Al-Mukhtasar · Tafsir · in Tagalog
الصافات
As-Saffat
Those who set the Ranks · Meccan · 182 ayahs
Sumumpa Siya sa mga anghel na humahanay sa pagsamba nila nang nagsisiksikan.
Sumumpa si Allāh sa mga anghel na nagtataboy sa mga ulap at umaakay sa mga ito saanman Niya loloobin para sa mga ito na bumaba.
Sumumpa si Allāh sa mga anghel na bumibigkas ng salita Niya.
Tunay na ang sinasamba ninyo ayon sa karapatan, O mga tao, ay talagang nag-iisa na walang katambal sa Kanya. Siya ay si Allāh.
37:5Page 446
رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَرَبُّ ٱلۡمَشَٰرِقِ ٥
Lord of the heavens and the earth and that between them and Lord of the sunrises.1
Ang Panginoon ng mga langit, ang Panginoon ng lupa, ang Panginoon ng anumang nasa pagitan ng mga ito, at ang Panginoon ng araw sa mga sinisikatan nito at mga nilulubugan nito sa kahabaan ng taon.
37:6Page 446
إِنَّا زَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِزِينَةٍ ٱلۡكَوَاكِبِ ٦
Indeed, We have adorned the nearest heaven with an adornment of stars
Tunay na Kami ay nagpaganda sa pinakamalapit sa mga langit sa lupa ng gayak na marikit, ang mga tala na sa paningin ay gaya ng mga hiyas na nagniningning.
37:7Page 446
وَحِفۡظٗا مِّن كُلِّ شَيۡطَٰنٖ مَّارِدٖ ٧
And as protection against every rebellious devil
Nangalaga Kami sa langit na pinakamababa sa pamamagitan ng mga bituin laban sa bawat demonyong mapaghimagsik na lumalabas sa pagtalima, para ipambato.
37:8Page 446
لَّا يَسَّمَّعُونَ إِلَى ٱلۡمَلَإِ ٱلۡأَعۡلَىٰ وَيُقۡذَفُونَ مِن كُلِّ جَانِبٖ ٨
[So] they may not listen to the exalted assembly [of angels] and are pelted from every side,1
Hindi nakakakaya ang mga demonyong ito na makinig-kinig sa mga anghel sa langit kapag nagsalita sila ng ikinakasi sa kanila ng Panginoon nila mula sa batas Niya ni mula sa pagtatakda Niya. Binabato ang mga ito ng mga ningas mula sa bawat gilid
sa isang pagtataboy sa mga ito at isang pagpapalayo sa pakikinig sa kanila. Ukol sa mga ito sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang nakasasakit na mamamalagi, na hindi mapuputol,
37:10Page 446
إِلَّا مَنۡ خَطِفَ ٱلۡخَطۡفَةَ فَأَتۡبَعَهُۥ شِهَابٞ ثَاقِبٞ ١٠
Except one who snatches [some words] by theft, but they are pursued by a burning flame, piercing [in brightness].
maliban sa sinumang nakahablot kabilang sa mga demonyo ng isang hablot. [Ang hablot] ay isang pangungusap mula sa napagsanggunian ng mga anghel at umiikot sa pagitan nila kabilang sa anumang hindi nakarating ang kaalaman nito sa mga mamamayan ng lupa. Ngunit sinusundan [ang demonyo] ito ng isang ningas na nagtatanglaw, na susunog dito. Marahil naipupukol ng demonyo ang pangungusap na iyon – bago ito nasunog ng ningas – sa mga kapatid niya, saka umaabot ito sa mga manghuhula, saka magsisinungaling sila kasama nito ng isang daang kasinungalingan.
37:11Page 446
فَٱسۡتَفۡتِهِمۡ أَهُمۡ أَشَدُّ خَلۡقًا أَم مَّنۡ خَلَقۡنَآۚ إِنَّا خَلَقۡنَٰهُم مِّن طِينٖ لَّازِبِۭ ١١
Then inquire of them, [O Muḥammad], "Are they a stronger [or more difficult] creation or those [others] We have created?" Indeed, We created them [i.e., men] from sticky clay.
Kaya magtanong ka, O Muḥammad, sa mga tagatangging sumampalataya na mga tagapagkaila sa pagkabuhay na muli: "Sila ba ay higit na matindi sa pagkakalikha, higit na malakas sa mga katawan, at higit na malaki sa mga bahagi ng katawan kaysa sa mga nilikha Namin mula sa mga langit at lupa, at sa mga anghel?" Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa isang putik na madikit. Kaya papaano silang nagkakaila sa pagkabuhay na muli gayong sila ay mga nilikha mula sa isang nilikhang mahina, ang putik na madikit?
Bagkus namangha ka, O Muḥammad, sa kakayahan ni Allāh at pangangasiwa Niya sa mga pumapatungkol sa nilikha Niya at namangha ka sa pagpapasinungaling ng mga tagapagtambal sa pagkabuhay na muli habang ang mga tagapagtambal na ito dahil sa tindi ng pagpapasinungaling nila sa pagkabuhay na muli ay nanunuya sa sinasabi mo hinggil sa pumapatungkol dito.
Kapag pinangaralan ang mga tagapagtambal na ito ng isang pangaral kabilang sa mga pangaral ay hindi sila napangangaralan sa mga ito at hindi sila nakikinabang dahil sa taglay nila na katigasan ng mga puso.
Kapag nakasaksi sila ng isang tanda kabilang sa mga tanda ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na nagpapatunay sa katapatan niya, nagpapakalabis sila sa panunuya at pagtataka roon.
37:15Page 446
وَقَالُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٌ ١٥
And say, "This is not but obvious magic.
Nagsasabi sila: "Walang iba itong inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kundi isang panggagaway na maliwanag.
37:16Page 446
أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ ١٦
When we have died and become dust and bones, are we indeed to be resurrected?
Kaya kapag namatay kami at kami ay naging alabok at mga butong bulok na nagkalansag-lansag, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin bilang mga buhay matapos niyon? Tunay na ito ay imposible.
Bubuhayin ba ang mga ninuno naming sinauna na namatay bago namin?"
37:18Page 446
قُلۡ نَعَمۡ وَأَنتُمۡ دَٰخِرُونَ ١٨
Say, "Yes, and you will be [rendered] contemptible."
Sabihin mo, O Muḥammad, habang sumasagot sa kanila: "Oo, bubuhayin kayo matapos na kayo ay naging alabok at mga butong bulok at bubuhayin ang mga ninuno ninyong sinauna. Bubuhayin kayong lahat habang kayo ay mga mamaliiting hamak."
37:19Page 446
فَإِنَّمَا هِيَ زَجۡرَةٞ وَٰحِدَةٞ فَإِذَا هُمۡ يَنظُرُونَ ١٩
It will be only one shout, and at once they will be observing.
Ito lamang ay nag-iisang ihip sa tambuli (sa ikalawang pag-ihip), saka biglang silang lahat ay nakatingin sa mga hilakbot ng Araw ng Pagbangon habang nag-aabang sa gagawin ni Allāh sa kanila.
37:20Page 446
وَقَالُواْ يَٰوَيۡلَنَا هَٰذَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ ٢٠
They will say, "O woe to us! This is the Day of Recompense."
Magsasabi ang mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling sa pagkabuhay na muli: "O kapahamakan sa amin! Ito ay ang Araw ng Pagganti na gaganti rito si Allāh sa mga lingkod Niya sa anumang ipinauna nila na gawain sa buhay nilang pangmundo."
37:21Page 446
هَٰذَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِ ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ ٢١
[They will be told], "This is the Day of Judgement which you used to deny."
Kaya sasabihin sa kanila: "Ito ay ang Araw ng Paghuhusga sa pagitan ng mga tao na kayo dati ay nagkakaila at nagpapasinungaling dito sa Mundo.
37:22–23Page 446
۞ ٱحۡشُرُواْ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ وَأَزۡوَٰجَهُمۡ وَمَا كَانُواْ يَعۡبُدُونَ ٢٢
[The angels will be ordered], "Gather those who committed wrong, their kinds,1 and what they used to worship
مِن دُونِ ٱللَّهِ فَٱهۡدُوهُمۡ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلۡجَحِيمِ ٢٣
Other than Allāh, and guide them to the path of Hellfire
Sasabihin sa mga anghel sa Araw na iyon: "Tipunin ninyo ang mga tagapagtambal na tagalabag sa katarungan dahil sa shirk nila mismo, ang mga kawangis nila sa shirk at ang mga tagakampi sa kanila sa pagpapasinungaling, at ang mga anitong dati nilang sinasamba bukod pa kay Allāh, saka ipakilala ninyo sa kanila ang daan ng Apoy, ituro ninyo sa kanila iyon, at akayin ninyo sila tungo roon sapagkat tunay na iyon ay ang kahahantungan nila.
37:24Page 446
وَقِفُوهُمۡۖ إِنَّهُم مَّسۡـُٔولُونَ ٢٤
And stop them; indeed, they are to be questioned."
Ikulong ninyo sila para sa pagtutuos bago ng pagpapasok sa kanila sa Impiyerno sapagkat tunay na sila ay mga pananagutin. Pagkatapos matapos niyon ay akayin ninyo sila tungo sa Apoy."
37:25Page 447
مَا لَكُمۡ لَا تَنَاصَرُونَ ٢٥
[They will be asked], "What is [wrong] with you? Why do you not help each other?"
Sasabihin sa kanila bilang panunumbat sa kanila: "Ano ang nangyayari sa inyo na hindi nag-aadya ang isa't isa sa inyo kung paanong kayo dati sa Mundo ay nag-aadyaan at nag-aangkin na ang mga anito ninyo ay nag-aadya sa inyo?"
Bagkus sila sa Araw na iyon ay mga magpapaakay sa utos ni Allāh, na mga hamak. Hindi mag-aadya ang isa't isa sa kanila dahil sa kawalang-kakayahan nila at kakapusan ng kaparaanan nila.
37:27Page 447
وَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَسَآءَلُونَ ٢٧
And they will approach one another asking [i.e., blaming] each other.
Lalapit ang iba sa kanila sa iba pa, na nagsisisihan at nag-aalitan kapag hindi magpapakinabang ang pagsisisihan at ang pag-aalitan.
37:28Page 447
قَالُوٓاْ إِنَّكُمۡ كُنتُمۡ تَأۡتُونَنَا عَنِ ٱلۡيَمِينِ ٢٨
They will say, "Indeed, you used to come at us from the right."1
Magsasabi ang mga tagasunod sa mga sinusunod: "Tunay na kayo, O malalaking tao namin, ay dating pumupunta sa amin mula sa panig ng relihiyon at katotohanan kaya nagpapaakit kayo sa amin sa kawalang-pananampalataya at pagtatambal kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway at nagpapaayaw kayo sa amin sa katotohanan na inihatid ng mga sugo mula sa ganang kay Allāh."
37:29Page 447
قَالُواْ بَل لَّمۡ تَكُونُواْ مُؤۡمِنِينَ ٢٩
They [i.e., the oppressors] will say, "Rather, you [yourselves] were not believers,
Magsasabi ang mga sinunod sa mga tagasunod: "Ang usapin ay hindi gaya ng hinaka-haka ninyo. Bagkus kayo dati ay nasa kawalang-pananampalataya at hindi kayo dati mga mananampalataya. Bagkus kayo dati ay mga tagapagkaila.
37:30Page 447
وَمَا كَانَ لَنَا عَلَيۡكُم مِّن سُلۡطَٰنِۭۖ بَلۡ كُنتُمۡ قَوۡمٗا طَٰغِينَ ٣٠
And we had over you no authority, but you were a transgressing people.
Hindi kami nagkaroon sa inyo, O mga tagasunod, ng anumang pangingibabaw sa pamamagitan ng isang panggagapi o isang pananaig para makapagsadlak kami sa inyo sa kawalang-pananampalataya, shirk, at paggawa ng mga pagsuway; bagkus kayo dati ay mga taong lumalampas sa hangganan sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw.
37:31Page 447
فَحَقَّ عَلَيۡنَا قَوۡلُ رَبِّنَآۖ إِنَّا لَذَآئِقُونَ ٣١
So the word [i.e., decree] of our Lord has come into effect upon us; indeed, we will taste [punishment].
Kaya kinailangan sa amin at sa inyo ang banta ni Allāh sa sabi Niya (Qur'ān 38:85): 'Talagang magpupuno nga Ako ng Impiyerno mula sa iyo at mula sa sinumang sumunod sa iyo kabilang sa kanila nang magkakasama!' Dahil doon, tunay na tayo ay mga lalasap – walang pasubali – ng ibinanta ng Panginoon natin.
37:32Page 447
فَأَغۡوَيۡنَٰكُمۡ إِنَّا كُنَّا غَٰوِينَ ٣٢
And we led you to deviation; indeed, we were deviators."
Kaya nag-anyaya kami sa inyo sa pagkaligaw at kawalang-pananampalataya; tunay na kami ay dating mga naliligaw palayo sa daan ng patnubay."
37:33Page 447
فَإِنَّهُمۡ يَوۡمَئِذٖ فِي ٱلۡعَذَابِ مُشۡتَرِكُونَ ٣٣
So indeed they, that Day, will be sharing in the punishment.
Kaya tunay na ang mga tagasunod at ang mga sinusunod sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay mga lumalahok.
37:34Page 447
إِنَّا كَذَٰلِكَ نَفۡعَلُ بِٱلۡمُجۡرِمِينَ ٣٤
Indeed, that is how We deal with the criminals.
Tunay na Kami, gaya ng ginawa Namin sa mga ito na pagpapalasap sa kanila ng pagdurusa, ay gagawa [ng gayon] sa mga salarin kabilang sa mga iba pa sa kanila.
37:35Page 447
إِنَّهُمۡ كَانُوٓاْ إِذَا قِيلَ لَهُمۡ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا ٱللَّهُ يَسۡتَكۡبِرُونَ ٣٥
Indeed they, when it was said to them, "There is no deity but Allāh," were arrogant
Tunay na ang mga tagapagtambal na ito dati, kapag sinabi sa kanila sa Mundo [ang adhikaing] walang Diyos kundi si Allāh para gawain ang kahilingan nito at iwan ang sumasalungat dito, ay tumatanggi sa pagtugon para roon at pagpapasakop para roon dala ng pagkamapagmalaki palayo sa katotohanan at dala ng pagmamataas dito.
37:36Page 447
وَيَقُولُونَ أَئِنَّا لَتَارِكُوٓاْ ءَالِهَتِنَا لِشَاعِرٖ مَّجۡنُونِۭ ٣٦
And were saying, "Are we to leave our gods for a mad poet?"
Nagsasabi sila habang mga nangangatwiran para sa kawalang-pananampalataya nila: "Mag-iiwan ba kami sa pagsamba sa mga diyos namin dahil sa sabi ng isang manunulang baliw?" Tinutukoy nila sa sabi nila itong ang Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
37:37Page 447
بَلۡ جَآءَ بِٱلۡحَقِّ وَصَدَّقَ ٱلۡمُرۡسَلِينَ ٣٧
Rather, he [i.e., the Prophet (ﷺ)] has come with the truth and confirmed the [previous] messengers.
Talaga ngang nagpalaki sila ng paninirang-puri sapagkat ang Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay hindi naging isang baliw ni isang manunula. Bagkus naghatid siya ng Qur'ān na nag-aanyaya sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagsunod sa Sugo Niya. Nagpatotoo siya sa mga isinugo hinggil sa inihatid nila mula sa ganang kay Allāh na paniniwala sa kaisahan Niya at pagpapatibay sa Kabilang-buhay. Hindi siya sumalungat sa kanila sa anuman.
37:38Page 447
إِنَّكُمۡ لَذَآئِقُواْ ٱلۡعَذَابِ ٱلۡأَلِيمِ ٣٨
Indeed, you [disbelievers] will be tasters of the painful punishment,
Tunay na kayo, O mga tagapagtambal, ay talagang mga lalasap ng pagdurusang nakasasakit sa Araw ng Pagbangon dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo at pagpapasinungaling ninyo sa mga sugo.
37:39Page 447
وَمَا تُجۡزَوۡنَ إِلَّا مَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ٣٩
And you will not be recompensed except for what you used to do -
Hindi kayo gagantihan, o mga tagapagtambal, maliban ng ayon sa dati ninyong ginagawa sa Mundo na kawalang-pananampalataya kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway.
Subalit ang mga lingkod ni Allāh, na mga mananampalataya na mga itinangi ni Allāh dahil sa pagsamba sa Kanya at nagtangi sila para kay Allāh ng pagsamba, ay nasa isang pinagliligtasan mula sa pagdurusang ito.
Ang mga lingkod na itinanging iyon ay may ukol sa kanila na isang panustos na itutustos ni Allāh, na nalalaman sa pagkakaaya-aya nito, kagandahan nito, at pamamalagi nito.
Ang panustos na iyon ay mga prutas na sari-sari mula sa pinakakaaya-aya sa kinakain nila at ninanasa nila, habang sila higit pa roon ay mga pinararangalan sa pamamagitan ng pag-aangat sa mga antas at sa pamamagitan ng pagtingin sa marangal na mukha ni Allāh.
Lahat ng iyon ay matatamo nila sa mga hardin ng kaginhawahang mananatiling mamamalaging hindi napuputol at hindi naaalis.
Sasandig sila sa mga kama na mga magkakaharap, habang nakatingin sila sa isa't isa sa kanila.
37:45Page 447
يُطَافُ عَلَيۡهِم بِكَأۡسٖ مِّن مَّعِينِۭ ٤٥
There will be circulated among them a cup [of wine] from a flowing spring,
Magpapaikot sa kanila ng mga kopa ng alak na sa kadalisayan nito ay gaya ng tubig na dumadaloy,
na maputi ang kulay, na masasarapan sa pag-inom nito ang sinumang iinom nito sa isang kasarapang ganap.
37:47Page 447
لَا فِيهَا غَوۡلٞ وَلَا هُمۡ عَنۡهَا يُنزَفُونَ ٤٧
No bad effect is there in it, nor from it will they be intoxicated.
Hindi ito gaya ng alak ng Mundo sapagkat wala ritong nakapag-aalis ng mga pag-iisip dahil sa kalasingan at hindi dinadapuan ang manginginom nito ng sakit ng ulo. Maliligtas para sa umiinom nito ang katawan niya at ang pag-iisip niya.
37:48Page 447
وَعِندَهُمۡ قَٰصِرَٰتُ ٱلطَّرۡفِ عِينٞ ٤٨
And with them will be women limiting [their] glances,1 with large, [beautiful] eyes,
Sa piling nila sa Paraiso ay may mga maybahay na mabini, na hindi umaabot ang mga pagtingin nila sa iba pa sa mga asawa nila, na mga maganda ang mga mata,
na para bang sila, sa kaputian ng mga kulay nilang nahahaluan ng kadilawan, ay mga itlog ng ibong pinangangalagaan, na hindi nasaling ng mga kamay.
37:50Page 447
فَأَقۡبَلَ بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٖ يَتَسَآءَلُونَ ٥٠
And they will approach one another, inquiring of each other.
Kaya lalapit ang mga mamamayan ng Paraiso sa iba pa habang nagtatanungan tungkol sa nakaraan nila at nangyari sa kanila sa Mundo.
37:51Page 447
قَالَ قَآئِلٞ مِّنۡهُمۡ إِنِّي كَانَ لِي قَرِينٞ ٥١
A speaker among them will say, "Indeed, I had a companion [on earth].
Sasabihin ng isang magsasabi kabilang sa mga mananampalatayang ito: "Tunay na ako ay nagkaroon sa Mundo ng isang kasamahan na nagkakaila sa pagkabuhay na muli.
37:52Page 448
يَقُولُ أَءِنَّكَ لَمِنَ ٱلۡمُصَدِّقِينَ ٥٢
Who would say, 'Are you indeed of those who believe
na nagsasabi sa akin habang nagkakaila at nanunuya: "Ikaw kaya, O kaibigan, ay kabilang sa mga tagapatotoo sa pagkabuhay na muli ng mga patay?
37:53Page 448
أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَدِينُونَ ٥٣
That when we have died and become dust and bones, we will indeed be recompensed?'"
Kapag ba namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga butong nabukbok, tunay bang kami ay talagang mga bubuhaying muli at mga gagantihan sa mga gawa namin na ginawa namin sa Mundo?"
Magsasabi ang kapisan niyong mananampalataya sa mga kasamahan nito kabilang sa mga mamamayan ng Paraiso: "Tumingin kayo kasama sa akin upang makita natin ang kinahinatnan ng kapisang iyon na dating nagkakaila sa pagkabuhay na muli?"
37:55Page 448
فَٱطَّلَعَ فَرَءَاهُ فِي سَوَآءِ ٱلۡجَحِيمِ ٥٥
And he will look and see him1 in the midst of the Hellfire.
Kaya titingin ito mismo at makikita nito ang kapisan nito sa gitna ng Impiyerno.
Magsasabi ito: "Sumpa man kay Allāh, talaga ngang nalapit ka, O kapisan, na magpapahamak sa akin sa pamamagitan ng pagpasok sa Apoy dahil sa pag-anyaya mo sa akin sa kawalang-pananampalataya at pagkakaila sa pagkabuhay na muli.
37:57Page 448
وَلَوۡلَا نِعۡمَةُ رَبِّي لَكُنتُ مِنَ ٱلۡمُحۡضَرِينَ ٥٧
If not for the favor of my Lord, I would have been of those brought in [to Hell].
Kung hindi dahil sa pagbiyaya ni Allāh sa akin sa pamamagitan ng kapatnubayan sa pananampalataya at pagtutuon dito, talaga sanang ako ay naging kabilang na sa mga padadaluhin sa pagdurusa tulad mo.
Kaya hindi tayo mismo, na mga naninirahan sa Paraiso, mga namatay,
37:59Page 448
إِلَّا مَوۡتَتَنَا ٱلۡأُولَىٰ وَمَا نَحۡنُ بِمُعَذَّبِينَ ٥٩
Except for our first death, and we will not be punished?"
bukod pa sa pagkamatay nating una sa buhay na pangmundo? Bagkus tayo ay mga mananatili sa Paraiso at tayo ay hindi mga pagdurusahin kung paanong pinagdurusa ang mga tagatangging sumampalataya."
Tunay na itong iginanti sa atin ng Panginoon natin na pagpasok sa Hardin, pananatili rito, at kaligtasan mula sa Apoy ay talagang ang pagkakamit na sukdulan na walang pagkakamit na nakapapantay rito.
37:61Page 448
لِمِثۡلِ هَٰذَا فَلۡيَعۡمَلِ ٱلۡعَٰمِلُونَ ٦١
For the like of this let the workers [on earth] work.
Para sa tulad ng ganting sukdulang ito ay kinakailangan na gumawa ang mga tagagawa sapagkat tunay na ito ay ang pangangalakal na tumutubo.
37:62Page 448
أَذَٰلِكَ خَيۡرٞ نُّزُلًا أَمۡ شَجَرَةُ ٱلزَّقُّومِ ٦٢
Is that [i.e., Paradise] a better accommodation or the tree of zaqqūm?
Ang kaginhawahang nabanggit na iyon ba, na inihanda ni Allāh para sa mga lingkod Niya na itinangi Niya dahil sa pagtalima sa Kanya, ay higit na mabuti at higit na mainam bilang tinitigilan at bilang parangal o ang puno ng zaqqūm na isinumpa sa Qur'ān, na pagkain ng mga tagatangging sumampalataya, na hindi nakatataba ni nakasasapat para sa gutom?
37:63Page 448
إِنَّا جَعَلۡنَٰهَا فِتۡنَةٗ لِّلظَّٰلِمِينَ ٦٣
Indeed, We have made it a torment for the wrongdoers.
Tunay na Kami ay gumawa sa punong-kahoy na ito bilang pagsubok na ipansusubok sa mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway yayamang nagsabi sila: "Tunay na ang Apoy ay kakain sa mga punong-kahoy kaya hindi maaaring tumubo ang mga ito roon."
37:64Page 448
إِنَّهَا شَجَرَةٞ تَخۡرُجُ فِيٓ أَصۡلِ ٱلۡجَحِيمِ ٦٤
Indeed, it is a tree issuing from the bottom of the Hellfire,
Tunay na ang punong-kahoy na zaqqūm ay isang punong-kahoy na karima-rimarim ang tinutubuan sapagkat ito ay isang punong-kahoy na lumalabas sa kailaliman ng Impiyerno.
37:65Page 448
طَلۡعُهَا كَأَنَّهُۥ رُءُوسُ ٱلشَّيَٰطِينِ ٦٥
Its emerging fruit as if it was heads of the devils.
Ang mga bunga nitong lumalabas mula rito ay kasuklam-suklam ang anyo, na para bang ang mga iyon ay mga ulo ng mga demonyo. Ang kapangitan ng anyo ay isang patunay sa kapangitan ng pinatutungkulan. Ito ay nangangahulugan na ang mga bunga nito ay karima-rimarim ang lasa.
37:66Page 448
فَإِنَّهُمۡ لَأٓكِلُونَ مِنۡهَا فَمَالِـُٔونَ مِنۡهَا ٱلۡبُطُونَ ٦٦
And indeed, they will eat from it and fill with it their bellies.
Saka tunay na ang mga tagatangging sumampalataya ay talagang mga kakain mula sa mga bunga nitong mapait na pangit, at mga pupuno mula rito ng mga tiyan nilang hungkag.
37:67Page 448
ثُمَّ إِنَّ لَهُمۡ عَلَيۡهَا لَشَوۡبٗا مِّنۡ حَمِيمٖ ٦٧
Then indeed, they will have after it a mixture of scalding water.
Pagkatapos tunay na sila, matapos ng pagkain nila mula rito, ay may ukol sa kanila na isang inuming hinaluan, na pangit, na mainit.
37:68Page 448
ثُمَّ إِنَّ مَرۡجِعَهُمۡ لَإِلَى ٱلۡجَحِيمِ ٦٨
Then indeed, their return will be to the Hellfire.
Pagkatapos tunay na ang pagbabalik nila matapos niyon ay talagang tungo sa pagdurusa sa Impiyerno sapagkat sila ay magpapalipat-lipat mula sa isang pagdurusa patungo sa isang pagdurusa.
37:69Page 448
إِنَّهُمۡ أَلۡفَوۡاْ ءَابَآءَهُمۡ ضَآلِّينَ ٦٩
Indeed they found their fathers astray.
Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya na ito ay nakatagpo sa mga magulang nila na mga naliligaw palayo sa daan ng kapatnubayan saka tumulad sila sa mga iyon bilang paggaya-gaya hindi ayon sa katwiran.
37:70Page 448
فَهُمۡ عَلَىٰٓ ءَاثَٰرِهِمۡ يُهۡرَعُونَ ٧٠
So they hastened [to follow] in their footsteps.
Kaya sila ay sumusunod sa mga bakas ng mga magulang nila sa kaligawan habang mga nagmamadali.
37:71Page 448
وَلَقَدۡ ضَلَّ قَبۡلَهُمۡ أَكۡثَرُ ٱلۡأَوَّلِينَ ٧١
And there had already strayed before them most of the former peoples,
Talaga ngang naligaw bago nila ang higit na marami sa mga sinauna, kaya ang mga kababayan mo, O Sugo, ay hindi ang una sa mga naligaw na mga kalipunan.
Talaga ngang nagsugo sa gitna ng mga kalipunang sinaunang iyon ng mga sugong nagpapangamba sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh ngunit tumanggi silang sumampalataya.
37:73Page 448
فَٱنظُرۡ كَيۡفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلۡمُنذَرِينَ ٧٣
Then look how was the end of those who were warned -
Kaya tumingin ka, O Sugo, kung papaano naging ang wakas ng mga taong binalaan ng mga sugo nila ngunit hindi sila tumugon sa mga iyon. Tunay na ang wakas nila ay ang pagpasok sa Apoy bilang mga mananatili roon dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapasinungaling nila sa mga sugo nila,
maliban sa mga itinangi ni Allāh sa pananampalataya sa Kanya sapagkat tunay na sila ay mga maliligtas mula sa pagdurusa na siyang magiging wakas ng mga tagapagpasinungaling na mga tagatangging sumampalataya.
37:75Page 448
وَلَقَدۡ نَادَىٰنَا نُوحٞ فَلَنِعۡمَ ٱلۡمُجِيبُونَ ٧٥
And Noah had certainly called Us, and [We are] the best of responders.
Talaga ngang dumalangin sa Amin ang propeta Naming si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nang nag-anyaya siya sa mga kababayan niya na nagpasinungaling sa kanya, saka talagang kay inam Kami, ang Tagatugon, sapagkat nagdali-dali Kami sa pagsagot sa panalangin niya laban sa kanila.
37:76Page 448
وَنَجَّيۡنَٰهُ وَأَهۡلَهُۥ مِنَ ٱلۡكَرۡبِ ٱلۡعَظِيمِ ٧٦
And We saved him and his family from the great affliction.
Talagang nagpaligtas Kami sa kanya, sa mag-anak niya, at sa mga mananampalataya kasama sa kanya mula sa pananakit ng mga kababayan niya at mula sa pagkalunod sa gunaw na sukdulan, na ipinadala sa mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga kababayan niya.
37:77Page 449
وَجَعَلۡنَا ذُرِّيَّتَهُۥ هُمُ ٱلۡبَاقِينَ ٧٧
And We made his descendants those remaining [on the earth]
Nagligtas Kami sa mag-anak niya at mga tagasunod niyang mga mananampalataya lamang saka nilunod Namin ang iba pa sa kanila kabilang sa mga kababayan niya na mga tagatangging sumampalataya.
37:78Page 449
وَتَرَكۡنَا عَلَيۡهِ فِي ٱلۡأٓخِرِينَ ٧٨
And left for him [favorable mention] among later generations:
Nag-iwan Kami para sa kanya sa mga kalipunang sumunod ng isang magandang pagbubunyi na ipinambubunyi nila sa kanya.
Katiwasayan at kapayapaan ay ukol kay Noe, na may sabihin hinggil sa kanya na isang kasagwaan sa mga kalipunang kasunod, bagkus mananatili para sa kanya ang pagbubunyi at ang pagbanggit na maganda.
Tunay na tulad ng ganting ito na iginanti kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – gagantihan ang mga tagagawa ng maganda dahil sa pagsamba nila at pagtalima nila kay Allāh lamang.
Tunay na si Noe ay kabilang sa mga lingkod na mga mananampalataya na gumagawa ng pagtalima kay Allāh.
Pagkatapos nilunod Namin ang mga naiwan sa pamamagitan ng gunaw na ipinadala Namin sa kanila, kaya walang natira mula sa kanila na isa man.
Tunay na si Abraham ay kabilang sa mga alagad ng relihiyon niya, na mga sumang-ayon sa kanya sa pag-aanyaya niya sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh.
Kaya banggitin mo nang dumating siya sa Panginoon niya nang may pusong malinis mula sa shirk, na nagpapayo alang-alang kay Allāh sa nilikha Niya,
37:85Page 449
إِذۡ قَالَ لِأَبِيهِ وَقَوۡمِهِۦ مَاذَا تَعۡبُدُونَ ٨٥
[And] when he said to his father and his people, "What do you worship?
nang nagsabi siya sa ama niya at mga kababayan niyang mga tagapagtambal, habang nanunumbat sa kanila: "Ano ang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh?"
37:86Page 449
أَئِفۡكًا ءَالِهَةٗ دُونَ ٱللَّهِ تُرِيدُونَ ٨٦
Is it falsehood [as] gods other than Allāh you desire?
Mga diyos na pinasinungalingan ba ay sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh?
37:87Page 449
فَمَا ظَنُّكُم بِرَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ ٨٧
Then what is your thought about the Lord of the worlds?"
Kaya ano ang palagay ninyo, O mga kababayan, sa Panginoon ng mga nilalang kapag nakipagkita kayo sa Kanya habang kayo ay sumasamba sa iba pa sa kanya? Ano sa tingin ninyo ang gagawin Niya sa inyo?"
Kaya tumingin si Abraham nang isang tingin sa mga bituin, habang nagpapanukala ng isang pakana para sa pagwawaksi ng paglabas kasama sa mga kababayan niya,
saka nagsabi habang nagdadahilan ng paglabas kasama sa mga kababayan niya patungo sa pagdiriwang nila: "Tunay na ako ay may karamdaman."
Kaya iniwan nila siya sa likuran nila at umalis sila.
37:91Page 449
فَرَاغَ إِلَىٰٓ ءَالِهَتِهِمۡ فَقَالَ أَلَا تَأۡكُلُونَ ٩١
Then he turned to their gods and said, "Do you not eat?1
Kaya bumaling siya sa mga diyos nila na sinasamba nila bukod pa kay Allāh saka nagsabi habang nanunuya sa mga diyos nila: "Hindi ba kayo kumakain mula sa pagkain na ginagawa ng mga tagapagtambal para sa inyo?
Ano ang lagay ninyo na hindi kayo nagsasalita at hindi kayo sumasagot sa nagtatanong sa inyo? Ang tulad ba nito ay sinasamba bukod pa kay Allāh?"
37:93Page 449
فَرَاغَ عَلَيۡهِمۡ ضَرۡبَۢا بِٱلۡيَمِينِ ٩٣
And he turned upon them a blow with [his] right hand.
Kaya bumaling laban sa kanila si Abraham, na humahampas sa kanila ng kanang kamay niya upang basagin sila.
37:94Page 449
فَأَقۡبَلُوٓاْ إِلَيۡهِ يَزِفُّونَ ٩٤
Then they [i.e., the people] came toward him, hastening.
Kaya lumapit patungo sa kanya ang mga mananamba ng mga anitong ito, na nagmamabilis.
37:95Page 449
قَالَ أَتَعۡبُدُونَ مَا تَنۡحِتُونَ ٩٥
He said, "Do you worship that which you [yourselves] carve,
Kaya humarap sa kanila si Abraham nang may katatagan at nagsabi sa kanila habang naninisi sa kanila: "Sumasamba ba kayo bukod pa kay Allāh sa mga diyos na kayo ang lumilok sa pamamagitan ng mga kamay ninyo
37:96Page 449
وَٱللَّهُ خَلَقَكُمۡ وَمَا تَعۡمَلُونَ ٩٦
While Allāh created you and that which you do?"
samantalang si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay lumikha sa inyo mismo at lumikha sa gawa ninyo, na kabilang sa gawa ninyo ay itong mga anito, kaya Siya ay ang karapat-dapat na sambahin lamang at hindi Siya tambalan ng iba pa sa Kanya?"
Text: Quranic Universal Library (Tarteel), via spa5k/tafsir_api (MIT), at a fixed version. The ayahs: Quran Foundation. Sources and licences