Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog
Ya-Sin 36:77–83
36:77Page 445
أَوَلَمۡ يَرَ ٱلۡإِنسَٰنُ أَنَّا خَلَقۡنَٰهُ مِن نُّطۡفَةٖ فَإِذَا هُوَ خَصِيمٞ مُّبِينٞ ٧٧
Does man not consider that We created him from a [mere] sperm-drop - then at once1 he is a clear adversary?
Hindi ba nag-iisip ang taong nagkakaila sa pagkabuhay na muli matapos ng kamatayan na Kami ay lumikha sa kanya mula sa punlay? Pagkatapos dumaan siya sa mga yugto hanggang sa ipinanganak at inaruga. Pagkatapos siya ay naging madalas sa pakikipag-alitan at pakikipagtalo. Hindi ba siya nakaalam niyon upang makapaghinuha siya sa pamamagitan nito sa posibilidad ng pagkaganap ng pagkabuhay na muli?
36:78Page 445
وَضَرَبَ لَنَا مَثَلٗا وَنَسِيَ خَلۡقَهُۥۖ قَالَ مَن يُحۡيِ ٱلۡعِظَٰمَ وَهِيَ رَمِيمٞ ٧٨
And he presents for Us an example1 and forgets his [own] creation. He says, "Who will give life to bones while they are disintegrated?"
Nalingat ang tagatangging sumampalataya na ito at nagpakamangmang siya nang ipinampatunay niya ang mga butong bulok sa kaimposiblehan ng pagkabuhay na muli sapagkat nagsabi siya: "Sino ang magpapanumbalik dito?" Nalingid sa kanya ang pagkalikha sa kanya mismo mula sa kawalan.
36:79Page 445
قُلۡ يُحۡيِيهَا ٱلَّذِيٓ أَنشَأَهَآ أَوَّلَ مَرَّةٖۖ وَهُوَ بِكُلِّ خَلۡقٍ عَلِيمٌ ٧٩
Say, "He will give them life who produced them the first time; and He is, of all creation, Knowing."
Sabihin mo, O Muḥammad, habang sumasagot sa kanya: "Magbibigay-buhay sa mga butong bulok na ito ang lumikha rito sa unang pagkakataon sapagkat ang lumikha ng mga ito sa unang pagkakataon ay hindi nawawalang-kakayahan sa pagpapanumbalik ng buhay ng mga ito. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa bawat nilikha ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman."
36:80Page 445
ٱلَّذِي جَعَلَ لَكُم مِّنَ ٱلشَّجَرِ ٱلۡأَخۡضَرِ نَارٗا فَإِذَآ أَنتُم مِّنۡهُ تُوقِدُونَ ٨٠
[It is] He who made for you from the green tree, fire, and then from it you ignite.
[Siya] ang gumawa para sa inyo, O mga tao, mula sa mga luntiang punong-kahoy na mahalumigmig ng isang apoy na hinahango ninyo mula sa mga ito, saka biglang kayo ay nagpapaningas mula sa mga ito ng isang apoy. Ang sinumang nagsama sa dalawang magkasalungat, sa pagkabasa ng tubig ng mga punong-kahoy na luntian at sa apoy na naglalagablab sa mga ito, ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa mga patay.
36:81Page 445
أَوَلَيۡسَ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ بِقَٰدِرٍ عَلَىٰٓ أَن يَخۡلُقَ مِثۡلَهُمۚ بَلَىٰ وَهُوَ ٱلۡخَلَّٰقُ ٱلۡعَلِيمُ ٨١
Is not He who created the heavens and the earth Able to create the likes of them? Yes, [it is so]; and He is the Knowing Creator.
Hindi ba ang lumikha ng mga langit at lupa sa kabila ng kasukdulang nasa mga ito ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa mga patay matapos ng pagbibigay-kamatayan sa kanila? Oo; tunay na Siya ay talagang nakakakaya niyon. Siya ay ang Palalikha na lumikha sa lahat ng mga nilikha, ang Maalam sa mga ito: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman.
36:82Page 445
إِنَّمَآ أَمۡرُهُۥٓ إِذَآ أَرَادَ شَيۡـًٔا أَن يَقُولَ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ ٨٢
His command is only when He intends a thing that He says to it, "Be," and it is.
Tanging ang utos ni Allāh at gawi Niya – kaluwalhatian sa Kanya – kapag nagnais Siya ng pagpapairal ng isang bagay ay na magsabi roon: "Mangyari," saka mangyayari ang bagay na iyon na ninanais Niya. Kabilang doon ang ninanais Niya na pagbibigay-buhay, pagbibigay-kamatayan, pagkabuhay na muli, at iba pa sa mga ito.
36:83Page 445
فَسُبۡحَٰنَ ٱلَّذِي بِيَدِهِۦ مَلَكُوتُ كُلِّ شَيۡءٖ وَإِلَيۡهِ تُرۡجَعُونَ ٨٣
So exalted is He in whose hand is the realm of all things, and to Him you will be returned.
Kaya nagpakawalang-kapintasan si Allāh at nagpakabanal Siya palayo sa anumang inuugnay sa Kanya ng mga tagapagtambal na kawalang-kakayahan sapagkat Siya ay ang nagtataglay ng pagmamay-ari sa mga bagay sa kabuuan ng mga ito. Nakapagpapaganap Siya sa mga ito ng anumang niloloob Niya. Nasa kamay Niya ang mga susi ng bawat bagay. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Kabilang-buhay para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo.
Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences