-tao sa kanya ang ina niya sa tiyan nito habang dumaranas ng isang hirap matapos ng isang hirap. Ang pagpapatigil sa kanya sa pagpapasuso ay sa dalawang taon. Nagsabi Kami sa kanya: "Magpasalamat ka kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa iyo na mga biyaya, pagkatapos sa mga magulang mo sa isinagawa nilang dalawa ng pag-aalaga sa iyo at pangangalaga sa iyo. Tungo sa Akin lamang ang babalikan para gumanti Ako sa bawat isa ng anumang nagiging karapat-dapat dito.

31:15Page 412

وَإِن جَٰهَدَاكَ عَلَىٰٓ أَن تُشۡرِكَ بِي مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمٞ فَلَا تُطِعۡهُمَاۖ وَصَاحِبۡهُمَا فِي ٱلدُّنۡيَا مَعۡرُوفٗاۖ وَٱتَّبِعۡ سَبِيلَ مَنۡ أَنَابَ إِلَيَّۚ ثُمَّ إِلَيَّ مَرۡجِعُكُمۡ فَأُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ١٥

But if they endeavor to make you associate with Me that of which you have no knowledge,1 do not obey them but accompany them in [this] world with appropriate kindness and follow the way of those who turn back to Me [in repentance]. Then to Me will be your return, and I will inform you about what you used to do.

Kung nagbuhos ang mga magulang ng isang pagsisikap upang magbunsod sa iyo na magtambal ka kay Allāh ng iba pa sa Kanya dala ng pagdodomina mula sa kanilang dalawa ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa roon dahil walang pagtalima sa isang nilikha kapalit ng pagsuway sa Tagalikha. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa pagpapakabuti, pagpapanatili ng ugnayan, at paggawa ng maganda. Sumunod ka sa daan ng nagsisi sa Akin ayon sa paniniwala sa kaisahan Ko at pagtalima. Pagkatapos sa Akin lamang sa Araw ng Pagbangon ang babalikan ninyo sa kalahatan saka magpapabatid AKo sa inyo ng anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo na gawain at gaganti Ako sa inyo dahil doon.

31:16Page 412

يَٰبُنَيَّ إِنَّهَآ إِن تَكُ مِثۡقَالَ حَبَّةٖ مِّنۡ خَرۡدَلٖ فَتَكُن فِي صَخۡرَةٍ أَوۡ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ أَوۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ يَأۡتِ بِهَا ٱللَّهُۚ إِنَّ ٱللَّهَ لَطِيفٌ خَبِيرٞ ١٦

[And Luqmān said], "O my son, indeed if it [i.e., a wrong] should be the weight of a mustard seed and should be within a rock or [anywhere] in the heavens or in the earth, Allāh will bring it forth. Indeed, Allāh is Subtle1 and Aware.

[Nagsabi si Luqmān]: "O anak ko, tunay na ang masagwang gawa o ang magandang gawa, naging gaano man kaliit ito tulad ng bigat ng isang buto ng mustasa at naging nasa ilalim ng isang bato na walang nakababatid doon na isa man o naging nasa alinmang pook sa mga langit o sa lupa, tunay na si Allāh ay maglalahad nito sa Araw ng Pagbangon saka gaganti sa tao dahil doon. Tunay na si Allāh ay Mapagtalos: walang nakakukubli sa Kanya na mga kaliit-liitan ng mga bagay, Mapagbatid sa mga reyalidad ng mga ito at kinalalagyan ng mga ito.

31:17Page 412

يَٰبُنَيَّ أَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَ وَأۡمُرۡ بِٱلۡمَعۡرُوفِ وَٱنۡهَ عَنِ ٱلۡمُنكَرِ وَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَآ أَصَابَكَۖ إِنَّ ذَٰلِكَ مِنۡ عَزۡمِ ٱلۡأُمُورِ ١٧

O my son, establish prayer, enjoin what is right, forbid what is wrong, and be patient over what befalls you. Indeed, [all] that is of the matters [requiring] resolve.1

O anak ko, magpanatili ka ng pagdarasal sa pamamagitan ng pagsasagawa nito ayon sa pinakalubos na paraan, mag-utos ka ng nakabubuti, sumaway ka ng nakasasama, at magtiis ka sa anumang dumapo sa iyo na anumang nakasusuklam dahil doon. Tunay na ang ipinag-utos sa iyo kabilang doon ay kabilang sa pinagpasyahan ni Allāh sa iyo na gawin mo kaya walang mapagpipilian para sa iyo rito.

31:18Page 412

وَلَا تُصَعِّرۡ خَدَّكَ لِلنَّاسِ وَلَا تَمۡشِ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَرَحًاۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ كُلَّ مُخۡتَالٖ فَخُورٖ ١٨

And do not turn your cheek [in contempt] toward people1 and do not walk through the earth exultantly. Indeed, Allāh does not like everyone self-deluded and boastful.

Huwag kang maglihis ng mukha mo palayo sa mga tao dala ng pagpapakamalaki at huwag kang maglakad sa ibabaw ng lupa dala ng pagkatuwang humanga sa sarili mo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa bawat mayabang sa paglalakad niya, na hambog sa anumang ibinigay sa kanya na mga biyaya, na nagpapakamalaki dahil sa mga ito sa mga tao at hindi nagpapasalamat kay Allāh sa mga ito.

31:19Page 412

وَٱقۡصِدۡ فِي مَشۡيِكَ وَٱغۡضُضۡ مِن صَوۡتِكَۚ إِنَّ أَنكَرَ ٱلۡأَصۡوَٰتِ لَصَوۡتُ ٱلۡحَمِيرِ ١٩

And be moderate in your pace and lower your voice; indeed, the most disagreeable of sounds is the voice of donkeys."

Magpakakatamtaman ka sa paglakad mo sa pagitan ng pagpapabilis at paggapang, sa isang paglakad na nagpapakita ng kapitaganan. Magbaba ka ng tinig mo; huwag mong itaas ito sa isang pagtataas na nakasasakit. Tunay na ang pinakapangit sa mga tinig ay talagang ang tinig ng mga asno dahil sa pagkakataas ng mga tinig ng mga ito.

31:20Page 413

أَلَمۡ تَرَوۡاْ أَنَّ ٱللَّهَ سَخَّرَ لَكُم مَّا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ وَأَسۡبَغَ عَلَيۡكُمۡ نِعَمَهُۥ ظَٰهِرَةٗ وَبَاطِنَةٗۗ وَمِنَ ٱلنَّاسِ مَن يُجَٰدِلُ فِي ٱللَّهِ بِغَيۡرِ عِلۡمٖ وَلَا هُدٗى وَلَا كِتَٰبٖ مُّنِيرٖ ٢٠

Do you not see that Allāh has made subject to you whatever is in the heavens and whatever is in the earth and amply bestowed upon you His favors, [both] apparent and unapparent? But of the people is he who disputes about Allāh without knowledge or guidance or an enlightening Book [from Him].

Hindi ba kayo nakakita at nakasaksi, O mga tao, na si Allāh ay nagpadali para sa inyo ng pakikinabang sa nasa mga langit gaya ng araw, buwan, at mga planeta; nagpadali para sa inyo rin [ng pakikinabang] sa nasa lupa gaya ng mga hayop, mga puno, at mga halaman; at nagpalubos sa inyo ng mga biyaya Niya nang lantaran sa mga mata gaya ng karikitan ng larawan at kagandahan ng anyo at nang pakubling nakatago gaya ng pagkaunawa at kaalaman? Sa kabila ng kairalan ng mga biyayang ito, mayroon sa mga tao na nakikipagtalo hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh nang walang isang kaalamang nakabatay sa isang kasi mula kay Allāh o isang pagkaunawang nakapagbibigay-liwanag ni isang aklat na maliwanag na ibinaba mula kay Allāh.

31:21Page 413

وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّبِعُواْ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ قَالُواْ بَلۡ نَتَّبِعُ مَا وَجَدۡنَا عَلَيۡهِ ءَابَآءَنَآۚ أَوَلَوۡ كَانَ ٱلشَّيۡطَٰنُ يَدۡعُوهُمۡ إِلَىٰ عَذَابِ ٱلسَّعِيرِ ٢١

And when it is said to them, "Follow what Allāh has revealed," they say, "Rather, we will follow that upon which we found our fathers." Even if Satan was inviting them to the punishment of the Blaze?

Kapag sinabi sa mga nakikipagtalong ito sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh: "Sumunod kayo sa pinababa ni Allāh sa Sugo Niya mula sa kasi," nagsasabi sila: "Hindi kami sumusunod dito. Bagkus sumusunod kami sa natagpuan namin sa mga ninuno namin na pagsamba sa mga diyos namin." Kahit ba ang demonyo ay nag-aanyaya sa kanila – sa pamamagitan ng ipinanliligaw niya sa kanila na pagsamba sa mga diyus-diyusan – tungo sa pagdurusa sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon?

31:22Page 413

۞ وَمَن يُسۡلِمۡ وَجۡهَهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِ وَهُوَ مُحۡسِنٞ فَقَدِ ٱسۡتَمۡسَكَ بِٱلۡعُرۡوَةِ ٱلۡوُثۡقَىٰۗ وَإِلَى ٱللَّهِ عَٰقِبَةُ ٱلۡأُمُورِ ٢٢

And whoever submits his face [i.e., self] to Allāh while he is a doer of good - then he has grasped the most trustworthy handhold. And to Allāh will be the outcome of [all] matters.

Ang sinumang nag-uukol ng sarili kay Allāh habang nagpapakawagas sa Kanya sa pagsamba sa Kanya at gumagawa ng maganda sa gawain niya ay nakahawak nga siya sa pinakamatibay na makakapitan ng sinumang umaasa ng kaligtasan yayamang hindi pangangambahan ang pagkaputol ng hinawakan niya. Tungo kay Allāh lamang ang kahahantungan ng mga usapin at ang babalikan ng mga ito para gumantimpala Siya sa bawat isa ayon sa nagiging karapat-dapat dito.

31:23Page 413

وَمَن كَفَرَ فَلَا يَحۡزُنكَ كُفۡرُهُۥٓۚ إِلَيۡنَا مَرۡجِعُهُمۡ فَنُنَبِّئُهُم بِمَا عَمِلُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ ٢٣

And whoever has disbelieved - let not his disbelief grieve you. To Us is their return, and We will inform them of what they did. Indeed, Allāh is Knowing of that within the breasts.

Ang sinumang tumangging sumampalataya ay huwag magpalungkot sa iyo, O Sugo, ang kawalang-pananampalataya niya. Tungo sa Amin lamang ang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon saka magpapabatid Kami sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila na mga masagwang gawa sa Mundo at gaganti Kami sa kanila sa mga ito. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang nasa mga dibdib: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa anumang nasa mga ito.

31:24Page 413

نُمَتِّعُهُمۡ قَلِيلٗا ثُمَّ نَضۡطَرُّهُمۡ إِلَىٰ عَذَابٍ غَلِيظٖ ٢٤

We grant them enjoyment for a little; then We will force them to a massive punishment.

Magpapatamasa Kami sa kanila sa pamamagitan ng ibinibigay Namin sa kanila na mga pampasarap sa Mundo sa kaunting panahon, pagkatapos magdudulog Kami sa kanila sa Araw ng Pagbangon tungo sa isang pagdurusang matindi, ang pagdurusa sa Apoy.

31:25Page 413

وَلَئِن سَأَلۡتَهُم مَّنۡ خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ لَيَقُولُنَّ ٱللَّهُۚ قُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ ٢٥

And if you asked them, "Who created the heavens and earth?" they would surely say, "Allāh." Say, "[All] praise is [due] to Allāh"; but most of them do not know.

Talagang kung nagtanong ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito kung sino ang lumikha ng mga langit at sino ang lumikha ng lupa ay talagang magsasabi nga sila na ang lumikha ng mga ito ay si Allāh. Sabihin mo sa kanila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpalitaw sa katwiran sa inyo." Bagkus ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam sa kung sino ang nagiging karapat-dapat sa papuri dahil sa kamangmangan nila.

31:26Page 413

لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡغَنِيُّ ٱلۡحَمِيدُ ٢٦

To Allāh belongs whatever is in the heavens and earth. Indeed, Allāh is the Free of need, the Praiseworthy.

Sa kay Allāh lamang ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa, sa paglikha, paghahari, at pangangasiwa. Tunay na si Allāh ay ang Walang-pangangailangan sa lahat ng mga nilikha Niya, ang Pinapupurihan sa Mundo at Kabilang-buhay.

31:27Page 413

وَلَوۡ أَنَّمَا فِي ٱلۡأَرۡضِ مِن شَجَرَةٍ أَقۡلَٰمٞ وَٱلۡبَحۡرُ يَمُدُّهُۥ مِنۢ بَعۡدِهِۦ سَبۡعَةُ أَبۡحُرٖ مَّا نَفِدَتۡ كَلِمَٰتُ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَزِيزٌ حَكِيمٞ ٢٧

And if whatever trees upon the earth were pens and the sea [was ink], replenished thereafter by seven [more] seas, the words1 of Allāh would not be exhausted. Indeed, Allāh is Exalted in Might and Wise.

Kung sakaling ang anumang nasa lupa na mga punong-kahoy na pinutol at tinasahan ay naging mga panulat at ginawa ang dagat na tinta para sa mga iyon, at kung sakaling dinagdagan ito ng pitong dagat, hindi masasaid ang mga salita ni Allāh dahil sa kawalan ng pagwawakas ng mga ito. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihang walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.

31:28Page 413

مَّا خَلۡقُكُمۡ وَلَا بَعۡثُكُمۡ إِلَّا كَنَفۡسٖ وَٰحِدَةٍۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعُۢ بَصِيرٌ ٢٨

Your creation and your resurrection will not be but as that of a single soul.1 Indeed, Allāh is Hearing and Seeing.

Walang iba ang pagkalikha sa inyo, O mga tao, ni ang pagbuhay sa inyo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti kundi gaya ng pagkalikha ng iisang kaluluwa at pagbuhay rito sa kadalian. Tunay na si Allāh ay Madinigin na hindi nakaaabala sa Kanya ang pagkarinig sa isang tinig palayo sa pagkarinig sa iba pang tinig, Nakakikita na hindi nakaaabala sa Kanya ang pagkakita sa isang bagay palayo sa pagkakita sa iba pang bagay. Gayon din, hindi nakaaabala sa Kanya ang paglikha sa isang kaluluwa at ang pagbuhay rito palayo sa paglikha ng iba pa at pagbuhay niyon.

31:29Page 414

أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱللَّهَ يُولِجُ ٱلَّيۡلَ فِي ٱلنَّهَارِ وَيُولِجُ ٱلنَّهَارَ فِي ٱلَّيۡلِ وَسَخَّرَ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَۖ كُلّٞ يَجۡرِيٓ إِلَىٰٓ أَجَلٖ مُّسَمّٗى وَأَنَّ ٱللَّهَ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ ٢٩

Do you not see [i.e., know] that Allāh causes the night to enter the day and causes the day to enter the night and has subjected the sun and the moon, each running [its course] for a specified term, and that Allāh, of whatever you do, is Aware?

Hindi ka ba nakakita na si Allāh ay bumabawas mula sa gabi upang magdagdag sa maghapon, bumabawas mula sa maghapon upang magdagdag sa gabi, at nagtakda sa daanan ng araw at buwan yayamang umiinog ang bawat isa sa nililibutan nito tungo sa isang yugtong tinakdaan; at na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga gawain ninyo at gaganti sa inyo sa mga iyon?

31:30Page 414

ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡحَقُّ وَأَنَّ مَا يَدۡعُونَ مِن دُونِهِ ٱلۡبَٰطِلُ وَأَنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلۡعَلِيُّ ٱلۡكَبِيرُ ٣٠

That is because Allāh is the True Reality, and that what they call upon1 other than Him is falsehood, and because Allāh is the Most High, the Grand.

Ang pangangasiwa at ang pagtatakdang iyon ay sumasaksi na si Allāh lamang ay ang totoo sapagkat Siya ay totoo sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawa Niya; na ang sinasamba ng mga tagapagtambal bukod pa sa Kanya ay ang kabulaanang walang batayan; at na si Allāh ay ang Mataas sa sarili Niya, paglupig Niya, at pagtatakda Niya sa lahat ng mga nilikha Niya, na walang higit na mataas kaysa sa Kanya, ang siyang higit na Malaki sa bawat bagay.

31:31Page 414

أَلَمۡ تَرَ أَنَّ ٱلۡفُلۡكَ تَجۡرِي فِي ٱلۡبَحۡرِ بِنِعۡمَتِ ٱللَّهِ لِيُرِيَكُم مِّنۡ ءَايَٰتِهِۦٓۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّكُلِّ صَبَّارٖ شَكُورٖ ٣١

Do you not see that ships sail through the sea by the favor of Allāh that He may show you of His signs? Indeed in that are signs for everyone patient and grateful.

Hindi ka ba nakakita na ang mga daong ay naglalayag sa dagat dahil sa kabaitan Niya at pagpapasilbi Niya [ng mga ito] upang magpakita Siya sa inyo, O mga tao, ng mga tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya – at kabaitan Niya? Tunay sa gayon ay talagang may mga katunayan sa kakayahan Niya para sa bawat palatiis sa anumang tumatama sa kanya na pinsala, na mapagpasalamat sa anumang ipinatatamo sa kanya na ginhawa.

31:32Page 414

وَإِذَا غَشِيَهُم مَّوۡجٞ كَٱلظُّلَلِ دَعَوُاْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ فَلَمَّا نَجَّىٰهُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ فَمِنۡهُم مُّقۡتَصِدٞۚ وَمَا يَجۡحَدُ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَّا كُلُّ خَتَّارٖ كَفُورٖ ٣٢

And when waves come over them like canopies, they supplicate Allāh, sincere to Him in religion [i.e., faith]. But when He delivers them to the land, there are [some] of them who are moderate [in faith]. And none rejects Our signs except everyone treacherous and ungrateful.

Kapag pumaligid sa kanila mula sa bawat gilid ang mga alon na tulad ng mga bundok at mga ulap ay dumadalangin sila kay Allāh lamang habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa pagdalangin at pagsamba. Ngunit noong tumugon si Allāh sa kanila, sumagip Siya sa kanila patungo sa katihan, at nagligtas Siya sa kanila mula sa pagkalunod, mayroon sa kanila na katamtaman, na hindi nagsagawa ng kinailangan sa kanya na pagpapasalamat ayon sa pamamaraan ng kalubusan, at mayroon sa kanila na tagapagkaila sa biyaya ni Allāh. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi bawat taksil sa pangako – tulad ng nakipagkasundo kay Allāh na talagang kung magliligtas Siya rito ay talagang magiging kabilang nga ito sa mga tagapagpasalamat sa Kanya – na palatangging magpasalamat sa mga biyaya ni Allāh: hindi siya nagpapasalamat sa Panginoon niya na nagbiyaya nga mga ito sa kanya.

31:33Page 414

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ ٱتَّقُواْ رَبَّكُمۡ وَٱخۡشَوۡاْ يَوۡمٗا لَّا يَجۡزِي وَالِدٌ عَن وَلَدِهِۦ وَلَا مَوۡلُودٌ هُوَ جَازٍ عَن وَالِدِهِۦ شَيۡـًٔاۚ إِنَّ وَعۡدَ ٱللَّهِ حَقّٞۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُم بِٱللَّهِ ٱلۡغَرُورُ ٣٣

O mankind, fear your Lord and fear a Day when no father will avail his son, nor will a son avail his father at all. Indeed, the promise of Allāh is truth, so let not the worldly life delude you and be not deceived about Allāh by the Deceiver [i.e., Satan].

O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Mangamba kayo sa pagdurusa sa isang Araw na hindi makapagdudulot doon ang isang magulang para sa anak niya at hindi makapagdudulot ang isang inanak para sa magulang niya ng anuman. Tunay na ang pangako ni Allāh ng pagganti sa Araw ng Pagbangon ay napagtibay at magaganap nang walang pasubali. Kaya huwag ngang manlinlang sa inyo ang buhay na pangmundo sa pamamagitan ng narito na mga ninanasa at mga pampalibang at huwag ngang manlinlang sa inyo ang demonyo dahil sa pagtitimpi ni Allāh sa inyo at pagpapahuli Niya ng pagdurusa sa inyo.

31:34Page 414

إِنَّ ٱللَّهَ عِندَهُۥ عِلۡمُ ٱلسَّاعَةِ وَيُنَزِّلُ ٱلۡغَيۡثَ وَيَعۡلَمُ مَا فِي ٱلۡأَرۡحَامِۖ وَمَا تَدۡرِي نَفۡسٞ مَّاذَا تَكۡسِبُ غَدٗاۖ وَمَا تَدۡرِي نَفۡسُۢ بِأَيِّ أَرۡضٖ تَمُوتُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌ خَبِيرُۢ ٣٤

Indeed, Allāh [alone] has knowledge of the Hour and sends down the rain and knows what is in the wombs.1 And no soul perceives what it will earn tomorrow, and no soul perceives in what land it will die. Indeed, Allāh is Knowing and Aware.

Tunay na si Allāh ay nasa Kanya lamang ang kaalaman sa Huling Sandali sapagkat nakaaalam Siya kung kailan iyon magaganap. Nagbababa Siya ng ulan kapag Niya niloob at nakaaalam Siya sa anumang nasa mga sinapupunan kung lalaki ba ito o babae, kung malumbay o maligaya? Hindi nalalaman ng isang kaluluwa kung ano ang kakamtin niya kinabukasan na kabutihan o kasamaan at hindi nalalaman ng isang kaluluwa kung sa aling lupain siya mamamatay, bagkus si Allāh ay ang nakaaalam niyon sa kabuuan niyon. Tunay na si Allāh ay Maalam, Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon.

Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences

Contents

Ayat al-Kursi36Al-Kahfpage 42juz 15Bukhari 1Muslim 2999

Style

Theme
Text size
Layout

Читать на русском