Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog
السجدة
As-Sajdah
The Prostration · Meccan · 30 ayahs
Alif. Lām. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanata Al-Baqarah.
32:2Page 415
تَنزِيلُ ٱلۡكِتَٰبِ لَا رَيۡبَ فِيهِ مِن رَّبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ٢
[This is] the revelation of the Book about which there is no doubt from the Lord of the worlds.
Ang Qur'ān na ito na inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay pinababa sa kanya mula sa Panginoon ng mga nilalang, walang duda hinggil doon.
32:3Page 415
أَمۡ يَقُولُونَ ٱفۡتَرَىٰهُۚ بَلۡ هُوَ ٱلۡحَقُّ مِن رَّبِّكَ لِتُنذِرَ قَوۡمٗا مَّآ أَتَىٰهُم مِّن نَّذِيرٖ مِّن قَبۡلِكَ لَعَلَّهُمۡ يَهۡتَدُونَ ٣
Or do they say, "He invented it"? Rather, it is the truth from your Lord, [O Muḥammad], that you may warn a people to whom no warner has come before you [so] perhaps they will be guided.
Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay nagsasabi: "Tunay na si Muḥammad ay lumikha-likha nito laban sa Panginoon niya." Ang usapin ay hindi gaya ng sinabi nila. Bagkus ito ay ang katotohanang walang pag-aalinlangan hinggil dito, na pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo, O Sugo, upang magpangamba ka sa mga taong walang dumating sa kanila na isang sugo bago mo pa, na nagpapangamba sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh, nang sa gayon sila ay mapapatnubayan tungo sa katotohanan para sumunod sila rito at gumawa sila ayon dito.
32:4Page 415
ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ ثُمَّ ٱسۡتَوَىٰ عَلَى ٱلۡعَرۡشِۖ مَا لَكُم مِّن دُونِهِۦ مِن وَلِيّٖ وَلَا شَفِيعٍۚ أَفَلَا تَتَذَكَّرُونَ ٤
It is Allāh who created the heavens and the earth and whatever is between them in six days; then He established Himself above the Throne.1 You have not besides Him any protector or any intercessor; so will you not be reminded?
Si Allāh ay ang lumikha ng mga langit, lumikha ng lupa, at lumikha ng anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw – gayong Siya ay nakakakaya sa paglikha sa mga ito sa higit na maiksi kaysa sa isang kurap ng mata. Pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya sa Trono ayon sa kataasang naaangkop sa kapitaganan sa Kanya. Walang ukol sa inyo, O mga tao, bukod pa sa Kanya na anumang mapagtangkilik na tatangkilik sa nauukol sa inyo ni mapagpamagitang mamamagitan para sa inyo sa piling ng Panginoon ninyo. Kaya ba hindi kayo nag-iisip-isip at sumasamba kayo kay Allāh na lumikha sa inyo at hindi kayo sumasamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya?
32:5Page 415
يُدَبِّرُ ٱلۡأَمۡرَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ ثُمَّ يَعۡرُجُ إِلَيۡهِ فِي يَوۡمٖ كَانَ مِقۡدَارُهُۥٓ أَلۡفَ سَنَةٖ مِّمَّا تَعُدُّونَ ٥
He arranges [each] matter from the heaven to the earth; then it will ascend to Him in a Day, the extent of which is a thousand years of those which you count.
Nangangasiwa si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – sa nauukol sa lahat ng mga nilikha sa mga langit at sa lupa. Pagkatapos aakyat sa Kanya ang usaping iyon sa isang araw na ang sukat nito ay isang libong taon mula sa binibilang ninyo mismo, O mga tao, sa Mundo.
32:6Page 415
ذَٰلِكَ عَٰلِمُ ٱلۡغَيۡبِ وَٱلشَّهَٰدَةِ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ ٦
That is the Knower of the unseen and the witnessed, the Exalted in Might, the Merciful,
Yaong nangangasiwa niyon sa kabuuan niyon ay ang Nakaaalam sa anumang nalingid at anumang natunghayan: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, na naghihiganti sa mga kaaway Niya, ang Maawain sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya.
32:7Page 415
ٱلَّذِيٓ أَحۡسَنَ كُلَّ شَيۡءٍ خَلَقَهُۥۖ وَبَدَأَ خَلۡقَ ٱلۡإِنسَٰنِ مِن طِينٖ ٧
Who perfected everything which He created and began the creation of man from clay.
na nagpahusay sa bawat bagay na nilikha Niya. Nagsimula Siya ng paglikha kay Adan mula sa putik ayon sa walang pagkakatulad na nauna.
32:8Page 415
ثُمَّ جَعَلَ نَسۡلَهُۥ مِن سُلَٰلَةٖ مِّن مَّآءٖ مَّهِينٖ ٨
Then He made his posterity out of the extract of a liquid disdained.
Pagkatapos gumawa Siya ng mga supling nito nang matapos nito mula sa isang likidong nakalusot saka lumabas mula rito (ang punlay).
32:9Page 415
ثُمَّ سَوَّىٰهُ وَنَفَخَ فِيهِ مِن رُّوحِهِۦۖ وَجَعَلَ لَكُمُ ٱلسَّمۡعَ وَٱلۡأَبۡصَٰرَ وَٱلۡأَفۡـِٔدَةَۚ قَلِيلٗا مَّا تَشۡكُرُونَ ٩
Then He proportioned him and breathed into him from His [created] soul1 and made for you hearing and vision and hearts [i.e., intellect]; little are you grateful.
Pagkatapos lumubos Siya sa paglikha ng tao sa pagkakahubog at umihip Siya rito mula sa espiritu Niya sa pamamagitan ng pag-uutos sa anghel na nakatalaga sa pag-ihip ng espiritu. Gumawa Siya para sa inyo, O mga tao, ng mga pandinig upang ipandinig ninyo, mga paningin upang ipantingin ninyo, at mga puso upang ipang-unawa ninyo. Kaunti ang pinasasalamatan ninyo kay Allāh sa mga biyayang ito na ibiniyaya Niya sa inyo!
32:10Page 415
وَقَالُوٓاْ أَءِذَا ضَلَلۡنَا فِي ٱلۡأَرۡضِ أَءِنَّا لَفِي خَلۡقٖ جَدِيدِۭۚ بَلۡ هُم بِلِقَآءِ رَبِّهِمۡ كَٰفِرُونَ ١٠
And they say, "When we are lost [i.e., disintegrated] within the earth, will we indeed be [recreated] in a new creation?" Rather, they are, in the meeting with their Lord, disbelievers.
Nagsabi ang mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling sa pagkabuhay na muli: "Kapag ba namatay kami, naglaho Kami sa lupa, at ang mga katawan namin ay naging alabok, bubuhayin kaya kami para maging mga buhay muli?" Hindi maiisip iyon!" Bagkus sila, sa reyalidad ng lagay nila, ay mga tagatangging sumampalataya sa pagkabuhay na muli, na hindi sumasampalataya roon.
32:11Page 415
۞ قُلۡ يَتَوَفَّىٰكُم مَّلَكُ ٱلۡمَوۡتِ ٱلَّذِي وُكِّلَ بِكُمۡ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمۡ تُرۡجَعُونَ ١١
Say, "The angel of death who has been entrusted with you will take you. Then to your Lord you will be returned."
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay na muli: "Kukunin kayo ng anghel ng kamatayan na binigyang-kapangyarihan ni Allāh sa pagbawi sa mga kaluluwa ninyo, pagkatapos sa Kanya lamang sa Araw ng Pagbangon panunumbalikin kayo para sa pagtutuos at pagganti."
32:12Page 416
وَلَوۡ تَرَىٰٓ إِذِ ٱلۡمُجۡرِمُونَ نَاكِسُواْ رُءُوسِهِمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ رَبَّنَآ أَبۡصَرۡنَا وَسَمِعۡنَا فَٱرۡجِعۡنَا نَعۡمَلۡ صَٰلِحًا إِنَّا مُوقِنُونَ ١٢
If you could but see when the criminals are hanging their heads before their Lord, [saying], "Our Lord, we have seen and heard, so return us [to the world]; we will work righteousness. Indeed, we are [now] certain."
Lilitaw ang mga salarin sa Araw ng Pagbangon samantalang sila ay mga hamak, na nakayuko ang mga ulo nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa pagkabuhay na muli. Makararamdam sila ng kahihiyan at magsasabi sila: "Panginoon namin, nakakita kami sa dati naming pinasisinungalingan na pagkabuhay na muli at nakarinig kami sa pagkatotoo ng inihatid ng mga sugo mula sa ganang Iyo. Kaya magpabalik Ka sa amin sa buhay na pangmundo, gagawa kami ng gawang maayos na nagpapalugod sa Iyo sa amin. Tunay na kami ay mga nakatitiyak ngayon sa pagkabuhay na muli at sa katapatan ng inihatid ng mga sugo." Kung sakaling nakita mo ang mga salarin sa kalagayang iyon, makakikita ka ng isang bagay na sukdulan.
32:13Page 416
وَلَوۡ شِئۡنَا لَأٓتَيۡنَا كُلَّ نَفۡسٍ هُدَىٰهَا وَلَٰكِنۡ حَقَّ ٱلۡقَوۡلُ مِنِّي لَأَمۡلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ ٱلۡجِنَّةِ وَٱلنَّاسِ أَجۡمَعِينَ ١٣
And if We had willed, We could have given every soul its guidance, but the word1 from Me will come into effect [that] "I will surely fill Hell with jinn and people all together.
Kung sakaling niloob Namin ang pagbibigay sa bawat kaluluwa ng gabay niya at pagtutuon sa kanya ay talaga sanang nagdala Kami sa kanya rito, subalit kinailangan ang hatol mula sa Akin ayon sa karunungan at katarungan: "Talagang magpupuno nga Ako sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon ng mga kampon ng kawalang-pananampalataya kabilang sa dalawang pangunahing nilikha na mga jinn at mga tao dahil sa pagpili nila sa daan ng kawalang-pananampalataya at pagkaligaw higit sa daan ng pananampalataya at pagkatuwid."
32:14Page 416
فَذُوقُواْ بِمَا نَسِيتُمۡ لِقَآءَ يَوۡمِكُمۡ هَٰذَآ إِنَّا نَسِينَٰكُمۡۖ وَذُوقُواْ عَذَابَ ٱلۡخُلۡدِ بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ١٤
So taste [punishment] because you forgot the meeting of this, your Day; indeed, We have [accordingly] forgotten you. And taste the punishment of eternity for what you used to do."
Sasabihin sa kanila sa Araw ng Pagbangon bilang panunumbat para sa kanila at paninisi: "Kaya lumasap kayo ng pagdurusa dahilan sa pagkalingat ninyo sa buhay na pangmundo sa pakikipagkita kay Allāh sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos sa inyo. Tunay na Kami ay mag-iiwan sa inyo sa pagdurusa nang hindi pumapansin sa pinagdurusahan ninyo mula rito. Lumasap kayo ng pagdurusa ng Apoy na mamamalagi, na hindi mapuputol, dahilan sa dati ninyong ginagawa sa Mundo na mga pagsuway."
32:15Page 416
إِنَّمَا يُؤۡمِنُ بِـَٔايَٰتِنَا ٱلَّذِينَ إِذَا ذُكِّرُواْ بِهَا خَرُّواْۤ سُجَّدٗاۤ وَسَبَّحُواْ بِحَمۡدِ رَبِّهِمۡ وَهُمۡ لَا يَسۡتَكۡبِرُونَ۩ ١٥
Only those believe in Our verses who, when they are reminded by them, fall down in prostration and exalt [Allāh] with praise of their Lord, and they are not arrogant.
Sumasampalataya lamang sa mga talata na pinababa sa Sugo ang mga kapag pinangaralan sa pamamagitan ng mga ito ay nagpapatirapa kay Allāh habang mga nagluluwalhati kalakip ng papuri sa Kanya habang sila ay hindi nagmamalaki palayo sa pagsamba kay Allāh ni palayo sa pagpapatirapa sa Kanya sa anumang kalagayan.
32:16Page 416
تَتَجَافَىٰ جُنُوبُهُمۡ عَنِ ٱلۡمَضَاجِعِ يَدۡعُونَ رَبَّهُمۡ خَوۡفٗا وَطَمَعٗا وَمِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ يُنفِقُونَ ١٦
Their sides part [i.e., they arise] from [their] beds; they supplicate their Lord in fear and aspiration, and from what We have provided them, they spend.1
Naglalayuan ang mga tagiliran nila sa mga hinihigaan nila na hinihigaan nila sa pagtulog nila, habang nag-iiwan sa mga ito at humaharap kay Allāh habang dumadalangin sa Kanya sa dasal nila at iba pa dala ng pangamba sa pagdurusang dulot Niya at dala ng paghahangad sa awa Niya. Nagkakaloob sila ng mga salaping ibinigay sa kanila ni Allāh alang-alang sa landas ni Allāh.
32:17Page 416
فَلَا تَعۡلَمُ نَفۡسٞ مَّآ أُخۡفِيَ لَهُم مِّن قُرَّةِ أَعۡيُنٖ جَزَآءَۢ بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ ١٧
And no soul knows what has been hidden for them of comfort for eyes [i.e., satisfaction] as reward for what they used to do.
Kaya hindi nalalaman ng anumang kaluluwa ang inihanda ni Allāh para sa kanila na ikinasisiya ng mga mata nila bilang ganti mula sa Kanya para sa kanila dahil sa dati nilang ginagawa sa Mundo na mga gawang maayos sapagkat iyon ay ganting walang nakasasaklaw roon kundi si Allāh dahil sa kadakilaan Niya.
32:18Page 416
أَفَمَن كَانَ مُؤۡمِنٗا كَمَن كَانَ فَاسِقٗاۚ لَّا يَسۡتَوُۥنَ ١٨
Then is one who was a believer like one who was defiantly disobedient? They are not equal.
Ang sinumang naging isang mananampalataya kay Allāh, na gumagawa ayon sa mga ipinag-uutos Niya at umiiwas sa mga sinasaway Niya ay hindi gaya ng sinumang naging isang lumalabas sa pagtalima sa Kanya. Hindi nagkakapantay ang dalawang pangkat sa ganang kay Allāh sa ganti.
32:19Page 416
أَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَلَهُمۡ جَنَّٰتُ ٱلۡمَأۡوَىٰ نُزُلَۢا بِمَا كَانُواْ يَعۡمَلُونَ ١٩
As for those who believed and did righteous deeds, for them will be the Gardens of Refuge as accommodation for what they used to do.
Tungkol naman sa mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos, ang ganti sa kanila na inihanda para sa kanila ay mga hardin na titigil sila sa mga ito bilang karangalan mula kay Allāh para sa kanila, bilang ganti sa dati nilang ginagawa sa Mundo na mga gawang maayos.
32:20Page 416
وَأَمَّا ٱلَّذِينَ فَسَقُواْ فَمَأۡوَىٰهُمُ ٱلنَّارُۖ كُلَّمَآ أَرَادُوٓاْ أَن يَخۡرُجُواْ مِنۡهَآ أُعِيدُواْ فِيهَا وَقِيلَ لَهُمۡ ذُوقُواْ عَذَابَ ٱلنَّارِ ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ ٢٠
But as for those who defiantly disobeyed, their refuge is the Fire. Every time they wish to emerge from it, they will be returned to it while it is said to them, "Taste the punishment of the Fire which you used to deny."
Tungkol naman sa mga lumabas mula sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway, ang titigilan nila na inihanda para sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay ang Apoy bilang mga mananatili roon magpakailanman. Sa tuwing nagnais sila na lumabas mula roon, pinanunumbalik sila roon at sinasabi sa kanila bilang panunumbat para sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy, na dati kayong nagpapasinungaling dito sa Mundo nang ang mga sugo ninyo noon ay nagpapangamba sa inyo laban dito."
32:21Page 417
وَلَنُذِيقَنَّهُم مِّنَ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡأَدۡنَىٰ دُونَ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡأَكۡبَرِ لَعَلَّهُمۡ يَرۡجِعُونَ ٢١
And We will surely let them taste the nearer punishment1 short of the greater punishment that perhaps they will return [i.e., repent].
Talagang magpapalasap nga Kami sa mga tagapagpasinungaling na ito na mga lumalabas sa pagtalima sa Panginoon nila mula sa mga sigalot at pagsubok sa Mundo bago ng pagdurusang pinakamalaking inihanda para sa kanila sa Kabilang-buhay kung hindi sila nagbalik-loob, nang sa gayon sila ay manumbalik sa pagtalima sa Panginoon nila.
32:22Page 417
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن ذُكِّرَ بِـَٔايَٰتِ رَبِّهِۦ ثُمَّ أَعۡرَضَ عَنۡهَآۚ إِنَّا مِنَ ٱلۡمُجۡرِمِينَ مُنتَقِمُونَ ٢٢
And who is more unjust than one who is reminded of the verses of his Lord; then he turns away from them? Indeed We, from the criminals, will take retribution.
Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pinangaralan sa pamamagitan ng mga tanda ng Panginoon niya ngunit hindi siya napangaralan at umayaw siya sa mga ito nang hindi pumapansin sa mga ito. Tunay na Kami, sa mga salarin – dahil sa paggawa ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway – na mga umaayaw sa mga tanda Namin, ay maghihiganti nang walang pasubali.
32:23Page 417
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ فَلَا تَكُن فِي مِرۡيَةٖ مِّن لِّقَآئِهِۦۖ وَجَعَلۡنَٰهُ هُدٗى لِّبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ ٢٣
And We certainly gave Moses the Scripture, so do not be in doubt over his meeting.1 And We made it [i.e., the Torah] guidance for the Children of Israel.
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah kaya huwag ka, O Sugo, maging nasa isang pagdududa sa pakikipagkita mo kay Moises sa gabi ng panggabing paglalakbay (isrā') at pagpanik sa langit (mi`rāj). Gumawa Kami sa Kasulatang pinababa kay Moises bilang tagapatnubay para sa mga anak ni Israel laban sa pagkaligaw.
32:24Page 417
وَجَعَلۡنَا مِنۡهُمۡ أَئِمَّةٗ يَهۡدُونَ بِأَمۡرِنَا لَمَّا صَبَرُواْۖ وَكَانُواْ بِـَٔايَٰتِنَا يُوقِنُونَ ٢٤
And We made from among them leaders guiding by Our command when they were patient and [when] they were certain of Our signs.
Gumawa Kami mula sa mga anak ni Israel ng mga pinuno na tinutularan ng mga tao sa katotohanan, na gumagabay tungo sa katotohanan ayon sa pagpapahintulot Namin sa kanila niyon at pagpapalakas Namin sa kanila sa [katotohanang] iyon dahil nagtiis sila sa pagsunod sa mga ipinag-uutos at pag-iwas sa mga sinasaway at sa pananakit sa landas ng pag-aanyaya [tungo sa Islām]. Sila noon sa mga tanda ni Allāh na pinababa sa sugo nila ay nagpapatotoo ayon sa pagpapatotoong tiyakan.
32:25Page 417
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَفۡصِلُ بَيۡنَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُواْ فِيهِ يَخۡتَلِفُونَ ٢٥
Indeed, your Lord will judge between them on the Day of Resurrection concerning that over which they used to differ.
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba sa Mundo kaya lilinawin Niya ang tagapagpahayag ng katotohanan at ang tagapagpahayag ng kabulaanan at gaganti Siya sa bawat isa ng nagiging karapat-dapat dito.
32:26Page 417
أَوَلَمۡ يَهۡدِ لَهُمۡ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَبۡلِهِم مِّنَ ٱلۡقُرُونِ يَمۡشُونَ فِي مَسَٰكِنِهِمۡۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٍۚ أَفَلَا يَسۡمَعُونَ ٢٦
Has it not become clear to them how many generations We destroyed before them, [as] they walk among their dwellings? Indeed in that are signs; then do they not hear?
Nabulagan ba ang mga ito kaya hindi luminaw para sa kanila kung ilan ang ipinahamak Namin, bago pa nila, mula sa mga kalipunang nauna? Heto sila, naglalakad sa mga tirahan nila na sila noon ay nakatira sa mga ito bago ng pagpapahamak sa kanila ngunit hindi sila napangaralan ayon sa kalagayan nila. Tunay na sa nangyari sa mga kalipunang iyon na pagpapahamak dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at mga pagsuway nila ay talagang may mga maisasaalang-alang, na maipampapatunay sa katapatan ng mga sugo nila na dumating sa kanila mula sa ganang kay Allāh. Kaya hindi ba dumidinig ang mga tagapagpasinungaling na ito sa mga tanda ni Allāh ayon sa pagdinig ng pagtanggap at pagkapangaral?
32:27Page 417
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ أَنَّا نَسُوقُ ٱلۡمَآءَ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ ٱلۡجُرُزِ فَنُخۡرِجُ بِهِۦ زَرۡعٗا تَأۡكُلُ مِنۡهُ أَنۡعَٰمُهُمۡ وَأَنفُسُهُمۡۚ أَفَلَا يُبۡصِرُونَ ٢٧
Have they not seen that We drive water [in clouds] to barren land and bring forth thereby crops from which their livestock eat and [they] themselves? Then do they not see?
Hindi ba nakakikita ang mga tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay na Kami ay nagsusugo sa tubig ulan patungo sa lupang tuyot na walang halaman dito saka nagpapalabas Kami sa pamamagitan ng tubig na iyon ng pananim na kumakain mula rito ang mga kamelyo nila, ang mga baka nila, at ang mga tupa nila, at kumakain sila mismo mula roon? Kaya hindi ba sila tumitingin doon at nakatatalos na ang sinumang nagpatubo sa lupang tuyot ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa mga patay?
32:28Page 417
وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلۡفَتۡحُ إِن كُنتُمۡ صَٰدِقِينَ ٢٨
And they say, "When will be this conquest,1 if you should be truthful?"
Nagsasabi ang mga tagapagpasinungaling sa pagkabuhay na muli habang mga nagmamadali sa pagdurusa: "Kailan ang paghahatol na ito na nag-aangkin kayo na ito ay magpapasya sa pagitan namin at ninyo sa Araw ng Pagbangon kaya ang kahahantungan namin ay ang Apoy at ang kahahantungan ninyo ay ang Paraiso?"
32:29Page 417
قُلۡ يَوۡمَ ٱلۡفَتۡحِ لَا يَنفَعُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓاْ إِيمَٰنُهُمۡ وَلَا هُمۡ يُنظَرُونَ ٢٩
Say, [O Muḥammad], "On the Day of Conquest the belief of those who had disbelieved will not benefit them, nor will they be reprieved."
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang pangakong ito ay ang Araw ng Pagbangon. Tunay na ito ay Araw ng Pagpapasya sa pagitan ng mga tao kapag hindi magpapakinabang sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh sa Mundo ang pagpapatotoo nila matapos ng pagkakita sa Araw ng Pagbangon, ni sila ay ipagpapaliban hanggang sa magbalik-loob sila sa Panginoon nila at magsisi sila sa Kanya."
32:30Page 417
فَأَعۡرِضۡ عَنۡهُمۡ وَٱنتَظِرۡ إِنَّهُم مُّنتَظِرُونَ ٣٠
So turn away from them and wait. Indeed, they are waiting.
Kaya umayaw ka, O Sugo, sa mga ito matapos ng paggigiit nila sa pagkaligaw nila at maghintay ka sa dadapo sa kanila; tunay na sila ay naghihintay sa ipinangangako mo sa kanila na pagdurusa.
Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences